28.2.09

Susuko ka na ba?

Life is tough, but we can be tougher...


Yan ang sinasabi ko sa sarili ko kapag nahahagupit ang buhay ko ng signal number three, nung dati pa nga umabot ng signal number 4. Naisip ko lang. Bakit ba may mga taong hindi pa nga sumusubok lumaban sa hamon ng buhay eh sumusuko na agad? Kaya nga nilikha ang bawat indibidwal ng magkakaiba eh...Para mag-stand out yung personality mo from the rest (hopefully, in a positive way).

Naiinis ako nang makita ko at mabasa ang isang entry dito sa blogosperyo. Hindi naman sa nagmamarunong ako sa pagpapatakbo ng buhay niya. Pero, naiinis ako dahil sinasayang nya ang mga pagkakataon na binibigay sa kanya ni Papa God. Makailang-beses na siyang nagattempt mag-suicide, puro laslas or anything telling everybody that next thing that will happen is he will find himself lying in the hospital room. I dont want to be purposely harsh on him pero I will admit it to avoid further hypocrisy on my side..Hayaan niyong ilabas ko ang pov ko sa usaping ito...

Was it family problem, personal problem, love life, work related, math problem or any other problem?

He doesnt even mention it. Kung minsan nga, naiisip ko na pakulo lang ang lahat. Kumbaga most of his posts about his attempts, mga 60% ang lie and 40% ang true. If he feels alone, eh paano naman ang mga taong wala na talagang masandalan? Naririnig mo ba silang nag-emote ng ganyan? Naggawa din ba sila ng blog entry para sabihin na "I'm planning to commit suicide after this post!"

Naalala ko tuloy ung nabasa ko sa Ang Paboritong libro ni Hudas...

May mga pointers na sinabi dun si Bob Ong para maging epektib at kapaki-pakinabang ang pagsu-suicide ng tao. Sabihin ng puro kalokohan..pero minsan nakakatuwa din isipin na pwede syang mangyari sa tunay na buhay. Sana pag nabasa mo toh, matauhan ka ng konti.

  1. Isuot ang paboritong damit (di ko sure kung kasama yan, pero parang kasama nga ata..ewan ko lang)
  2. Gumawa ng bonggang suicide note (itabi ito sa tabi ng iyong bangkay, o hawakan ito upang madaling makikita ng mga pulis upang malaman nila agad na nagpakamatay ka, dahil kung hindi, isang manginginom o adik sa kanto ang ituturo nilang pumatay sayo.)
  3. Wag kalilimutan na gawing makabuluhan ang iyong sulat (sabihin mo na ayaw mo pa sanang gawin ang hakbang na iyon, ngunit hindi mo na makayanan kaya may-i- surrender ka na kay kamatayan.)
  4. Umisip ng pinaka-unique na paraan ng pagpapakamatay. (ang mga halimbawang binigay niya ay hindi ko na maalala, dahil nabasa ko ito nung isang taon pa)
  5. Gawing madrama ang laman ng sulat (wag kaligtaang banggitin na mahal na mahal mo ang iyong mga maiiwanan at kung kaya ng oras, baliktanawan ang mga bagay na nagawa mo para sa mundong ibabaw..lagyan ng PS sa dulo at sabihing ipadala iyon sa MMK o sa MAGPAKAILANMAN.)
Mabalik tayo dun sa kinaaasaran ko. Nakita kong madami din ang naging bayolente sa mga bagay bagay na nabasa nila. Nanahimik ako kahapon (kahapon nga ba yun?) at minsan pang ninamnam ang mga bagay na nabasa ko. Kung hindi ako nagkakamali, nagbigay pa ko ng mungkahi sa kanyang pahina. Bahala na si Doraemon, basta kung ako sayo...

Hindi ako susuko sa laban ng buhay, dahil pag ginawa ko yun, para ko na ring inamin na isa akong walang kwenta at talunang nilalang

13 comments:

yAnaH said...

ANUBEH! PWEDE PAKIAYOS ANG FONTS????? PINAPAPABASA MO TALAGA ITOH O ANO? HAY NAKU!
HAHAHA

yAnaH said...

dapat isama din ang listahan ng mga gusto nya...for example, ung gusto nyang flowers. motif (kasal?! hahaha), arrangement, ilang araw ang burol, at kung sino ang uupo sa tabi ng casket nya.. specify na rin kung san nya gustong mailibing.. tutal planado naman nya ang pagpapatiwakal nya diba? hahaha

but seriously speaking (naks) as in serious talaga pramis... nainiwala akong walang tayong kahit na kaunting karapatan para tapusin ang sariling buhay natin dahil in the first place eh hindi naman talaga sa atin ito.. PInahiram lang naman satin ni papa Jesus..kung napapansin mo naman na madalas na madalas kang daanan ng delubyo, hindi ibig sabihin nun na pinagppraktisan ka... alam Nyang kakayanin mo un kaya hinayaan nyang mag stop over sayo ung mga yun. at kung mapansin mo din naman na lahat ng tao sa paligid mo eh iniiwan ka or nagkakaron ka ng something-something sa kanila.. aba eh magisip-isip ka na. there must be something wrong with you!!!

