2.11.09

Ehem!

Ang mga bagay na kinaiinisan mo ay ang parehong bagay na kinaiinisan ng ibang tao sa'yo


Nakakatawa di ba? Mapapailing ka pa habang iniisip mo kung totoo nga ba yang kasabihan na yan, o purong kalokohan lang. Ewan. Hindi naman siguro - baka, Depende sa tao yan. Ilan lang yan sa mga sagot na pwede nilang isagot sayo.

Pero kung ako ang tatanungin - OO totoo yan. 101% na totoo yang kasabihang yan. Pero, isa din sa dahilan kung bakit ka naiinis sa mga kinaiinisan mong bagay sa kinaiinisan mo eh dahil hindi mo magawa ang mga bagay na nagagawa nya. Sapagkat isa o sampu iyon sa mga bagay na hindi mo magawa sa buhay mo - sa hindi mo maipaliwanag na dahilan. Na kahit tanungin mo pa ang nanay at tatay mo eh iisa lang ang isasagot nila sayo... isang malutong at nakakainis na HINDI!

*mapapakamot ka na lang ng batok mo na parang merong malaking kuto dun at magwo-walk out

Parang sa trabaho lang din. Parang sa sosyal na lipunan lang din. Parang sa hauslayf lang din. Pwede rin minsan sa lablayp. Nyahahah. *wink

Naiinis ka dahil:
  • Petiks ang mga kasama mo sa trabaho.
  • Telebabad sa telepono ang isang opismeyt mo.
  • Panay ang pagpe-FACEBOOK ng isang ka-opismeyt mo
  • Umiistayl ng tulog sa conference room ang boss mo.
  • May katangahang taglay ang mga nakakausap mo sa telepono dahil papunta ng EDSA yung pinapaliwanag mo, sila naman eh nasa may boundary palang ng Cavite at Las Piñas.
  • Insensitive yung kausap mo.
  • Nakakaantok yung kausap mo.
Sa isang banda, naisip mo na ba ang naiisip ko?..

---------->
Kausap ko lang ulit sarili ko..^_^

3 comments:

Dhianz said...

aliw kah tlgah sa earth... sabi nga nilah ang magnanankaw eh galit sa kapwa magnanakaw... anong koneksyon non?... ikonek moh na lang sis jenn... and yeah... alam moh bah... watz so funny... ayon sa pyschology book eh ang pulubi eh dehinz naiingit sa isang milyornaryo... guess san silah inggit.. sa kapwa nilang pulubi na merong little bit more than they have... make sense bah?... ahehe... 'un lang...

ang mushy nang isang post moh... hangswit.. kainggit... laterz... Godbless! -di

pa-haller na lang kay turtle moh.. parang bzng bz sa life nyah ah =)

A-Z-3-L said...

daming rants....

kape..kape.... lolz!

Superjaid said...

wahaha ganun talaga sis..hehehe wala na akong masabi..kundi ganun talaga..^__^