Iba't ibang direksyon ang pinatutunguhan ng buhay natin. Pwede kang mag u-turn, left turn, right turn, move forward, move backwards, at dito sa UAE, mag round-about.
Ikaw ang in-charge sa pagpapatakbo ng sasakyan ng buhay mo. Kaya kapag handa ka na para sa isang masaya, magulo, nakakaiyak at nakakatawang byahe - Kailangan eh full tank ang pag-iisip mo at nasa kondisyon ang emosyonal na aspeto ng buhay mo, para makamit mo kung anuman yung bagay na pinapangarap mo.
Isang taon at mahigit na din ang lumipas simula ng magdesisyon akong paandarin ang sarili kong sasakyan. Aminado ako na hindi ako handa - wala sa kondisyon ang puso ko, walang kasiguraduhan ang daan na gusto kong tahakin- walang dumadaan, traffic at madaming mga maalinsangang bagay na nakaharang sa gitna ng daan.
Kaya nag u-turn ako; Pabalik sa lugar na kinasanayan ko. Ang aking comfort zone. Ilang buwan din ang inilagi ko sa sa lugar na iyon. Ang lugar kung saan puno ng pagmamahal, pagpapahalaga at paghanga. Masarap at masaya tumigil sa lugar na yun. Ngunit, napagtanto ko na wala din akong matututuhan kung titigil ako habambuhay sa lugar na iyon. Dinasal ko kay Papa God na gabayan nya ko sa pagtahak kong muli sa masalimuot na landas ng buhay, at hindi nya ko binigo.
Matapos ang ilang taon - narito ako at matatag na nakikipagsapalaran sa iba't ibang traffic at congestion ng buhay. Ilang beses ko nang ninais na magshort-cut at magleft o right turn. Ngunit, mas pinili kong tahakin ang mahaba at nakakayamot na daan. Kung saan masikip at kakaunti lamang ang nagtyatyaga. Kung saan kailangan mong pigilan ang iyong emosyon upang maging matatag sa pagsuong sa mga pagsubok ng buhay. Kung saan kailangan mong mabigo upang magtagumpay. Kung saan kailangan mong maging malungkot upang maging masaya. Kung saan - kailangan mong lumayo, para maging malaya.....
If all else fails
Would you be brave to love me?
If all else fails
would you be brave
To see right through me......
16 comments:
... hmm... para naman saken... i wanna stop drivin' my own life... i wanna let go d' wheel to God.. pero a lot of times nakikipag-agawan akoh sa steering wheel... sometimes i'd rather drive than Him... kaya lots of time naliligaw akoh... kc nagfefeeling akoh na alam koh ang pupuntahan koh... kahit may navigator akoh.. minsan naglolocoh ren... nde koh totally maasahan... i should juz let Him drive... so i won't be needin' any navigator.. all I have to do is relax, enjoy d' scenery... enjoy d' journey.. hanggang makarating sa destination... parang seryoso nang komentz koh noh?.. seryoso den post moh eh... wehe... at least hanga akoh sau.. nde madali ang tinahak mong landas... basta juz always let Him guide you and you'll be fine... Godbless! -di
haha.. sana ren nag-make sense sinabi koh... haha.. ingatz lagi sis jenn... *hugz*... sabi nga ni marco paolo.. instead na isang minutong smile.. eh isang oras na smile.. haha.. kaya moh yon?.. lolz.. have a nice day! Godbless! -di
naks...lalim nito Jen ah... may nagsabi nga sakin wag daw hayaang mamiss mo yong mga bagay dapat maranasan mo sa buhay; masaya man o malungkot, nakakaiyak man o nakakatawa at least naranasan mo yon... yon daw kasi ang magpapatibay sa ating bilang individual. :)
i'm wondering kung saan mo nakukuha yang ganyang emosyon?
unfathomable...
mahirap sisirin. dahil galing yata sa pinakamalalim na luklukan ng iyong diwa! (aw!)
pero anu't ano pa man... may tama ka!!!
naks mare ang lalim nito ah...
mahirap lang kung sa daan na tinahak natin nakakaencounter tayo minsan ng dead end, whoaaah ang hirap magpaatras ng sasakyan, walang choice kundi bumalik sa dating daan kung kelan enjoy na enjoy mo na ang pagdadrive sa kalye na yun...
anu daw? hehe
pamatay ang mga huling salita ahhh.
saan mo ninakaw yan at makapagnakaw rin!
hahaha
************
(parang maluhaluha ka sa imagination ko habang ginagawa mo ang post na to)
ok lang yan!
nakakayamot ba?
eh di sumama ka sa Byaheng baku-baku!
hahaha
*DHI
hahaha...
ewan ko
nalilito ko eh
may mga bagay lang na mejo nakakawindang talaga.
pilit kang hahatakin pabalik kahit gusto mo nang umusad ng pasulong...
^_^
I'm fine don't worry...
heheheh...
*MARCO
wala naman akong nire-regret
PERO madami pa kong gustong gawin sa buhay ko...
minsan siguro dumadating lang tayo sa point na MAs nakikita ntin yung mga kulang..kesa sa mga bagay na meron tayo..
^_^
*DETH
hahaha...
tama...
mahirap magsuffer sa mga consequences na kasama ng mga pinili nating choices sa buhay...
pero we dont have any other choice
but to deal with it
^_^
*KOSA
itanong mo kay Kitchie Nadal..
alam nya yang last line na yan..
:P
wag kang magulo..
momentum ko toh..
hahahah....
libre ba pamasahe sa byaheng baku-baku?
:P
adik!
yun na ba yun?
Pwede ba mag u-turn? sinubukan ko pero hindi na katulad ng dati yung nadaanan ko :-(
The road to success is a long and seems endless. There are humps that tell us to slow down once in a while, a curve where you'll meet new friends and the crossroads where you are given a chance to decide which turn as a new challenge in life. Either you take a left or right turn, it will only lead you to the same main road of life. U-turn? I guess there is no chance for a U-turn, you cannot dwell on the past and there is no auto-rewind.
So go-go-go girl, cheer up and continue moving in a straight path.
*TERTEL
anung yun na ba yun?
hahaha
yun bang ano?
yung yung yung?.....
ahhh...
^_^
*CM
emo ka pare?
(abot ng eye liner)
hahahah
direcho ka na lang ng daan pre
wag na mag-u turn
its dangerous to your health..
hahahah...
*THE POPE
tama ka jan kuya George...
I've made up my mind na din po,
I'll continue living the normal way...
Moving forward..
and Not BACKWARDS...
:)
Hindi talaga maiiwasan ang crossroads sisturr. Minsan iisipin mo, teka- is this what I really want?
Whichever path you take, you learn something from walking that path. Ask yourself this, at this point what do you stand to lose?
Etisalat or Du???
Hi, first time dropping by here.
I did think about the life directions that you have mentioned, including the roundabouts that we have here in UAE :)( nasa Al Ain ako).Parang roundabout ang buhay, pwedeng paikot ikot, pwedeng papunta sa yamin, sa yasar or dawar sida:). Yan ang pagkakaiba nya sa gulong ng palad lol, sa gulong ng palad kasi paikot ikot lang, walang derecho.
Allow me to bow silently in respect of your being and of your writing.
*JAYCEE
salamat sa pagdaan sisturr
Mas gusto ko ang Etisalat
mahina kase ang signal ng DU...
^_^
*Misalyn
Hehehe...
small world ahh
dito naman ako sa Sharjah...
^_^
salamat po sa pagdaan,
i hope this post had served its purpose..
Post a Comment