10.2.09

Mga Uri ng Kaibigan

Marami-rami na rin ang nakasalamuha, nakapudtrip, soundtrip, laughtrip ko dito sa mundong ibabaw. Yung iba, matagal ding namention sa "Favorite friends" list ko sa slambook o slamnote. Meron namn iba, napadaan lang. Parang nakisabay lang ng kain ng fishball o kwek-kwek sa may kanto. Meron din naman, pang-matagalan talaga. Kayo, ano kayo dito?


Kaibigan na maaasahan: Loyalista,malalapitan sa oras ng kagipitan, pwede mo syang iyakan at singahan kapag na dedepress ka. Hindi niya ipapakita kahit kelan sayo na naaapektuhan sya ng mga sarili niyang problema. Wala syang hinihinging kapalit sa lahat ng bagay na binibigay niya sayo.

Kaibigan na may "masabi" lang: Mahusay ang vocabulary skills nitong batang ito. Marami rin xang alam na verses, quotes o kung anu-ano pang bagay na hindi alam ng mga batang 6 years old pa lang. ingat ka nga lang, dahil sa sobrang lalim ng pagkatao nitong taong to, pati ikaw mismo, hindi mo na sya minsan mauunawaan.

Kaibigan na weather weather lang: Sya yung taong makikita mo lang pag may okasyon. Magpaparamdam lang pag may parating na "big event". Pero kapag tag-ulan na sa buhay mo, unreachable na ang batang ito.

Kaibigan na may kaplastikang taglay: Uso to ngayon! Marami akong kilala. Mabait pag kaharap mo, pero pagtalikod mo, madami ng sinasabi tungkol sayo. Minsan pati mga bagay na hindi na dapat pakielaman, pinapakielaman pa nila.

Kaibigan na "user friendly": Kilala ka lang nitong batang ito kapag may bago kang gadget, bagong fafa / mama, madaming pera / bagong sahod, at kung anu-ano pang materyal na bagay. Pero kapag ikaw na ang nangangailangan, wla na xa sa paligid.

Yang mga yan naman eh base lang sa mga nakasalamuha ko. Sabi nga nila, bata pa ko. Madami pang makikilala at makakasama sa mga bagay-bagay na gusto kong gawin. Masakit saken na magkakaron na naman ng batang mataba na aalis sa buhay ko, pero alam ko naman na kapag totoo ang pakikipagkaibigan, pagpapahalaga at pagmamahal mo para sa isang tao, nandyan lang sya sa puso mo HABAMBUHAY.

2 comments:

Kosa said...

oo naman..
sobrang dami ng uri ng KAIBIGAN na naglipana sa mundo...

May mga taong ginawa talaga upang apihin ka.. awayin ka at kahit kelan eh hindi kayu magiging Oks...

meron din namang taong ginawa na para sayo talaga.. yung tipong mawala man lahat ng buhok mo eh proud pa rin sayo..

depende yan sa nature mo.. kumabaga.. yung mga langis eh langis lang talaga ang pwedeng kahalo.. mahaluaan man ng tubig magkakaroon ng di magandang reaskyo...

ikaw mismo(at wag kang magkaila..loko ka!) hehehe peace..

may mga tao din na hindi mo ramdam ang presensya at tabas ng pananalita.. yung tipong tingin mo pa lang eh hindi mo talaga magiging kaibigan..
hehehe
at ganun din sila sayo..pero ok lang hindi magiging balanse ang mundo kung hndi ganun..patas patas lang kumbaga..hehehe

A-Z-3-L said...

basta ang alam ko, hindi na mahalaga kung paano naging kaibigan ang ibng tao sayo... ang mas mahalaga kung paano KA naging mabuting kaibigan sa kanila... sabi nga ni Inay, ok lng na sila ang masama... basta hindi IKAW! :) kitakits!