31.1.09

Balentayns diy



Ahai..Love is in the air....

Mabuti pa si Biiba nakapag-momentum na kagabi while having dinner with the most missed friday group. (deadma sa wrong gramming..:D). Ahai. Kasabay ng paghupa ng winter ay ang mga bagay-bagay na ikinalulungkot ko sa buhay. Iyon ay ang pagiging singgol. Nakakainis. May mga nakikita nga ako,sa may tabi-tabi. Hindi naman mga kagandahan, pero may fafa. Eh samantalang ako, may fafa nga pero iba naman ang mama. nyahaha. Nung kelan nga at nagkukwentuhan kami ni Biiba while eating in that Chinese resto, tamang pagka-bitter na naman ako sa mga bagay-bagay. Medyo naging slow tuloy ako kahit na bumanat na sya ng isang maling kwento. Ckreto yun, hindi namin pwedeng ipaalam na tinawag niya siKosa na isang "space giver" instead of care giver. Sensya na hindi kasi natutulog si Biiba.(bawi ka na lang next time biiba!haha!). Ako eh nakatunganga pa din sa paligid-ligid. Ikaw ba naman ang mag-stay sa lugar na to. Kainis, mga taong makikita mo sa daan, hindi mo malaman kung ilang taon ung lumipas bago pa ulit maliligo (eew). May lalapit nga sayo at makikipagmabutihan (ma-"bote"-han). Muka naman nang tatay ko. Kakainis. May party pa silang ioorganize para sa araw na yun. Kung dineclare na lang ba nilang holiday yun? Edi sana natulog na lang ako maghapon sa bahay. Mas nag-enjoy pa sana ko. Hahaha!

May kilala ba kayo jan kahit bf for a day lang? ahihihi...

26.1.09

College days

-una sa lahat, pakipatay muna ang munti kong jukebox sa gilid dahil magtutunog tyangge ang page.:D

Habang nanonood ako ng tv kahapon pagkauwi ko galing sa aking tinatrabaho este trabaho pala, napadaan ako sa isang myusik isteysyon. Nakita kong nakasulat sa itaas ang taytol na Infocus- Chris Brownat ayun na nga, nakita ko na lang maya-maya pa na nalulong na ko sa palabas na yun. Mas lalo pa ng marinig ko ang isang ito,

Superhuman - Chris Brown Music Code


at agad-agad tumatak sa utak ko ang mga salitang:

But that’s the moment you came to me
I don’t know what your love has done to me
Think I’m invincible
I see through the me I used to be
You changed my whole life…
Don’t know what you’re doing to me with your love
I’m feeling all super human, you did that to me
Super human, heart beats in me


At dahil dyan, na-inspire akong maging "superhuman" kuno. Yung tipong hindi talaga tinatablan ng kahit na ano. Kahit na ano. Kahit na anong uri pa ng pinakamadramang emosyon. Kaya kanina pag-pasok ko sa opisina, agad kong hinanap ang kantang ito at pinatugtog. May ilang beses din sigurong nagpaulit-ulit ang awiting ito sa aking computer hanggang sa natigil ang soundtrip ng dumating si boss manager amo. (inis). Sabay silip na lang ako sa aking FS account. Bumulaga sa aking harapan ang medyo hinihintay kong new message. Para akong asong ulol na binasa ang mensahe, only to get disappointed in the end. I've been silently waiting kasi for my old old kras'es reply. Pero kung iniisip niyong ako ang nag-initiate ng padalahan ng meseyds, hindi ko na matandaan, hehe. Pero ang alam ko, sya ang nauna.:D

REWIND...

Nagkakilala kami nung college days (kaya nga ayun ang taytol eh). Klasmeyts kami sa kors na pawang mga boylets lang ang kumukuha. Kaya as usual, sinundan na naman ako ng tanong na "Tomboy ka ba?" O kaya naman ay:"Pra kang tomboy, sayang ka!".
Mga *^@% kayo! "Babae ako, gerlalu". At ayun na nga. (Iwan ang topic na yan para sa susunod). Syempre kapag kapanahunan ng pagdadalaga lumalabas ang mga bagay na itinatago lang nung una:

= Panay pa-impress sa klase (recite kung recite, aral araw araw ng mga lectures para mapansin ni kras.
= Group project ba kamo? Game ako jan! Lalo na pag mga kung anik-anik na aabutin ng ten years bago matapos. Syempre "on the go" ako lalu na pag same grup kame.
= Musikahan mode ba? Sali din ako jan! Akin ang mic kanya ang gitara o piano.

Pero, nasira ang kahibangan ko ng sabihin niya sa akin na "kras" niya ang teacher namin sa English. Peborit teacher ko pa naman yun! Pagkakaalala ko kasama niya pa nga akong "nangharana" dun. Mega kanta pa ko ng How did you know habang inaabot niya ang white rose kay Mam Jhen. Oo, tama kayo ng basa, magkapangalan kami ni Mam. Grr. So after that incident, mega iwas na ko kay kras. Ikaw ba naman ang ganunin, hindi ka iiwas?


MOVING FORWARD...


