24.8.09

Distansha Amigo

Hindi ko na halos matandaan kung paano kita nakilala. Ikaw, natatandaan mo pa ba? Dun ba tayo unang nagkakilala sa ilalim ng punong acacia? O nakabungguan kita habang ako ay padaskul-daskul na tumakbo sa gitna ng klase? Pakalat-kalat ka naman kase pare., di mo man lang inisip na baka may lampang pwedeng madapa sa nakaharang mong mga paa. Naalala mo pa ba kung paano ako nadapa at nangudngod sa mismong harapan mo? Oo, ako tandang-tanda ko pa. Tandang-tanda ko pa kung paano kita gustong sugurin ng suntukan ng mga panahon na yun. Habang namumula ako sa sobrang pagkapahiya ay namumula ka din sa sobrang kasiyahan dahil nabiktima ako ng iyong patibong. Pasensya na, engot talaga ko minsan. Makakabawi din ako mag-antay ka lang.

Lumipas ang mga taon, buwan at araw, ang mga awayan natin ay napalitan ng pagmamahalan. Oo, matapos nating maghiwalay ng humigit-kumulang dalawa hanggang tatlong taon. Muli tayong nagkita at binigyang-daan natin ang isang matamis na pagmamahalan - pagmamahalang hindi natin inaasahang agad din nating mapapabayaan at mapupunta sa kawalan.

Oo nga't naging malupit ang pagkakataon sa ating dalawa. Madaming mga pagbabago, madami tayong pansariling pangarap. Kinailangan nating mamili - Ngunit bakit nga ba kinailangan pa nating mamili? gayung maari naman nating abutin ang mga pangarap na yun ng magkasama?

At dun nga nagwakas ang lahat......

----Entry from my Journal dated: June 12, 2003

10 comments:

JΣšï said...

teka teka lang...
6 years na pala simula nung sinulat mo to...hehehe...
hmmmm...sino yung guy? kaklase mo din ba? curious lang ako mare...
nyahahaha!!

bakit nga ba kase ndi kayo nagkatuluyan?
anong factors?
hehehe...

JΣšï said...

nyahahaha!!

nauna ako kuya kenji! belaaaattt!! hahahaha!!

Superjaid said...

6 years ago na pala to sis, anong nangyari bakita kayo naghiwalay?

EǝʞsuǝJ said...

*JEE
YEAH
6 YRS NA NGA YAN..HEHEHE...
FIRST BF KO YAN...
NAKILALA KO NUNG GRADE 3....

YUNG FACTORS?
MADAMI EE...
DI BALE, ISIPIN KO KUNG IPOPOST KO YUNG KASUNOD..
:d
CONGRATS, TULOG ATA SI KUYA KENJI EHH...^^,

*SUPERJAID
HEHEHE...
MADAMING (IM) PAKTORS EHH...
:)

GANUN TALAGA SIS...
NOT ALL GOOD THINGS LASTS FOREVER..

Anonymous said...

hihihihihi
si de.....def.......defr......defra......ahhhh nevermind! sya ba yun? hihihihi
or iba?
chureeeeeee
(neeeeeeeenja na kew!)
bwahahahahah

-ME-

eMPi said...

hhmmm... nagreminisce.... :)

Dhianz said...

ayos ahh sis jenskee.. post koh ren kaya lahat nang past journals koh.. hmmnnzzz... tapos everyday may new post akoh.. dapat babasahin moh ha.. ahehe.. 'la lang... hmnnzz.. 'bout 'ur first bf yan.. hmmnnzz.. pero parang may pinapatamaan den eh... hmnnnnn.... ayonz... naman kc eh... nakaharang sa daan... nadapa tuloy si sis jenskee.. tsk.. nde na akoh gano hihiritz... laterz sis jensks! =)

Godbless! -di

EǝʞsuǝJ said...

*ME (NA BILOG)
HINDI SYA YAN...
TAEKA
HAHAHHA

*MARCO
HEHEHEH
WALA KASING MAIPOST
=))

*DHIANZ
HEHEHEH
Y NOT CHOKNAT?
^^,
WALA AKONG PINAPATAMAAN AHH
(SHOOKS HER HEAD)

GB U ^^,

2ngaw said...

Mare!Nakainom ka na ng gamot? nyahaha lolzz

Pansin ko lang ah,ang hilig mo sa 12 :D anong meron sa 12?

EǝʞsuǝJ said...

*CM
OO PARE...
KITA MO AT TANGALOG NA YAN...
AT ISA PA..
YAAN EH GALING LANG NAMAN SA BAUL
NITAYP KO LANG DAHIL WASAK WASAK NA ANG PAPEL NA SINULATAN KO NYAN...

HAHAHA...
BIRTHDATE KO KASE EH 3
SO 1+2 = 3
^^,