28.2.09

Susuko ka na ba?

Life is tough, but we can be tougher...


Yan ang sinasabi ko sa sarili ko kapag nahahagupit ang buhay ko ng signal number three, nung dati pa nga umabot ng signal number 4. Naisip ko lang. Bakit ba may mga taong hindi pa nga sumusubok lumaban sa hamon ng buhay eh sumusuko na agad? Kaya nga nilikha ang bawat indibidwal ng magkakaiba eh...Para mag-stand out yung personality mo from the rest (hopefully, in a positive way).

Naiinis ako nang makita ko at mabasa ang isang entry dito sa blogosperyo. Hindi naman sa nagmamarunong ako sa pagpapatakbo ng buhay niya. Pero, naiinis ako dahil sinasayang nya ang mga pagkakataon na binibigay sa kanya ni Papa God. Makailang-beses na siyang nagattempt mag-suicide, puro laslas or anything telling everybody that next thing that will happen is he will find himself lying in the hospital room. I dont want to be purposely harsh on him pero I will admit it to avoid further hypocrisy on my side..Hayaan niyong ilabas ko ang pov ko sa usaping ito...

Was it family problem, personal problem, love life, work related, math problem or any other problem?

He doesnt even mention it. Kung minsan nga, naiisip ko na pakulo lang ang lahat. Kumbaga most of his posts about his attempts, mga 60% ang lie and 40% ang true. If he feels alone, eh paano naman ang mga taong wala na talagang masandalan? Naririnig mo ba silang nag-emote ng ganyan? Naggawa din ba sila ng blog entry para sabihin na "I'm planning to commit suicide after this post!"

Naalala ko tuloy ung nabasa ko sa Ang Paboritong libro ni Hudas...

May mga pointers na sinabi dun si Bob Ong para maging epektib at kapaki-pakinabang ang pagsu-suicide ng tao. Sabihin ng puro kalokohan..pero minsan nakakatuwa din isipin na pwede syang mangyari sa tunay na buhay. Sana pag nabasa mo toh, matauhan ka ng konti.

  1. Isuot ang paboritong damit (di ko sure kung kasama yan, pero parang kasama nga ata..ewan ko lang)
  2. Gumawa ng bonggang suicide note (itabi ito sa tabi ng iyong bangkay, o hawakan ito upang madaling makikita ng mga pulis upang malaman nila agad na nagpakamatay ka, dahil kung hindi, isang manginginom o adik sa kanto ang ituturo nilang pumatay sayo.)
  3. Wag kalilimutan na gawing makabuluhan ang iyong sulat (sabihin mo na ayaw mo pa sanang gawin ang hakbang na iyon, ngunit hindi mo na makayanan kaya may-i- surrender ka na kay kamatayan.)
  4. Umisip ng pinaka-unique na paraan ng pagpapakamatay. (ang mga halimbawang binigay niya ay hindi ko na maalala, dahil nabasa ko ito nung isang taon pa)
  5. Gawing madrama ang laman ng sulat (wag kaligtaang banggitin na mahal na mahal mo ang iyong mga maiiwanan at kung kaya ng oras, baliktanawan ang mga bagay na nagawa mo para sa mundong ibabaw..lagyan ng PS sa dulo at sabihing ipadala iyon sa MMK o sa MAGPAKAILANMAN.)
Mabalik tayo dun sa kinaaasaran ko. Nakita kong madami din ang naging bayolente sa mga bagay bagay na nabasa nila. Nanahimik ako kahapon (kahapon nga ba yun?) at minsan pang ninamnam ang mga bagay na nabasa ko. Kung hindi ako nagkakamali, nagbigay pa ko ng mungkahi sa kanyang pahina. Bahala na si Doraemon, basta kung ako sayo...

Hindi ako susuko sa laban ng buhay, dahil pag ginawa ko yun, para ko na ring inamin na isa akong walang kwenta at talunang nilalang

26.2.09

Migraine

Babala: Corny....:P



Nahihilo, nalilito, asan ba ko sayo, aasa ba ko sayo.?
-MIGRAINE by MOONSTAR88

Yan yung migraine na pinapakinggan ko kanina sa aking jukebox nung habang pauwi ako sa bahay namin. Natatawa lang ako kasi, sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, lagi akong napupunta sa sitwasyon na ganire. Malamang, dapat eksperto na ko sa usaping ito...ang makipagpatintero ng bongga ---at manghula ng mga "arte" ng tao sa paligid ko. Habang nagpapaasa ako sa iba, may inaasahan din naman akong iba. Parang ewan lang. Tama si prof pajay, nagiging hipokrita ko dahil hindi ko inaamin sa sarili ko yung trulalu kong feelings. Ano nga ba toh?

Mutual understanding...

Infatuation...

Admiration....

Love?





25.2.09

Ewan

Ang paksang ito ay walang kinalaman sa pangkasalukuyang kalakaran ng buhay. sadyang ang mga katanungan ay nahalungkat ng di oras sapagkat lutang ang utak ng may-akda.

Hindi lahat ng taong sweet at concern ay may gusto sayo. Sadyang may mga tao lang na mahilig magpaasa--Bob Ong



Hindi ko maalala kung yaan nga ba mismo yung kowt na yun. Pero, madalas sa minsan- - - madalas talaga! nagkakamali or namimisinterpret naten yung amount ng attention na binibigay sa atin ng isang tao. I'm talking in general. Napapansin ko lang yan sa paligid-ligid. Napapabilang kasi ako ngayon sa alta-sociedad y' singgoles kung saan pwedeng mag-interact, magspend ng "too much" time with each other ang boylets at gerlalus. Eh, ako naman yung tipo ng taong talagang bibihira ang nakakasundo. ITo eh sa kadahilanan na rin siguro na may angkin akong kaangasan, kakupalan, kaintrimitidahan, kaplastikan, at lahat na ng mga bagay ng may "ka-" sa simula at "-an" sa dulo. Nyahaha. MAhilig din akong manghusga, at higit sa lahat, sinungaling ako. WAhihihi. Hindi ako madaling i-please at higit sa lahat, nuknukan ako ng walang kwentang tao. Wala, wala talaga as in, wala ako nung tinatawag na "soft side" at lahat ng mga bagay bagay na meron ang isang matinong nilalang.

Actually nasasaktan pa din ako dahil hindi ako gusto nung taong gusto ko. Aray aray naman kasi.. (sino ba naman ang hindi tatamaan sa angking talento, kabaitan, kakulitan, at kung anu-ano pang "ka" at "-an"), nung batang iyun. Pero ganun talaga, kung hindi para sayo, baka para sa iba. hahaha. M ove on na lang ako, marami pa dyan sa tabi-tabi, iba't iba pa ang amoy at hitsura. (oryt!)

Sobrang mentally ill and emotionally stressed na ko dahil sa trabaho ko. Kahit ba nagpapameeting (conference) ako kapag nasa office ako, ramdam ko pa din ang hirap ng math. (Takteng math yan! bakit ba napag-aralan pa ng lumikha niyan?pero ok na yang kalkaleyter evryday kesa naman abacus pangkuha ng percent discount ekek dba?). Naiinis din ako ng bongga sa dakila kong opismate dahil masyado niya nang nagagamay ang paggamit sa ym at parang napapagod na siya sa paga-upload ng mga picture niyang puro sa corniche lang naman kinuhaan! Pag inutusan mo ngingitian kang parang tukmol. Sabay lalapit para "paki-repeat the utos". Naiinis ako ng todo pramis. Baket? Kasi yung work niya ang inaaplyan ko nung simula dahil dakilang magbobote lang ako nun sa pinas. Gumawa sya ng kabalbalan kaya napasa saken ang bigat ng mundo. Ngayon ako na si "Super Jenny" ng kumpanya namen. Konting bawas, konting dagdag at ayun, bonggang bongga na at solve na solve na si boss / sir / amo sa perwisyo este serbisyo na naibibigay ko para sa kanila.

