Habang nanonood ako ng tv kahapon pagkauwi ko galing sa aking tinatrabaho este trabaho pala, napadaan ako sa isang myusik isteysyon. Nakita kong nakasulat sa itaas ang taytol na Infocus- Chris Brownat ayun na nga, nakita ko na lang maya-maya pa na nalulong na ko sa palabas na yun. Mas lalo pa ng marinig ko ang isang ito,
Superhuman - Chris Brown Music Code
at agad-agad tumatak sa utak ko ang mga salitang:
But that’s the moment you came to me
I don’t know what your love has done to me
Think I’m invincible
I see through the me I used to be
You changed my whole life…
Don’t know what you’re doing to me with your love
I’m feeling all super human, you did that to me
Super human, heart beats in me
At dahil dyan, na-inspire akong maging "superhuman" kuno. Yung tipong hindi talaga tinatablan ng kahit na ano. Kahit na ano. Kahit na anong uri pa ng pinakamadramang emosyon. Kaya kanina pag-pasok ko sa opisina, agad kong hinanap ang kantang ito at pinatugtog. May ilang beses din sigurong nagpaulit-ulit ang awiting ito sa aking computer hanggang sa natigil ang soundtrip ng dumating si boss manager amo. (inis). Sabay silip na lang ako sa aking FS account. Bumulaga sa aking harapan ang medyo hinihintay kong new message. Para akong asong ulol na binasa ang mensahe, only to get disappointed in the end. I've been silently waiting kasi for my old old kras'es reply. Pero kung iniisip niyong ako ang nag-initiate ng padalahan ng meseyds, hindi ko na matandaan, hehe. Pero ang alam ko, sya ang nauna.:D
REWIND...
Nagkakilala kami nung college days (kaya nga ayun ang taytol eh). Klasmeyts kami sa kors na pawang mga boylets lang ang kumukuha. Kaya as usual, sinundan na naman ako ng tanong na "Tomboy ka ba?" O kaya naman ay:"Pra kang tomboy, sayang ka!".
Mga *^@% kayo! "Babae ako, gerlalu". At ayun na nga. (Iwan ang topic na yan para sa susunod). Syempre kapag kapanahunan ng pagdadalaga lumalabas ang mga bagay na itinatago lang nung una:
= Panay pa-impress sa klase (recite kung recite, aral araw araw ng mga lectures para mapansin ni kras.
= Group project ba kamo? Game ako jan! Lalo na pag mga kung anik-anik na aabutin ng ten years bago matapos. Syempre "on the go" ako lalu na pag same grup kame.
= Musikahan mode ba? Sali din ako jan! Akin ang mic kanya ang gitara o piano.
Pero, nasira ang kahibangan ko ng sabihin niya sa akin na "kras" niya ang teacher namin sa English. Peborit teacher ko pa naman yun! Pagkakaalala ko kasama niya pa nga akong "nangharana" dun. Mega kanta pa ko ng How did you know habang inaabot niya ang white rose kay Mam Jhen. Oo, tama kayo ng basa, magkapangalan kami ni Mam. Grr. So after that incident, mega iwas na ko kay kras. Ikaw ba naman ang ganunin, hindi ka iiwas?
MOVING FORWARD...
Wag kang mag-alala
Di ko ipipilit sa 'yo
Kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa 'yo
Kinuha kami ni Mam Jhen para mag-represent ng course namin. Syempre singing contest at ayan nga ang kinanta ko.Isang kabwisitan lang ang nangyari, sapagkat may umeksenang "epalista" sa momentum ko at ng gitarista. Well, napahiya ko lang naman ang sarili ko sa harap ng maraming pipol sa iskul. Pero ok lang, makapal naman ang pagmumuka ko. chuvachuchu from xyz + chuvachuchu from kras = embarrasing moment
CONFRONTATION (CLIMAX LEVEL NA 'TO!)