Wag kang mag-alala
Di ko ipipilit sa 'yo
Kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa 'yo




Kinuha kami ni Mam Jhen para mag-represent ng course namin. Syempre singing contest at ayan nga ang kinanta ko.Isang kabwisitan lang ang nangyari, sapagkat may umeksenang "epalista" sa momentum ko at ng gitarista. Well, napahiya ko lang naman ang sarili ko sa harap ng maraming pipol sa iskul. Pero ok lang, makapal naman ang pagmumuka ko. chuvachuchu from xyz + chuvachuchu from kras = embarrasing moment

CONFRONTATION (CLIMAX LEVEL NA 'TO!)

At as usual, prang isang pelikula ang kwentong ito. Meron ding climax :D. Hmm. Paano nya nalaman ang mumunting chikret ko? Simple lang, sa bisa ng audio recording, merong isang echozera (isang term para sa chismosa / chismoso), na nagrecord ng aking may-i-confess my feelings momentum ko. *^@%, wala akong malay nun! nalaman ko na lang nung kausapin ako ni kras at nagpahayag din sya ng kanyang saloobin. Naalala ko pa, may hawak pa sya nung isang article about sa Difference of Love and Admiration. According to him kasi, He wants to make sure if what is the real score (abnuin din naman pala si kras). Kasi din daw, he doesn't want these unwanted feelings(oo ganyan nya dinescribe ang feelings namin). to ruin the friendship that we are having by that time. At ang ending ng usapan, "Lets know more about each other". Syempre ako, may-i-agree lang. Playing safe ang drama pero ok na din. No label pero kahit papano naramdaman ko naman na naging priority niya rin ako nung mga panahong iyon. Sa isip-isip ko ;("The feeling is mutual pero wala pa ding aksyon kundi manatiling magkaibigan?")

"G" THE EPAL GURLALU"

At malamang, hindi kumpleto ang kwento kung walang antagonist. Syempre sa lahat ng lab istorya, merong umeeksena na epalista. Syempre may umeksena sa kwento namin at itago natin sya sa initial na G. Maganda, kikay, at sexy. Ano ba naman ang laban ko dun diba? Ayun, at habang nandun kami sa "no label relationship" namin ni kras, may-i-enter the picture itong si gerlalu. Pero hindi sa pagmamayabang, fighting spirit at kapal ng muka lang ang lamang ni gerlalu saken (sa tunay na buhay yan). At ang ending, give way ako sa kanilang dalawa sapagkat nisabi kong babalik na lang ako kay xyz na open arms naman akong nitanggap to "rekindle" the ichliper lab istorya.

PRESENT TENSE

Pero hindi pa rin sila naging happy ending ni kras sapagkat pinagpalit niya si kras sa iba. (hmf, chika na naman ako). Natanggap ko naman ng maluwag sa aking kalooban ang aking pagkatalo sapagkat friends pa din naman kami ni Kras up to now. At nasa akin ang huling halakhak..nyahaha.

24.1.09

Sleepless night in Dubai

Matapos kong gugulin ang aking makabuluhang araw ng "day off" sa pagtungo sa aking pinagsisilbihang simbahan at pakikipagkita sa aming "katropang" si p0gi- kami ay nagtungo sa aming praktis-praktisan ng Choir.

Bago kami makarating sa lugar ay nakatanggap ako ng maraming maraming tawag mula sa aking masugid na "taga-payo" na si Walter. Ewan ko ba, masyado lang siguro syang "inlove" sa aking kakilala kaya sya ganun ka-epal sa akin nitong mga nagdaang panahon.

Lumipas ang ilang oras na paghihintay sa kalye ng masasakyan na taxi at nagyelo na ata ang aming mga kamay ni Biba at pareng p0gi subalit wala pa ding senyales na may dadating na taxi. Mangilan-ngilang beses din akong kumampay at pumara ng taxi subalit deadma sila sa beauty ko. Mabuti na lang at may isang nagmagandang loob na huminto sapagkat nahalata niya sigurong atat na kong makita ang aking hinahangaang nilalang sa aming munting pagpupulong.

Driver: Wer u going?
j3n: To ** ***** and then to the bus station to drop this friend of ours who lives in abu dhabz..
---(ewan ko lang kung tlgang alam niya nga ang gusto naming puntahan at eto na ang sumunod niyang tinanong pagkahinto namin sa may stop light)

Driver: We go straight right?
j3n: (umiinit na ang ulo sapagkat sobrang atat na). yeah..we will go straight and at the end of that road, there is a boat round about and we will go straight from there. (sa isip2 ko, tadu to..pinapahirapan pa kong maghukay ng english ko).

At ayun, kwentuhan pa din kami nila mareng Yanah at pareng pogi habang nagta-travel. May kalamigang taglay na ang gabi ng magpasya kaming bumaba sa aming destinasyon. Muli, ay nagpaalam kami kay pareng pogi at ibinilin ng mabuti sa driver na ihatid sya ng buo at maayos sa kanyang nais patunguhan.

