8.1.09

Green green grass of home

Kaninang 12:30 na ng umaga ako nakauwi. Ang hirap nga naman magpaganda ng boses, sa isip isip ko. Bale twice a week kami nag-eensayo,naghahanda para pagdting ng aming pag-awit sa darating na mga panahon eh makapal na ang muka este maaus na ang aming performance. Umuwi ako kasabay sila ate Liziel tsaka Yanah. (Special mention kayo peepz..hehe.). Pagpasok ko sa bahay namin, este kwarto pla- as usual, lights out na. At ang inyong lingkod, nagcmulang mangapa sa dilim. Nyahaha.(konting fast forward tyo mga pre')

Pagkatapos ko mahiga sa aking munting higaan, pinilit ko na agad makatulog at makapahinga dahil maya-maya lang ay kailangan ko nang bumangon para maghanda sa pagpasok kinabukasan. Pumikit ako at nag-isip pero naicp ko na naman na naiwan ko nga pala sa opis ung celfone ko (lintik na pagka-ulyanin naman kc eh). Ayun, at ang ending, gising lang ako hanggang 3am. Nung nakatulog naman na ko, sumigaw naman na ang "alarm clock". Napabulong na lang ako ng: "Asus, tulog na ba yun?", sabay balikwas at handa para sa pagpasok sa opis.



Pagdating sa bus, mega borlog ang lola nio. hehe. Deadma sa mga kabayan na nagkukwentuhan sa paligid, basta tulog lang ako. Ewan kung tumulo ung laway ko. Ah basta, nakaidlip din ako kahit papano. Pagdating ko sa opis, aun at mejo puno na ang inbox ko sa mga msgs na nagssbing :"Quote for this and that, inform this and that", paglingon ko naman sa bulletin board ko ay ang nagsusumigaw na mga pending paperworks ko. Hay naku, pano ito gagawin ng isang taong tulog pa ang diwa?nyahaha. Ang nangyari, ginawa ko ang mga bagay na kailangan ngayon, at tumambay na sa mesenjer at nanggulo ng buhay ng ibang tao. Nagtawag para mag-recruit ng sasali sa palaro (o kayo gusto nio b sumali?haha),kumain, nagdrowing, nagbasa ng dyaryo,nag-net.In short, wala akong ginawang mga bagay na makabuluhan sa araw na ito. Oo, naka-move on na ko sa pagka-homesick ko kahapon at eto naman at ang puyat ang nilalabanan ko. Nagsusumigaw na nga din ang pimpols at ang eyebag ko ay nagccmula ng mangitim. (ok lng, maitim din naman ako). Tapos bumanat pa ng closing remarks ang boss ko (mapapalitan na ksi xa by next wik). Kainis dahil may-i-speech pa c kuya, paulit-ulit lang naman ang sinasabi (mga PANA nga naman..istorbo sa mga gingwa kong makabuluhan eh.)Hanggang sa nasumpungan kong tawagan c Yanah at baka gicng na xa. Hapon na din naman. Ayun, gamit ang landline ng opis, mega-dial ako. Sakses! Inimbitahan ko si Biba na sirain ang diet niya ng panandalian. Mejo naglalaway na rin kasi ako ng matagal sa "Shabu-shabu" nung kelan eh. Syempre, sa haus na nila Yanah ako dumirecho ng baba, at natural, nasita na naman ako ng atribidang driver ng shuttle. Deadma ako at mega smile lang ng tinanong niya ko dahil mejo may kaichurahan naman ang driver na ito kahit PANA. May pupuntahan kasi kaming "patintero marathon".

After lumafang ng sobra sobra sa pwede naming kainin, nagdecide kami ni Yanah na maglakad para matunaw ang mga kinain namin sa tyan. Habang nasa daan, tamang kwentuhan na naman kami. Mejo tumatakbo ang oras at gumagabi na. Pero ang mga magaling naming kaibigan na makakasama sa "marathon", hindi pa nagpaparamdam. Tawa ko ng tawa habang nagkukwentuhan kami, ayun at lumalakad na pala kami sa basang damuhan "xiet, omg, wtf,amf". Basa ang green green grass of home. Ayun, sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, naiba ang mga decsyon ni Yanah at icnama na ko sa mga pangarap nia na magpunta sa Dubai ngaung gabi. Sa kadahilanang strict ang parents este ang tita ko, hindi ako makapag-confirm. Nagpapatawa na lang ako evrytime kinukulit niya ko kung sasama ko. Pero as usual, hindi pa rin ako nakaligtas, hindi rin ako nakapunta sa kahit na ano dahil dumirecho ako ng uwi, pinatay ang dapt patyin (celfone lang po). At bahala na sa paghuhusga ng inampalan bukas pag nagkita kita kami ng mga mhal kong kaibigan. Nyahaha..Wag niyo ko ilaglag, "o hindi!wahahha". C yanah naman ay kumembot sa Dubai habang ako eto at nag-aadik este nag-apdeyt na lang ng kung anu-ano.

--Ayun lang....nonsense..hihi

3 comments:

poging (ilo)CANO said...

buti hindi kayo nadulas ni yanah sa basang green green grass...sayang..hehee..joke!

dapat sumama ka din kay knya para may kakembotan xa sa dubey..

makapunta nga jan!uuuu

yAnaH said...

si pogi nakiki-kembot na rin nyhahahaha... honga dapat pumunta ka d2 para maranasan mo with us kung how to walk in the wet green grass.. hahaha

Anonymous said...

@pogi...
wla eh, careful kami sa pagtapak sa green green grass of sharjah (habng cnusumpa ako ni yanah dhil dun ko xa pinadaan)..nyahaha..next time ssma ko sa dubey..haha..pra mega kembot kmi till dawn..wahihihi

@yanah...
kmusta ang kembot?..haha..auko sumama wlang boylet..:))