7.1.09

Homesick

Eto ako. Kakauwi lang galing sa work. Masakit ang ulo kakaisip ng mga makabuluhang bagay na pwedeng maiambag sa kumpanya na pinagsisilbihan ko. I've been too busy with my work this past few days (oh di nga?), really, actually yesterday I even brought my works at home. Sobrang preoccupied kasi ng kung anu-ano ung utak ko. Ngayon ko naisip, mahirap din pala magkaron ng bagong buhay, bagong mundo, bagong paligid, bago lahat. Wait..don't get me wrong. Matagal na ko dito sa UAE. Pero, parang ngayon ko pa lng nararamdaman ang kalaban ng mga OFW- ang sakit na mahirap gamutin. Pag umatake at nagpaapekto ka, talo. Ang sakit na homesick.

Ilang araw na ding balisa sa buhay nya ung boss ko sa work. Hindi na nga naliligo, marami pang trip sa buhay. Palibhasa miss nya na ang kanyang unica hija na si "Neha". Ayun nga at madalas nahuhuli kong nakatunganga lang sa kawalan. Pag tinawag mo para tanungin mejo malayo ang sagot. Isa pa yung officemate kong "kabayan". Hindi sa pagyayabang pero mejo utak lugaw itong batang ito. Kumbaga kahit pumasok ako nung kelan ng walang tulog at may hang-over, mas matino pa din ako mag-isip kesa sa kanya. Eh pano ba naman, lagi na nga niang ka-chat ung family nia, umiiyak pa din.(hehe, cguro sobrang homesick na nga ng ate) At syempre ako din naho-homesick. Pero ang sbi nila sken, blessed daw ako. Kasi daw may kamag-anak ako dito, maraming kaibigan, madaming alam na pasyalan, at kung anu-ano pa. Minsan masabi na lang na swerte ako kung anu-ano na naiicip ko. But still, i feel slightly bad. Syempre nakakalungkot din nmn mabuhay ng ganito. I'm too young for this thing and yet kelangan ko mag-sacrifice. Sabi nga ng bestfriend ko ako daw ung manok sa pamilya namin. Ginilitan ng leeg para ipandilig sa itinatayong building pra tumibay yun. Nakakatawa pero pag naicp mo ung mensaheng gusto niya iparating,nakakaiyak na. Nitong mga nakaraang araw kasi, parang namimiss ko ung kabataan ko. Things na hindi ko nagawa. Sabi nga ng pinsan ko late bloomer ako dhil nung kelan lang ako umuwi ng lasing- at the age of 21. haha. Wala eh, batas militar sa bahay namin. Pero seriously, nakakamiss. Hindi ko na naririnig ung morning ceremony ng nanay ko na "Magcbangon na kau, ano pa hinihintay nio jan!!!!". Dito kac alarm clock lang, pag pinatay mo, wala nang laban sau. Hai..homesick....:(

4 comments:

yAnaH said...

At bakit tangalog ests tagalog ang entry mo? this is not you! change it! hahaha

hmmmmm dont be surprised. you wont a positive and related to your post comment from me .. tulog pa yung utak ko.. gulack hahaha

EǝʞsuǝJ said...

Wla eh..ndi ko masabi sa english..haha..tuyo ung utak ko., sobrang lungkot ndi n makapag-english..haha

poging (ilo)CANO said...

wag ka nang ma homesick, pati tuloy ako na homesick..amf..

EǝʞsuǝJ said...

@ pogi..nyahaha..emote emote lng p0h..nakikiuso sa "in". Nainggit kc ako sa kasma ko sa opis. More emote cla eh..:D