18.1.09

Paalam, kaibigan...

Nabigla ako ng matanggap ko ang balita na pumanaw ang isang taong malapit sa aking puso. Nakatanggap lamang ako ng mumunting mensahe sa prenster at sa inbaks ko lamang nalaman ang mapait na sinapit ng aking mabuting kaibigan na si Nerissa. Siguro kasabay talaga ng ating pag-alis sa ating nakasanayang paligid ay ang pagtanggap na isang araw, sa ating pagbabalik sa pook na nilisan ay hindi na kagaya ng dati ang pakiramdam.

Nakilala ko siya ng siya'y pumasok bilang isang trainee sa aking dating pinaglilingkuran na fastfood chain. Makulit, maingay at palaangal. Isang bagay na todo todo kong kinaiinisan sa isang kasmahan sa duty, lalung-lalo na kapag mahabang oras ang ipaglilingkod mo sa mahal mong fastfood. Sa anim na buwan naming pagsasama ay nabuo ang isang pagkakaibigan na nagsimula sa isang maingay at walang kwentang pagtuturuan ng mga munting bagay na dapat niyang malaman sa kanyang pagtigil sa aming station. May araw na mahuhuli sya ng pasok, at ako't maiiwan na mag-isa. Subalit sa kanyang pagdating,tangan-tangan niya ang ngiti sa kanyang mga labi sabay sabing; "Ate jenny! sorry ah..nalate kac ako ng gising". Kalimitan hindi ko sya pinapansin subalit madalas kung minsan ay lumalapit sya sabay yayakap at sasabihin na hindi niya sinsadya ang lahat. Mabilis na lumipas ang panahon at natapos ang kanyang paglilingkod sa fastfood na iyon. Aminado ako, nalungkot ako at lubha ko siyang namiss sapagkat wala nang nagsasalita, nag-aalala at nale-late ng kagaya niya. Naaalala ko pa nagtext siya sken bago ako magpunta dito sa Dubai. Pinipigilan niya pa nga ako tumuloy sapagkat alam nga namin na hindi maganda ang trato ng mga mababahong tao dito sa mga kagandang kagaya ko (hahaha). At yun na nga ang huli naming pag-uusap.

Noong ika-14 ng enero, kinuha siya sa amin ng Poong Maykapal. Alam ko na tapos na niya ang kanyang mga dapat tapusin kaya tinawag na siya ni Papa Jesus sa kanyang kaharian. Ang balita sa akin ay nasagasaan siya habang siya ay papauwi mula Las Piñas.

Paalam mahal kong kaibigan, habambuhay kitang maaalala at ang mga bagay na aking natutunan sa iyo. Isasama kita sa aking mga panalangin at nawa'y magkita ulit tayo sa tamang panahon.:(

3 comments:

poging (ilo)CANO said...

kalungkot naman..may she rest in peace..

yAnaH said...

im sorry... sabayan kta mag offer ng prayer for her..

EǝʞsuǝJ said...

maybe its really her time to go. she had been a good person naman. And faced many challenges in her life. Im both sad and happy for her at the moment i learned that she passed away. Sad because she left without even spending one more "chika" moments with me. And happy kac finally she can rest from all the troubles and hurts that she had been through. I will miss this girl so much!:'(