
Iba't ibang direksyon ang pinatutunguhan ng buhay natin. Pwede kang mag u-turn, left turn, right turn, move forward, move backwards, at dito sa UAE, mag round-about.
Ikaw ang in-charge sa pagpapatakbo ng sasakyan ng buhay mo. Kaya kapag handa ka na para sa isang masaya, magulo, nakakaiyak at nakakatawang byahe - Kailangan eh full tank ang pag-iisip mo at nasa kondisyon ang emosyonal na aspeto ng buhay mo, para makamit mo kung anuman yung bagay na pinapangarap mo.
Isang taon at mahigit na din ang lumipas simula ng magdesisyon akong paandarin ang sarili kong sasakyan. Aminado ako na hindi ako handa - wala sa kondisyon ang puso ko, walang kasiguraduhan ang daan na gusto kong tahakin- walang dumadaan, traffic at madaming mga maalinsangang bagay na nakaharang sa gitna ng daan.
Kaya nag u-turn ako; Pabalik sa lugar na kinasanayan ko. Ang aking
comfort zone. Ilang buwan din ang inilagi ko sa sa lugar na iyon. Ang lugar kung saan puno ng pagmamahal, pagpapahalaga at paghanga. Masarap at masaya tumigil sa lugar na yun. Ngunit, napagtanto ko na wala din akong matututuhan kung titigil ako habambuhay sa lugar na iyon. Dinasal ko kay Papa God na gabayan nya ko sa pagtahak kong muli sa masalimuot na landas ng buhay, at hindi nya ko binigo.
Matapos ang ilang taon - narito ako at matatag na nakikipagsapalaran sa iba't ibang traffic at congestion ng buhay. Ilang beses ko nang ninais na magshort-cut at magleft o right turn. Ngunit, mas pinili kong tahakin ang mahaba at nakakayamot na daan. Kung saan masikip at kakaunti lamang ang nagtyatyaga. Kung saan kailangan mong pigilan ang iyong emosyon upang maging matatag sa pagsuong sa mga pagsubok ng buhay. Kung saan kailangan mong mabigo upang magtagumpay. Kung saan kailangan mong maging malungkot upang maging masaya. Kung saan - kailangan mong lumayo, para maging malaya.....
If all else fails
Would you be brave to love me?
If all else fails
would you be brave
To see right through me......