At dahil napansin kong nalihis na ko sa usapin, tatahakin ko ulit ang daan pabalik sa napili kong paksa. Ayun nga, sabi nga nila: "It takes two to tanggo". Walang relationship na magwo-work kapag mag-isa ka lang na nagpo-provide ng too much of everything. Teka, erase erase erase. Hindi yan yung paksa...nalibang na naman ako at kung anu-ano ang nasabi.:D

“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para
mahalin ka nya..”

Dyan naman tayo mag-focus at talakayin ang nasa itaas sa ibang araw. Simple lang naman ang laro ng buhay, makipaglaban ng patas at wag mangduduga, kung ayaw mong maduga din sa darating na mga panahon. (tama ba?). Parang sa pagpapacute at pag-appreciate ng karakter lang ng isang tao. Eto lang yung napansin kong pinagkaiba:

PAGPAPACUTE: hindi ka concern sa kung anuman yung pwedeng maramdaman para sayo nung pinagpapacute-an mo. Ang mahalaga lang, nakakapagpapampam ka (pahiram bogart ng term). Isa kang batang walang malay dahil ang main concern mo eh nagawa mo ang bagay bagay at your best. Wapakels ka kung nakakasakit ka, nakakapagpahanga, nakakatuwa, nakakainis at kung anu-ano pang mga ekek.

APPRECIATION: wala lang, its like saying na may magagandang attributes din ang nilalang na ito kahit na...Syempre nobody's perpekto kaya may-i -insert the tag line "-kaya lng".



“Iba ang tinititigan sa tinitingnan.
Ang tinititigan, sa isang bahagi lang nakatingin.
Ang tinitingnan buong bahagi ang sinusuri.
Iba rin ang iniintindi sa inuunawa.
Ang iniintindi, pinipilit sa isipan.
Ang inuunawa alam kung bakit dapat ipilit sa isipan.
Kung kaya dapat:
Tinitingnan ang mga bagay para maunawaan
at hindi titigan lang at intindihin..
-Bob Ong

24.2.09

Pera



Habang tinatapos ko ang pagtambay ko dito sa aming mapayapa-ng opis, naisipan kong mag-isip isip. Kahit alam kong wala akong isip, subok pa din. Matagal ko na din kasing naririnig ang bulung-bulungan na may economic crisis daw. (late ako sa news dahil sa kaadik-an ko sa chat). Ayun, at totoo pala. Kanina ko lang halos na-realize ng tanungin ako ng magaling kong amo ng tanong na ito:

What do you think are the factors which has influenced the global economic crisis, Jenny?


Nakangiti pa kong humarap sa kanya. Sabay isip, tingala sa kisame ng parang may makikita kong malapit na sagot. Eh sa kadahilanang nag-drama ako kagabi, pakiramdam ko hindi matino si ako ngayong araw na ito. At chka ko napagtanto na kaya ko palang utakan si boss. Eto ang bonggang sinagot ko:

Inflation rate, depreciation and some other stuffs that affects the dollar rate which leads the ofw into tears when the dollar exchange rate is lower..


..kung tama yung sagot ko, hindi ko alam..nyahahah.sabay tumingala ako ulit dahil pakiramdam ko nagdugo ang ilong ko sa inggles na yun!

ADVERTISEMENT:

May nagaganap na halalan sa bakuran ni Bino At dahil dyan, may-i-campaign ako para sa isang panyero namin dito sa bloggywood. Kung curious ka kung sino yun? click mo to, at kung nakumbinsi ka na nia sa potensyal nia sa panulat, bumoto ka na dine. Sige, pag nanalo daw sya, sagot niya ang alak at ang pulutan. Ayie! tagay paaaa!!!!!. Pero syempre, boto din natin ang ibang mga kalahok.

Balik tayo sa pag-iisip ko tungkol sa pera. At hayun, nakangiti lang ang boss, amo, sir ko ng sinabi ko yun. Ewan ko sa kanya! Nahirapan ako mag-isip tapos ngingiti lang pala sya? Grr. Naisip ko tuloy yung mga na-involve sa super in-demand na recession. Nakakalungkot. Paano na sila sa Pinas? Paano na ang mga pamilya nila and everything?

Naku naku, nananakit ang ulo ko sa mga problema sa pananalapi. Halos araw- araw ako nabibingi sa mga angal at kung anu-anung mga bagay na ang involved eh pera, at kung anu pang mga cheverlai na kemedu.

Mabuti pa ang pera may muka, pero ang tao may muka, pero wala namang pera
--PAROKYA NI EDGAR

23.2.09

Mga tanong

Handa ka bang isama ako sa mga pangarap mo para sa hinaharap?


Hindi ako nakakibo. At dahan dahan kong naramdaman na namumuo ang mga luha sa gilid ng aking mga mata. Nilingon ko siya upang sambitin ang matamis na "oo". Subalit huli na ang lahat, nakapili na ako at hindi na muli pang mababali ang aking desisyon. Dahan-dahan kong tinahak ang daan papalayo sa kanya. Nais kong lumingon pabalik ngunit alam kong pag nakita ko siyang malungkot, ang puso ko'y maeengganyong sa kanya ay bumalik. Hindi ko na sya nakita matapos ang araw na iyon.

Ilang taon ang lumipas at kami'y nagkausap na muli. Ang tadhanang kay lupit bakit nga ba pagkukrus ng landas ay pinahintulutan pang mangyari ulit?

M : Kamusta ka na?
J: Ayus lang. Ikaw?
M: MAsaya.
J: ......
M: Ikakasal na ko sa susunod na bwan.
J: ha?
....
M: Nais ko sanang makita ka doon.

Mga luha ay muling sumilip mula sa nagsusumigaw kong damdamin. Tila isang itak ang isinaksak sa aking puso ng marinig ko ang mga katagang iyon:



Masaya kami. Masayang-masaya. Nagawa niya kong ipaglaban sa mga magulang niya, at hindi ako ipinagpalit sa kahit na anupang pangarap na meron sya.

21.2.09

SinggoL

I believe that if one person is meant for me, I will meet him in the present and will live with him in my future.


At ayan na nga ba ang sinasabi ko. Nadetect ko na naman ang pagiging single blessedness ko ng manood kami ng isang romantic flick netong si biiba. Actually choice ko na yun ang panoorin namin and besides, naging paborito ko na yun pagtapos ng ilang taon.

Naaalala ko pa, ilang taon na rin ang lumipas ng una kong mapanood yung pelikula na yun. Isa kasi sa mga kaibigan ko ang nagsabi na, parang ako daw yung main character dun. Sumagot naman ako ng: "ows, di nga?". Tumatanggi pa ko nun, pero nakita ko na lang ang sarili ko ng mga sumunod na araw na naghahanap ng pelikulang yun. Denial pa din ako hanggang sa mga oras na ito, pero oo- sa isang banda ay nakikita ko ang sarili ko sa babaeng iyon. Nasasaktan ako ng paulit-ulit dahil hindi ko makita ang ending ng sariling kwento ko. Gusto kong humingi ng paumanhin sa kanya, pero hindi ko alam kung pakikinggan niya pa ako. Hindi ko alam ang sakit at hirap na naidulot ko sa kanya kung hindi ko pa napanood ang pelikulang iyon. Alam ko, masamang tao ako, pero pinipilit kong magbago ng dahil sa kanya.....