---Sa praktis praktisan

Nakita kong pumipindot ng tiklado ang aking nililiyag na si fafa. Oo, itago natin sya sa pangalang fafa sapagkat baka isang araw mabasa niya to, safe pa din ako. Halata ko sa kanyang mga mata ang lubhang karamdaman. (hindi naman cancer kundi lagnat lang at konting ubo't sipon). Ako'y nakangiting pumasok ng silid at agad na dinampot ang kopya ng awiting aawitin at bumanat na---ng ubo. Nakakahiya subalit hindi dapat ikahiya sapagkat lahat naman halos kami ay may taglay na ganoong sakit. Si Yanah nga kakaiba pa ang nangyari. Hindi ko maipaliwanag pero pagkatapos niyang matapilok sa harapan ng aming isa pang malapit na ka-sister, bigla na lang syang hindi kumibo at namutla. Nagpanic ako. Pero kalmado lang. Chill. Yung literal dahil sobrang lamig na ng mga oras na yun. Marami ang lumapit at naging medic. May mga umepal at may nasabihan pa ko ng mahiwagang "two words" at napaatras sa narinig. Maya-maya pa ay naging kalmado na rin si Yanah. Nakahinga na sya ng ayos at nangwawalangya na naman sa amin. Oo nga, pag bumalik na sya sa pagkaganun, ok na sya nyan.

----Maya maya pa:
Naupo ako sa aking silya at nagpahinga sapagkat napagod ako sa pag-aalala. (peace yanah, ganti ka na lang sa susunod mong post)Lumapit si fafa at naupo sa aking tabihan. Oo, umupo sya sa aking tabi. Oops..tama na at madami na kong nakukwnto. Pero may mga bagay na nangyari na nagtulak upang hindi ako makatulog ng ako'y umuwi sa aming tahanan ng bandang 1:00 am. Alam ko may pasok pa ako sa opisina sa mga susunod na oras subalit sa patuloy na pag-ulan, agad kong kinuha ang aking mumunting telepono at nagpadala ng sms sa amo ko upang ipabatid ang biglaang pagsama ng aking pakiramdam at papasok na lamang sa susunod na araw. Ayun nga at kahit anong pikit at bilang ng ilang tupa ay hindi ako nakatulog hanggang sa namalayan kong 3am na pla. Lintik! Nag-aadik na naman ako. Samantalang ang ibang kasamahan ko sa bahay ay naghuhumilik na na parang takure na kumukulo na ang tubig. May isa pang akala mo umuulan na ng literal sa loob ng bahay namin ang tunog. At hayun nga..sleepless in Dubai na naman ang drama. Ang tanong: dahil nga kaya ito kay fafa?..haha

23.1.09

Under Repair

Kasabay ng aking pag-kaabala sa buhay propesyonal (madami kasing hinihinging oras ang aking mga pansariling mithiin sa buhay). Lahat nga ng aking appointments, tapings, presscon, mall tours and everything ay hindi ko muna sinipot. Ang malaking dahilan? Simple lang. Sinusumpong na naman ako ng pagka-abno ko. Haha. Dumating na naman ako sa point na ayokong makakausap at makakita ng kahit na sinong ibang tao bukod sa mga kasama ko sa bahay. Pero sa tingin ko sa pagkakataong ito, hindi ito sa kadahilanang "nagseselos" na naman ako sa isang tao o kahit na ano pa mang "childish" na bagay gaya ng sabi ng isang kaibigan ko dati. Oo nga pala.
Eto ang mga bagay-bagay na napagisip-isip ko nung mga nakaraang malungkot na mga araw ko:

- Ang tuluyang pananamlay ng samahan ng "friday group"
- Kung bakit may mga taong mahalaga sayo na dapat umalis at iwan ka na lng ng biglaan?

Simpleng mga bagay lang kung tutuusin, pero talagang naisip ko ang mga bagay na yan kasabay ng pagasikaso ko sa aking mumunting proyekto sa opisina. Pakidam ko kasi, sa isang iglap lang nag-iba ang ikot ng mundo. At naiwan akong nakatunganga sa isang tabi.

Pakiramdam ko pra akong isang imprastraktura na gingawa, under repair nga kumbaga. Nasasaktan ako at umaasa sa isang bagay na hindi ko na dapat asahan. Inilalayo ko ang sarili ko pero sadyang malupit ang mga pagkakataon na nagkataon na iisang lugar ang kailangan naming ikutan at pagsilbihan. Nakakainis na sa parehong lugar na yun ko din sya makikitang masaya at nagmamahal - subalit sa ibang tao nga lang.

19.1.09

San na nga bang barkada ngayon?




Nakakatuwa isipin na sa paglipas ng panahon may mga makikilala tayo na kapareho natin ng trip sa buhay, pareho ng kinahihiligan, masaya kasma at kung anu-ano pang mga kalokohan na nagpapasaya sa ating pananatili dito sa mundong ibabaw.

Subalit pag dumarating ang unos sa ating buhay. Dun na natin makikilala kung sino nga ba sa kanila ang tunay at nagpapanggap lamang. Ako, hindi sa pagmamayabang-pero mahusay akong kumilatis ng ugali ng isang tao. Magpakatotoo ka lang kahit na ano pang gusto mo sasamahan kita kahit saan mo gusto magpunta. Yan ang panuntunan ko sa pagiging kaibigan sa isang tao. Sabi nga ng bespren ko "loyalista" ako pag napamahal na sa akin ang isang tao. Kahit magkaanuhan pa ipaglalaban ko talga pag alam kong nasa tama rin lang ang lahat.

