6.6.09

Why I'm still single

Nagtaka ka ba sa taytel na nakita mo sa sidebar mo? Oo, yan nga ang taytel ko. Yan ang naiisip ko ng bonggang-bongga nitong mga nakaraang linggo, araw, oras, minuto, at segundo. Lumabnaw ang utak ko dahil masyado akong abala sa pagpapakabusy sa buhay ko. Wala rin akong matinong naitutulog dahil sadyang madamot ang panahon (na bigyan ako ng malalim at matinong tulog). Sya sya, tignan mo na lang ang malagim na listahan ng mga bagay ng dahilanes ko sa buhay kung bakit hanggang ngayon eh single blessedness ako. (Amputek, amoy bitterness na naman!nyahaha)....

1. Masyado na kong nasanay na mamuhay ng single. Wala kang itetext ng minu-minuto, wala kang aalagaan, walang alalahanin, walang kaaway, wala kang tatawagan, wala kang bebeybihin, wala kang kunsumisyon!!!!!(ilang im-paktors lang yan, di ko na iiisa-isahin ang mga bagay na nasa isip ko dahil baka maTO kayo ng bonnga saken at wag nang bumalik dito sa bahay ko!hahaha)

2. Ayoko ng istorbo sa buhay ko. Malinaw na malinaw. Ayoko ng epal na tatawag para lang tanungin kung anung kinain ko, kung tumae na ba (joke), at kung busy o tulog na ba ko. Common sense..anak ng..hehe

3. Tomboy daw ako sabi nung kaibigan ko! Masakit man sa loob ko, madalas eh binabato sken ng mga kaibigan ko itong reason na to. Na kaya daw walang lumalapit saken para (you know na) eh dahil akala nila mas lalaki pa ko sa kanila, which is true. Haha.

4. Hindi ako mahilig makipag-flirt. Inaasar ako ng mga tao sa paligid na lumalandi na daw ako. Tsktsk. Salamat sa pagpapa-alala at pagpuna, pero minsanan lang ako kung kumembot ng bongga, nyahahah, natyempuhan mo lang ako ngayon.

5. Moody ako. Madami akong problema sa sarili ko kaya medyo sarado ang utak ko sa commitment nitong mga nakaraang panahon.

6. Takot ako sa commitment! Natatakot akong seryosohin ng bongga ng magiging bf ko (ip eber) dahil hindi pa ko ready na maging hawswayp!..omaygas!hehe..

7. Strong daw ang personality ko! At dahil jan, natatakot ang mga langgam na lumapit saken. Dahil isa't kalahating pambabalahura lang ang inaabot nila. (Mahangin na ba?haha)

8. Pa-cute lang ako. At hindi dahil kinukulit ko ng minu-minuto ang isang tao, aylaykhimna. Hehe. Minsan, its exactly the opposite.

9. Insensitive ako. Kahit inihahain na ng bonggang bonnga ni guy ang sarili nya saken, pag hindi ko talaga sya feel, deadma ang lola mo! Wahaha.

10. In denial ako. Minsan, or madalas, mahal ko na yung isang tao, denial pa din ako. Kaya kadalasan, nauunahan ako ng salitang "INIP" bago ko marealize ang mga bagay-bagay.

11. Mataray ako. Mas matangkad pa sken ang katarayan na taglay ko. Kaya move over Miriam! Wag mo kong babanggain dahil ayokong makipag-away dito. Haha.

12. Tamad ako. Tamad ako maginvest ng oras, ng pera, at ng kwento. Kaya kung binibigay ko sayo ang alinman dito. Hmmm...nyahaha...

13. Demanding ako. Hindi ako marunong makuntento, period walang erase. Demanding ako sa lahat ng bagay. Parang sirang tamagochi lang eh nho. Nyahaha..