19.2.09

Stress



Oo, tama yung tayteL. Ang dakilang petix na kagaya ko ay nakakaexperience din pala ng stress. Kainis. Sobrang nakakainis. Isa pa. Inis na inis ako! Grrr!!!! Dahil magmula sa mahabang linya ng kung anu-anong pinaggagawa ko sa trabaho ko bilang isang vulcanizing assistant dito, nadagdagan at mukang madadagdagan pa ang mga obligasyones de bobo ko. Ayun, at nakaka-bobo na nga minsan. Tamang angal ako, pero alam ko na dapat tenkpul pa rin ako dahil kahit na vulcanizing assistant ako at sobrang stressed na, meron pa din akong trabaho inspite the global economic crisis fever.

Nitong mga nakalipas na araw (kahit na napakabilis ng takbo ng araw dito ngayon), masyado akong natotorete sa trabaho kong ewan kung bakit nagiging uber demanding na. Naalala ko pa nga nung isang araw, sinigawan ko yung amo ko dahil sobrang nagmamadali sa buhay. Medyo productive kasi yung kasamahan ko dito, kaya kahit na always present ang lola, mentally absent naman. Eh paano na lang kaya kung maging mentally absent din ako? Grrrr! Nakakabiset talaga. May mga araw pa nga na uwing-uwi ka na, as in bitbit mo na si bagella palabas ng opisina, eto at sisigaw pa ng :"hey! you still have to finish this by today!". Babalik naman si tanga, eh pano alipin lang naman ako at sya yung boss, kaya wala akong magawa kundi bumulong ng :"#$%^! nagpapahinga din ako! bukas naman ang ibang math!". Eh panung hindi ganun ang senaryo, hindi pa niya ibigay ang mga pending na kelangan pala ipasa para sa araw na yun ng mas maaga para gora na ako ng tamang uwian ko. Nakakainis talaga.

Lalung lalo pa ngayong araw na to. Naiinis ako dahil may isang tipaklong na blue na nambiset saken ang aga aga pa lang! Beerday kasi niya ngayon. Eh may mga hinihiling syang mga bagay na wala akong kabalak-balak na gawin. As in wala talaga. Mangyayari lang yun sa mga pangarap niya. Syempre magaling ako sa parteng yan - ang mang-asar. Pero gaya nga ng sabi ko, pag ako na yung inasar, kulang na lang maghamon ako ng away. Umoo ata ako sa kanya kahapon tapos binawi ko ngayong umaga. Haha! Nagalit ang kupal at nag-dialog ng: "Ganyan ka, wala kang oras para saken!" Nagulat naman ako at nagising sa sinabi niyang yun. Feeling ko tuloy nag-aasume na si kuya. Assume what? when? and where? After nung sinabi niyang yun hindi ko na siya kinibo. At hindi ko na sya kikibuin EVER.

Posibleng mga Pinagmulan ng stress:
=walang tulog (na 12 hours)
=trabaho trabaho trabaho
=mababait na kasama sa bahay..ambait nyo! i lab yu!
=homesick
=lab sik
=math sick
=english wrong gramming ekek (bloody nose na ko!)
=manong sa bus

Posibleng maging solusyon:
=magtulog bukas at indianin ang brothers and sisters (gudlak saken?)
=lumipat sila ng bahay?haha
=umuwi kasama ni biiba?
=ai wala akong makitang solusyon jan eh..
=f0tek!..itatapon ko lahat ng bagay na related sa math dito sa opis!
=reregaluhan ko sila ng diksy0! utang na loob! sayang ang english sabjeks sa skul
=banatan na t0h!


On the brighter side of life:
We should be thankful for all the shortcomings, the struggles,the challenges and the problem that HE is putting us through. Because through it, we can improve ourselves and become a better person in the coming days of our lives.
---naisip ko yan, kaya mananahimik na ko ng pag-angal ko. =P

17.2.09

-WhaTEveR yaya-

At dahil matagumpay kong nakulit si Biiba,ipinasa niya saken ang tag na itechiwa. Simple lang ang mechanics, kahit nakapikit, magagawa ko to (ayup ang self-confidence at kapal ng muka!, ramdam niyo ba jan?hehe). Sampung bagay na tungkol sa aken and huhulaan niyo ung isang jafeyk. Okie dowkie? Letz get the ball rollin'!!!!


1.Pagkatapos kong kumanta nung teacher's day nung highschool ako, bumaba ako sa stage ng gumugulong.

2.Nung grade one ako, napaikot ako sa buong skul ng may dala-dalang plakard na: "Hindi na ako mag-iingay sa klase".

3.Hindi ako nagcelebrate ng 18th birthday ko dahil kasalukuyan kong pinagsisilbihan nun si Jollibee.

4.Lagi akong late sa LAHAT ng lakad. Ayoko kasi yung naghihintay ng matagal.

5. Hindi ako marunong magmura. Pramis.

6. Matakaw ako at antukin, mahilig din akong mambalahura at manglait ng tao. In short, masamang tao ako.

7. Kapag naglilinis ako ng bahay, ayoko ng may palakad-lakad sa paligid, dahil kung hindi, nanghahampas ako ng walis sa paa.

8. Pinaka-ayokong gawin na gawaing bahay ay ang pagsasampay. Gusto ko yung maglaba, pero sa hindi ko maipaliwanag na ewan, pag magsasampay na, tinatamad na ko.

9. Nakapambahay lang ako kapag pumapasok sa opis.

10. Madalas, natutulog ako ng bukas ang TV. Bakit ba? Mura kuryente sa DUbai eh.

Sige, hulaan nyo ngayon ang jafeyk sa sampung yan. =). At dahil kailangan ko maipasa ang pamana na ito; ipapasa ko to kay: pishnge, at kay bam!<.

--------------------------------------------------------------------------------

Direcho tayo sa minana kong tag galing pa din kay Biiba na "50 Random things I like". Parang mas madali para saken pag 50 random things I hate ah. Joke.

1. Funny things / events/ people - kahit na ano, basta masaya at masayahin

2.Music - refreshes my soul. rejuvenates my body (haha..tag line sa patalastas ng C2 yan! hiniram ko lang!)