Masaya nung simula ang tinatahak ng nabuo naming tropa. Sa totoo lang buo pa rin naman kami ngayon. Subalit kung ihahalintulad sa isang relasyon- "on the rocks" kami ngayon. Any moment in time, pwede kaming mag-break at magpaalam sa isa't isa kaya lie low na muna at busy-busyhan ang iba sa kanya kanyang makabuluhang life. Nakakalungkot isipin na hindi namin mapanghahawakan ang ipinangako naming "walang iwanan". Naaalala ko pa nga ang wlang puknat naming pagpupuyat nung nakaraang ilang bwan. Para lamang pag-usapan ang mga buhay-buhay namin. Oo, ganun lang kababaw ang trip namin. Tanungan ng mga kung anu-anong tanong, tungkol sa life. hanggang ang life nilagyan na ng Four letters sa unahan. Patay na tayo jan! Iwas na kami ni Yanah pag yan ang usapan (haha..nandamay pa ko).

Namimiss ko din ang pagsasamahan namin. Kahit na alam ko sa sarili ko na mahirap nang ibalik ang dating samahan. Kung mabibigyan lang ako ng isa pang pagkakataon. Sana hindi na nakasali pa ang mga taong nakasira lamang sa pagkakaibigan na aming nasimulan

18.1.09

Paalam, kaibigan...

Nabigla ako ng matanggap ko ang balita na pumanaw ang isang taong malapit sa aking puso. Nakatanggap lamang ako ng mumunting mensahe sa prenster at sa inbaks ko lamang nalaman ang mapait na sinapit ng aking mabuting kaibigan na si Nerissa. Siguro kasabay talaga ng ating pag-alis sa ating nakasanayang paligid ay ang pagtanggap na isang araw, sa ating pagbabalik sa pook na nilisan ay hindi na kagaya ng dati ang pakiramdam.

Nakilala ko siya ng siya'y pumasok bilang isang trainee sa aking dating pinaglilingkuran na fastfood chain. Makulit, maingay at palaangal. Isang bagay na todo todo kong kinaiinisan sa isang kasmahan sa duty, lalung-lalo na kapag mahabang oras ang ipaglilingkod mo sa mahal mong fastfood. Sa anim na buwan naming pagsasama ay nabuo ang isang pagkakaibigan na nagsimula sa isang maingay at walang kwentang pagtuturuan ng mga munting bagay na dapat niyang malaman sa kanyang pagtigil sa aming station. May araw na mahuhuli sya ng pasok, at ako't maiiwan na mag-isa. Subalit sa kanyang pagdating,tangan-tangan niya ang ngiti sa kanyang mga labi sabay sabing; "Ate jenny! sorry ah..nalate kac ako ng gising". Kalimitan hindi ko sya pinapansin subalit madalas kung minsan ay lumalapit sya sabay yayakap at sasabihin na hindi niya sinsadya ang lahat. Mabilis na lumipas ang panahon at natapos ang kanyang paglilingkod sa fastfood na iyon. Aminado ako, nalungkot ako at lubha ko siyang namiss sapagkat wala nang nagsasalita, nag-aalala at nale-late ng kagaya niya. Naaalala ko pa nagtext siya sken bago ako magpunta dito sa Dubai. Pinipigilan niya pa nga ako tumuloy sapagkat alam nga namin na hindi maganda ang trato ng mga mababahong tao dito sa mga kagandang kagaya ko (hahaha). At yun na nga ang huli naming pag-uusap.

Noong ika-14 ng enero, kinuha siya sa amin ng Poong Maykapal. Alam ko na tapos na niya ang kanyang mga dapat tapusin kaya tinawag na siya ni Papa Jesus sa kanyang kaharian. Ang balita sa akin ay nasagasaan siya habang siya ay papauwi mula Las Piñas.

Paalam mahal kong kaibigan, habambuhay kitang maaalala at ang mga bagay na aking natutunan sa iyo. Isasama kita sa aking mga panalangin at nawa'y magkita ulit tayo sa tamang panahon.:(

The ichLipeR




Sa sobrang ka-busyhan ko sa mga lumipas na araw, ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang na-tag sa akin ni katotong Yanah.Sa paglibot ko sa mundo ng Blogosphere, marami-rami na rin akong nakitang napasahan ng tsinelas na itechiwa. Iba-iba na rin ang naging tema ng kwentong kasaysayan ng kawawang tsinelas pero iba pa rin itong sa akin, dahil ang isang ito ay ang aking
Tsayhuld lab istorya. Tawiwiit!!!

Kabataan ko pa ng lumipat ang pamilya ko sa Cavite. Wala akong ibang kakilala nun kundi ang konting mga kapitbahay at malamang ang mga kapatid at nanay at tatay ko lang. Sa eskwelahan ko sya nakilala. Mayabang, tahimik at makulit. Ganyan ko sya i-describe noon. Lagi kaming magkasama nun, at napagbintangan n rin akong tomboy nung mga panahon na yun (nyahahha..). Nagpatuloy ang maganda naming pagkakaibigan, pagkaka-ibigan. Sabay kaming umuuwi, nagkukwentuhan tungkol sa mga bagay na nais naming makamit sa hinaharap. Sa mga pangarap na yun, laging kasama ang isa't isa. Naalala ko isang araw. Hbang kami ay naglalaro ng "Block one two three". Maganda ang tinatahak ng aming laro sapagkat magaling kaming magkakakampi. Subalit sa kasamaang palad, sa kabilang koponan ako napasali at naging magkalaban kami. Hanggang sa mga panahon na ito ay sariwa pa din sa akin ang araw na iyon: Sapagkat ako na lamang ang natitirang hindi nila natataya (ang sey ni Lydia de Vega?haha). Sa aking pagtakbo at sa aking ichliper nakasalalay ang aming pagkapanalo. Pgkatapos ng bilang ikatlo, tumakbo ako- mas mabilis pa sa tingin ko ay kakayanin ko. Sa aking paghakbang, kasabay ng paghabol nila sa akin, naputol ang ichliper na suot ko. Napatulala ako at nataya, at naiyak sa nangyari. Lumapit sya sa akin upang sabihin na makakbawi din naman kami sa susunod at mapapalitan din naman ang ichliper. Yari nga lang ako sa nanay ko. MAy palo na naman ako sa pwet pag nagkataon.