14. Authistic ako. At dahil jan, bibihirang tao lang ang nakakaunawa saken.

15. Matakaw ako. Nakakaturn off yan sa babae alam ko. Wag ka nang pumalag. Just deal with it. Hehe.

16. Immature ako. Hindi ko na siguro kelangan ng paliwanag. All my posts will explain it for me. Nyahaha.

Ayan ang mga kalokohan na naisip ko kaya hindi pa ako binibiyayaan ng makukulit ng bonggang bongga. Hehe. Smile pipol :D

32 comments:

Ken said...

masyado mo naman kinareer Jen...

Bakit siya Single
1. Cute sia, intimidated ang guy.
2. matalino siya
3. magaling magbilang
4. masayahin
5. responsable sa pamilya
6. may substance (prinsipyo daw yan)
7. may trabaho na maayos, dirham.
8. magaling kumanta
9. kikay sa lahat ng bagay
10. magaling sa judging...haha


di pa nga kita kilala...

Ken said...

ako ba yun, totoo ba ang nabasa ko, ako ang nakabased! CM, hahaha, sabi ko idlip ka lang, kaya nakabase ako dito


haha, ang saya!

JΣšï said...

natawa ako jen! hehehe..

hmmm... okei lang naman maging singol ah! atleast sarili mo lang ang iintindihin mo. pero parang may kulang. aminin mo man o hindi. ai in denial ka nga pala! lolzz

wak kang matakot sa commitment. natural lang yan sa nagmamahal. hehehe..

basta ang payo lang ni manang dyi, sakaling mainlab ka man wak mo maxadong ibuhos ng 100% ang lab mo sa guy. tama na mga 30% lang. joke! hahaha.

pero seryusli, totoo un. mas mahalin mo ang sarili mo kesa sa magiging bi-ip mo para sakaling magkahiwalay man kayo (oi ndi ko naman pinapanalangin ha..) e ndi ka maxadong masasaktan.

basta basta...

makapagsulat nga ng about commitment! saka ko na tatapusin yung lab layp story ni manang dyi. hehehe..

piNk jhANdz said...

pwede magcomment...;p

unang una... hndi ka tomboy...
BAKLAH ka BAKLAH...harharhar!! ;p

secondly (oh debah... laban ka dun baklah.. secondly... harhar! ;p)
matakaw dn nmn aketz... hmmm... hndi kea un dn ang rison kun bkt singol dn aq... haha! nkalimutan qoh singol dn pla aq... waahhh... peo helleww... mas matakaw nmn ata un mahal qoh noh... amff...;p

thirdly (ui consistent ang english...;p) i know nmn n those people n takot s commitment r those who know d true meaning of it... (baklah sabhn mu lng kun di mu naintndhan ah... itatranslate qoh for u... cnxa na nagnosebleed dn aq dun weh...ahehe! ;p)

pang-apat (hayan... hndi qoh na kineri... tinagalog qoh na...;p) honga baklah... in denayal k nga baklah... in denayal n ok ka at masaya para kay...................
ah bsta panglima na...harhar! ;p

and lastly... (pgbgyan mu n qoh last n...;p) naamoy qoh rn un baklah... naamoy qoh rn ang AMPALAYAAAAA... wahehehe!! winner ka tlga gurl...!!


nakaww... yaan mu na... keri yan baklah... kaya ntn toh... may darating dn na bonggang papabol s buhay ntn...ahehe! ;p

aylabyu...
mwaahuggzzz...;))

zebzeb said...

1. Masyado na kong nasanay na mamuhay ng single.
2. Ayoko ng istorbo sa buhay ko.
5. Moody ako.
6. Takot ako sa commitment!
9. Insensitive ako.
10. In denial ako.

parehong pareho tayo dyan. mas ako yung no. 6 hehehe.

Trainer Y said...

