13.2.09

Bente-singko sa friday the 13th

Naparusahan ako na manatili sa aming munting kubo ngayong araw ng pahinga ng mga katulong sa UAE. Nabaligtad ko na ata lahat ng gamit dito sa bahay kakalinis, at nailigpit ko na din ang sinampay kong binalahura ng "sandstorm" kahapon. Pero, naiinip pa din ako. Kaya nung napadaan ako sa bahay ni Lord Cm, dinampot ko na tong tag na to, tutal naman "bird brain" ako ngayon. Kung hindi niyo alam ang ibig sabihin niyan, manood kayo ng Full House, yung Korea novela ni Rain tsaka ni Song Kye Kyo (hindi ko alam kung tama ung spelling ko,napulot ko yang salitang yan dahil sila ang ksama ko maghapon sa pagtambay ko dito sa kubo). Simple lang naman..25 things na tungkol sa ken.

Eto na, eto na, eto na...waaaaahhhh!!!!!!!

1. Inis na inis ako kapag tinatawag ako sa buong pangalan ko.

2. Mahilig akong mang-asar pero numero unong pikon ako pag ako na yung napiling pagtuunan ng pansin na asarin.

3. Hindi ako mahilig magpahaba ng buhok. Ang pinakamahabang inabot ng buhok ko eh hanggang balikat lang.

4. May insomnia ko, kaya may mga araw na para kong 7/11 na 24/7 ang pag-oonline ko.

5. Naniniwala ako sa mga kasabihang "Beauty is in the eye of the beholder"(dahil hindi ako maganda), "Don't judge my brother,because he is not a book"(dahil hindi sya libro), "Time is gold,but we need cash"(dahil hindi ako mayaman), at "The more you hate the more you laugh"(dahil madalas ko pagtawanan ang mga kaaway ko!nyahaha!).

6. Pangarap kong maging magaling na singer, pero tamad ako magpraktis.

7. Walang kinalaman sa pinag-aralan kong (BSCOE at BS Vulcanizing) ang trabaho ko dito sa Dubey.

8. Mahilig ako sa pictures, kaya hindi ako nagdadala ng camera pag gumagala ako. (Dahil gusto ko, ksama ko palagi sa mga pektyurs!!!!)

9. Bata pa lang ako, pangarap ko na sumulat, tinuruan naman ako ng mamang ko, yun nga lang, puro abakada at kung anu-anong sticks lang ang pinasusulat niya saken. Kadalasan, hirap ako na sundin sya (sa pagsulat) dahil kaliwete ako.

10. Lagi akong inaatake ng asthma at tonsilitis nung bata ako dahil mahilig ako sa ice candy, ice drops, ice cream, halo-halo, mais con yelo, saging con yelo, ice cream, slurpee at kung anu-ano pang malalamig na pagkain.

11. Dahil may asthma ko, hindi ako nakakalabas sa kalye para maglaro nung bata ako. Madalas sa loob lang ako ng bahay, kasama ang mga kalaro kong sila B1 at B2,Amy, Lulu, Morgan,Doding daga,Princess Sarah, Cedie, Ninja turtles, Georgie, at kung sino-sino pang characters sa tv noong mga panahon ng 90's.

12. Malaki ang takot ko sa tatay ko. Bakit? Dahil muntikan niya na ko ihulog sa drum na puno ng tubig nung bata ako dahil ayokong uminom ng gamot.


13. Nung napagalitan ako ng matindi, (ni papang at mamang), sinubukan kong maglayas (mga 7yrs old ako). Nagpunta ko sa tabing bahay namin.Hehehe!

14. 21 years old ako ngayon at magbeebeerday na sa Marso.

15. May tatlong blog na kong nagawa nung 13 yrs old ako, hindi ko nga lang naipagpatuloy dahil nakakalimutan ko ang username at password.

16. Seryoso kong tao, hindi ko nga lang pinapahalata para hindi matakot ang tao na lumapit saken.

17. Mahilig ako sa mga sentimental love songs, (mga tipong tutulo ang sipon mo pag pinakinggan mo). Sinusulat ko pa dati sa likod ng mga notebook ko yung mga paborito kong linya.

18. Madami akong alam iluto na mga ulam,tinuruan kasi ako ni Mamang. Pero simula ng magpunta ko dito sa Dubey, ang dating tinatawag kong "Putahe ng ina ko", ay pinalitan ko na ng tawag na "Putahe ng ina NYO!!!" Bakit? Dahil madalas nilang pulaan ang luto ko, pero kain naman sila ng kain..(weird)

19. Namumula ko pag nakakainom ako, kahit hindi pa ko tinatamaan ng pagkalasing.(hik! tagay pa para sa tagumpay!)

20. Pag kumakanta ko, kinakabahan ako kaya kadalasan, kung anu-anong lyrics ang nakakanta ko.

21. Madali akong mairita sa mga taong papansin, pero alam ko, numero uno rin akong papansin.

22. Maingay ako..soooobraaaaa...pero kapag "stranger" ang kasama ko,lumalaban ako ng panisan ng laway sa sobrang patahimikan.

