Subukan mong mag-abroad, tutal naman bata ka pa, hindi ka magiging malungkot dun. Isipin mo na lang ang kinabukasan ng mga kapatid mo, nila, naming pamilya mo.Kung tama ako ng pagkaka-alala, yan ang pahayag na nagpakumbinsi saken para mangibang-bansa....
Halos mag-iisang taon na din ang lumipas mula ng mahirapan akong kumbinsihin ang sarili kong umalis. Madami akong mga tanong noon. Natatakot akong umalis. Natatakot akong iwanan ang mga mahal ko sa buhay. Natatakot akong maiba ang takbo ng buhay ko. Oo, natatakot ako. Dahil duwag ako.
Naaalala ko pa, Marso pa lang ng taong 2008 ay pinakuha na nila ko ng passport sa DFA. Ilang araw matapos ang aking kaarawan. Malungkot ako ng mga panahon na iyon. May hang-over pa kasi ako sa pakikipaglokohan ko sa aking ekswaysey, masakit din ang kalooban ko nun, dahil na rin kailangan kong iwanan ang pag-aaral ko. Huling taon ko na nun sa kursong BS Vulcanizing. Kaya lang, para sa isang MAS magandang oportunidad, pinili kong makipagsapalaran.
Hulyo 21, 2008 ng natanggap ko ang aking visit visa at plane ticket galing sa aking tita. Wala ako sa sarili ng mga panahon na yun. Hindi ko rin sinabi sa aking mga magulang na matutuloy na ang pag-alis ko. Wala akong sinabihan ni isa dahil ayoko SANA tumuloy. Dahil na naman sa TAKOT at PANGAMBA na baka hindi naman ako swertihin sa ibang bansa. Marami akong impaktors na dinadahilan sa sarili ko.
Not all things are meant to be, but everything is worth a try
Dinikdik ko sa sistema ko yang kasabihang yan.
Hanggang ngayon namumuhay pa din ako sa kasabihang yan.
Minsan nalulungkot ako at nahihirapan.
Iniisip na sa edad kong ito, sana ay nasa tambayan lang ako at nakikipagharutan sa mga kaedaran ko.
Iniisip na sana, nasa bahay lang ako at natutulog.
Iniisip na sana nasa bahay lang ako at nakikita ang pagkukulitan ng mga kapatid ko.
Iniisip na sana, nasa bahay lang ako at naririnig ang mga tawa at halakhak ng mga kapatid ko.
Iniisip na sana,sana lang naman. Nasa pinas ako.....
Ngunit ang lahat ay hanggang sana lang......
Dahil.......
Hindi ako pinayagan magbakasyon ng amo ko sa Pinas ngayong taon na toh. Buhoooo...takte ka boss...!!!!!!
19 comments:
awwww!
ayus lang yan... kung nagbakasyon ka ba... ok lng na iwan ang superhero mo? im sure.. ssabihin mo sa boss mo.. pwede ba sa December boss? lolz!
joskooo!! kala ko kung ano ng madramang post itech!
jen...ano bombahin na natin yang boss mo? san mo gustong bombahin? hingi tayo dun sa mga taga iraq ng mortar! dali! lolzzz
pero ayos lang yan... isipin mo nalang na mahal ka ng boss mo kaya ayaw ka nyang mawalay sa paningin niya...
at kase...
kase...
mamimiss mo yung super duper to the highest level to the 48th power na paputok nya! lolz
kong hndi ka nag abroad SANA hndi mo nakilala si batman..lolzz
jee pag chocolates lang ang mortar nmin dito...hahaha
ingatzz..
-azEL-
wahahah...
sabay nga kami dapat magbabakasyon ehhh
kaya lang etong kupaL na toh...
masyado kong ayaw mawala sa paningin nya...
eh ayun..
ahahah...
-Jee-
hahaha..
madrama sya dapat
kaya lang naisip ko baka walang magbasa pag madrama
whahaha..
sa may kilikili naten patamaan..
kakainis ehh...
ahahai..
high na high na nga ako sa amoy nya ehh..
ayaw pa kong pagbakasyunin..amf!
