9.11.09

Magellan

Sabi kase dun sa nabasa ko dati - nakadugtong ang buhay natin sa mga tao sa paligid natin. May mga nilikha para saktan ka at may nilikha din para saktan mo. May nilikha para pasayahin ka at may nilikha din naman para pasayahin mo. May kailangan kang isakripisyo para sa ibang tao, at may magsasakripisyo din naman para sayo.

Tama lang na napatunayan ni Magellan na bilog ang mundo.

Hindi tayo palaging nasa ilalim, may mga pagkakataon din na iikot ang mundo at matutupad kung ano ang itinadhana ni Papa God para sayo.

Na natural ang turning points sa buhay ng isang tao.

Na hindi masama ang maging martir kung minsan.

Na hindi pagiging duwag ang pagtatatwa ng katotohanan kung alam mo namang mababawasan mo ang sakit na pwedeng idulot ng katotohanan sa taong sasabihan mo nito.

Na MAS buo at katanggap tanggap ang tagumpay pag may kasama ka na magselebreyt nito.

Na MAS masarap tumulong kapag taos sa puso mo ito. Na MAS masaya mabuhay kung alam mo ang kahalagahan ng bawat isang bagay na meron at wala ka.

Na MAS masarap mabuhay pag alam mo ang mga limitasyon at hangganan ng pwede mong gawin sa buhay mo.

Na MAS masarap mabigo (kung minsan) upang MAS maging buo ang loob mo sa pagtanggap ng tagumpay.

Na ok lang maligaw ng landas, dahil may tutulong sayo upang makita ang tama at tuwid na daan.

At higit sa lahat, ayus lang madapa at bumangon. Dahil sa pagkadapa ay matututuhan mo ang kahalagahan ng pagkakamali at magkakaroon ka ng pagkakataon na baguhin ito.

19 comments:

gillboard said...

ang husay... napahanga mo ako jenskee... ni minsan di ko naisip yan... amen ako dito sa post na ito!!!

2ngaw said...

Yun nga lang, sana madali lang tanggapin ang lahat, kabiguan man o tagumpay...

EǝʞsuǝJ said...

*GILLBOARD
salamat pre!
:)
mas matino talaga ko gumawa ng post pag wala ako sa katinuan..
(thinking)

hehehehe....

*CM
Depende yan sa tao pre
mas ok siguro if iisipin mo na pag ndi ka nag-succeed sa isang bagay, better things will come your way :)

A-Z-3-L said...

eto ang site na walang kasawa-sawang magpalit ng template! lolz!

ayus lang un... atleast MAS nakikita mo kung ano ang MAS maganda.

ganon ang buhay.. kelangan mong maranasan ang mga negatives para MAS masarap i-savor ang fulfillment at achievement sa buhay!

scenario 1:
kung di mo ba naranasang maging mahirap, pag yumaman ka ba, hindi ka ba magtitipid?

syempre, MAS ayaw mo ng bumalik sa hirap kaya magpupursige ka, magiipon... dahil minssan naranasan mo pano maging dukha!

scenario 2:
kung di ka ba nagkamali sa monthly exam noon, matatandaan mo bang ang VELOCITY is equals to DISTANCE over TIME?

sa periodical exam, alam na alam mo na yan sigurado!

magandang entry! tama si gillboard. :)

=supergulaman= said...

aha! ang galing...parang sa battle between good and evil, positive vs. nagative...battle of extremes ika nga... na hindi pwedeng alisin ang isa...dahil kung baga sa math complementary angles sila, para maging perfect angle...

ibig sabihin kailangan talaga ang masasamang nilalang sa mundo tulad ko...bwahahaha!

minsan mas madaling ilarawan ang magaganda at masasayang pangyayari sa buhay kung nasanay ka na sa masasama at malulungkot pagkakataon... :)

The Pope said...

I love your post, never lose hope... when you find that the water is at its ebb, don't leave, it will take sometime but not very long and you'll be surprised that the water will be rushing back to shore.

Life is Beautiful, stop for a while and smell the flowers.

God bless.

EǝʞsuǝJ said...

*AZEL
hahaha
hangga't may template, magpapalit ako!
^_^

tama ang mga scenario mo....

salamat at nagkaron ulit ng matinong post..nyahahaha.....

*SUPERGULAMAN
korek...
kapag walang bad..walang good
hindi mabubuo si superman kung walang lex luthor...

^_^ essential sa buhay ng tao ang changes, differences and complexities...pra mas maging matatag sya sa buhay nya..

tama ka jan pare!
mas may matututuhan ka kase sa mga malungkot at madilim na karanasan kesa sa kasiyahan!

*THEPOPE
tama po...
kasing halaga ng LOVE ang HOPE
(on my point of view)
there comes a time na nawawala kase ang LOVE and HOPE will always be there...



Godbless you too kuya...

Dhianz said...

nde koh alam kung parehong entry ang binasa namen ni kuya Gilbert aka gillboard... ahehhe... parang nde koh naintindihan binasa koh... ahaha.... nabasa koh bilog ang mundo... pinatunayan ni magellan... ahahha.... papaka-funny akoh eh noh....

teka... emo emo moh atah lately ah... pa-(cozy) nga... gumagaya ka saken ah... ahehe... teka.. ang dme kong tanong at gustong sabihin kaya nde koh naintindihan ang binabasa koh kc i can't wait to komentz... hmm...

first... teka.. sabi moh 2 yrs. ka na lang dyan... aasawa kah nah???? ahahah... uuwi ka na nang pinas jenn?... for good?... hmmm.... parang nalungkot akoh... ahahah... kc feeling koh kapag umuwi na kayo eh mas bz na buhay nyo don at dehinz na ren kayo ganogn magblo-blog?... haha.. ewan koh...

