18.1.09
The ichLipeR
Sa sobrang ka-busyhan ko sa mga lumipas na araw, ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang na-tag sa akin ni katotong Yanah.Sa paglibot ko sa mundo ng Blogosphere, marami-rami na rin akong nakitang napasahan ng tsinelas na itechiwa. Iba-iba na rin ang naging tema ng kwentong kasaysayan ng kawawang tsinelas pero iba pa rin itong sa akin, dahil ang isang ito ay ang aking
Tsayhuld lab istorya. Tawiwiit!!!
Kabataan ko pa ng lumipat ang pamilya ko sa Cavite. Wala akong ibang kakilala nun kundi ang konting mga kapitbahay at malamang ang mga kapatid at nanay at tatay ko lang. Sa eskwelahan ko sya nakilala. Mayabang, tahimik at makulit. Ganyan ko sya i-describe noon. Lagi kaming magkasama nun, at napagbintangan n rin akong tomboy nung mga panahon na yun (nyahahha..). Nagpatuloy ang maganda naming pagkakaibigan, pagkaka-ibigan. Sabay kaming umuuwi, nagkukwentuhan tungkol sa mga bagay na nais naming makamit sa hinaharap. Sa mga pangarap na yun, laging kasama ang isa't isa. Naalala ko isang araw. Hbang kami ay naglalaro ng "Block one two three". Maganda ang tinatahak ng aming laro sapagkat magaling kaming magkakakampi. Subalit sa kasamaang palad, sa kabilang koponan ako napasali at naging magkalaban kami. Hanggang sa mga panahon na ito ay sariwa pa din sa akin ang araw na iyon: Sapagkat ako na lamang ang natitirang hindi nila natataya (ang sey ni Lydia de Vega?haha). Sa aking pagtakbo at sa aking ichliper nakasalalay ang aming pagkapanalo. Pgkatapos ng bilang ikatlo, tumakbo ako- mas mabilis pa sa tingin ko ay kakayanin ko. Sa aking paghakbang, kasabay ng paghabol nila sa akin, naputol ang ichliper na suot ko. Napatulala ako at nataya, at naiyak sa nangyari. Lumapit sya sa akin upang sabihin na makakbawi din naman kami sa susunod at mapapalitan din naman ang ichliper. Yari nga lang ako sa nanay ko. MAy palo na naman ako sa pwet pag nagkataon.
Subalit sa paglipas ng panahon, sa aking pakikiharap sa malawak na playground ng buhay, sa aking paghabol sa aking kabataan. Nararamdaman kong para akong isang ichliper na unti-unting napipigtal at nasisira. Ngunit sa tulong ng mga mumunting alaala, nabubuhayan ako ng konting pag-asa na ang buhay ay isa lamang laro. Hindi mo kailangan masyadong seryosohin at mababaliw ka. May mga panahon na mapipigtal at susubukin ang iyong katatagan, ngunit sa tulong ng iyong abilidad at paniniwala, malalampasan mo ng maginhawa ang bawat pagsubok sa playground ng buhay.
*bow*
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Wow!!!Andito na ang tsinelas...pero ok ha...kakaiba sa mga naunang kwento ng tsinelas...ung entry ko lang ata ang hindi kwento eh lolzzz puro nonsense..
Ipasa mo na sa iba para makaganti ka rin :D
ayun naman pala eh.... kabataan mo pa lang eh napapagkamalan ka ng tomboy kumbaga may history na... kaya fafa F....tama yung kasabihang history repeats itself.. ahihihihhihi.
anu yun one two three block?
hindi ko yata alam yun..
@ Lord CM..hehe..wla na kong mapasahan eh..hahanap muna ako ng bibiktimahin at kakaibiganin ng onti para ndi makapalag pag pinasahan ko.:D
@ yanah..
Matanda ka na kac..laro un..habulan n may mga kampo2. Sorry, ang huling nagsbi sken n tomboy ako na-inlab sken in the end. Haha. Kya antayin lng ni fafa f..maiinlab din xa sken.bwhahahaaha
Post a Comment