4.6.09

Kailangan pa ba?

Baluktot ang paniniwala ko sa buhay. Oo, kaya nga andito ako sa ibang bansa. Baluktot ako mag-isip. Adik ako, masamang tao, masamang impluwensya sa ibang tao at walang maidudulot na kabutihan sa sambayanan. Isa akong drop out, isa akong tambay. Hindi ako propesyonal na akawntant o inhinyero kaya sinipa ako ng mga magulang ko patungo dito...

Ngunit.........

Sa kabila ng mga pagkukulang ko sa buhay. Marunong akong magmahal at rumespeto ng opinyon ng iba. Kapag hindi ko ito nagustuhan, tahimik lang ako. Pag hindi ko alam ang nangyayari, nagtatanong ako. Pag alam kong may nangangamoy na away, hindi ako kailanman nagiging dahilan upang maging instrumento para magpatuloy pa ang bangayan sa paligid ligid. Hindi ako balimbing, hindi ako sakim. Hindi ako uhaw sa atensyon ng iba. Hindi ko kailanman ninais na gawing kasangkapan ang iba upang ako ay mapansin ng karamihan. Kuntento ako sa maliit kong mundo. Walang away, walang gulo. Welkam ang lahat ng opinyon.

Andito ako para sa PERA,ngunit hindi lang dun nagtatapos ang lahat. Nandito rin ako para sa aking pamilya, para sa kanilang mga pangarap. Nandito ako dahil may dahilan. Nandito ako upang ako ay may matutuhan. Nandito ako hindi para sa pipitsuging Tsokolate. Nandito ako dahil sa pagmamahal ko sa aking pamilya. Nandito ako dahil ginusto ko ito. Nandito ako hindi dahil gusto kong maconsider ng pamahalaan na bayani. Nandito ako dahil sa PAGMAMAHAL at RESPETO ko sa aking pamilya. Dahil marunong akong rumespeto sa damdamin at prinsipyo ng iba.

Ngayon sabihin mo?

Kailangan pa ba na paulit-ulit isa-isahin lahat yan?

17 comments:

2ngaw said...

Sa palagay mo?

Ken said...

ang nakakatawa, title pa lang itong post na ito, nakapila na kami ni CM magkomento, ang sabi saken ng author, title pa lang, naunahan ako ni cm kasi matinik yun eh, tagablogger pa, naunahan ako magbase, kaya di ako nakatsamba! Daga ka talaga CM!!! Daga!!! lolz!

Ayan Pogi, nakilolz na rin ako, lagi na ako maglololz! hehehe, thanks parekoy.

Teka, bakit dito ako nagcocomment sa page ni Jen about sa comment mo sa page ko. hehehe

Jen, ang mga walang PERA, naghihimutok, ang mga mapera, tumatawa tawa! Tumawa ka na lang. hehehe

2ngaw said...

Aba!!Bakit biglang nagkaruon ng laman to? kanina taytol lang eh...nitamad na ako magbasa, bukas na lang ah...tutulog na ang dagang taga blogger lolzz

2ngaw said...

Hehehe :D Binasa ko Mare, kasi di pa ako makatulog lolzz

Mare, pwede pakiulit? kasi di ko naintindihan hehehe ...

Tagalog na yan Mare, galing sa isang tulad mong OFW...sana nman maintindihan na nila...MGA AYUP SILA!!! lolzz

EǝʞsuǝJ said...

kuya kenji...
at ayan nagkulitan na ang mga daga sa page ko...

hindi po ako naghihimutok
ayukong maging nagger
ayukong ngumawa ng ngumwa ng parang si miriam...:D

dahil kaya kong sumikat ng hindi nang-aapk ng ibang tao...waahahah

CM..3x..
haha
sorry naman CM
wala naman SIMBOLISMO at kung anu-anong bagay na kelangan pa i-DECIPHER ehhh..para sa BROAD MINDED lang toh ehh...:D
actually hindi ko din maintindihan to dahil wanport lang ang utak ko..;))

poging (ilo)CANO said...

nagulat ako sa titol..akala ko pati dito q & a naman..difikolt rawnd...amf..

lahat tayo ay pumunta dito na may kanya kanyang dahilan...para sa kinabukasan, pamilya atbp...

pag-ibig pede rin...toinkz..