kada may unos na dadaan sa buhay mo eh mag-aatempt ka... buti an lang may sa-pusa ka... hindi ako naawa sa mga taong nagpapakamatay.. naawa ako sa buhay na sinayang niya pati an rin dun sa mga taong may kinalaman sa kanya.malamang may silbi pa siya kaya nga buhay pa siya despite nung attempts nya, isa lang ibig sabihin nun, hindi sya worthless, mawawalan lang sya ng silbi kapag si papa Jesus na mismo ang kumuha sa kanya, meaning to say, its time to leave na talaga... tsk tsk tsk.. i do hope HE reads this at ipasok nya sana sa utak nya lahat ng mga toh.. aksama na ung ibang entries na ginawa nila at mga komento... i dont mean to be harsh pero tulad nga ng sinabi mo... nakakainis na.. its not ammusing anymore... parang may mali sa english ko?! hahahaha nways napahaba na naman.. chureee.. akla ko kase new blog entry ko toh bwahahahaha

Unknown said...

yeah, minsan dinedeadma ko ang mga taong ganun..

dapat din nirereverse psychology sila..

hayz...ewan sa mga tao..kakalito..

EǝʞsuǝJ said...

-Yanah-
Minsan tingnan mo din kung anong page ung tinataypan mo..akala mo ata page mo toh eh! haha..juk juk..

alam mo na..sinabi ko na sayo ang mga saloobin ko sa isyung ito. (kaya ako napapalayas sa multi eh!). ayun lang. salamat sa post..este sa comment pala..

-Vanvan-
nakakainis kasi,madami namang paraan para makaahon dun sa problema. Dapat inuuna niyang asikasuhin ang problema niya, kesa ung paggawa niya ng post na ganun!...churee.. bad ako..haha

PaJAY said...

ok na daw si Saul ok na daw...

sana nga ok na sya...sanabon ni Oracle yun e...hehehe

dinagdagan mo pa...sana nga maraming natutunan si pareng saul..

parekoy kung nababasa mo man to..sana ayos ka na...ibig naming sabihin inayos mo na buhay mo..

kampay ng kampay Parekoy..

ay!..blog ba ni Jen to?...hahaha..

kampay lang ng kampay Jen..lolz..

e kung di ka inluv?..baka inluv na inluv!...nyahahaha..

jok lang...

Anonymous said...

hahahah mag sabi na sana ako na parang napadaan at nabasa ko na at parang alam ko na ang tinutukoy mo Jen ..
sinabi na ni proff... hahahah

nababagot,napapanas,o anong lingawe ka lang..Jen hehehe ok lang yan ilabas ang saloobin kaya may blog daw eh diba?..(ganun din siguro siya)



pero Jen seinto porsiento ang punto mo Sapul....

ta kits!

poging (ilo)CANO said...

partner relax ka lng jan..alalahanin mo masakit pa rin ang heartness mo kay fafa...toinkz..

"sasabin gagawin....wala nang bawian" ganyan dapat...kung binawi mo ibig sabihin takot ka ding matigok....

siguro naisip niya na masarap pa rin ang kanin kahit walang ulam kaya di niya tinuloy...lolz..

FERDA!!!

PS: kinopya ko ung mga pointer mo..just in case.....

gillboard said...

sino ba yang saul na yan? laki ng problema niya ha...

EǝʞsuǝJ said...

-PajaY-
haha..gawin daw bang extension ng page ni saul tong bahay ko?haha...

sana nga natauhan na siya ng bonggang-bongga. dahil kung hindi, ai naku...naku naku..

PS.
di nga ako inlab! anu baaaaa?????
infatuation lang..haha(hi-skul)?

-Bomz j0vi-
kaya pala napakomento ka ng di oras ahh..
kalmado pa ko nian..
pag nagalit ako ibang usapin ang isusulat ko jan..
libre mabanas at mairita..dahil ang pinas ay isang democratic counry!!!ahahaha...

-pakneR-
walang kinalaman ang post na to sa heartness ko...! off topic ka..haha

nagbago na isip nya, mabuti naman kung ganun..hehe..

kinopya mo talaga ah..tsktsk..cge cge..basta gawin mo lang na alaala yan, wag mo gagamitin..:P

2ngaw said...

Aba!!di pa tapos ang sermunan dito ah...tantanan nyo na at natauhan na lolzzz

EǝʞsuǝJ said...

-gillboard-
ikot ka ng wanport.makikita mo yung bahay niya. anyways, nothing to worry about, dahil ok naman na daw xa.

dapat nagsbi ka na manonood ka ng you changed my life para nakapagpadala ko sayo ng video cam at kinuhaan mo ng pirated copy!.haha

EǝʞsuǝJ said...

-CM-
haha..nalate ka lang ng punta dito..

alam na..c yanah nga ganado pa mag-post este mag-comment oh,..heheheh

John Bueno said...

Good day! Here I am visitin yah! Please dont forget to SMILE and visit me too http://www.kumagcow.com and http://techcow.blogspot.com =)