At as usual, prang isang pelikula ang kwentong ito. Meron ding climax :D. Hmm. Paano nya nalaman ang mumunting chikret ko? Simple lang, sa bisa ng audio recording, merong isang echozera (isang term para sa chismosa / chismoso), na nagrecord ng aking may-i-confess my feelings momentum ko. *^@%, wala akong malay nun! nalaman ko na lang nung kausapin ako ni kras at nagpahayag din sya ng kanyang saloobin. Naalala ko pa, may hawak pa sya nung isang article about sa Difference of Love and Admiration. According to him kasi, He wants to make sure if what is the real score (abnuin din naman pala si kras). Kasi din daw, he doesn't want these unwanted feelings(oo ganyan nya dinescribe ang feelings namin). to ruin the friendship that we are having by that time. At ang ending ng usapan, "Lets know more about each other". Syempre ako, may-i-agree lang. Playing safe ang drama pero ok na din. No label pero kahit papano naramdaman ko naman na naging priority niya rin ako nung mga panahong iyon. Sa isip-isip ko ;("The feeling is mutual pero wala pa ding aksyon kundi manatiling magkaibigan?")
"G" THE EPAL GURLALU"
At malamang, hindi kumpleto ang kwento kung walang antagonist. Syempre sa lahat ng lab istorya, merong umeeksena na epalista. Syempre may umeksena sa kwento namin at itago natin sya sa initial na G. Maganda, kikay, at sexy. Ano ba naman ang laban ko dun diba? Ayun, at habang nandun kami sa "no label relationship" namin ni kras, may-i-enter the picture itong si gerlalu. Pero hindi sa pagmamayabang, fighting spirit at kapal ng muka lang ang lamang ni gerlalu saken (sa tunay na buhay yan). At ang ending, give way ako sa kanilang dalawa sapagkat nisabi kong babalik na lang ako kay xyz na open arms naman akong nitanggap to "rekindle" the ichliper lab istorya.
PRESENT TENSE
Pero hindi pa rin sila naging happy ending ni kras sapagkat pinagpalit niya si kras sa iba. (hmf, chika na naman ako). Natanggap ko naman ng maluwag sa aking kalooban ang aking pagkatalo sapagkat friends pa din naman kami ni Kras up to now. At nasa akin ang huling halakhak..nyahaha.
6 comments:
hmmmm mahilig ka talaga sa myusikality fifol noh?
nasa iyo ang huling halakhak? nyahahahaha
wala lang...
biba.
-oo nasa akin ang huling halakhak dahil ako lang naman ang tumatawa eh..haha...i lab myusikal pipol...hekhek
asus...ang nakalipas....wag nang balikan..past is past tense..remember the future tense...ahihihi
batman.
-nialala ko lang. balik-tanaw ika nga ng nila. Wla rin namang kasing present tense kung walang past tense.:D.weee...
teka, saan ba ako magsisimula?
andami kong gustong ihagalpak sayooooo!!!!
taena.. magsimula tayo kung saan ka nagmula..
rewind
ang galing.. iba ka.. iba talaga ang nagkaka-kras.. plastk manhid ka pala nun.. kung ako yun, ibinato ko na yung gitara sa kanila... kung kaya kong buhatin yung piano baka isama ko pa!
diko kaya un... mapahiya sa madla..heheh
kompronteysyon
ganun? sinu yung etchosera etchozero na yun? dapat binuhusan mo ng gasolina tapos sinilaban..
epal gerlalu
taena.. ganyan talaga ang labanan sa mga murang edad.. hahaha at yung kras mo na-get to know mo naman sa kompronteysyon?
tapos nung talunan at duguan ka na bumalik ka sa open arms ni xyz? taena... sabagay... may katas pa rin nman yun! hehepeace
presentens
wag ka ng bumalik kay xyz.. pudpud na bayag nun.. heheh
kosa...
--nasyak ako sa mga kumento mo..haha..teka, teka..pag-iisipan ko muna mabuti ang pwdng maisagot..haha
Post a Comment