@mr. kenj,
lolz..hehehe..okey lang na dito ka magcomment sa page ni jen tungkol sa comment ko sa page mo...page namin to eh (joke) este comment box pala to kaya lahat ng komento pasok dito.hehehe..

NJ Abad said...

adik ka pala jen? kailangan pa bang sabihin? oo alam na ng lahat yan... adik ka sa pag bo-blog!

tama ang mga punto mo... kaya hwag ka na magdamdam. puso mo neneng!

Ingat...happy weekend na lang jan sa inyo.

KOSA said...

Baluktot ako mag-isip. Adik ako, masamang tao, masamang impluwensya sa ibang tao at walang maidudulot na kabutihan sa sambayanan. Isa akong drop out, isa akong tambay. Hindi ako propesyonal na akawntant o inhinyero kaya sinipa ako ng mga magulang ko patungo dito...

AKALAIN MONG PARANG PAREHO TAYO... IKAW SINIPA.. AKO NAMAN INIHAGIS...LOLS

ISANG MALALIM, MAKABULUHAN AT WALANG KYEMENG PAGKASA... LABAN NA BA TO?
KAMPIHAN NA BA TO?
LOLS PEACE!!!

gillboard said...

may kaaway ka?

Hermogenes said...

mas saludo ako sa kagaya mong lumalaban n nakalabas ang ulo Jen, kagaya nila bommz at nila lordcm, kapag meron silang di sinasangayunang opinyon nako-kumento sila, pero kumokontra na nakaharap, di gaya noong iba na halos maghamon ng away pero nalubog ang ulo sa lupa at pwet lang ang nakalitaw.

PaJAY said...

o ano?san ka?

KANAN o KALIWA?...hahahahaha(taytel ng bagong post ni pareng Mike yan)...

di ko sasabihin sayo kung sino nasa kaliwa o kanan..basta pili ka lang...ala kwarta o kahon...hahahahaha


puso mo Jen..relaks!..may paggagamitan ka pa naman nyan..:)

Jez said...

ayayayayay....asan mare, asan?
sa bahay, ang lalaki ng mga daga..hinahabol ni snowy..pero minsan tingin ko takot si snowy eh, nagpapanggap lang na matapang...hehehe

shakkks...i want chocolate tuloy, pero gusto ko macademia,,gusto ko ung galing sa japan

The Pope said...

Salamat sa post, napakasarap basahin, napakadali maka-relate bilang isang OFW.

Nawa't matagupuan ng ating mga kapwa Pilipino ang halaga ng respeto at paggalang sa kanyang kapwa Pilipino na matahimik na namumuhay para mai-angat ang buhay ng kanyang pamilya.

A blessed weekend to you.

Anonymous said...

ako din baluktot ang pananaw sa buhay. hay naku... tahimik akong naloka sa mga pangyayari.

EǝʞsuǝJ said...

@pogi...
madami kang sinasabi at nalalaman..
kailangan ka na patahimikin..
nyahaha

counted ba yung last na binanggit mo?
i doubt it.!haha

@Kuya nj..
haha
di po ako nagdadamdam..
nagsasabi lang po ng opinyon..hehe

salamat po kuya!

@kosa...
wahahah..
gaya-gaya ka!
nyahhaha...

malalim at makabuluhan?
san banda?
hehe..
move on na nga ehh..
tsktsk..

EǝʞsuǝJ said...

@tonio..
ap kors..
kaya nga tayo binigyan ng muka..
pra humarap sa tao at hindi magtago..
kaya tayo binigyan ng utak,
para gamitin ito sa pag-iisip ng tama laban sa mali
(ano ba pinagsasabi ko?)
haha
basta yun yun pre :D

@pajay...
haha
takteng puso yan..
concern na concern kayo ahh
bata pa nmn ako prof..
di madadali ng heart attack..heheh

ayukong pumili prof..
tama nang isang beses ay nagsalita ako..tama na yun :D


@jez...
hahaa..
may ganung factor pa tlga mare?
hehehe...
di na ko mahilig sa chocolate ehh
nagsasawa na ko :D

EǝʞsuǝJ said...

@the pope...
hehe
mabuti pa po kayo naintindihan nyo
ako kase hindi ko maintindihan yan habang ginagawa ko..

Amen to that kuya..tenk yu poh

@joshmarie..
tama..mabuti nang tahimik na manood sa pangyayari lalu pa't alam naman nating matatpos din ang lahat..

:D