3. Chat with a friend.
4. Coffee break
5. Cute sayings / phrases / sayings at kung anu-ano pang echoz
6. Foodtrip! (i miss you fishball,kwek2 and sago gulaman c/o goldilocks!) (lab eet..sobraaa!!) =)
7. Kiss in the rain. (nyahaha, na malabong mangyari dito sa dubai!)
8. Movies - romantic love story ang bet ko!
9. Simplicity (ayoko sa taong madaming arte sa buhay!)
10. Moymoy-palaboy (asteeg)
11. David Galaggher of 7th heaven
12. the pianist. nyahaha wak ka na epal biiba!
13. blogging - i get to know more people and discuss (as in discuss tlga!) relevant issues with them. (oo, kagaya nitong tag..Lol)
14. shabu-shabu (will miss it, kasi hindi na kumpleto ang shabu-shabu pag wala si Lulu)
15. reading books
16. the color black and blue - nice combination.
17. listening to the tv. pramis. mas gusto ko na pinapakinggan lang sya!
18. tear-jerking lines. (wrong gramming ba?basta yun na yun!)
19. chocolates
20. flowers (fave is white and pink tulips)
21. poetry! mataas ang respeto ko sa mga taong makata!
22. The calling!
23. Yael Yuzon of Sponge Cola!
24. Holding hands while walking (miss it!)
25. Watching the fireworks (with)
26. Watching the sunset (with)
27. Cooking
28. chatting with my loved ones
29. the song: "Stay" by Lisa Loeb.
30. to relax and sleep
31. the warmth of the sunshine on my face (tambay sa arawan?haha)
32. walking with a friend on way to home (wrong gramming na ata?)
33. Final fantasy 8 (love the story of that game)
34. RPG games
35. the number 3.
36. slippers and chucks, rather than heels and stilleto.
37. sleeping hugging the pillow.
38. calling my mum when i want someone to talk to.
39. crying while its raining.
40. halo-halo, siopao and mami. (makapunta nga ng Chowking!)
41. spending time with true friends
42. writing, scribbling my thoughts.
43. day dreaming of the coming days and years.
44. screaming (his) name.
45. talking to him thru chat (miss him).
46. cutting my hair short.
47. calling my boss "err".
48. star gazing
49. singing.
50. hugs

aww..ang haba nun. nanakit ng todo ang utak ko sa pag-iisip ah! At ipapsa ko to kei batman. Sayo na lang muna, wala na kong mapasahan na iba eh.

-------------------------------------------------------------------------------------
And last but not the least., ang name tag. Galing pa din kay Biiba. Naku, naku. PAano ba to? Names daw na nag-aasosciate saken,at kung sino yung tumatawag saken ng name na ganun: let's start:

JEANALYN -aww nahirapan ako mag-spell, tawag yan saken ng titser ko nung kinder.
JENNILYN- tawag saken ng nanay ko pag nagagalit saken!, boss ko pag inaasar nia ko! (ayokong tinatawag ng pangalan na to.
JENNIFER- tawag saken ng kapitbahay namin sa pinas. (boplaks ba naman, lahat ba ng nickname na "jen" jennifer ang tunay na pangalan?)
BABES- tawag ni mameeta renee' saken
JINNILIN- tawag saken ng magling kong pinsan. i hache yu! nyahaha
TWIN- tawag saken ng bestfriend ko
YHABS- twag sken ni xyz to the tenth power.
KUPZ- tawag sken ng mga kaibigan kong lalaki sa pinas.
BRAD- itinawag saken nung manong sa simbahan nung christmas.
FERDA- tawag sken ni biiba pag nang-aasar siya.
JENNY- tawag saken ng boss amo manager ko.
JEN- tawag ng lahat nga mga ka-close, feeling close, kaka-close, magko-close at lahat ng uri ng tao sa paligid.nyaahaha...

ayosss!!!!tapos na tapos naaa!!!hehehe...ipapasa ko to...kay azel...ayun..hehehe...

15.2.09

Cool off

Dito nagsimula ang lahat.....


Simpleng tampuhan. Nakalimutang kaarawan, nakalimutang "anniversary", "monthsary", at kung anu-ano pang bagay na pwedeng lagyan ng suffix na "sarry". Text message na hindi nireplyan, tawag na hindi sinagot at kung anu-ano pang (im)paktors para magdulot ng paghingi ng walang pakundangang salitang "space". Pag eto na ang hiningi sayo ng taong yun, maghanda-handa ka na...Dahil more or less, alam na ang kahihinatnan. Hindi naman sa nilalahat ko, pero, mas madalas mangyari na "yun" ang kahahantungan nun. Ang salitang ayokong naririnig kahit kelan. GOODBYE.

Umiyak ka man ng isang balde, drum, bote, pinggan, platito, baso at kung anu-ano pang pwedeng paglagyan ng luha mo, hindi mo na mapipigil ang tao pag gusto ka na niya talagang iwanan. Masakit isipin, na oo, hindi pala kayo para sa isa't isa. Na mawawala na yung taong gigising sayo sa umaga para lang bumati ng "good morning", ang tatawag upang magtanong kung "kumain ka naba?", o kung "nakauwi ka na ba"?. Yung taong mag-aalala pag nagkasakit ka, o yung susundo sayo sa lugar kung saan ka nagtatrabaho?

Closing Remarks

At syempre, ayaw mo man o gusto, dadating ang panahon ng paghuhukom. Dadating ang araw na hindi mo pinangarap na mangyari ni minsan sa buhay mo. May mga luhang pilit pipigilin, salitang itatago at kung anu-anu pang kemedu, na bukas makalawa eh kasama na sa listahan mo ng "sana ginawa ko to dati...", "edi sana...". Pero, hindi naman kasi natin hawak ang buhay natin. HIndi natin alam kung sya na nga ba, o meron pang mas hihigit sa kanya na makikilala natin sa hinaharap. Pwedeng mas gwapo, mas may utak ng konti, mas marunong pumorma, mas mabait, mas maaalalahanin, mas loyal, mas matapat at kung anu-ano pang MAS. Hindi na kailangan na isumpa mo pa sya ng ilang milyong beses dahil hindi ka na niya mahal. Ang mahalaga ay ang matanggap mo na minsan sa buhay mo, natuto kang magmahal ng insekto, at ang insekto na yun ay nakakita ng kapwa niya insekto. Ganun lang kasimple. (ang sama ko ata ng konti.ahehehe).

Paglilinaw

Kung mahal natin talaga yung taong yun, matututo tayo na palayain sila, ng walang "bitterness" o kahit na anong negatibong bagay against them. Kasi, kung magbabaliktanaw tayo, naging masaya ka rin naman sa piling niya diba? Gaya nga ng sabi nila, Hindi natin hawak yung buhay natin, pabago-bago yan, pwedeng bukas makalawa, mahal ka niya, pero mamaya, may iba na palang mahal. Kaya ang mabuti:

"mahalin mo muna ang sarili mo, bago ka magmahal ng ibang tao." Dahil kung paano mo mamahalin ang sarili mo, yun din ang pamamaraan na gagawin mo sa taong mamahalin mo.

Valentines...



Paano niyo sinelebreyt ang Valentines day nyo kahapon? Ako, wala. As in. Sobrang pressured and stressed sa work at pinagtampuhan ako ng langit at lupa kaya walang nang-imbita saken para mag-date. Pero ok lang sa olryt dahil masakit din naman ang pimples ko kahapon at ayokong lumabas. Oo, masakit ang pimples ko kaya nairita ko sa valentines ng tuluyan. After my horrible work yesterday, I went straight home and..and.. ano nga bang ginawa ko? bukod sa pakikipag-chat, lumipas ang mahalagang oras ko sa pagtulog. Pero paggising ko, andun pa din ang madaming pimples. Belo, Calayan! helping me!!!(nyahahah!). Enough enough. rewind rewind.

-------------------------------------------------------------------------
Nag-js prom nga pala kahapon yung kapatid ko. She seemed very much excited about it. Pero ako, kiber ko jan sa js na yan? (bitter??!!??). Syempre kunyari lang naman. Nung mga nakaraang araw kasi, mega tanong sya saken ng "about this and that" ng js prom. Eh anu ba naman ang malay ko sa mga kalokohan ng organizer nila ngayong araw taon na toh diba? (Ms. Minchin kung umarte.) Well, anyway, nagsisikreto lang naman ako sa kanya. Pero syempre, may magandang momentum naman ako sa js prom na yan.

