19.1.09
San na nga bang barkada ngayon?
Nakakatuwa isipin na sa paglipas ng panahon may mga makikilala tayo na kapareho natin ng trip sa buhay, pareho ng kinahihiligan, masaya kasma at kung anu-ano pang mga kalokohan na nagpapasaya sa ating pananatili dito sa mundong ibabaw.
Subalit pag dumarating ang unos sa ating buhay. Dun na natin makikilala kung sino nga ba sa kanila ang tunay at nagpapanggap lamang. Ako, hindi sa pagmamayabang-pero mahusay akong kumilatis ng ugali ng isang tao. Magpakatotoo ka lang kahit na ano pang gusto mo sasamahan kita kahit saan mo gusto magpunta. Yan ang panuntunan ko sa pagiging kaibigan sa isang tao. Sabi nga ng bespren ko "loyalista" ako pag napamahal na sa akin ang isang tao. Kahit magkaanuhan pa ipaglalaban ko talga pag alam kong nasa tama rin lang ang lahat.
Masaya nung simula ang tinatahak ng nabuo naming tropa. Sa totoo lang buo pa rin naman kami ngayon. Subalit kung ihahalintulad sa isang relasyon- "on the rocks" kami ngayon. Any moment in time, pwede kaming mag-break at magpaalam sa isa't isa kaya lie low na muna at busy-busyhan ang iba sa kanya kanyang makabuluhang life. Nakakalungkot isipin na hindi namin mapanghahawakan ang ipinangako naming "walang iwanan". Naaalala ko pa nga ang wlang puknat naming pagpupuyat nung nakaraang ilang bwan. Para lamang pag-usapan ang mga buhay-buhay namin. Oo, ganun lang kababaw ang trip namin. Tanungan ng mga kung anu-anong tanong, tungkol sa life. hanggang ang life nilagyan na ng Four letters sa unahan. Patay na tayo jan! Iwas na kami ni Yanah pag yan ang usapan (haha..nandamay pa ko).
Namimiss ko din ang pagsasamahan namin. Kahit na alam ko sa sarili ko na mahirap nang ibalik ang dating samahan. Kung mabibigyan lang ako ng isa pang pagkakataon. Sana hindi na nakasali pa ang mga taong nakasira lamang sa pagkakaibigan na aming nasimulan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
kapag ang isang samahan/relasyon nagkaron na ng lamat, kahit anong ayos ang gawin mo, hindi na mawawala ang lamat na yun. habang buhay mong makikita/mararamdaman...
hmm..la lang..nanghihinayang lang din ako kahit papano..syang ang mga moments na ipinuyat ntin nun nh0! eh kung tyong dalawa n lng din sna ang nagbonding nun?nyahahaha..:D
ang tunay na pagkakaibigan eh hindi maihahalintulad sa kahit na anung bagay.. katulad kase yan ng panahon...very unpredictable.
ang pagkakaibigan hindi tulad ng isang relasyon na may commitment. sa pagkakaibigan, ang kailangan mo lang ay magtiwala.. intindihin ang bawat sitwasyon at pagkukulang...
ang pgkakaibigan na totoo, parang alak yan, habang tumatagal eh lalong sumasarap. hindi tulad ng pag-ibig na habang tumatagal eh pumapait.
hindi ko ma-imagine na magiging ganyan din kami balang araw.. nakakatakot isipin ang future.. pero ayoko naman ma-stuck sa present at magaganda at minsanang panget na past..
sabagay,, hindi dapat ako matakot sa mga bagay na hindi ko pa naman nakikita.. :)
nakakatouch.. ahahaa :))
nagkwento na ko..
ahahahaha :))
ge po! napadaan lang.. ingat!
kosa...
-kung gnun ang tunay na pagkakaibigan, sa tingin ko hindi tunay ang nabuong pgkakaibigan ng tropa. kakalungkot lang dahil masyadong maagang nawala ang lahat.
gladys...
-wla naman kasing bagay na permanente eh, kasi ang bagay lang na permanente ay ang pagbabago. slamat sa pagdaan!:)
Post a Comment