Simpleng tampuhan. Nakalimutang kaarawan, nakalimutang "anniversary", "monthsary", at kung anu-ano pang bagay na pwedeng lagyan ng suffix na "sarry". Text message na hindi nireplyan, tawag na hindi sinagot at kung anu-ano pang (im)paktors para magdulot ng paghingi ng walang pakundangang salitang "space". Pag eto na ang hiningi sayo ng taong yun, maghanda-handa ka na...Dahil more or less, alam na ang kahihinatnan. Hindi naman sa nilalahat ko, pero, mas madalas mangyari na "yun" ang kahahantungan nun. Ang salitang ayokong naririnig kahit kelan. GOODBYE.
Umiyak ka man ng isang balde, drum, bote, pinggan, platito, baso at kung anu-ano pang pwedeng paglagyan ng luha mo, hindi mo na mapipigil ang tao pag gusto ka na niya talagang iwanan. Masakit isipin, na oo, hindi pala kayo para sa isa't isa. Na mawawala na yung taong gigising sayo sa umaga para lang bumati ng "good morning", ang tatawag upang magtanong kung "kumain ka naba?", o kung "nakauwi ka na ba"?. Yung taong mag-aalala pag nagkasakit ka, o yung susundo sayo sa lugar kung saan ka nagtatrabaho?
Closing Remarks
At syempre, ayaw mo man o gusto, dadating ang panahon ng paghuhukom. Dadating ang araw na hindi mo pinangarap na mangyari ni minsan sa buhay mo. May mga luhang pilit pipigilin, salitang itatago at kung anu-anu pang kemedu, na bukas makalawa eh kasama na sa listahan mo ng "sana ginawa ko to dati...", "edi sana...". Pero, hindi naman kasi natin hawak ang buhay natin. HIndi natin alam kung sya na nga ba, o meron pang mas hihigit sa kanya na makikilala natin sa hinaharap. Pwedeng mas gwapo, mas may utak ng konti, mas marunong pumorma, mas mabait, mas maaalalahanin, mas loyal, mas matapat at kung anu-ano pang MAS. Hindi na kailangan na isumpa mo pa sya ng ilang milyong beses dahil hindi ka na niya mahal. Ang mahalaga ay ang matanggap mo na minsan sa buhay mo, natuto kang magmahal ng insekto, at ang insekto na yun ay nakakita ng kapwa niya insekto. Ganun lang kasimple. (ang sama ko ata ng konti.ahehehe).
Paglilinaw
Kung mahal natin talaga yung taong yun, matututo tayo na palayain sila, ng walang "bitterness" o kahit na anong negatibong bagay against them. Kasi, kung magbabaliktanaw tayo, naging masaya ka rin naman sa piling niya diba? Gaya nga ng sabi nila, Hindi natin hawak yung buhay natin, pabago-bago yan, pwedeng bukas makalawa, mahal ka niya, pero mamaya, may iba na palang mahal. Kaya ang mabuti:
"mahalin mo muna ang sarili mo, bago ka magmahal ng ibang tao." Dahil kung paano mo mamahalin ang sarili mo, yun din ang pamamaraan na gagawin mo sa taong mamahalin mo.
7 comments:
masyadong drama chuva ek ek naman to....
wala akong alam sa mga pag-ibig na yan...lolz
space?
as in space giver?
nyahahahaha
do u still need space?
i know a spacegiver..
u want me to recommend u?
ahihihihihi
Very well said Jen! Keep it up!:)
-d0ding baTman-
--asteeg wLang aLam ah..,tagay mo kinakaLimtan mo ah..:D
-LuLu Biiba-
--what do you mean by that? what space giver? can't remember anything about that thing? (echoz) can you expLain further?haha..
-Ycej-
--tenk yu..kakaRelate ka ba?hehehe. awww. see yah around..
Madrama ang post mo, Jen. Parang may kimkim na hinanakit, galit at lungkot.
Minsan isang araw, me dadating ding iba na kukumpleto sa ating pagkatao. dahil ang sabi nga: ang bawat kaldero, may kaukulang takip; pag hindi ukol, hindi bubukol; kapag hinanap, makakamtam; kapag sa yo, sa yo talaga.
Sabi nga ni Whitney Houston: Don't do drugs! (Ano raw?!).
jen, wag ka na magsenti... kaya mo yan.
sino kaya sia? pero gusto ko to
"mahalin mo muna ang sarili mo, bago ka magmahal ng ibang tao."
ang pagmmamahal daw freely given without expecting anything in return kasi yun ang real and true love...
hehe
kaya love and love until we die! kasi "ang mamatay ng dahil sau" di ba?
-Man0ng Nebz-
..saLamat po sa pagdaan. hehe. Wala po akong kimkim na hinanakit at galit, puro lungkot lang :(.
..alam ko may kukumpleto din, sa mga bagay na parang kulang pa din (ano ba ung kulang?)di ba sabi nga nila "you can't have the best of both worlds", kasi kung dadating naman yan, dadating din, matuto lang akong mag-antay.hehe. salamat po.
-Kuya keNji-
..sya ay si ----. wAla.parte ng nakaraan, hehe. naalala ko lang siya at ang mga pangyayari. Nanood kasi ako ng "One more Chance", at eto ang produkto.
..pero ok na muna ung ganito sa ngayon. Kesa naman pumatol sa hindi mo mahal, makakasakit ka lang.
Post a Comment