2nd... natapos koh na ang traveller's wife book!.. ahalab it!.. yeah medyo kaiyak yung last part... nde naman tlgang iyak na tulo ang uhog koh pero naiyak akoh... lab it... dme nga lang mahalay na part... ahahah.... but nagustuhan koh naman... ahehe... sana magsulat uletz sya nang book... buhay naman ni alba de tamble... pero kalungkot noh... pero kaaliw basahin... i had to go back and forth to look at d' dates para maintindihan koh... alam koh may question akoh eh.. nalimutanz koh nah... tatanong koh sau laterz pag naalala koh... eniweiz... basta 'un.. ahlab da book....

ahh yon... regarding 'ur entry... nabasa moh bah yung movie na benjamin button i think ang title nang movie... i like diz one part sa movie na every little thing is connected... bawat small decision na ginagawa naten eh konekted..gaya na lang nang paggising nang late sa umaga... or minsan nde naten narinig alarmed naten kaya nde tayo nagising on time... naisipan naten na dumaan muna sa starbucks bago bumili nang kape.... eniweiz...basta yon... everythin' are meant to happen... and things definitely happens for reason... i guess para lang yang puzzles... kelangan moh ikabit kabit bago moh makitah ang kabuusan.... God has a wonderful plan for all of us... sometimes things happen pero that thing be good or bad eh may dahilan... maybe itz God's way of gettin' you to d' wonderful plan that He has for you... so unz... teka.. dapat sinasabi koh ren yan saken... aheheh... dmeng sinabi sana nag-make sense pah.... ingatz lagi... *hugz*... Godbless! -di

Dhianz said...

oh i meant kung napanood moh nah... nde nabasa... hahaha... so 'unz... laterz =)

Dhianz said...

teka.. isa pagn komentz.. sensya nah.. feeling koh buhol buhol na lang yung sinabi koh... i tried to reread it pero parang hanggulo lang nang sinabi koh... juz make sense na lang out of it... wehe.. laterz =)

EǝʞsuǝJ said...

*DHI
natawa naman ako...
binasa mo ba yung entry?
o baka naman tumambay ka lang sa sofa sa ibaba? hahahah

*2 yrs left with my work's contract..
^_^ yun yun...
getting married within 2 yrs time?
we'll see..
no need to rush with things Dhi...
lifetime commitment yun, hindi basta basta ang pagdedecide..=)

*good to know na na-enjoy mo yung book. Actually the book will be boring if wala yung mga part na medyo explicit. ^_^ But i love the story although fictional lang sya. I get to wonder how it feels to be "The time traveller's wife" sobrang hirap siguro nun.

*Bout the post...wala akong msabi..
heheheeh....
things around us are interrelated to one another. Pag may namatay, may ipinapanganak naman. So that's just a part of life's ironies. ^_^

EǝʞsuǝJ said...

*DHI
Hindi ko pa napapanood un.
Sino ba bida dun?
heheheeh..
mga movies na pinapanood ko kase revolves around Action/ Suspense / Comedy / Romantic Comedy / and Sci-fi...
I'll try to watch it pag nakahanap ng pirated copy..heheheh

Dhianz said...

i like how you explain things jenn.... kc sometimes when i explain it.. kahit may point akoh eh parang dehinz koh maexplain nang ayos... tsk... haha... oh yeah korek.. tumambay lang akoh sa sofa sa baba... haha... well... kahit anoh mangyari eh i'm glad na may nakilala akong isang jenn at batman... naks naman... ahaha... antokz nah... alis na akoh dumaan lang saglit... laterz.. Godbless! -di

AL Kapawn said...

Aba! ang galeng... napahanga mo ako sa lahat ng sinabi mo.. lahat yan ay totoo... siguro mas una akong ipinanganak sau pero mas mature ang pag iisip mo..

salamat d2... sensiya na Tanga kasi ako.. he he he

PaJAY said...

VERY WELL SAID!!


parang nasa simbahan lang eh...nag sesermon ang madre...heheh

dami kong natutunan dito ah...actually mare alam ko na dati pa.medyo napaalala mo lang ulit ngayon...leche ka!!emo tuloy ako bigla..hahaha

PaJAY said...

@DEE: Okay ka lang ba?..hahahaha...ONGHOBOOO NONG COMMONT MOO>>>hahahaha

Anonymous said...

Who knows where to download XRumer 5.0 Palladium?
Help, please. All recommend this program to effectively advertise on the Internet, this is the best program!

EǝʞsuǝJ said...

*DHI
hahaha...
meganung factor pa mare?

eniweiz...ganun tlga..life's realities lang siguro..
>:D< nyt nyt...

*ALKAPON
hahahaha
walang taong tanga pare...
meron lang nagtatanga-tangahan...

^_^
its your choice kung alin sa dalawa ka mag-i-stick ng paniniwala...

ngayon lang ako nagka-sense actually...
walang laman ang utak ko kundi kung anu-anong bagay..
ahahah

EǝʞsuǝJ said...

*PAJAY
hahahah...

so 100% ang grade ko sa recitation?
mahirap tandaan yang mga yan pare?

It took me two days para mabuo yang post na yan!
nyahahah...

salamat naman at may natutunan kayo kahit papano..lol

*ANONYMOUS
Thanks for passing by...
Try to look up in google or Ask.com to find that software that you're looking for...^_^