--------------------------------------------------------------------------

February 2004

At dahil dakilang epal ako, umattend ako ng JS ng nakapanlalaki. Hindi ako nagsuot ng gown sa kadahilanang: "Muka akong nene", mas sanay kasi akong tinatawag na:"Muka kang totoy!" Pero,naekpiryens ko din naman ang sumayaw at makasayaw si M (which is my bf by that time) ng "Did I dream that we dance forever" (ganyan kasi yung title na sinabi ng kapatid ko, ginaya ko lang), makausap sya ng masinsinan, at mangarap.mangarap.mangarap. Yun bang pakiramdam mo kayong dalawa lang talaga yung nagsasayaw ng mga oras na yun. Na kahit na parehong kaliwa ang paa ko eh, may-i-manage to make sayaw ako with my loved one =). Mga hanggang limang kanta hindi kami tumigil sa pagsayaw, akala kasi namin labanan ng sapatos at tatag ng paa ang labanan dun. Nag-usap kami kung saan kami papasok ng kolehiyo, anung kurso ang kukuhain, at kung anu-ano pang eklavu.

Matapos ang party ay nagpaalam din kami sa isa't isa. Pero, bago niya ko ihatid sa aming kubo, may iniabot sya sa akin na isang supot. Nang binuksan ko, hulaan niyo kung ano ang laman?



a. singsing
b. kwintas
c. champoi



Tama, manghula muna kayo ng konti para masaya. Ganun pala yung pakiramdam nun,pag nakakita ka ng isang card na may nakasulat na "Will you marry me?"Aminado ko, pag naaalala ko yan, kinikilig pa din ako hanggang ngayon. At agad niyang sinabing :"I want to spend the rest of my life with you, will you please say yes?".

Ano nga bang dapat na isinagot ko?

13.2.09

Bente-singko sa friday the 13th

Naparusahan ako na manatili sa aming munting kubo ngayong araw ng pahinga ng mga katulong sa UAE. Nabaligtad ko na ata lahat ng gamit dito sa bahay kakalinis, at nailigpit ko na din ang sinampay kong binalahura ng "sandstorm" kahapon. Pero, naiinip pa din ako. Kaya nung napadaan ako sa bahay ni Lord Cm, dinampot ko na tong tag na to, tutal naman "bird brain" ako ngayon. Kung hindi niyo alam ang ibig sabihin niyan, manood kayo ng Full House, yung Korea novela ni Rain tsaka ni Song Kye Kyo (hindi ko alam kung tama ung spelling ko,napulot ko yang salitang yan dahil sila ang ksama ko maghapon sa pagtambay ko dito sa kubo). Simple lang naman..25 things na tungkol sa ken.

Eto na, eto na, eto na...waaaaahhhh!!!!!!!

1. Inis na inis ako kapag tinatawag ako sa buong pangalan ko.

2. Mahilig akong mang-asar pero numero unong pikon ako pag ako na yung napiling pagtuunan ng pansin na asarin.

3. Hindi ako mahilig magpahaba ng buhok. Ang pinakamahabang inabot ng buhok ko eh hanggang balikat lang.

4. May insomnia ko, kaya may mga araw na para kong 7/11 na 24/7 ang pag-oonline ko.

5. Naniniwala ako sa mga kasabihang "Beauty is in the eye of the beholder"(dahil hindi ako maganda), "Don't judge my brother,because he is not a book"(dahil hindi sya libro), "Time is gold,but we need cash"(dahil hindi ako mayaman), at "The more you hate the more you laugh"(dahil madalas ko pagtawanan ang mga kaaway ko!nyahaha!).

6. Pangarap kong maging magaling na singer, pero tamad ako magpraktis.

7. Walang kinalaman sa pinag-aralan kong (BSCOE at BS Vulcanizing) ang trabaho ko dito sa Dubey.

8. Mahilig ako sa pictures, kaya hindi ako nagdadala ng camera pag gumagala ako. (Dahil gusto ko, ksama ko palagi sa mga pektyurs!!!!)

9. Bata pa lang ako, pangarap ko na sumulat, tinuruan naman ako ng mamang ko, yun nga lang, puro abakada at kung anu-anong sticks lang ang pinasusulat niya saken. Kadalasan, hirap ako na sundin sya (sa pagsulat) dahil kaliwete ako.

10. Lagi akong inaatake ng asthma at tonsilitis nung bata ako dahil mahilig ako sa ice candy, ice drops, ice cream, halo-halo, mais con yelo, saging con yelo, ice cream, slurpee at kung anu-ano pang malalamig na pagkain.

11. Dahil may asthma ko, hindi ako nakakalabas sa kalye para maglaro nung bata ako. Madalas sa loob lang ako ng bahay, kasama ang mga kalaro kong sila B1 at B2,Amy, Lulu, Morgan,Doding daga,Princess Sarah, Cedie, Ninja turtles, Georgie, at kung sino-sino pang characters sa tv noong mga panahon ng 90's.

12. Malaki ang takot ko sa tatay ko. Bakit? Dahil muntikan niya na ko ihulog sa drum na puno ng tubig nung bata ako dahil ayokong uminom ng gamot.


13. Nung napagalitan ako ng matindi, (ni papang at mamang), sinubukan kong maglayas (mga 7yrs old ako). Nagpunta ko sa tabing bahay namin.Hehehe!

14. 21 years old ako ngayon at magbeebeerday na sa Marso.

15. May tatlong blog na kong nagawa nung 13 yrs old ako, hindi ko nga lang naipagpatuloy dahil nakakalimutan ko ang username at password.

16. Seryoso kong tao, hindi ko nga lang pinapahalata para hindi matakot ang tao na lumapit saken.

17. Mahilig ako sa mga sentimental love songs, (mga tipong tutulo ang sipon mo pag pinakinggan mo). Sinusulat ko pa dati sa likod ng mga notebook ko yung mga paborito kong linya.

18. Madami akong alam iluto na mga ulam,tinuruan kasi ako ni Mamang. Pero simula ng magpunta ko dito sa Dubey, ang dating tinatawag kong "Putahe ng ina ko", ay pinalitan ko na ng tawag na "Putahe ng ina NYO!!!" Bakit? Dahil madalas nilang pulaan ang luto ko, pero kain naman sila ng kain..(weird)

19. Namumula ko pag nakakainom ako, kahit hindi pa ko tinatamaan ng pagkalasing.(hik! tagay pa para sa tagumpay!)

20. Pag kumakanta ko, kinakabahan ako kaya kadalasan, kung anu-anong lyrics ang nakakanta ko.

21. Madali akong mairita sa mga taong papansin, pero alam ko, numero uno rin akong papansin.

22. Maingay ako..soooobraaaaa...pero kapag "stranger" ang kasama ko,lumalaban ako ng panisan ng laway sa sobrang patahimikan.

23. Malakas ako kumain pero hindi ako tumataba. Bawat oras gutom ako. At mahilig akong kumain ng mga pagkain ng intsik.

24. Adik ako sa computer games, nagkaron ako ng 3.00 sa Panitikang Pilipino nung kaleyds ako dahil sa hindi ko paggwa ng isang sanaysay dahil nasa kalagitnaan ako ng pakikipaglaban kay "Ultimecia" ng Final Fantasy VIII ng ibigay ang prajek na un.

25. Mahilig akong magbasa ng libro, katunayan, ang mga kuleksyon ko ng libro ay pinag-iinitan na ng nanay ko na ipakilo sa junk shop. Pero nung nakabasa siya ng libro ni Bob Ong, nagbago ang isip niya.