1 and 2....kasinungalingan!
its all in your mind! cheee!
3... si Ferdible lang naman ang may sabi nun eh saka ung mama sa church na nag merry xmas brod sayo last year!
4.. hindi kinakailangan kahiligan ang pakikipagflirt bakla... anubeh!
5...100%
6....tumapk na tumpak...
7...hindi naman talaga strong.. pambalat kayo lang :P
8....buti alam mo :P
9....100%
10....1,000,000,000%
11....taray-tarayan lang.. tulad nung isa.. pambalat kayo mo alng...
12.....hindi ka tamad.. TAKOTTTTTTT ka!!!
13....ow?
14.....at least aware at aminado ka
15....no comment!
16....another one of those 1,000,000,000%
Ayan ang mga kalokohan na naisip ko kaya hindi pa ako binibiyayaan ng makukulit ng bonggang bongga. Hehe. Smile pipol :D

KALOKAHAN at KALOKOHAN!!!!!

EǝʞsuǝJ said...

@kuya kenji..

nyawww...
ang sarap basahin ng comment mo
natutuwa ako ng bongga ehh:)

sabay bawi lang sa dulo..hehehe
yun yun ehh :)
at congrats ng bongga sayo dahil naunahan mo si pareng CM ngayon :D

@JEe..
haha
hmmm
problema minsan manang..hindi korin maintindihan sarili ko
30%? pwede bang mga 10 % lang?joke...

sige basahin ko yng post mo about commitment..hehe

Deth said...

ahahaha...baket parang kinakausap ko lang sarili ko habang ngababasa ako, nyahahhha

EǝʞsuǝJ said...

@jhandy...
hehe...

alam na alam ehh
tsktsk..
astig ng english-ing
haha
ma-ly sa dulo ehh...:D
at pinoint out ng bongga ang pang-apat..haha..
salamt bakla :)

@zeb...
hehehe...
astig ka din pala pare?
hehehe...
joke..
yan kasi kadalasan ang impaktors ehh..:D

@yanah...
GUMAGANYAN KA PA!

wag ka nang maingay!
madami kang alam ehh
hahahaa...

@yanah...

gillboard said...

wala masamang maging single...

2ngaw said...

Ang kulit kasi eh!!!sabi nang wag umidlip!!!ayan o, pang labing isa ka na!!! Babawi ako lolzzz

Bata ka pa mare, marami pang dadaan na lalake jan :D ... isipin mo nga yung officemate ko 45 yrs old na nung tinanong ko kung di pa nag aasawa eh ang sagot ba naman "di pa eto ang tamang panahon" ... kaya mare, pakinngan mo sya...marami na sya karanasan, 45 yrs old na eh lolzz

bomzz said...

Ayaw mo pa kasing may kadobol kaya singgol ka lang.. heheh

(puntong bisaya)

Nanggugulong Jen..

poging (ilo)CANO said...

sauce! ong domo mong chovo ok..ok...hoho.....odok ko!

from 1 to 16 ang masasabi ko ang ay isang malaking TOINKZ....

beste! kelen dereteng eng bekes?..

Ang buhay ay parang sine said...

Ate jen, naaliw ako sa post mo.

Ako din, takot na ulit sa commitment at ayoko ng magkaroon ng biep dahil nakakaloka! :D nakakasakit lang sa ulo mo, imbis na sarili mo lang iintindihin mo, para kang may anak na iintindihin mo pa pag nagkasaket bago pag hindi mo naasikaso, todo tampo na sa'yo. hahah.

Kosa said...

hahahaha

baka naman mamaya kainin mo yan at malaman kong BUMIGAY ka na..lols

kung hindi man ngayun,
basta sooner or later
BIBIGAY KA RIN!!!

Hermogenes said...

usapang girl din pala dito...

makikiraan na lang din po, lolz

keep safe!

Unknown said...

hndi rin nman ako flirt ah!
pero ang galing kong manungkit! hahaha!

aliw..

NJ Abad said...

jen, ako singol din pag nandito sa desyerto...hehehe.

EǝʞsuǝJ said...

@deth...
hahaha
naku mare
kinausap mo sarili mo habang binabasa mo toh?
pwede ekspleyn perder?
joke...:D

@gillboard...
wala nga pare
di naman nila pinapakulong dito sa dubai ang mga single ehh..
heheheh

@CM...
Kaya pala tahimik ka pare
bonggang idlip ka!

haha
45-22= 23 yrs (yan yung age gap namin ng opismeyt mo)
pero parang mas advance ng wanport ang utak ko sknya ahh..
kelan naman daw niya balak unahan si "Tamang panahon"?hahaha

EǝʞsuǝJ said...