Subalit sa paglipas ng panahon, sa aking pakikiharap sa malawak na playground ng buhay, sa aking paghabol sa aking kabataan. Nararamdaman kong para akong isang ichliper na unti-unting napipigtal at nasisira. Ngunit sa tulong ng mga mumunting alaala, nabubuhayan ako ng konting pag-asa na ang buhay ay isa lamang laro. Hindi mo kailangan masyadong seryosohin at mababaliw ka. May mga panahon na mapipigtal at susubukin ang iyong katatagan, ngunit sa tulong ng iyong abilidad at paniniwala, malalampasan mo ng maginhawa ang bawat pagsubok sa playground ng buhay.

*bow*

16.1.09

Bakit hindi nila ko maintindihan?

Sa mga nangyari at nangyayari ngayon, iniisip ko kung bakit may mga bagay na hindi nilikha at inilaan para sa atin. Kung bakit minsan, kahit lagi na nating hinihiling at dinarasal ang isang bagay- hindi pa rin ibinibigay sa atin. Nakakainis kung tutuusin, pero siguro nga tama lang na mahintay tayo na dinggin at mangyari ang lahat ng bagay sa tamang panahon.

Tamang panahon

"Isang araw, magtatagpo pa tayo ulit. Hindi natin alam kung ilang araw, taon o panahon ang lumipas, pero nararamdaman ko, magkikita pa tayo ulit- at sa panahon na yun, tama na ang lahat para sating dalawa". Minsan ko nang narinig yan nung nagpaalam kami sa isa't isa. Sa totoo lang, ako yung tipo ng taong takot magpaalam. Hangga't maaari, ayokong ako ang maiwanan--sa lahat ng bagay, sa lahat ng pagkakataon. Sa buhay natin, hindi natin maiiwasan ang pagbabago, kasama nga naman kasi sa paglaki yan (kaya lng hindi naman ako lumaki ah). Kasama na rin dun yung pabugsu-bugsong mga problema na sususbok sa katatagan natin bilang isang indibidwal, mga nakakaiyak na insidente, at kung anu-ano pa. Meron ding mga epal na kontrabida na paminsan-minsan (yung iba nga madami pa ) na ang trip ay manggulo sa magandang tinatahak ng kwento ng buhay natin. Eh syempre tayo lang din naman ang direktor at artista(bida) sa sariling kwento natin at ang writer ay nasa itaas (kaya nakaka-pressure). Kaya kung minsan, naaapektuhan nila tayo. Pero I do hope and pray na sana, dumating yung panahon na maintindihan nila na simple lang naman ang buhay na meron ang isang taong kagaya ko. Mas madali naman kasi talagang magpanggap at umiwas, kesa magpaliwanag ng nararamdaman ko. Pinaka-ayoko pag tinatawag akong duwag dahil hindi naman nila alam kung bakit ako ganito. Pasensya na lang sila dahil magaling ako magdala ng problema ko. Bakit nga ba hindi nila ko maintindihan?

Ang highlight na tanong saken ngayon:

--Kung pinanganak kaya akong maganda, naki-criticize din kaya ako ng ganito? Hindi ko pa din kaya makukuha yung mga bagay na gusto ko? Mabibigay ko na ba lahat ng kailangan ng pamilya ko? Magiging mas mabuting nilalang ba ako? Mas magandang storya kaya ng buhay ang mapupunta saken?

Ang nakuha kong sagot:

HINDI...

--Dahil kuntento ako kung ano at sino ako ngayon. Wala ni isang bagay sa buhay ko ang gusto kong baguhin dahil: "Nobody can hurt us without our permission"

*bow*

12.1.09

Toxic plastic

Awtz..Ewan ko ba. Nararamdaman ko na kasi sigurong papalapit na ang araw ng mga puso. Anak ng pusa! Akalain mo yun? Bukas makalawa araw na naman ni balentin. Nyahaha. At deadma pa din ako. Yan kasi yung pinaka-kinaiinisan kong panahon sa buong taon. At ayan, lumalayo na naman ako sa topic ko. Haha.