23. Malakas ako kumain pero hindi ako tumataba. Bawat oras gutom ako. At mahilig akong kumain ng mga pagkain ng intsik.

24. Adik ako sa computer games, nagkaron ako ng 3.00 sa Panitikang Pilipino nung kaleyds ako dahil sa hindi ko paggwa ng isang sanaysay dahil nasa kalagitnaan ako ng pakikipaglaban kay "Ultimecia" ng Final Fantasy VIII ng ibigay ang prajek na un.

25. Mahilig akong magbasa ng libro, katunayan, ang mga kuleksyon ko ng libro ay pinag-iinitan na ng nanay ko na ipakilo sa junk shop. Pero nung nakabasa siya ng libro ni Bob Ong, nagbago ang isip niya.


Teka...25 na yun agad????Kulang ata ah...heheheh.. Yan na nga lang muna. sa susunod na next time magpa-part two na lang ako. Ngayon kelangan ko maipasa to...Kanino nga ba? Eh napasahan na halos lahat. Cge. Kung sino na lang yung may gusto.

Happy balentayms!!!!

7 comments:

yAnaH said...

-- hmmm jennilyn quintos, anubeh?! hahaha
-- mukhang malapit ng matupad ang pangarap hanggat anjan ang piyanista, tuloy agn pangarap..
-- cam whore in short..
-- ang saya naman ng paglalayas mo.
-- ano kayang ginawa mo at muntikanan ka ng ilublob ni fatherhood mo sa drum? hmmmm
-- lahat gn putahe na maasim at ginagamitan ng suka...i know expert ka an dun..
-- namumula ka rin kapag katabi mo yung piyanista.
-- at tahimik ka rin kapag katabi mo ang piyanista.kunyari wala ka dun.
lastly, adikkkkkk ka!
nyahahahaha
yun lang.,
babush

EǝʞsuǝJ said...

-YaNah-

...asa pa..kulang ka ng middle name..kala mu ah..
...aling pangarap?maging singer o mapangasawa ang pyanista?nyahaha
...ndi na ngaun dahil aalis kana.:(
...natatakot kac ako maligaw kaya dun lng ako banda lumayas:)
...ndi ka nagbasa nho?sinabi ko nmn na ayoko uminom ng "ventolin" kya ako muntikan gawing sirena ni fatherhood:)
...ok na yun nyahah,..at least proud ako ng konti.:)
...ikw ba nmn ang kindatan ndi ka mamumula?nyahaha
...ndi ako makasalita dahil baka kung ano ang masabi ko..haha


lastly..hayuuuuuuupppppp ka biiba.....!!!!!!!!!nyahaha..peace be with you..haha

2ngaw said...

Kulang!!!Sabi na dapat 25,000 na lang eh, sino ba kasi nag tag nito? lolzz ...

malamang jen di ka na hinanap ng magulang mo nung naglayas ka no? nagbilin lang siguro sa tabing bahay na 'Alagaan nyo anak ko ha?, wag nyo sabihin alam nmin kung nasan sya' :D

EǝʞsuǝJ said...

-CM-

--may tama ka! ang siste, nagtagaL ako ng magHapon sa bahay nung kaPiTbahay namen. Tap0s nung mag-gagabi na, sumuk0 ako at umuwi sa bahay namen. AyuN, napaLuhod pa ko sa asin chKa Pinadipa ng mamang k0 sabay sabi ng matinding Linyang :"Ano jeNniLyn uuLiT ka pa ng kataRantaduHan mo?"..nyahahaha..

2ngaw said...

Nyahahaha lolz, dapat pala dun ka na natulog sa kapitbahay...ok din kapitbahay nyo no, kunsintidor :D ...

poging (ilo)CANO said...

kanta ka ha!

sina B1 at B2 laging magkasama, lahat ng oras sila ay masaya, kaibigang uso ang kalaro nila. sila ay sama sama kahit anong preblema...

naisip mo ba ang naisip ko B1? palagay ko nga B2..toinkz..

21 yirs old daw..wag ka magpa bata uy! anak ng teteng...tagay na...hahaha..lolz...

EǝʞsuǝJ said...

-CM-

oo nga eh, sna nagpaabot na lang ako ng kinabukasan para malamig na ang ulo ni mamang. hehehe

-p0ging MorgaN-

..haha..palagay ko nga B2..nyahahah...

..21 nga lang ako nho..ayaw maniwala, gusto mo ng kopya ng bert sertipikeyt ko? kabataan ko pa nga nung ipalabas ung daimos eh..aww..tagay pa!!!!:)