20.10.09

Clausthrophobia


Sometimes you have to put walls around you; not to keep people out, but to see who cares enough to break them down just to be with you.

Minsan nakakatuwang magbalik-tanaw sa mga bagay-bagay na nangyari sa buhay mo / ko. Parang nakakainis na nakakatuwa yung pakiramdam. Nakakainis dahil may mga bagay na hindi ka nagawa, pero sa isang banda- nakakatuwa din maalala na may mga bagay kang nagawa na hindi mo dapat ginawa pero pinili mong gawin - na ikinabuti naman ng lahat.

Sabi nga nila, mas mabuting masaktan ka- atleast may mga bagay kang natutuhan. Kung halimbawang nadapa ka, isipin mong ok lang yun. Kase pag tagal ng panahon, at nakita mo yung naiwan na peklat sa tuhod mo, maaalala mo kung gaano ka katanga maaalala mo yung pinagdaanan mo, lahat ng natutuhan mo, lahat ng hirap, pagod, pasakit at kung anu-ano pang katangahan mga bagay na ginawa mo sa buhay mo.

-------------->
xyz: Ei, musta na?
ako: anung pakielam mo?
xyz: suplada naman, komo't nkapag-abroad ka ganyan ka na...
ako: excuse me Mr. user-friendly?

------------->
Siguro nga nagbago ang mga pananaw ko simula ng mawala sa landas ko ang kagaya ni Mr. User-friendly. Nagbago ang tingin ko sa mga bagay-bagay. Nagkaroon ako ng mas malalim na paniniwala ukol sa mga bagay na dati ay iniisantabi ko lang. At higit sa lahat, isa sa mga bagay na natutuhan ko ay:

Ang mahalin muna ang sarili ko bago ako magmahal ng ibang tao

5 comments:

2ngaw said...

Di ako maka relate, o wala lang sa isip ko ngayon ang pagmamahal...ewan! sana bukas meron na uli pra maka relate na ako :D

EǝʞsuǝJ said...

aba si pare may bangs ohh...
(emo mode?)

hehehe...
hindi nawawala ang pagmamahal pare...its ebriwer :)

JΣšï said...

clausthrophobia --- akala ko may phobia kay santa claus! hahaha!!

emo ka ba jen? wala lang...hehehe...

Kosa said...

HAHAH
Sa palitan nyo ng message,
parang lumalabas na bitter ka pa rin..

dapat super-friendly ka pa rin..lols

o di naman kaya,

wag na pansinin.

hehe

gillboard said...

hinahanap ko yung claustrophobia sa post... yung walls pala... para ibreak ng taong tatanggap sa'yo...

sorry medyo slow...

ang ganda ng quote... nakakapangiti.