@kuya bomzz..
dobol ba kamo dong?
nyahahah....

tsktsk..
wala eh SFC ako
di naman DFC diba?
nyahahaha

@b1..
ewan ewan ewan!
haha

darating ang bukas..
malamang..
haha..
WAG ATAT! anak ng teteng!hahaha

@chaze..
bata ka pa ineng
(mas bata ka sken)
WAg mo kong gayahin
sadyang special child ako kaya ganito ko...

pero may tama ka..
dahilanes ko din yan eh :D

Dhianz said...

naaliw naman akoh sa post moh sis jenskee... natuwa akoh sa way nang pagkakuwento moh... u make my day... nakanang... salamat kc sinira nang boss koh ang araw koh... lolz... pero ayos lang... oh yeah title pa lang napaka-catchy na sa mata... mapapabasa ka tlgah nang bonggang bongga eh... wehe... kaya palah sinabi moh saken na lumabnaw ang yutakz moh... yon palah yon...

1. oo nga true pero mamimiss moh ren minsan syempre 'ung may bebeyhin kah... aalagaan... puwede ren papaliguan... wehe... kunsumisyon man... pero masarap... naks... wehe...

2. haha... natawa akoh... alam moh bah yan ang mga namimiss koh... 'ung tatanungin kung kumain na akoh... ano kinain moh... anong oras akoh uuwi... asan kah... haha.. natawa akoh... akoh yata ang madalas magtanong nang ganyan... nde palah 'ung mga guyz... lolz...

3. nde ka tomboy...bading silah kaya nde silah lumalapit sau... lolz...

4. haha... oo nga naman lumandi kah paminsan minsan... namiss koh nga 'ung may nilalandi akoh eh.. tsk.. lolz

5. usapang problema bah... abahh nde lang kaw meron nyan... lahat tayo marami nyan... sarado ang yutakz moh... pero for sure... may nakaawang na pasukan sa puso moh... mga term eh noh...

6. nde naman dapat tumalon agad sa pagiging housewife... enjoy lang... have bf... pag nde magwork-out... iwan moh... lolz... pero yeah sana nga 'ung next one eh 'ung syempre makakasama moh na for d' rest of 'ur life... pero nde naman tlgah dapat magmadali... kapag kayo nah... enjoy nyo lang ang time together... hanggang dumating sa time na ready na kayoh... dmeng sinabi eh noh...

7. haha... strong bah... hmmm... kapag nainlab ka nang bonggang bongga... magiging maamong tupa kah... yang strong personality moh... magiging sobrang weak yan...

8. hmmm... lahat naman atah pa-cute eh... at least cute... wehe...

9. haha... lola... hwag moh na pahirapan... sabihin moh na agad kung ayaw moh para naman ngaun pa lang mag-start na silah mag-impake... magmove-on at maghanap nang iba... wehe... at tsaka deadma kah kc nde moh naman tlgah gusto... siguro 'ung taong gusto moh eh... hmmm... nasa outer space? di ma-reach... hmmm....

10. in denial... i think karamihan sa aten eh ganyan... in denial lang siguro para nde masaktan...

11. naks naman... mataray palah si lola.. kaya palah nde makalapit si 1/8... wehehe...

12. tlgah... hmmm... akoh naman nagiging tamad sa ibang bagay dahil sa pag-ibig.. kc wala akong gustong gawin kung iinvest ang oras koh kaiisip sa kanyah... kahit halos nde koh na mabasa lectures koh... nde makapag-concentrate sa exams koh... maisip koh lang sya... adik eh noh... lolz

13. hmmm... parang narinig koh na yang linya na yan saken... nde naman akoh demanding... pero i would love to have his undivided attention to meeh... demanding bah 'un?