Hindi kasi ako makatulog kagabi. Kasi ba naman may nambwisit saken habang gumagala kami ni katotong Yanah kahapon. Isang "shocking" na balita ayon sa isa pa naming close friend. May nag-react kasi ng matindi sa isa sa mga post ko. Takte. Naapreciate ko pa sana yung comment niya kung nilagay niya sa dapat kalagyan eh. Kya lang ang ginawa ng tao / hayop / bagay ewan ko kung anong dapat itawag sa knya) na ito ay nagcomment sa pamamagitan ng pamamahagi ng impormasyon tungkol sa mga nabasa niya sa mumunti kong tahanan. Ayun tuloy, nagmukang kriminal ang inyong lingkod sa paningin ng mga napag-sabihan niya. (Konklusyon ko pa lang na madami na syang napagsabihan, medyo matindi kasi itong si "Toxic Plastic" kung manira ng buhay eh. Nyahaha. Mas matindi pa sya sken kung gumawa ng chismis (haha). Tapos kapag may-I - confront scene na kayo, mega sorry at paawa effect sya. Hay naku! Sa buhay niyo ba may mga plastik din kayong nakilala?

Ako kasi marami-rami na rin.

Parang parte na ata talaga ng mga buhay natin yang mga "toxic plastic" na tao. Yung tipong pag kaharap mo nakangiti sayo, pagtalikod mo may hawak pa lang kutsilyo para saksakin ka. Humanda ka. Nyahaha. Ang magagawa na lang natin eh maging maingat at mapagmasid. Hindi rin siguro magiging makabuluhan ang ating hangout sa mundong ibabaw kung puro mabuting kaibigan lang yung makikita natin. Sabi nga nila, (ng mga mas matatanda ng konti sa aken:D). May mga tao tayong makikilang babago at magpapasaya, magpapalungkot sa buhay natin.

Parang "toxic plastic" lang sa paligid.

Pag hinayaan mo na pakalat-kalat, babara sa butas ng kanal.

Kya kung ayaw mong magkaron ng "bara" sa buhay mo. I recommend linisin ang kalat na toxic plastic. Ilagay sa dapat kalagyan at wag ihalo sa nabubulok at di-nabubulok. Nyahaha. Dahil ang "toxic plastic" pag hindi na-recycle, makakasira ng ating kalusugan at makakasira sa ating kapaligiran.

:D

Naniniwala ba kayo sa soulmate?

May ilang dekada na rin kasi yung lumipas simula nung may mismong taong nagtanong saken kung naniniwala ako sa soulmate. Problema nga lang, babae ang nagtanong. (haha.). Sa totoo lang, nako-cornyhan ako sa mga ganyang usapin. Pero, gustuhin ko man o hindi, ang sabi ng matatanda- sa - akin; totoo daw na meron at merong isang tao na "itinakda" para sa'yo. Para bang Jack and Rose, Romeo and Juliet, Aladdin and Jasmin, Wendy and Peter Pan, Edward and Bella (corny ng mga examples). So aun, naniwala naman din ako.

Ang kaso nga lang mejo may katagalan na akong singgol. Ok lang, kesa naman sa iba na nakaplano na magpakasal dati tap0s umatras ang boylet. Nyahaha. Kesa naman sa mga ate na nasa early-40's na tapos singgol pa din. Sa galet, tigilan na itong kwentong ito. wala nang kwenta, humahaba lang.:=)

Naniniwala ba kayo sa soulmate?

9.1.09

Kainis....

Ise-share ko sa inyo ang mumunting chikret ko na itinatago nitong kelan pa. Naiinis na rin kasi ako. Hindi pa rin ako kuntento sa dami ng taong nakakaalam, sa hindi maipaliwanag na dahilan, bakit hindi ko pa masabi sa mismong tao. Shyness ee. Pagkatpos kong magpanggap na tulog kagabi, (dhil plano ko na tlgang umiwas sa taong un). Xiet! Bakit kasi my nalalaman pa tayong "admiration / crush / eklavu / churva" at kung anu-ano pang pwedeng itawag jan sa feelings na yan (sorry dapat may "s" sa dulo para madami..nyahaha.joke un tumwa kau). At ayun nga. Ikukwento ko kasi kung bakit ako naaasar ngayon. Ang nakakainis kasi..bakit kailangan na may tao pang magsinungaling para lang pagtakpan ung mga bagay na gingawa niya. Nagtiwala pa naman ako tapos sya pala mismo ung "ahas", nyahaha.Talagang nagagalit na ko, nitong lagay na to. Kaya ayun, at hindi ako sisipot ngayon sa aming praktis dahil baka makasabunot ako ng tao. Hay, kaasar. Paano kaya ako iiwas sa taong lagi ko dapat kasama? Bakit kasi sa dami ng tao, sya pa. At bakit sa dami ng taong pwede naming magustuhan, bakit sa iisang tao pa?

Tumawag kasi ako dito sa gerlalu na ito kagabi, para itanong kung san magkikita para sa aming "patintero marathon". At ayun, ang sabi niya ay nasa opis pa xa obertaym hanggang mga 8pm, yun naman pala eh sa ibang bagay nag-oobertaym. Nalaman ko na lang ang lahat ngayong umaga ng magkaron kami ng mumunting kwentuhan ng insan ko:

Pinsan: Icnasali nga namin xa sa voleyball eh.
Ako: Teka, marunong ba xa? (sabay naalala ko na ang sbi ni gerlalu eh nasa opis pa xa ng mga sandaling iyon)
Pinsan: Hindi.
Ako: Teka, ang sbi niya sken nsa opis pa xa ah...blah blah blah...

