12.2.09

......s3nT!......

Bakit kaya hindi kayang gamutin ng doktor ang sarili niya?



Tinatanong ko yan sa sarili ko nung nasa 2nd yr. highschool ako. Minsan nagtataka ako, kung ano nga ba ang meron sa aken at ako pa ang napipili ng iba upang pagsabihan ng mga problema ng mga kaklase at kaibigan ko, samantalang may class adviser at guidance counselor naman sa eskwelahan. Pero, kapag naiisip ko ang mga payo at alingasngas na nasasabi ko para makaramdam sila ng kaginhawaan (kahit papano),natatanong kong muli sa sarili ko ang katanungang iyan.

Lumipas ang mga panahon, nagka-edad ako ng ganito at patuloy pa rin ang agos at takbo ng film ng camera. Tuloy pa rin ang kwento ng buhay hanggang sa makarating sa dapat paroonan,at sana makarating pa rin sa nais paroonan. Marami na akong nakabungguan ng siko, nabatukan, nasapak, namura, nginitian, tinawanan, binungangaan, inismiran, iniyakan, hinangaan, siniraan,at pinabayaan. Ngunit, buhay pa din ang katanungang yan sa isip at puso ko. Nagtataka at nasasaktan kasi ako, kung bakit ganun. Bakit kailangang madapa ka muna, bago ka bumangon sa isang pagkakalugmok. Bakit kailangan mo muna magmahal, bago ka masaktan? Bakit kailangan mo muna magtiwala at umasa pero bukas makalawa lang, nilipad na kasama ng hangin ang mga pangakong yun. (teka,ano nga bang inaangal ko?). Bago ko pa makalimutan ng tuluyan ang nais kong maiparating na meseyds. Nais ko muna ialay ang maikling mensahe ko para sa aking kaibigan na si Biiba:

Sinabi mo kasi kanina saken na nakita mo saken ang imahe ng isang tunay na kaibigan (tama ba?hehe). Na wag sana lalaki ang ulo ko dahil sa papuri niyang yun para saken. Alam ko nababasa mo to. Pero pinigil ko yung mga salitang gusto ko talagang sabihin kanina dahil.....nasasaktan ako kapag may nagsasabi saken niyan. Lalung-lalo pa na sinasabi yan saken ng isang tao kapag alam kong handa na siyang iwan ako at ipagpatuloy ang buhay niya ng wala ako sa tabi niya. Masakit isipin, and at the same time nakakataba ng puso, na oo..naging mabuti akong kaibigan sayo at ikaw din naman sa akin. Ikaw lang din ang nakakaintindi saken, isama na natin pati sina Lulu, Morgan, Amy at Doding daga, pati na ang mga myembro ng ninja turtles at ng kung ano pang kulto sa tabi-tabi. Alam kong nagtataka ka kung bakit parang sa dinami-rami ng mga bagay na sinabi mo saken, isang ngiti at mahinang "ok lang yan" ang sagot ko sayo. Isang munting payo lang bago ka umalis at ipatuloy ang iyong paglalakbay, mag-iingat ka palagi at mahal mahal kita. Higit pa kay F, at sa kung sino mang napagdidiskitahan ko sa tabi-tabi. Tinuring na kitang malaking parte ng buhay ko at sana, wag mong kakalimutan ang pinagsamahan natin. (isang tagay sa tagumpay!). Xaxa, hindi tungkol sayo tong post na to kaya ang ibang meseyds sa ibang araw naman.

Napupuno ako ng mga negatibong emosyon sa kasalukuyan. Mga emosyon na ayokong maramdaman sa mga susunod pang araw. Pinipilit kong maibsan ang lungkot at takot na namumuo sa aking puso. Subalit, sa pagsapit ng takipsilim, naiisip ko pa din. Kung mabuti akong tao , bakit lagi akong iniiwan ng mga taong mahal ko??????


"hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."--BOB ONG

4 comments:

Kosa said...

ganun talaga ang Buhay..
Hindi ko alam kung anung sasabihin ko sa mga bagay na ganito kasensitibo.. mahirap pakialaman at magsabi ng Kuro kuro..

baka kilala ko si Doding Daga.hehehe
may katrabaho ako dati sa pinas na Pnangalanan namin ng ganun..hehehe

Lilipas din yan!
ganyan talaga ang pagpapaalam..
malungkot..
pero di ba, dapat taong maging masaya para sa mga taong umaalis? kase Hindi natin hwak ang kanilang Buong kasiyahan..

pray for them nalang..

astig si Bob Ong ahhh

2ngaw said...

Kasi di pa eto ang tamang panahon at di pa sila ang tamang tao para makasama mo ng habambuhay...

binibigyan ka lang nya ng pagkakataon na mas marami ka pang makilalang makakapagpasaya sayo ng higit pa sa mga nauna mong kaibigan...isipin mo lang na sa bawat nawawala sayo mas marami pang darating...PLANADO lahat ng ng nasa itaas yan...kelangan mo nga lang maghintay

ISIGAW mo lang yan lolzz

EǝʞsuǝJ said...

Kosa...

--oo nga eh,.hindi ko naman hawak ung buhay niLa. Ang mahalaga eh yung pinagsamahan namin na kahit kelan hindi mabubura kahit ilang tao pa ang dumating at umalis sa kanya-kanyang mga buhay namin.

Si doding daga kilala mo ba kamo? hehe..baka xa nga un...

astig tlga si Bob Ong.. Kahit anong sentimyento may mga banat eh..hehe..

Lord CM..

---baka nga, hindi pa nga ito yung tamang panahon. Hindi ko alam, blangko yung utak ko pagdating sa usaping paalam. Pero naniniwla ako na ibibigay niya ang mga bagay na hinihiling ko sa kanya sa tmang panahn..

Cge cge..isisgaw ko to..heheh

A-Z-3-L said...

"di bale ng iwanan ka... wag lang ikaw ang mang-iwan..." ;)