14. pag mahal moh... mauunawaan ka nyah at mamahalin nya lahat nang weaknesses moh... nakanang... syempre... da power of lab... malufet... wehe...

15. hehe... ayos lang yan... for sure he will juz deal w/ it...

16. immature kah... ayos lang.. kakatuwa naman... at least nde boring...

kulang na lang gawin koh na reng post tong reply koh noh... wehehe... ingatz sis jenskee-chan... *hugz*... Godbless! -di

13.

EǝʞsuǝJ said...

@kosa..
Wushu

tsktsk
magpapainom o manlilibre ka ba pag BUMIGAY ako?
takte pare ang sagwa ng term mo:
BUMIGAY (parang lalakeng nagdecide maging bading ehh)..haha

hmmm...
hindi pa ito yung TAMANG PANAHON
natutuhan ko kay Pareng CM..
hahahah..
antayin kong mag45 yrs old ako..
maybe that's the right time
nyahaha

@tonio..
hehehee
girl ba pare?
di bale,
sunod na post ko gagawin kong panlalaki naman para makarelate kayo..nyahahah

EǝʞsuǝJ said...

@jelai..
haha
ganun ba?
congrats sayo
shy type kase ako...
tsktsk...

@Kuya NJ...
hahaha
madami din pong ganyan dito sa dubai..
single.pero dobol sa pinas.
hahaha

EǝʞsuǝJ said...

@dhianz...

Hahaha! parang lahat kayo naaliw?
takte nag-eemote ako eh
natuwa pa kayo?
joke...

1. Totoo yan! (yanah!) ayaw kase maniwala ni yanah..sabi din sa serbey sa FB..ako daw eh hindi "open ang isip para sa mga relationships"..so ano? welcome to spinsterhood ang drama?hahaha

2. haha..ayus lang din naman saken yan..Problema lang kasi, parang drugs yan, o internet..once na nakasanayan mo na..hahanap-hanapin mo na..ayuko ng ganun!:D

3. wahaha..exactly!

4. tsktsk..ang lagay eh..hindi ako convincing sa mga ganyang kachorvahan..nyahahah

5. Nakapadlock ehh..panu yun?nyahaha

6. Exaggerated lang talaga ko magkwento mare..nyaahah...kabataan ko pa..:)

7. Hmm..may tama ka dito..hehe

8. Hahaha..ano ito tuta?haha

9. Wahaha...don't spill the jelly beans mare..:D

10.Precisely!

11. Nyahaha..backread mo comment ni yanah! :D

12. Ay ganun? Ako eh mahilig sa disappearing act :D

13. Hehe..tingin mo marE?hehe

14. Naks..loving beyond imperfections ba ito? possible!:D

15. Wahehehe...deal with it? i doubt it!..

16. Wahaha..Nakakainis ako kasama mare! tanong mo pa kay yanah! pabago bago mood ko. Kadalasan nga may tantrums pa ko ehh..hahaha

Salamat sa pagdaan dhi! ingat ka!:D..*hugz* GB u :D

Dhianz said...

hahahah... isa pa hahaha... naaliw naman akoh sa reply moh... naduling akoh.. kelangan koh pabang balikan yung sinabi koh para maintindihan koh ang reply moh... funny nyan kanina binasa kanina uletz 'ung post moh para makapagreply nang ayos sa bawat hirit moh... may sense pa bah... at ahehe... nagback-read pa tlgah akoh sa koment ni ate yanah... alam moh bah binasa koh na nga yang kay ate yanah kanina... kakatuwa koment nya sau eh... kc parang kilang kilala ka nyah... syempre nga naman magkasama kayo madalas non... ahehe... pagbabalat kayo lang palah kayo ni way eight... hehehe... teka naaliw den akoh sa koment ni ehem... hehe... hwag na magbanggit... haha... aliw kah sis jenskee... wala lagn... eemo ka bah nyan... aehehe... oo nga eh naaliw lang kmeng lahat nang bonggang bongga... mag-emo ka lagn lagi ha... lolz... parang last time emo ang post koh... ginawang comedy ni kuya EJ... naalala koh lang... wehe... oo nga minsan hirap adicting ang mainlab... tsk.. pag nawala parang nakakamatay ... parang can't breathe as in no air.. lolz.. nakapad-lock bah ang puso moh... dali lagn yan... purchase ka lang nang universal key... 'un bah tawag don... universal key? lolz..salamat sa reply moh ha naaliw akoh.. salamat u make my day kc tlgah sinira nang boss koh... tsk!.. lolz.. reply ka uletz d2 parah nde akoh magmukhang tanga... wehe...para ka lang 'ung taong labs koh... may pagka-moody... buti na lang pasensiyosa akoh... wehe... sige...ingatz lagi... *hugz* sis jenskee-chan... Godbless! -di