Actually hindi ito yung unang beses na nainis ako kay gerlalu. Madaming beses at paulit-ulit na beses na din. Pero kalaunan eh nawawala din dahil binubusog ako ni gerlalu ng mga "emotional investments, food for the soul of the day" ek-ek at kung anu-ano pang kemedu na sinsabi niya saken para "daw" hindi ako mapang-hinaan ng loob. Xiet! Nung isang araw nga may nangyari din na nakakaasar, (tinamad lang ako magkwento pero ngayon ready na ko!!!!nyahahah) . Dapat kasi sabay kami magpupunta ng tropakels ko sa praktis. Kaya lang may-i-lost track naman ako sa opis ni ate kaya may-i-go directly ako sa haus ni gerlalu. Upon my arrival, wla pang tao at dinatnan ko syang nanonood ng tv sa kanilang bonggang sala. Nagkwentuhan kami saglit pero gaya ng sabi ko mejo namumuro na nga sken tong babaeng ito!!!! Kya tahimik lang ako ng dumating bigla c guy at another friend.

Guy (upon arrival): hello, anjan po b c....
Ako : (nakatingin lang sa kawalan, as if wlang nagsslita sa my pinto
Guy: Oh jen, anjn ka na pla.
Ako: oo..halu!!
Guy: (ngumiti sabay abot ng munting sorpresa para kay gel)
Ako: Boy, anu yan?
Guy: wala
Ako: Boy anu yan?
Guy: wla nga isa pa.
Ako: Boy anu nga yan?
guy: ( deadmatic na saken)

MAya-maya pa pra kming dinaanan ng anghel, nanahimik ang paligid. At narinig ko magsalita c gel:

Gel : Question.
guy: ANu un.
Gel: (pa-kyut na ngiti sabay abot ng cd ng twilight at pabasa ng maalamat na kowt:"If you cud live forever, who wud u live for?")
Guy: (ngumiti, sabay sbi ng:)" Pag nakita ko na xa, chaka ko na lng ssbihin ung sgot.
Ako: (sa isip ko lng)"Bleh, kala mu ah, chuchurva ka pa jan..nyahaha)
Gel: Chka eto pa, (sby turo sa isa pang kowt)
Ako: (sa isip lang ulit) Tang nang to..sa harap ko pa tlga lumalandi.Churee..nyahaha
Guy: uhum..chka ko na ssgutin pag nkita ko na xa.
Ako: (mega tawa, kunyari natawa ko sa blita sa tv)

Kaya ayun, mejo sumabog ung pihikan kong pusu-pusuan. Kya mega reject ako sa iba kong appointments ngayong araw na to, ayoko muna makakita ng sinungaling. Sabihin nyo nang makitid utak ko ngayon. Pero, ayoko lang magkalat mamaya, baka mag-amok p ko dun mmya.

Sarcastic na naman ang pasok ng araw ko. Wuhuhuh.Churee nga pla kei tropakels na Yanah dhil the last minute ai more emote ako at cancel sa pag-attend ng extra-curricular activities.:c

8.1.09

Green green grass of home

Kaninang 12:30 na ng umaga ako nakauwi. Ang hirap nga naman magpaganda ng boses, sa isip isip ko. Bale twice a week kami nag-eensayo,naghahanda para pagdting ng aming pag-awit sa darating na mga panahon eh makapal na ang muka este maaus na ang aming performance. Umuwi ako kasabay sila ate Liziel tsaka Yanah. (Special mention kayo peepz..hehe.). Pagpasok ko sa bahay namin, este kwarto pla- as usual, lights out na. At ang inyong lingkod, nagcmulang mangapa sa dilim. Nyahaha.(konting fast forward tyo mga pre')

Pagkatapos ko mahiga sa aking munting higaan, pinilit ko na agad makatulog at makapahinga dahil maya-maya lang ay kailangan ko nang bumangon para maghanda sa pagpasok kinabukasan. Pumikit ako at nag-isip pero naicp ko na naman na naiwan ko nga pala sa opis ung celfone ko (lintik na pagka-ulyanin naman kc eh). Ayun, at ang ending, gising lang ako hanggang 3am. Nung nakatulog naman na ko, sumigaw naman na ang "alarm clock". Napabulong na lang ako ng: "Asus, tulog na ba yun?", sabay balikwas at handa para sa pagpasok sa opis.



Pagdating sa bus, mega borlog ang lola nio. hehe. Deadma sa mga kabayan na nagkukwentuhan sa paligid, basta tulog lang ako. Ewan kung tumulo ung laway ko. Ah basta, nakaidlip din ako kahit papano. Pagdating ko sa opis, aun at mejo puno na ang inbox ko sa mga msgs na nagssbing :"Quote for this and that, inform this and that", paglingon ko naman sa bulletin board ko ay ang nagsusumigaw na mga pending paperworks ko. Hay naku, pano ito gagawin ng isang taong tulog pa ang diwa?nyahaha. Ang nangyari, ginawa ko ang mga bagay na kailangan ngayon, at tumambay na sa mesenjer at nanggulo ng buhay ng ibang tao. Nagtawag para mag-recruit ng sasali sa palaro (o kayo gusto nio b sumali?haha),kumain, nagdrowing, nagbasa ng dyaryo,nag-net.In short, wala akong ginawang mga bagay na makabuluhan sa araw na ito. Oo, naka-move on na ko sa pagka-homesick ko kahapon at eto naman at ang puyat ang nilalabanan ko. Nagsusumigaw na nga din ang pimpols at ang eyebag ko ay nagccmula ng mangitim. (ok lng, maitim din naman ako). Tapos bumanat pa ng closing remarks ang boss ko (mapapalitan na ksi xa by next wik). Kainis dahil may-i-speech pa c kuya, paulit-ulit lang naman ang sinasabi (mga PANA nga naman..istorbo sa mga gingwa kong makabuluhan eh.)Hanggang sa nasumpungan kong tawagan c Yanah at baka gicng na xa. Hapon na din naman. Ayun, gamit ang landline ng opis, mega-dial ako. Sakses! Inimbitahan ko si Biba na sirain ang diet niya ng panandalian. Mejo naglalaway na rin kasi ako ng matagal sa "Shabu-shabu" nung kelan eh. Syempre, sa haus na nila Yanah ako dumirecho ng baba, at natural, nasita na naman ako ng atribidang driver ng shuttle. Deadma ako at mega smile lang ng tinanong niya ko dahil mejo may kaichurahan naman ang driver na ito kahit PANA. May pupuntahan kasi kaming "patintero marathon".

