25.11.09

Kahon


Anim na taon.

Madami nang nangyari. Madami nang nagbago. Madami nang mga nasabi. Madami na ring kung sinu-sinong dumating at umalis sa kanya-kanyang mga buhay natin. Ewan ko kung apektado talaga ako. Hindi ko alam kung apektado ka din ba. Hindi ko alam kung bakit naguguluhan ako ng ganito kung wala lang ang lahat.

Anim na taon. Matagal na panahon.

Anim na taon. Anim na taon na tuluyan nang dapat itapon. Hayaan mong ilagay ko ito sa loob ng munting kahon. Babalutan ko ng masking tape at igu-glue ang apat na sulok nito. Sa loob nito ay ilalagay ko ang mga alaala mo. Itatago ko doon ang mga larawan mong iningatan ko, ang mga walang kwentang sulat mo. Ang mga nakakatawang pambato-linya mo. Ang alaala ng musmos at payak na pagmamahalan natin. Ang lahat ng tungkol sa atin.

Ikaw at ang pagkakaugnay ng buhay natin.
Ngayon, ay laman na lamang ng munting kahon.

12 comments:

2ngaw said...

Kung ako sayo, tapon mo sa dagat..baka kasi mamaya nyan, buksan mo uli eh lolzz

an_indecent_mind said...

awwwttsss.. inlababo?

wag itapon! sayang naman! malay mo?

LOL

Dhianz said...

... i learned na maraming taong dumadating sa buhay naten na pansamantala lamang... they were just there for a season.. not permanent... few people lang tlgah ang meant to stay w/ us forever... like our family, your future husband, kids... and few friends.. and d' rest are juz passin' by in our lives... dumating lang silah sa buhay naten for a purpose.. when that's purpose is over... they are meant to leave.. and we are meant to let them go... we shouldn't hold on to them too long... because someone new is meant to come along... =) naks... seryoso atah akoh.. lolz.. ingatz sis Jenn! =) Godbless! -di

eMPi said...

wag itapon.... itago mo lang... malay mo balang araw pag nakita mo ang mga bagay na yan... mapapangiti ka sa mga magagandang alaala. :)

saul krisna said...

wag!!!!! wag mong itapon kasi naging ikaw dahil sa past memories... hirap iexplain... parang "you wouldn't be you" if hindi mo sila nakilala...

sayang kasi.... itago mo na lang as a reminder....

JTG (Misalyn) said...

Agree ako kay Dhianz.Saka everything happens for a reason talaga. Madalas ang reason ay mas napapabuti tayo.

I'd like to suggest na you should keep the box.....darating ang araw, sure na muli mong bubuksan yan. Two things might happen:

1. You will smile habang inaalala mo ang memories na dala ng mga laman ng kahon kapag totally naka move on ka na or

2. You will cry and will start to ask yourself of unending what if .

Maaaring mali ang aking assumptions sa maaaring mangyari....just sharing my piece of thought.

Eid Mubarak in lieu of Eid Al Adha celebration.

Kosa said...

para mawala na ng tuluyan eh ipatago mo kay Pogi!
hehehe..

emo-emohan?
taena... hindi bagay!
lols

cool ka lang!
past is past!

isipin mong Tumatanda ka na.

EǝʞsuǝJ said...

*CM
hmmm
sunugin na lang kaya?
heheheeh

*AIM
hmmm
inlab?
pwede!
heheheheh

nakakapagod na umase eh..
waaaaaaaaaaaa....

*DHI
ahahahah
oo nga...
taken from the book
"For one more day"
ba ito?
^_^

salamat sa advice!

EǝʞsuǝJ said...

*MARCO
heheeheh
ibaon ko kaya sa lupa?
(kwentong sassy girl?)
^_^
tapos sabay namin buksan after ulit ng anim pang taon...
waaaaaaaaa

*SAUL
heheheh
tama na mali
^_^

basta basta...
:)

EǝʞsuǝJ said...

*MISALYN
heheheh
salamat po ate
but Iknow that evrything happens for a reason talaga...

salamat po sa suggestions, it helped alot :)

*KOSA
hahahaha

adik ka
inggit ka na naman?

im kewl
alam mo yan...
nyahahahah

kung tumatanda ako
MAS tumatanda ka na
:P
yallah, bangon at kumilos ka na
hahahahah

poging (ilo)CANO said...

mwag mong itapon ang kahon sayang. may gamit pa yan. lalagyan ng isda.wahaha

=supergulaman= said...

emo? emongoloid... ahhehehe..juks... ok lng na itapon ang kahon...ang laman na lng ang itago... :D