A-Z-3-L said...

kala ko diary nyo to ni Dhianz... lolz!

sows! ako nga di pa married... single pa rin ang status eh di hamak na matanda ako sayo....

pero hindi gaya mo, di ako takot sa commitment.. di ako duwag.. kahit isigaw pa sa buong kalawakan! (jokeness!!!)

dadating din un... pag sya na nga un!!!

EǝʞsuǝJ said...

@dhianz (part two)
hahaha...
at naaliw ka nga tlga ng bongga!
hehehe

minsan kase mare..
mas ok pag friends lang kayo...
walang hassle, walang commitment
problema nga lang..bawal magdemand..tsktsk..
yun ang problema
dahil..
"ang unang mag-fall, talo!"

@Azel...
prawdness!
hehehe...

tsktsk...
isigaw sa buong kalawakan?
how?
hehehe

naks..antay mode lang ba dapat.?
hehe..
sige sige..antay lang ako...
Kahit maputi na ang buhok ko..
wahahhaa

Dhianz said...

to Sis Azel: naaliw naman akoh sa hirit moh... akala koh nga blog koh toh eh... aehehhe... kay sis jenskee palah... lolz...


to sis Jenskee: see si sis azel isisigaw pa sa kalawakan... kaw den.. isigaw moh sa outer space pah si... ehem ehem... ahehehe...

ang adik eh noh.. kausap sa plurk... kinuletz pa sa blog... gusto moh number moh pa sis jenskee.. aehehe... salamat sa kulitanz sa plurk.. kakaliw kah... kaw den adik eh... nasa plurk... nasa blog... nasa work... ang ang isipan lumilipad papuntang direction na.... a. north b. south. c. east d. west. e. none of the above.... aehehe... 'if 'ur happy and u know it clap 'ur hands... wala lang... ang adik koh ngaun tsk... naman kc si boss eh... tsk tsk tsk! lolz.. =)

EǝʞsuǝJ said...

@dhi (part 3)
pangatlo na ba?
o mali na ko ng bilang?
hahaah!

adik ka dhi...
duling na duling na mata ko dahil sayo..
joke..hehehe

tama na..
nyahahaha

PaJAY said...

AT ikaw ay Nahatulan ng LABIS NA PAGPAPANGGAP NA "SINGGOL" y necesita ahora mismo dale con tigo el peloton de Fusilimiento!..

MGA GWARDIYA SIBIL!....




PREPAREN!..





APUNTEN!!!





FUEGO!!!!!




beng!...


lolz..

Dhianz said...

hahaha... sis jenskee... kanina sa plurkville pleaded guilty kah... ngaun nahuli ka pa atah nang kastila... lolz...


kuya EJ oh... minsan lang humritz pero kakaaliw... *wink* =)


to sis Jenskee: haha.. duling duling ka na bah... akoh den nahilo don kaya natulogz na lang akoh... laterz sis Jensk! =)


Godbless! -di

EǝʞsuǝJ said...

@pajay...

wahaha
NAGPAPANGGAP?

yung isa ang sabi ehh BIBIGAY..
takte
mga akusasyon ahh..
wahahah...
mga adik!
hehehe

@Dhianz...
haha
kahit san ako magpunta
inuusig ako ahh
wahahaha