31.10.09

Para Sa'yo

Nagsimula ang lahat sa tuksuhan....

May nagsabing: You look good together. Nagkibit balikat lang ako at umayrowl (eyeroll).

Meron pang ibang nagsabing, Boyfriend mo? magkahawig kayo--nakita ko ang palihim na ngiti mo nung mga panahong yun, pero pinili ko pa ding manahimik at wag makielam.

Takot kase akong ihakbang paharap ang mga paa ko. Takot akong i-entertain ang pagmamahal na meron ako para sa'yo. Takot akong mahalin ka at masasaktan ka lang dahil sa pabago-bago kong anyo pag-uugali. Takot akong magsama ng isa pang tao sa munting mundong ginagalawan ko.

Mahirap na. Baka mali na naman. Masasaktan lang ako. Masasaktan ka lang. Ayoko na. Baka isa ka lang tanso na nagpapanggap na ginto.

Pero..mas natakot akong harapin yung araw na hindi na kita tuluyang makita.
Yung araw na, hindi na kita makakausap at makukulit.
Yung araw na hindi ko makikita sa mga mata mo ang kasiyahan.
yung araw na....lumayo ka na ng tuluyan sa akin......

Kaya naglakas-loob ako upang tanungin ka. Matagal na araw mo din akong pinahirapan. Nilito mo ko sa mga magulo mong pahayag. Gusto ko nang isipin na assuming lang ako, na baka nga PAKIRAMDAM at PANINIWALA ko lang yun. Hanggang sa mapagtanto ko, nadulas ka nga pala sa isang post sa blogosperyo! *wink

And the rest was history..........^_^

Matagal na mga araw, segundo at minuto na din ang lumipas. Ilang okasyon na din ang nalampasan naten. Masaya ko na patuloy tayong masaya at nagmamahalan sa munti nating relasyon *blasssss*

At dahil hindi ka naman nagba-blog ngayon, hindi mo ko mabibintangan na korni ^_^

-------->
Feeling mushy today after the good walk and talk yesterday with Mr. Tertel :)




6 comments:

Trainer Y said...

kailangan ko ba talagang magcomment dito? (eyeroll ng chubra)
sige na nga.. set aside muna si mareng bitterness..

im sooo happy para sa inyong dalawa.. alam nyong sobrang natuwa talaga nung nalaman ko na kayo na pala..
naisip ko nun nung nalaman ko un.. buti naman! buti naman! nagbunga ang pagihirap ko! hahahaha di ko man nakita ng sarili kong mga mata ang fruits of my labor hahahaha at least... hehehe
nagsimula ang lahat sa.. MY HOME..... kung san tayo lumantak.. tayong tatlo nila tertel mo.. kung san nabuo sa lente ng (ano bang tanga.log ng camera?) camera ang larawan nyong dalawa... (kung san naisip ko na ***sings perfect combination*** )
hanggang sa matpaos ang gabing un at nagkausap kami ng isang kasabwat.. from there, naisipan namin....




and then....

hahahaha...
tama na nga..
baka dumanak ang dugo ..................... ko dito... hahaha


basta, alam mo na masaya ako para sa inyong dalawa.. lalo for you... im glad youre happy with him..
wala na ko masabi.. ang dami ko nang nginakngak eh.. hehehehe
amisyu and yur tertel bakla...
keep the fire burning! (naks)

EǝʞsuǝJ said...

*Yanah

this is ol yer fault!
kung hindi mo ko hinatak...
na pumunta dun...
malamang sa malamang eh kayo ni tertel ngayon...

nyahahahaha....

textmates, chatmates at kolmates nga kayo dati diba?
bwahahahaha...

kaya lang..
wattudu...

^_____^

sino yung kasabwat mo?
:P

may camping ba?
bakit keep the FIRE burning?
=))

2ngaw said...

Hehehe :D Buti na lang pala at hindi Para sa'yo ang title ng aking latest entry pag nagkataon parehas tayo ng taytol pati ng tema lolzz

Sana nga mare maging mas masaya pa kayo at tumagal pa, wag lang kalimutan ang trust sa isat isa ha? napakahalaga nun...

EǝʞsuǝJ said...

*CM
pare anuberr..
hahahaha...
mabuti na lang at sa december pa (ata) ang anibersaryo namin nitong blog ko...^_^

SANA nga pare eh tumagal pa ng many many many many months, days and years...
:)

At tama ka..napakahalaga ng pagtitiwala sa isang relasyon :)

salamat!

PaJAY said...

ano n nman to mare?? anibersaryo nyo na ba??ang mushy lang!!!kakainggit..lols

napadaan lang mare...

Ken said...

hehehe, cute, pero dahil bagong balik ako, nagandahan ako sa header, at sa new theme. Bakit ang bago ng mga damit ngayon ng maraming blogs? hehe, cute siya!

Jen, sali ka sa LINK love ng Thoughtskoto ha. Raffle.