3.8.09

AKO

Nagiging walang kwenta ang buhay ng tao kapag lahat ng pwede mong hilingin eh nasa sayo na. Nagiging isa na lang routine ang pang-araw araw na buhay mo. Gigising ka upang magpunta sa trabaho, matapos ang trabaho, uuwi ka at matutulog. Ganun lang kasimple.

Ako, ang nagpapatakbo ng buhay ko sa ngayon. Ako ang direktor, ako din ang artista sa maigsing kwento na hinanda ni Papa God para saken. Sa simula, pinlano kong gawin itong makabuluhan at maayos, sa simula, inisip kong makipaglaban at maging isang mabuting huwaran sa ibang tao. Sa simula, pinlano kong maging inspirasyon tungo sa pagbabago ng ibang tao. Sa simula, pinlano kong maging masaya at kuntento sa kung anuman ang maaari kong makamit sa hinaharap. Sa simula, lahat ng mga bagay na pinlano ko ay pinaniwalaan kong makakamit ko--kahit anupang kalokohan at impaktors ang humarang sa daan ko tungo sa tagumpay.

Ngayon, halos nakamit ko na ang lahat. Pero parang may kulang pa din. Sabi nga nila wag kong hanapin ang mga bagay na alam kong imposible kong makamit. Ako na din mismo ang nagsasabi na maging kuntento ako sa mga bagay na meron ako. Na maging masaya ako sa mga bagay na maaaring makapagpasaya sa akin.

Ngunit nagising ako isang araw, at naramdaman ko sa aking puso na may kulang pa pala. Naalala ko na sa pagbuhos ng mga blessings sa akin nitong mga nakaraang bwan, kasabay nito ang pananamlay ng aking pananampalataya kay Papa God. Kasabay nito ang paglayo ng aking loob sa aking pamilya. Kasabay nito ang unti-unting pagkasanay ko sa buhay na meron ako dito. Ang buhay na malaya at mag-isa. Ang buhay na walang inaalala kundi sarili ko lamang. Ang buhay na walang ibang importante --- kundi AKO lang, at wala ng iba pa.

9 comments:

2ngaw said...

Sabi nga nila "No island is a man" nyahaha, basta yun un!!!

Hindi pwedeng umikot ang mundo mo sa sarili mo lamang, may mga taong nakapaligid sayo na kelangan bigyan ng atensyon o pagpapahalaga...ang mga bagay na maaaring mawala kapag ito'y nakamit mo na, pero ang taong binigyan mo ng pagpapahalaga hinding hindi na yan mawawala

Nonsense na naman lolzz

gillboard said...

ayaw mo kunin ang pamilya mo dyan?

A-Z-3-L said...

parang gusto mo ng mag-asawa ah... para makumpleto ang kulang. para mapunan ang lahat ng puwang at para malaman mong hindi masaya pag IKAW lang...

mahirap mag-isa. wag mong ilayo ang sarili mo sa karamihan dahil sila pa rin ang tatakbuhan mo in case kailangan mo ng makakausap o makakasama o makikinig!

Superjaid said...

alam mo sa sarili mo sis kung ano ang kulang, kung ano ang makakapagpasaya talaga sayo..kaya bakit di ka gumawa ng paraan para sumaya ka na talaga,yung for real, hindi yung pansamantala lang?Ü

eMPi said...

tawagan mo ang pamilya mo at... magsimba ka... yon lang siguro by then mararamdaman mong kumpleto na... hehehe!

EǝʞsuǝJ said...

-CM-
hanu daw?
di ko gets pare...
hahahaha

-gillboard-
naku,
ayaw nila magpunta dito...
dun lang daw sila sa Pilipinas kong mahal..nyahahah

-Azel-
ayuko pa mag-asawa
anuver!!!!!

introvert ehh...
alam mo naman na bibihira lang ang nakakasundo ko ...
^^,

EǝʞsuǝJ said...

-Superjaid-
tama ka sisturrr....
alam ko kung ano yung magpapasaya saken
kaya lang...

mahirap pa matupad sa ngayon..

(at hindi pag-aasawa yun....^^,)

-Marco-
kakasimba ko lang nung isang araw,
pero parang may kulang pa din...

kachat ko din araw-araw ang pamilya ko,...
pero may kulang pa din....

hmmmffff....

Ken said...

There are two things daw na nagpapasaya sa tao,

EXCITEMENT

INSPIRATION

Do you have this? Then its all in the mind. If you think more of yourself, you'll be miserable. Think more of others, and you will be happy and joyful.

kosa said...

ganyan talaga ang buhay.

ikaw.
ikaw.
at
ikaw lang?
saan si pogi?
hehe