Matapos kong gugulin ang aking makabuluhang araw ng "day off" sa pagtungo sa aking pinagsisilbihang simbahan at pakikipagkita sa aming "katropang" si p0gi- kami ay nagtungo sa aming praktis-praktisan ng Choir.
Bago kami makarating sa lugar ay nakatanggap ako ng maraming maraming tawag mula sa aking masugid na "taga-payo" na si Walter. Ewan ko ba, masyado lang siguro syang "inlove" sa aking kakilala kaya sya ganun ka-epal sa akin nitong mga nagdaang panahon.
Lumipas ang ilang oras na paghihintay sa kalye ng masasakyan na taxi at nagyelo na ata ang aming mga kamay ni Biba at pareng p0gi subalit wala pa ding senyales na may dadating na taxi. Mangilan-ngilang beses din akong kumampay at pumara ng taxi subalit deadma sila sa beauty ko. Mabuti na lang at may isang nagmagandang loob na huminto sapagkat nahalata niya sigurong atat na kong makita ang aking hinahangaang nilalang sa aming munting pagpupulong.
Driver: Wer u going?
j3n: To ** ***** and then to the bus station to drop this friend of ours who lives in abu dhabz..
---(ewan ko lang kung tlgang alam niya nga ang gusto naming puntahan at eto na ang sumunod niyang tinanong pagkahinto namin sa may stop light)
Driver: We go straight right?
j3n: (umiinit na ang ulo sapagkat sobrang atat na). yeah..we will go straight and at the end of that road, there is a boat round about and we will go straight from there. (sa isip2 ko, tadu to..pinapahirapan pa kong maghukay ng english ko).
At ayun, kwentuhan pa din kami nila mareng Yanah at pareng pogi habang nagta-travel. May kalamigang taglay na ang gabi ng magpasya kaming bumaba sa aming destinasyon. Muli, ay nagpaalam kami kay pareng pogi at ibinilin ng mabuti sa driver na ihatid sya ng buo at maayos sa kanyang nais patunguhan.
---Sa praktis praktisan
Nakita kong pumipindot ng tiklado ang aking nililiyag na si fafa. Oo, itago natin sya sa pangalang fafa sapagkat baka isang araw mabasa niya to, safe pa din ako. Halata ko sa kanyang mga mata ang lubhang karamdaman. (hindi naman cancer kundi lagnat lang at konting ubo't sipon). Ako'y nakangiting pumasok ng silid at agad na dinampot ang kopya ng awiting aawitin at bumanat na---ng ubo. Nakakahiya subalit hindi dapat ikahiya sapagkat lahat naman halos kami ay may taglay na ganoong sakit. Si Yanah nga kakaiba pa ang nangyari. Hindi ko maipaliwanag pero pagkatapos niyang matapilok sa harapan ng aming isa pang malapit na ka-sister, bigla na lang syang hindi kumibo at namutla. Nagpanic ako. Pero kalmado lang. Chill. Yung literal dahil sobrang lamig na ng mga oras na yun. Marami ang lumapit at naging medic. May mga umepal at may nasabihan pa ko ng mahiwagang "two words" at napaatras sa narinig. Maya-maya pa ay naging kalmado na rin si Yanah. Nakahinga na sya ng ayos at nangwawalangya na naman sa amin. Oo nga, pag bumalik na sya sa pagkaganun, ok na sya nyan.
----Maya maya pa:
Naupo ako sa aking silya at nagpahinga sapagkat napagod ako sa pag-aalala. (peace yanah, ganti ka na lang sa susunod mong post)Lumapit si fafa at naupo sa aking tabihan. Oo, umupo sya sa aking tabi. Oops..tama na at madami na kong nakukwnto. Pero may mga bagay na nangyari na nagtulak upang hindi ako makatulog ng ako'y umuwi sa aming tahanan ng bandang 1:00 am. Alam ko may pasok pa ako sa opisina sa mga susunod na oras subalit sa patuloy na pag-ulan, agad kong kinuha ang aking mumunting telepono at nagpadala ng sms sa amo ko upang ipabatid ang biglaang pagsama ng aking pakiramdam at papasok na lamang sa susunod na araw. Ayun nga at kahit anong pikit at bilang ng ilang tupa ay hindi ako nakatulog hanggang sa namalayan kong 3am na pla. Lintik! Nag-aadik na naman ako. Samantalang ang ibang kasamahan ko sa bahay ay naghuhumilik na na parang takure na kumukulo na ang tubig. May isa pang akala mo umuulan na ng literal sa loob ng bahay namin ang tunog. At hayun nga..sleepless in Dubai na naman ang drama. Ang tanong: dahil nga kaya ito kay fafa?..haha
5 comments:
ahhhhh
ikaw yung tropa ni yanah at pogi na nag-EB?
tama ba ako?
taena bat di ka nagpaparamdam?
lols sige sige sandali add kta sa blogrol ko. kita kits..lols
at iakw din yung tinatawag na lil' sister ni pareng saul? lols
ikaw nga ba?
taena.. sige aad kita ulit sa blogrol ko..lols na lols
kitakits ulit
2nd time ko lang dito
kosa...
-- may tama ka! apir! ako nga un, wla nang iba pa..nagpalit lang ng damit ang bgu-bguhang blag peyds..:D
-- slamat sa pag-aadd..:)..wla akong malay tinawag pala kong lil' sis ni saul?akong ako nga un..wla nang iba..xaxa..kitakits na lang :)
Dyen per taym kong mag paputok dito.. di muna kita eepalan maya ng kunti lol's pasalamat muna ako sa mga dalaw at comen mo sa aking teritoryo, add din kita maya din ng kunti lol's uli..
mag behave muna ako pers taym maya ng kunti mag wala na ako..
gulo no? sige kita kits na lang sa ating mga bakuran.....
weeee...hirap mag abang na taxi noH!
sa uulitin ha! as in part 2 kasi tapos na part 1..haho haho.haho.
selemet din sa watch....
Post a Comment