17.6.09

Antayteld

Matagal ko na ring kinalimutan ang malayang buhay. Ang buhay na pwedeng makisalamuha sa ibang tao sa labas ng bakuran ng aming tahanan. Minahal ko ang mga libro at awitin sa aking MP4. Sinubaybayan ko ang mga pelikula sa telebisyon (naka-cable kame..haha). Naadik ako sa net at naadik sa kung anu-anong online games. Naadik ako sa tulog kaya ang naging epekto ay kabaligtaran ngayong panahon na "focus" ako sa aking career. Kinalimutan ko ang aking edad at inisip ang bawat isang obligasyon na natutunan ko nang tanggapin sa paglipas ng mga araw.

Kahapon naaalala ko pa kung paano ko iniyakan ang plane ticket at visa na hawak ko nang mapadala iyon ng tita ko mula dito sa Dubai. Naalala ko kung paano ko ninais na itapon at paliparin yun para lamang hindi matuloy ang aking pag-alis. Kung gaano kasakit saken na iwan ang mga mahal ko sa buhay para makipagsapalaran sa ibang bansa kung saan wala akong kakilala ni isa, at kinakailangang magsalita ng lenggwaheng nagpapadugo ng ilong ko, ang inggles.

Sa paglipas ng mga araw at buwan. Natuto akong mag-adapt sa buhay UAE. Matulog ng limang oras sa isang araw. Magpuyat ng akala mo wala nang bukas, maglasing, umiyak mag-isa at tumawa ng mag-isa (walang halong biro nagawa ko yan). Sumali sa kulto upang kahit papaano ay magkaroon ng direksyon.

Nakakilala ng madaming tao. Nalibang. Inantok. Tinamad at Nalungkot na ako ng maraming beses sa buhay OFW ko. Madami nang nagtanong saken kung gusto ko na bang magbakasyon. Ang sagot ko ay "hindi". Nakakatawa, nakakagulat alam ko.

Pero alam mo ba kung bakit ayokong magbakasyon?

Dahil natatakot akong iwan silang muli pag oras na para bumalik dito sa UAE.
Natatakot akong maulit muli ang hirap ng kalooban na pinagdaanan ko ilang araw makalipas kong dumating dito.
Natatakot akong masanay at maging masaya ulit sa piling nila.
Natatakot akong umuwi dahil baka mawala ang trabaho ko pagbalik ko.
Natatakot akong masanay sa mga bagay na bahagya ko nang winaglit sa isipan ko para hindi ako malungkot.
Natatakot akong muling bumalik upang makumpleto ang pamilyang minsang sinira ko.

At higit sa lahat...

natatakot akong maging malungkot muli.....

(HINDI ko toh entry sa PEBA!!!!nyahaha)

16 comments:

A-Z-3-L said...

asus! akala ko entry mo na ito.. may dating kase!!! lakas ng arrive ng entry na ito! may tama ka... ikaw pa lang ang nakapagsulat ng ganong theme.. ung takot na umuwi sa Pinas na OFW dahil takot maging malungkot ulit! sa tingin ko kelangan lang ng konting edit nito... hmmmm..

2ngaw said...

Oh yeah?!!!Ayaw mo lang umalis kasi maiiwan si ano eh, si ano...si "12" lolzzz

nominate kaya kita sa PEBA para mapilitan kang sumali enoh? :D

EǝʞsuǝJ said...

Una sa lahat...
"wag nyo kong pagkaisahan!!!"
ahahaha!!!!

-azel-
hahah
ibig sabihin special tlga ko
special child
tsktsk..

may tama talaga ko..
aww..
hehe...
iisipin ko kung i-eentry ko toh o yung isang inuuod sa drafts ko..
:D

-CM-
wahaha
oi si pare..
chumichika..
syempre parte yun
:)
pero ewan ko ba...

walang ganun pare..
ako na lang magnonominate sa sarili ko...wahhaha

Gumamela said...

naisahan ako dun, kala ko entry na sa peba!

may mga bagay na nakasanayan n ntin na sa ayaw at sa gsto ntin nawawala at may mga bagay n hndi ntin inaasahan nakakasanayan n rn ntin...

gudluck!

poging (ilo)CANO said...

kaytagal mo nang nawala,, at babalik ka rin. at babalik at babalik karin....hehheh

"Natatakot akong masanay at maging masaya ulit sa piling nila....dahil masaya na ako sa piling niya...nyahahaha....takte tae!...lolz..

