16.1.09

Bakit hindi nila ko maintindihan?

Sa mga nangyari at nangyayari ngayon, iniisip ko kung bakit may mga bagay na hindi nilikha at inilaan para sa atin. Kung bakit minsan, kahit lagi na nating hinihiling at dinarasal ang isang bagay- hindi pa rin ibinibigay sa atin. Nakakainis kung tutuusin, pero siguro nga tama lang na mahintay tayo na dinggin at mangyari ang lahat ng bagay sa tamang panahon.

Tamang panahon

"Isang araw, magtatagpo pa tayo ulit. Hindi natin alam kung ilang araw, taon o panahon ang lumipas, pero nararamdaman ko, magkikita pa tayo ulit- at sa panahon na yun, tama na ang lahat para sating dalawa". Minsan ko nang narinig yan nung nagpaalam kami sa isa't isa. Sa totoo lang, ako yung tipo ng taong takot magpaalam. Hangga't maaari, ayokong ako ang maiwanan--sa lahat ng bagay, sa lahat ng pagkakataon. Sa buhay natin, hindi natin maiiwasan ang pagbabago, kasama nga naman kasi sa paglaki yan (kaya lng hindi naman ako lumaki ah). Kasama na rin dun yung pabugsu-bugsong mga problema na sususbok sa katatagan natin bilang isang indibidwal, mga nakakaiyak na insidente, at kung anu-ano pa. Meron ding mga epal na kontrabida na paminsan-minsan (yung iba nga madami pa ) na ang trip ay manggulo sa magandang tinatahak ng kwento ng buhay natin. Eh syempre tayo lang din naman ang direktor at artista(bida) sa sariling kwento natin at ang writer ay nasa itaas (kaya nakaka-pressure). Kaya kung minsan, naaapektuhan nila tayo. Pero I do hope and pray na sana, dumating yung panahon na maintindihan nila na simple lang naman ang buhay na meron ang isang taong kagaya ko. Mas madali naman kasi talagang magpanggap at umiwas, kesa magpaliwanag ng nararamdaman ko. Pinaka-ayoko pag tinatawag akong duwag dahil hindi naman nila alam kung bakit ako ganito. Pasensya na lang sila dahil magaling ako magdala ng problema ko. Bakit nga ba hindi nila ko maintindihan?

Ang highlight na tanong saken ngayon:

--Kung pinanganak kaya akong maganda, naki-criticize din kaya ako ng ganito? Hindi ko pa din kaya makukuha yung mga bagay na gusto ko? Mabibigay ko na ba lahat ng kailangan ng pamilya ko? Magiging mas mabuting nilalang ba ako? Mas magandang storya kaya ng buhay ang mapupunta saken?

Ang nakuha kong sagot:

HINDI...

--Dahil kuntento ako kung ano at sino ako ngayon. Wala ni isang bagay sa buhay ko ang gusto kong baguhin dahil: "Nobody can hurt us without our permission"

*bow*

3 comments:

Kosa said...

madami po ang sagot dyan..

hindi ka siguro nagpapaliwanag!

ayaw ka nilang intindihin!

may galit sila sayo..

o di nman kaya,

tanga lang sila!

yun lang yun!

yAnaH said...

hindi naman sa lahat ng pagkakataon eh kailangan monng magpaliwanag at lalong hindi mo kailangan baguhin ang sarili mo para lamang tanggapin ka nila at ng makuntento sila. dahil wala rin naman kasiguruhan na kapag binago mo ang sarili mo eh matatanggap ka nila ng buong-buo.. hindi sila makukunteto dahil ang mga taong katulad nila ay hindi marunong makuntento sa buhay. u can never please then and in the first place u shudnt have to. bakit hindi ka nila maintindihan? dahil sila ang mga taong walang pang-unawa, sila ang mga taong binabase ang lahat sa kababawan at hindi nag-iisip ng tama at marapat.

in short, sila ang mga taong hindi dapt pinag-uukulan ng oras...sayang lang ang panahong iaatang mo sa knila...

EǝʞsuǝJ said...

@ kosa...

--hindi ko na nanaisin magpaliwanag sa knila kac may sarili na silang "baluktot" na paniniwala sa buhay..

@ yanah..

-- apir!!..nyahha..tma tma yng mga cnbi mo. Per0 infairness malayo pa ang bwan ng wika. Why the sudden lalim of tagalog wordings?hahaha..:D