Teka...25 na yun agad????Kulang ata ah...heheheh.. Yan na nga lang muna. sa susunod na next time magpa-part two na lang ako. Ngayon kelangan ko maipasa to...Kanino nga ba? Eh napasahan na halos lahat. Cge. Kung sino na lang yung may gusto.

Happy balentayms!!!!

12.2.09

......s3nT!......

Bakit kaya hindi kayang gamutin ng doktor ang sarili niya?



Tinatanong ko yan sa sarili ko nung nasa 2nd yr. highschool ako. Minsan nagtataka ako, kung ano nga ba ang meron sa aken at ako pa ang napipili ng iba upang pagsabihan ng mga problema ng mga kaklase at kaibigan ko, samantalang may class adviser at guidance counselor naman sa eskwelahan. Pero, kapag naiisip ko ang mga payo at alingasngas na nasasabi ko para makaramdam sila ng kaginhawaan (kahit papano),natatanong kong muli sa sarili ko ang katanungang iyan.

Lumipas ang mga panahon, nagka-edad ako ng ganito at patuloy pa rin ang agos at takbo ng film ng camera. Tuloy pa rin ang kwento ng buhay hanggang sa makarating sa dapat paroonan,at sana makarating pa rin sa nais paroonan. Marami na akong nakabungguan ng siko, nabatukan, nasapak, namura, nginitian, tinawanan, binungangaan, inismiran, iniyakan, hinangaan, siniraan,at pinabayaan. Ngunit, buhay pa din ang katanungang yan sa isip at puso ko. Nagtataka at nasasaktan kasi ako, kung bakit ganun. Bakit kailangang madapa ka muna, bago ka bumangon sa isang pagkakalugmok. Bakit kailangan mo muna magmahal, bago ka masaktan? Bakit kailangan mo muna magtiwala at umasa pero bukas makalawa lang, nilipad na kasama ng hangin ang mga pangakong yun. (teka,ano nga bang inaangal ko?). Bago ko pa makalimutan ng tuluyan ang nais kong maiparating na meseyds. Nais ko muna ialay ang maikling mensahe ko para sa aking kaibigan na si Biiba:

Sinabi mo kasi kanina saken na nakita mo saken ang imahe ng isang tunay na kaibigan (tama ba?hehe). Na wag sana lalaki ang ulo ko dahil sa papuri niyang yun para saken. Alam ko nababasa mo to. Pero pinigil ko yung mga salitang gusto ko talagang sabihin kanina dahil.....nasasaktan ako kapag may nagsasabi saken niyan. Lalung-lalo pa na sinasabi yan saken ng isang tao kapag alam kong handa na siyang iwan ako at ipagpatuloy ang buhay niya ng wala ako sa tabi niya. Masakit isipin, and at the same time nakakataba ng puso, na oo..naging mabuti akong kaibigan sayo at ikaw din naman sa akin. Ikaw lang din ang nakakaintindi saken, isama na natin pati sina Lulu, Morgan, Amy at Doding daga, pati na ang mga myembro ng ninja turtles at ng kung ano pang kulto sa tabi-tabi. Alam kong nagtataka ka kung bakit parang sa dinami-rami ng mga bagay na sinabi mo saken, isang ngiti at mahinang "ok lang yan" ang sagot ko sayo. Isang munting payo lang bago ka umalis at ipatuloy ang iyong paglalakbay, mag-iingat ka palagi at mahal mahal kita. Higit pa kay F, at sa kung sino mang napagdidiskitahan ko sa tabi-tabi. Tinuring na kitang malaking parte ng buhay ko at sana, wag mong kakalimutan ang pinagsamahan natin. (isang tagay sa tagumpay!). Xaxa, hindi tungkol sayo tong post na to kaya ang ibang meseyds sa ibang araw naman.

Napupuno ako ng mga negatibong emosyon sa kasalukuyan. Mga emosyon na ayokong maramdaman sa mga susunod pang araw. Pinipilit kong maibsan ang lungkot at takot na namumuo sa aking puso. Subalit, sa pagsapit ng takipsilim, naiisip ko pa din. Kung mabuti akong tao , bakit lagi akong iniiwan ng mga taong mahal ko??????


"hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."--BOB ONG

Random Lang....

Ilang araw din akong naging abala. Hindi ko namalayan, isang linggo na naman pala yung lumipas. Ilang mga buwan, araw, oras, at minuto na lang, makakapiling ko na ang aking mga kapamilya,at kapuso sa Pinas. Naging abala kasi ako sa trabaho ko. Kung ilang beses akong umiyak at nakipagsigawan sa amo kong panadol'z, hindi ko na mabilang. Sa araw-araw na ginawa ni Papa God, ganun ang routine: Si alarm clock tutunog ng 6:10 am, babangon si Jen, maghahanda ng mga kagamitan,maliligo,magkakape,magsusuklay,magdadamit,susulyap saglit sa salamin at presto! Ready na ulit sa sangkaterbang conversion, quotation,invitation,automation,graduation at kung anu-ano pang kalokohan sa buhay. Eight hours akong tutunganga sa konchuter,hahawak ng kalkaleyter,kakausapin ang sarili habang nagcoconvert ng dirhams to dollars,metres to inches,cm to mm,and the other way around (nahulaan nyo na ba ang trabaho ko?nyahaha). Kasama na dun sa walong oras ng pighati ang okeysyonal na sigawan namin ng amo ko,okrayan,joketime,at kung anu-ano pang kabalbalan namin para hindi antukin sa opisina. At kahit ano pang mangyari, bumaha man ng mga paperworks dito sa opisina, online pa din ako at patuloy sa pakikipag-chat. Wag nga lang tataon na si big boss ang andito dahil batas talaga yun. Pag sya ang nagalit sayo, mapapa-aga ang uwi mo sa lupang tinubuan. Syempre sweet and innocent ang dating ko pag sya ang andito. At pagdating ng 4pm...tentenenenen..UWIAN NA!!!!!!!Mabilis pa ko sa alas kwatro lalung-lalo na pag uwian ang usapan. Libre alikabok face powder nga lang habang nag-aabang kami ng pedicab pauwi.

-------------------------------------------------------------------------------------
Dinalangan ko na din ang pakikipagkita kay Biiba. Para kasi akong naghahanap ng ikasasakit ng mga kamatahan ko, maga na sya kakaiyak dahil nga ilang araw na lang buh-bye na kami sa isa't isa. Naalala ko pa nung isang araw, pinanood ko pa sya mag-impake ng kagamitan sa kanyang maleta. Para kong bata, nipipigilan ko pa kasi sya umalis. Hmf. Puro iyakan ang araw na yun. Yun lang ata yung araw na nagkita kami na hindi kami nagpudtrip, dahil depress. Pero, mamimiss ko talaga si Biiba, wala na kong kasama sa mga trip. Biiba,pwede ba kong sumama sayo? sa may hand-carry na lang ako, kasya ko dun pramis!

-------------------------------------------------------------------------------------
Hindi pa ulit napapapadpad ang aking kapaahan sa simbahan, inip na inip ako sa oras nitong mga nakaraang araw. Pero kagabi, muntikan na kami magkita ni F dahil sinamahan ko ang pinsan ko maglamyerda sa palengke.Hahaha! Pero, hindi natuloy, nagbago kasi ang isip ng pinsan ko at hindi na siya isinama sa mga pangarap namin. Huhuhu!, sayang ang moment ko!