PaJAY said...

walang ganyan sa pinas!....

gillboard said...

What's wrong sa Pilipinas? ako nga ayokong umalis ng bansa eh... oh well...

eMPi said...

asus... wari ka pa... ayaw mong magbakasyon dahil maiiwan si L.O.M.L. :)

Deth said...

ako sis uuwi ako...

dahil birthday ko...

dahil kapag umuwi ako mababawasan ang lungkot at homesick na naipon sa dibdib ko...
dahil kapag umuwi ako mayayakap kong muli at mahahalikan ang mga pamangkin ko at pamilya ko...
dahil kapag umuwi ako makakatawa na ko ulet ng malakas kasama ang mga malalapit na kaibigan...
dahil, dahil, dahil...

dahil alam ko na kapag umuwi ako magiging masaya ako...sa kabila ng lahat ng lungkot na dinanas ko...at yun ang baon ko sa pagbalik ko:D

EǝʞsuǝJ said...

-Ate Bhing-
hehehe!
akala ko nga din po ehh..
pero hindi yan yung entry ko sa PEBA
meron pa kong ginagawa na hindi matapos-tapos...

tama ka ate bhing!
ganun po yung nararamdaman ko ngayon kaya halos ayukong magbakasyon..
salamat po!

-b1-
gary v?

may sinulat ba kong ganyan?
hahahaha...
oo natatakot akong umalis dahil masaya na ko sa piling nya, baka kase ipagpalit nya ko sa hausmate niya...:P

EǝʞsuǝJ said...

-Pajay-
explain further!
anu yung wala sa pinas?
si Pogi?
hahaha...

-gillboard-
mahal ang pancit canton sa pinas!
yun yun!
hahaha!
pero ayus naman ang buhay ko sa pinas actually...
yun nga lang
medyo sanay na talaga ko dito..:D

EǝʞsuǝJ said...

-Marco-
haha!
may ganun pa..
bakasyon lang naman ahh..
hehe

-Deth-
haiiii...

hindi ko alam..
parang hindi ko kayang sumakay ulit ng eroplano pabalik dito pag nakasama ko na sila ulit...
tsktsk..

spell takot?
J-E-N..
yun lang yun mare..
hehe..
gudlak sa bakasyon mo:D
kamusta mo ko sa pinas..
miss ko na kamo sya :D

A-Z-3-L said...

"oo natatakot akong umalis dahil masaya na ko sa piling nya, baka kase ipagpalit nya ko sa HAUSMATE niya"

awwww!! yan ung Egyptian na hindi nagbi-brief db??? (sabi kase ni batman wala naman daw syang nakikitang isinasampay na undies pag naglalaba! )lolz! tskkk..tskkkk....

EǝʞsuǝJ said...

-azeL-
oo sya yun!

yung palaging kinukwento ni batman saken..
yung pinagmamasdan nya habang sumasamba..
yung pinapanood nya habang natutulog dahil madalas bangungutin
yung kasabay nya kumain araw-araw
hahaha!

tsktsk..

Dhianz said...

may point kah sis jenskee... true hirap nga yan.. kc baka maaliw ka na don na baka ayaw moh nang bumalik... at hirap tlgah 'ung feeling na homesick.. iba pakiramdam... at syempre true din.. kc maiiwan si b1... ahehe... sis jenskee! mustah? 'la akoh sa plurk.. 'ung energy level koh atah low in d' ground ngaun... hayz.. oh yeah sana maayos den lahat sa inyo nang isang malapit na kaibigan moh... ingatz lagi. Godbless! -di

EǝʞsuǝJ said...

-Dhi-
ayus na kame mare...
nagkatampuhan lang talaga..
hehe..

ganun lang ako maglambing sa kanya..
joke...

Godbless you too..
keepsafe mare..
kitakits sa plurk neks taym :D