After lumafang ng sobra sobra sa pwede naming kainin, nagdecide kami ni Yanah na maglakad para matunaw ang mga kinain namin sa tyan. Habang nasa daan, tamang kwentuhan na naman kami. Mejo tumatakbo ang oras at gumagabi na. Pero ang mga magaling naming kaibigan na makakasama sa "marathon", hindi pa nagpaparamdam. Tawa ko ng tawa habang nagkukwentuhan kami, ayun at lumalakad na pala kami sa basang damuhan "xiet, omg, wtf,amf". Basa ang green green grass of home. Ayun, sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, naiba ang mga decsyon ni Yanah at icnama na ko sa mga pangarap nia na magpunta sa Dubai ngaung gabi. Sa kadahilanang strict ang parents este ang tita ko, hindi ako makapag-confirm. Nagpapatawa na lang ako evrytime kinukulit niya ko kung sasama ko. Pero as usual, hindi pa rin ako nakaligtas, hindi rin ako nakapunta sa kahit na ano dahil dumirecho ako ng uwi, pinatay ang dapt patyin (celfone lang po). At bahala na sa paghuhusga ng inampalan bukas pag nagkita kita kami ng mga mhal kong kaibigan. Nyahaha..Wag niyo ko ilaglag, "o hindi!wahahha". C yanah naman ay kumembot sa Dubai habang ako eto at nag-aadik este nag-apdeyt na lang ng kung anu-ano.

--Ayun lang....nonsense..hihi

7.1.09

Homesick

Eto ako. Kakauwi lang galing sa work. Masakit ang ulo kakaisip ng mga makabuluhang bagay na pwedeng maiambag sa kumpanya na pinagsisilbihan ko. I've been too busy with my work this past few days (oh di nga?), really, actually yesterday I even brought my works at home. Sobrang preoccupied kasi ng kung anu-ano ung utak ko. Ngayon ko naisip, mahirap din pala magkaron ng bagong buhay, bagong mundo, bagong paligid, bago lahat. Wait..don't get me wrong. Matagal na ko dito sa UAE. Pero, parang ngayon ko pa lng nararamdaman ang kalaban ng mga OFW- ang sakit na mahirap gamutin. Pag umatake at nagpaapekto ka, talo. Ang sakit na homesick.

Ilang araw na ding balisa sa buhay nya ung boss ko sa work. Hindi na nga naliligo, marami pang trip sa buhay. Palibhasa miss nya na ang kanyang unica hija na si "Neha". Ayun nga at madalas nahuhuli kong nakatunganga lang sa kawalan. Pag tinawag mo para tanungin mejo malayo ang sagot. Isa pa yung officemate kong "kabayan". Hindi sa pagyayabang pero mejo utak lugaw itong batang ito. Kumbaga kahit pumasok ako nung kelan ng walang tulog at may hang-over, mas matino pa din ako mag-isip kesa sa kanya. Eh pano ba naman, lagi na nga niang ka-chat ung family nia, umiiyak pa din.(hehe, cguro sobrang homesick na nga ng ate) At syempre ako din naho-homesick. Pero ang sbi nila sken, blessed daw ako. Kasi daw may kamag-anak ako dito, maraming kaibigan, madaming alam na pasyalan, at kung anu-ano pa. Minsan masabi na lang na swerte ako kung anu-ano na naiicip ko. But still, i feel slightly bad. Syempre nakakalungkot din nmn mabuhay ng ganito. I'm too young for this thing and yet kelangan ko mag-sacrifice. Sabi nga ng bestfriend ko ako daw ung manok sa pamilya namin. Ginilitan ng leeg para ipandilig sa itinatayong building pra tumibay yun. Nakakatawa pero pag naicp mo ung mensaheng gusto niya iparating,nakakaiyak na. Nitong mga nakaraang araw kasi, parang namimiss ko ung kabataan ko. Things na hindi ko nagawa. Sabi nga ng pinsan ko late bloomer ako dhil nung kelan lang ako umuwi ng lasing- at the age of 21. haha. Wala eh, batas militar sa bahay namin. Pero seriously, nakakamiss. Hindi ko na naririnig ung morning ceremony ng nanay ko na "Magcbangon na kau, ano pa hinihintay nio jan!!!!". Dito kac alarm clock lang, pag pinatay mo, wala nang laban sau. Hai..homesick....:(