-Lenz-
ahaha..
meganun?
oo nga naman
may tama ka jan..
heheheh...
ingats din..:)
heheh huwag kana lang umuwi na pinas hahaha... jan ka nalang. di karin payagan ng boss mo...
ingatssssss
ahahahha, may pagkakontrabida si boss mo e ano...okei lang yan mare isipin mo na lang ham yan, este si B1
whaaaaaatt...uuwi akong mag-isa...toinkz...
dahil sa pag-aabroad mo, nakita mo naman si ewan ko na nagpatibok ng puso mo..nyahahaha
sabi ko na nga ba eh! kupal talga yung boss mo na mabaho..hohoho
may 168 days pa para magbago isip ng boss mo...tsk..tsk..tsk..
ok lang yun jen basta masaya sa piling ni.....??.. yun na yun heheh
-Kuya Ching-
kadayaan nya kamo!
sya magbabakasyon eh wla pa nga syang one year...
tsktsk...
-Deth-
sinabi mo pa mare..
sarap nga banatan ehh
local leave na lng siguro
hayyyssss....
-b1-
bakit?
di ka ba marunong umuwi ng pinas?
hahahaha...
adik!
so kelangan may countdown talaga?
hahaha..
napaghahalatang atat lang ehh..
bleh..:P
-bomzz-
hahahaha
isa pa toh ohh
tsktks..
oo nga
pero iba pa din yung makikita mo yung buong family tree mo :D
1 year kna pala sa abroad.
tagal na din pala,mayaman kana hehe
gantihan mo ang boss mo lagyan mo ng karayom yung upuan,lols
isa lang ibig sabihin nyan... gusto ng boss mo ang serbisyo mo... hehehehe!
yaan mo na... mag-ipon ka na lang muna para next year pag uwi mo... daming mong baon...
-HNS-
oo pre..
saglit lang din
di ko namamalayan
ang buhay kase dito..
work-bahay-work
ganun kaboring..
hayyy...
kung kelan gusto mo na magbakasyon chka naman ayaw pumayag..
hahaha...
malaking tao tong amo ko pare..
di kakayanin ng karayom yung pwet neto..hahaha
-Marco-
sabagay...
hei nekew nemen...
daming baon?
ahahah..
ayus lang nmn din..
wala pa nmn din ako naiipon..
hahaha...
seryoso post moh ngaun sis jenskee ahh... kakapanibago... awww.. dehinz ka pinayagan?... nemen boss tlgah oo... papameet tlgah kitah sa boss koh... magigign best buds kayo non.. lolz.. pero ayos lang sis.. thank God triny moh.. kundi nde kah magkakaroon nang b1 flu.. lolz.. teka.. uy!.. pagaling kah sis... at least nakauwi ka nang maaga para makapagpahinga.. take good care of 'urself.. *hugz*... ingatz lagi... Godbless! -di
Sarap sana magbakasyon sa Pinas, pero sa isang banda, makakabuti nga na palagpasin mo muna ang swine flu, makakauwi ka rin, don't worry, In God's time, you'll be there sooner than you think, just try enjoy life for a while, andito naman kami to cheer you up.
God bless.
Hehehe :D Next year pwede mo uling subukan..malay mo payagan ka na lolzz
better luck next time mare,,
ganyan talaga ang buhay, laging may kontra bida..
so, isipin mo na lang nasa pinas ka..haha
tinapay, mananalo ka kamo sa famas at oscar award, kelangan mo kunin ang plaque at golden globe trophy!
Hehhee, pero alam mo, ang sabi ng boss, nagbabago, promise.
sa kabilang dako...ok na rin dahil ibig sabihin nyan more quality time kasama ang iyong ka holding hands...lolz..
Tagay jentot!..
-Dhianz-
ahahaha
mabaho din ba boss mo?
just asking..
wahahaha...
salamat mare..:)
-THe pope-
Salamat po kuya...
actually ok nmn dito
malayo man malapit din..
hehehehe....
Godbless you too :D
-Cm-
wahahaha...honga
pag neks yir ayaw nya padin
aba..
ibang usapan na yan
suntukan na lang!
hahahah
-Jez-
hahaha
ok lang mare
para din namang nasa pinas ka pag andito
madaming kabayan sa paligid...
hehehehe...
di nga lang buhay prinsesa..
tsktsk
-KuyaKenji-
hahaha
in shalla kuya..
i wish magbago nga ang amoy este ang isip ni boss :D
-PaJay-
naks
meganun?
hahaha
oo nga nyahahaha
takteng yan..
tagay lang ng tagay..heehhe
Post a Comment