26.8.09

Kill time in office

Minsan hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Pag marami akong trabaho, umaangal ako at hinihiling na sana eh wanport lang yung trabaho ko para sa araw na yun. Pag wala naman, naiinis din ako. Kaya naman - oo, kakatunganga ko buong maghapon eh nakaisip na naman ako ng kalokohan. Bakit nga naman hindi ko ishare sa inyo ang mga naiisip kong kabulastugan pag wala akong ginagawa dito sa opisina.

  • Mag-ayus ng file. Halungkatin ang lahat ng files. Iayus ng alphabetical. Pag naalphabeticalize mo na, gawin mo namang date-wise. Pag wala ka pa din magawa, gawin mo lang ng vice- versa. Ngayon pag nabugnot ka na. Proceed ka na sa pangalawa.
  • Fill-up-an lahat ng mga forms na nakikita mo. Ayusin ang pagfill-up, siguraduhing pulido ang pagkakasulat sa bawat isang kategoryang nanghihingi ng sagot (lalu na kung legal documents yan). Hangga't maari - gawing printed ang iyong sulat, para matakaw kumain ng oras.
  • Istorbohin ang officemate. Tanungin mo kung may paparating na shipment galing Japan. (Oo, kahit na ang supplier nyo eh taga-US, Singapore at India). Pag nagalit sya sayo, malas mo. Pag pinatulan nya yung pakulo mo, swerte mo - may instant laruan ka na for the day. Hehehe.
  • Ayusin ang mails mo sa Outlook Express. Ilagay mo sa designated folders ang bawat isang e-mail na natatanggap mo. Pag nagsawa ka, proceed sa next number.
  • Buksan ang account mo sa Facebook. Laruin lahat ng mga applications na sa tingin mo eh may potensyal na libangin ka, o malibang sila (pareho lang yun anuverrrr). Pag ayaw pa din, may iba pa ding option.
  • I-open ang account mo sa plurk. Makipagkulitan at makiusyoso sa mga threads. Makipag-asaran ka kahit hindi mo masyado gets ang topic nila. Pag walang napikon sayo, tuloy lang ang kulitan - pag may nainis, log-out ka na.
  • Pagtuunan mo naman ng pansin si YM. Kulitin ang mga dati mong kaklase, kaibigan o kakilala mong online. Tanungin mo kung kumain na ba sila. Pustahan tayo, walang papansin sayo. Pero subukan mong magsend muna ng engotikon - kaya magbuzz ka. Sasagot sila, bakit kamo? ieexpect kasi nilang may chismis kang ibabalita sa kanila.
  • Pagtuunan ng pansin ang iyong fonella. Iopen ang camera. Kumuha ng papel at pentel. Gumawa ng fansign. Magpose pose hawak ang fansign. Gawin lahat ng pose na alam mo. Emo, nakatawa, stolen (kuno), nakadila, nakapangalumbaba, anything na pakiramdam mo eh maganda ka - bahala ka. Ang purpose lang naman nito eh malibang ka.
  • Balikan si Facebook, magtake ng survey. Siguraduhin mong ipopost mo ang mga resulta para malibang din ang iba mong friends. The more na kakaiba ang result, the more na bebenta ang mga kalokohan mo.
  • Gumawa ng entry para sa blog na kagaya nito. Nalibang ka na, nakapagpost ka pa.
    ^^,

    Pagpasensyahan nyo na ko at ako eh wala talagang magawa ngayong araw na to dito sa opisina.

13 comments:

poging (ilo)CANO said...

adik!

JΣšï said...

ayos! apir!

kaso nga lang walang facebook, plurk at ym dito sa opisina dahil itong indian pana kakana kana na IT namin e hinarang na lahat yan! wala na akong kaligayahan. hahaha!!

buti nalang ang blogspot e ndi niya pa naiisipang harangin...pag nagkataon wala na talaga akong kaligayahan! huhuhuhu...

EǝʞsuǝJ said...

*Bebepogi
look who's talking?
hahahaha
MAS adik ka!

*Jee
hahahaha
kaya nga...
sayang edi sana joint forces tayo sa plurk

tsktsk..
pag hinarang pa pati blogspot saksakin na naten yang IT nyooo...
hehehehe

Dhianz said...

ayos... naging productive kah sis.. *apir*... kaya naman palah minsan ang kyuletz kyuletz moh lang sa plurkville... now make sense.. ahehe... nde saken puwedeng ma-bored.. babaliw akoh.. ahehe.. laterz sis.. Godbless! -di

Dhianz said...

to sis Jee: aahh.. kaya palah sa blogsphere ka na lang nakikipag-chat... oo nga sa plurk para don isa kah ren sa makuletz tulad nilah sis jenskee at ate Yanah... natatameme akoh minsan sa kanila.. nde pa-silah nag-uusap minsan ah.. lolz... laterz =)

gillboard said...

basta ako pag nasa office. blog lang inaatupag... hehehe

Superjaid said...

Ako di pa nagoopis kaya walang libreng internet..huhu

EǝʞsuǝJ said...

*Dhianz
wahahaha...
oo
kapag matino ako kausap
(which is once in a blue moon)
nagtatrabaho ko nun
hahahha.....

*Gillboard
hahahaha...
sabagay...
ndi ka kase adik sa Farmbook este Farmtown ee...

*Superjaid
hahahahh
enjoy mo lang yan sis
mas maganda mamuhay sa labas ng opis..
joke

Hari ng sablay said...

natawa ako dun sa plurk na maglologout bigla,kasi nangyari na sa akin yun may naiinis dun sa niresponse ko bigla akong naglog-out,haha

naghahanap kasi ng brand ng netbook,sabi ko scribbles,ayun umusok ang ilong hindi daw siya nakikipaglokohan,

cmvillanueva said...

hahahh! naka relate ako dito..

mas madalas eto talaga ang nangyayari sa buong araw ko sa site opis, heheheh!

A-Z-3-L said...

buksan ang bag.. ilabas ang face powder. magretouch... magretouch ng magretouch. mag lipstick na rin.

linisin ang keyboard, madumi na.
linisin ang calculator, malagkit na!
punasan ang monitor maalikabok na!

busy day! huh?!?!

EǝʞsuǝJ said...

*Sablay
nyahahaha...
bakit ka nag-log out pare
sana ginawa mo na lang **mute** yung thread

yung scribbles ba yung notebook na mga artista ang cover?
hahahahah

*batang'Henyo
heheheheh
may plurk ka din kuya?
add mo naman ako...

heheheh
joke joke joke....

EǝʞsuǝJ said...

*azel
hahahah
kikay ba ito?
takte masakit sa muka ang sobrang kapal na fez powder
at magagalit ang mga iniingatan kong pimpols kung sakali...

hahahaah
eto pa...

-iharap sa lugar kung saan hindi makikita ni boss ang monitor mo (para pwede ka din manood ng movie habang nakatunganga ka)

-idisable ang router at ienable ulit..gawin ng paulit-ulit. tawagan ang etisalat at tanungin kung may fried chicken sila...
wahahaha...
nababaliw na ata ako..
=))