Kasabay ng aking pag-kaabala sa buhay propesyonal (madami kasing hinihinging oras ang aking mga pansariling mithiin sa buhay). Lahat nga ng aking appointments, tapings, presscon, mall tours and everything ay hindi ko muna sinipot. Ang malaking dahilan? Simple lang. Sinusumpong na naman ako ng pagka-abno ko. Haha. Dumating na naman ako sa point na ayokong makakausap at makakita ng kahit na sinong ibang tao bukod sa mga kasama ko sa bahay. Pero sa tingin ko sa pagkakataong ito, hindi ito sa kadahilanang "nagseselos" na naman ako sa isang tao o kahit na ano pa mang "childish" na bagay gaya ng sabi ng isang kaibigan ko dati. Oo nga pala.
Eto ang mga bagay-bagay na napagisip-isip ko nung mga nakaraang malungkot na mga araw ko:
- Ang tuluyang pananamlay ng samahan ng "friday group"
- Kung bakit may mga taong mahalaga sayo na dapat umalis at iwan ka na lng ng biglaan?
Simpleng mga bagay lang kung tutuusin, pero talagang naisip ko ang mga bagay na yan kasabay ng pagasikaso ko sa aking mumunting proyekto sa opisina. Pakidam ko kasi, sa isang iglap lang nag-iba ang ikot ng mundo. At naiwan akong nakatunganga sa isang tabi.
Pakiramdam ko pra akong isang imprastraktura na gingawa, under repair nga kumbaga. Nasasaktan ako at umaasa sa isang bagay na hindi ko na dapat asahan. Inilalayo ko ang sarili ko pero sadyang malupit ang mga pagkakataon na nagkataon na iisang lugar ang kailangan naming ikutan at pagsilbihan. Nakakainis na sa parehong lugar na yun ko din sya makikitang masaya at nagmamahal - subalit sa ibang tao nga lang.
2 comments:
pag nagmamature, nag-iiba na ang mga priorities in life..di bale walang nagbago, malayo lang sila..
*napadaan
*nakisentimyento
vanvan...
- salamt sa pagdaan at pakikisintimyento!
Post a Comment