-------------------------------------------------------------------------------------

Nitong mga nakaraang araw, lapitin ako ng mga lumang alaala ng nakalipas (uuber sa lumaa! luma na nga, nakalipas pa!). nung Isang araw,ka-chat ko si M, at nagpapatulong sya na magpunta dito sa Dubey. Syempre, kunwari ayaw ko, pero tumagal-tagal ang usapan, nakita ko na lang sa screen na pumayag na pala kong ibenta, este ihanap sya ng trabaho dito. Ok lang, magkaibigan naman kami kahit papano. Past is past sabi nga nila. At hanggang sa kasalukuyang mga panahon, nagkukulitan pa din kami sa paghahanap ng pagbebentahan at paglalagakan sa kanya dito sa Dubai. Kung makakasunod sya sa teritoryo ng mga Panadolz, yun ay hindi ko pa nakikita hanggang ngayon.

10.2.09

Mga Uri ng Kaibigan

Marami-rami na rin ang nakasalamuha, nakapudtrip, soundtrip, laughtrip ko dito sa mundong ibabaw. Yung iba, matagal ding namention sa "Favorite friends" list ko sa slambook o slamnote. Meron namn iba, napadaan lang. Parang nakisabay lang ng kain ng fishball o kwek-kwek sa may kanto. Meron din naman, pang-matagalan talaga. Kayo, ano kayo dito?


Kaibigan na maaasahan: Loyalista,malalapitan sa oras ng kagipitan, pwede mo syang iyakan at singahan kapag na dedepress ka. Hindi niya ipapakita kahit kelan sayo na naaapektuhan sya ng mga sarili niyang problema. Wala syang hinihinging kapalit sa lahat ng bagay na binibigay niya sayo.

Kaibigan na may "masabi" lang: Mahusay ang vocabulary skills nitong batang ito. Marami rin xang alam na verses, quotes o kung anu-ano pang bagay na hindi alam ng mga batang 6 years old pa lang. ingat ka nga lang, dahil sa sobrang lalim ng pagkatao nitong taong to, pati ikaw mismo, hindi mo na sya minsan mauunawaan.

Kaibigan na weather weather lang: Sya yung taong makikita mo lang pag may okasyon. Magpaparamdam lang pag may parating na "big event". Pero kapag tag-ulan na sa buhay mo, unreachable na ang batang ito.

Kaibigan na may kaplastikang taglay: Uso to ngayon! Marami akong kilala. Mabait pag kaharap mo, pero pagtalikod mo, madami ng sinasabi tungkol sayo. Minsan pati mga bagay na hindi na dapat pakielaman, pinapakielaman pa nila.

Kaibigan na "user friendly": Kilala ka lang nitong batang ito kapag may bago kang gadget, bagong fafa / mama, madaming pera / bagong sahod, at kung anu-ano pang materyal na bagay. Pero kapag ikaw na ang nangangailangan, wla na xa sa paligid.

Yang mga yan naman eh base lang sa mga nakasalamuha ko. Sabi nga nila, bata pa ko. Madami pang makikilala at makakasama sa mga bagay-bagay na gusto kong gawin. Masakit saken na magkakaron na naman ng batang mataba na aalis sa buhay ko, pero alam ko naman na kapag totoo ang pakikipagkaibigan, pagpapahalaga at pagmamahal mo para sa isang tao, nandyan lang sya sa puso mo HABAMBUHAY.

8.2.09

Gusto ko nang umamin

Ilagay mo jan I love you and I miss you.


Yan yung eksaktong linya na sinabi niya sken nung friday na magkakasama kaming tumambay at nagpudtrip. Isang gulat na gulat na "Ha?" ang pinakawalan kong salita, sabay tingin sa kanyang nangungusap na mga mata. Ngumiti lang sya at nagtanong : "Para kanino ba yan?". Kung sumagot ako, hindi ko na maalala dahil ang alam ko, natigilan ako matapos kong marinig ang mga salitang yun. Kahit na mainit sa loob ng bahay ay nakaramdam ako ng kung anong lamig sa aking mga kamay. Magkatabi kami nun sa upuan. Maya-maya pa, binuksan niya ang laptop at nagpatugtog ng kanta. Nang marinig ko ang kantang napili niya, hindi ko na makayanan ang kabang nararamdaman. Agad akong tumalikod sa kanya at humarap kay Biiba. Sabay ngiti naman ni Biiba ng makahulugan niyang mga ngiti. Nakakainis, alam ko dapat tahimik lang ako sa lahat ng pagkakataon tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya. Pero, simula ang araw na yun, parang naiisip ko na din kung may nakatagong ibig sabihin ang mga katagang yun (corny at feelinggera ako!).

Aminado ko, mahal ko na tong taong to simula pa lang nung makilala ko sya sa kinabibilangang kulto. Mabait, talentado, makulit, responsable, masayahin. Ganyan ko i-describe si F. Subalit madaming bulung-bulungan ang umiikot sa aming paligid na may napupusuan ng iba itong si F. Kaya ako, simula ng marinig ko ang balitang yun, agad na kong nanahimik at nagpanggap na walang nararamdaman para sa kanya. Lumipas ang mga araw at buwan. Pilit akong umiiwas subalit pakiramdam ko sinulat na ang buhay ko ng karugtong sa kanya, bilang magkapatid sa kulto. Sa katagalan ng panahon,(mga 4 months), naging epektibo at mabisa ang pag-iwas ko at medyo naging at ease na ko sa kanya, not until last friday.

Pilit kong kinakalimutan yung nararamdaman ko para sa kanya. Pero, hindi ko alam minsan kung anong dapat kong gawin. Minsan kasi, nakakainis pag sobrang bait at lambing ng isang tao, napakabilis mahalin..:(

Hindi lahat ng taong mabait at sweet may gusto sa'yo. Sadyang may mga tao lang talaga na mahilig magpaasa.

7.2.09

I hate goodbyes...



People do come and go...and if they were taken away from you, more probably, someone much better is in store for you.


Sabi nga nila, ang mga taong nakakasalamuha natin, hindi yan panghabambuhay na nasa paligid lang. Iba-iba rin kasi ang takbo ng utak ng tao, iba iba ang mga ugali, mga topak at trip sa buhay, mga weaknesses, mga strengths, weigh ng problema, pagmumuka, pag-aasal at kung ano-ano pang mga pagkakaiba.

Lalung-lalo ako - aminado ako. Oo, abnormal akong nilalang. Bibihirang tao ang nakakasundo ko sa lahat ng bagay. Mahirap kasi hulihin ang mga ninanais at inaayawan kong bagay sa mundo. Kaya nung nalaman ko yung balita kahapon, hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko...

Rewind...

Nakilala ko sya nung baptism proper sa Singles for Christ. Iyak kasi sya ng iyak, este kami pala. Tapos kung gaano kadalas yung pagtulo ng mga luha sa muka niya, ganun din kadalas yung pag-eexcuse niya para magpunta sa "toilet". Isa, dalawa, tatlong beses ata ang pinalipas ko bago ko sya nilingon para pansinin. Pakiramdam ko kasi sa mga panahon na yun, walang gugustuhing makinig sa mga jologs na banat ko sa buhay. Nginitian ko lang sya nung una, tapos sya na mismo ang nag-initiate ng usapan..usapan na napunta sa kung anu-ano. Akala ko kasi sya yung isa sa mga participants dun na kapangalan ko. Eh ayun, mali pala kaya agad agad, itinuro niya ang neymplate na suot-suot niya. (Nagtataka pa nga ako kung bakit bagong-bago ung sa kanya samantalang pang-ilang session na yun, pag tagal ng panahon saka ko nalaman na pinapapalitan niya pala at dinadahilan na nawala, pra lang gawing memorabilia sa kwarto niya..haha..peace).

Pagtapos nun, nagkasama na kami sa mga lakaran, kulitan,kainan, kantahan, iyakan, pikunan. At kung anu-ano pa. Ambilis nga lang panahon. Parang kulang pa yung mga lakaran, kulitan, kantahan, iyakan, pikunan, at kung anu-ano pang ginawa namin ng magkasama at heto't kelangan niya nang umalis. Kaya nung tinatanong ako ng iba naming kaibigan kung anong nararamdaman ko (bilang pinaka-close sa kanya), wala akong maisagot kundi isang pilit na ngiti. Alam ko naman kasi , na eto yung nararapat para sa kanya.

Salamat sa lahat. Para sa pagiging inspirasyon at pagiging mabuting kaibigan. Sa mga sermon at pakikinig. Sa walang kamatayang kowts tungkol sa "moving forward" na yan. Sa mga ngiti na hindi ko malaman kung minsan ang dahilan. Sa mga kwentong minsan nakakainggit na (nyahaha). Sa pagiging "ikaw" sa lahat ng bagay at pananaw. Maghihiwalay man tayo ngayon, alam kong magkikita pa tayo sa hinaharap.

4.2.09

If you're falling inlove with a friend...

Madaming beses ko na din naitanong sa sarili ko yan. Maraming beses na din naitanong sakin yan ng mga taong hindi maintindihan kung bakit sa bilyun-bilyong tao sa mundo, sa kaibigan pa nila sila maiinlababo. (nagsalita ang magaling). Kung sabagay, hindi ko naman sila masisisi sa bagay na yan.

Oo nga at madaming beses ko na na-encounter ang katanungan at sitwasyon na yan. Medyo mahirap kasi. Lalo pa at mahina ako sa subject na yan (LOVE). Kalimitan, tumatahimik lang ako pag natatanong saken yan ng mga taong hindi mapakali at parang sinisilihan ang pwet pag nakikita itong si "apple of my blacked-eyed eye". Akala ko sa pamamagitan ng deadmatic approach ko, titigilan nila ko. Pero nitong ngayong umaga lang, habang nag-aabang kami ng masasakyang pedicab papasok sa trabaho, bumanat ng nakakairitang hirit itong isang kabayan na kasabayan ko sa serbis.

GB: Jen, ano gagawin mo pag pakiramdam mo mahal mo na yung kaibigan mo?
JEN: Ano po yun?
GB: Sauce, narinig mo naman ako nagmamaang-maangan ka pa.
JEN: Ah..ewan o, di ko alam
GB: (di makuntento sa pa-showbiz kong sagot).
: HIndi nga?
JEN: (tumingin ng pamatay-tingin na "killer-eye",sabay banat ng:)Alam mo, matanda ka
na, alam mo na dapat ang gingawa sa mga sitwasyon na ganyan.
GB: Eh hindi ko nga alam ang gagawin.
JEN: Hmf. Ano ka ba hi-skul student para hindi malaman ang gagawin jan sa nararamdaman mo?
GB: .....
JEN: Pero kung alam mong masasaktan ka lang pag sinabi mo sakanya ung feelings mo, better keep it yourself. Mas mahihirapan ka pa kapag pati friendship niyo ni-reject niya.
GB: ....

Pero actually medyo nire-regret ko yung sinabi ko sa kanya kasi nakita ko sa muka niya (na ubod ng kapal) na nalungkot sya. Syempre hindi yun yung tunay na saloobin ko, niligaw ko sya dahil nararamdaman kong ako yung "kaibigan" na tinutukoy niya (pero pwede rin naman na feeling ko lang yun, nyahaha). At ayun, dahil nga sa nakunsensya ko. Habang binabagtas ng aming pedicab ang hi-way papunta sa opisina (trapik na naman!). Iniisip ko yung totoong gusto kong isagot sa kanya. Bagay na nagiging "pulutan" sa bonding moments namin
niBiiba. Mahirap naman kasi yung sitwasyon na yun at kung ayaw mong saktan ang sarili mo, mabuti pang hayaan mo na lang yung sarili mo "to love him/her in silence" lalu pa at alam mo din naman na hindi niya kaya ireciprocate yung feelings na yun. In the end, "prevention is better than to cure" pa din ang drama.
Mas mabuti na manahimik ka na lang at pangarapin sya, at magpatuloy na lang na maging mabuting kaibigan sa kanya,kesa parehong bagay pa ang mawala. Dahil ang pagkakaibigan, panghabambuhay ang itinatagal, ang relasyon- hindi mo alam baka bukas o sa makalawa, mawala na lang ng biglaan. :(

3.2.09

Baliktanaw makalipas ang dalawang taon

Naaalala ko pa. Sa parehong araw at buwan, minsan kaming nag-sumpaan. Na mag-iibigang tunay at di kailanman mag-iiwanan.


Subalit sa paglipas ng mga araw at buwan,
ang mga awayan ay naging madalasan.
Ang tampuhan ay umabot sa sukdulan.
Ang bawat pangarap hinayaan na lang lumipad sa kawalan.

2.2.09

Tula para sa lata

Lata,lata paano ka ginawa?
Bakit ka pa ginawa?
Paano nga ba ang iyong pag ngawa?
Para nga atang sa isang baka na umuunga.

Pag ika'y naririnig
Nais ko na lang manahimik
Hindi dahil sa iyong boses na malamig
Kundi sa kadahilanang tunog mo'y parang sa isang biik

O lata ako'y iyong patawarin
Subalit ang bagay na ginawa mo pa muli ay di na palalampasin
Ang buhay na amin ay iyong tantanan
Kung ayaw mong panlalait ko sa iyo ay lalo pang dagdagan


Teka muna at ang mga iyan ay di pa sapat
Dahil nais kong ikaw ay mamulat
Boses mo sa sobrang lamig ay nakakapanginig-laman
Kaya utang na loob tigilan na ang iyong ka-epalan.

1.2.09

Singlehood



Me,being single for about two years and some "time" has its own advantages,lots of grievances and occasional tear-jerking moments. But, now, as I face the real world's struggles in life,crossed paths with few different people who embarked some things in my heart - I can say that I am happy and contented that I had lived and loved the way I am living right now.

Right after that terrible break-up I felt all so depressed. And it hurts so much that I can never imagine myself falling in love again. A big "NO" it is if you'll gonna ask me if I also attempted for suicide, but basically not eating and sleeping for quite some days is almost "getting there". It hurts like hell to know that:

one day you just woke up that you are single again, to know that the one person to whom you entrusted your heart had officially made it break into pieces. To know that your special someone had successfully ruined your life which he once made magical and almost, (almost I am saying) perfect. To know that you have to finally wake up from that dream of you and him / her growing old with each other.

But upon leaving my own country and spending some great time with a few different people. I had learned the value of love, and most specially the value of loving myself first before sharing that love for another person. It really takes a lot of time for someone to grow. Most specifically if you are still in-denial of the outcome of your "past relationship". Seeing and talking again with one of my exes had brought me to the conclusion that I am on the right track of life: that I have to take some time for the accomplishment of my own dreams and to deal some time improving myself, to put up that priorities list first before bumping and knowing someone who will make me fall again.

As for all my fellow singles in this world - Cheers! For we are still blessed and should not feel any desperation or despair that we don't have that better half at this time of year. Valentines doesn't mean that we have to celebrate it with that significant other, but rather, it is also a time to celebrate the beauty and gift of love with all our loved ones! :D

Be proud that you are single!:)