8.2.09

Gusto ko nang umamin

Ilagay mo jan I love you and I miss you.


Yan yung eksaktong linya na sinabi niya sken nung friday na magkakasama kaming tumambay at nagpudtrip. Isang gulat na gulat na "Ha?" ang pinakawalan kong salita, sabay tingin sa kanyang nangungusap na mga mata. Ngumiti lang sya at nagtanong : "Para kanino ba yan?". Kung sumagot ako, hindi ko na maalala dahil ang alam ko, natigilan ako matapos kong marinig ang mga salitang yun. Kahit na mainit sa loob ng bahay ay nakaramdam ako ng kung anong lamig sa aking mga kamay. Magkatabi kami nun sa upuan. Maya-maya pa, binuksan niya ang laptop at nagpatugtog ng kanta. Nang marinig ko ang kantang napili niya, hindi ko na makayanan ang kabang nararamdaman. Agad akong tumalikod sa kanya at humarap kay Biiba. Sabay ngiti naman ni Biiba ng makahulugan niyang mga ngiti. Nakakainis, alam ko dapat tahimik lang ako sa lahat ng pagkakataon tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya. Pero, simula ang araw na yun, parang naiisip ko na din kung may nakatagong ibig sabihin ang mga katagang yun (corny at feelinggera ako!).

Aminado ko, mahal ko na tong taong to simula pa lang nung makilala ko sya sa kinabibilangang kulto. Mabait, talentado, makulit, responsable, masayahin. Ganyan ko i-describe si F. Subalit madaming bulung-bulungan ang umiikot sa aming paligid na may napupusuan ng iba itong si F. Kaya ako, simula ng marinig ko ang balitang yun, agad na kong nanahimik at nagpanggap na walang nararamdaman para sa kanya. Lumipas ang mga araw at buwan. Pilit akong umiiwas subalit pakiramdam ko sinulat na ang buhay ko ng karugtong sa kanya, bilang magkapatid sa kulto. Sa katagalan ng panahon,(mga 4 months), naging epektibo at mabisa ang pag-iwas ko at medyo naging at ease na ko sa kanya, not until last friday.

Pilit kong kinakalimutan yung nararamdaman ko para sa kanya. Pero, hindi ko alam minsan kung anong dapat kong gawin. Minsan kasi, nakakainis pag sobrang bait at lambing ng isang tao, napakabilis mahalin..:(

Hindi lahat ng taong mabait at sweet may gusto sa'yo. Sadyang may mga tao lang talaga na mahilig magpaasa.

8 comments:

2ngaw said...

uy...nagtxt si mr F. sa akin, nababasa nya raw blog mo lolzzz


joke lang po...habang maaga sabihin mo na kaysa pagsisihan mo pa pagdating ng araw...ihanda mo lang sarili mo sa kung ano man ang magiging resulta...

Anonymous said...

muntik na akong tumambling sa post mo ah. parang masarap basahin ang kwento nyo ni F... hintayin ko ha? :)

poging (ilo)CANO said...

ay naku pinapahirapan mo lang feelings mo...pasabugin mo na yan para magka alaman na...

bilisan mo lang baka maunahan ka pa ng iba...toinkz..

________

may kilala k ba sa etisalat...?

EǝʞsuǝJ said...

Lord Cm..

---hehe,..lagut lng ako talga kapag nabasa nia tong entry na to. Oo nga eh, kaya nakakaduwag. Mukang hindi naman kasi mutual yung feelings.

azeL..

---hmm..ndi exciting ang kwento namin kagaya nung kei Yanah at BBW eh..cge, pag-iicpan ko minsan, pag cnipag ako magkwento.hehe

pogi..

---xa ung kilala ko sa etisalat. Hmf. pag pinasabog ko yung feelings ko, madaming magagalit sa ken. Baka umiwas din sken yun. Di bale, pag nalasing ako next time,puntahan ko sila sa haus nila tapos amin ako. Nyahaha

Kosa said...

sandali.. parang may mga linya si bob ong dito ahhhh...
hhehehehe...
basahin ko nga muna...
balik ako mamaya..
hehehe
kitakits

Ken said...

oyyyyt! Jhen ha, fafa F. hehe! Happy hearts day sau at kay fafa F mo...

mahirap sa sitwasyon kasi you're a woman, and its hard to show it and to say it. Other people might misinterpret it as flirting or overbearing.

Pero alam mo Jhen, payo from your lolo na kagaya ko, haha! some guys will notice or know it before you even told them lalo pat close kau. kaya probably alam niya na may feelins sia at di niya rin alam gawin niya kasi nga magkakulto kau. hehe

my 2 cents

Unknown said...

yah, feel ko rin dapat iexpress mo that feelings kesa magsisi ka sa huli..

so what kung walang payback..atleast uv tried..

it would be so masakit sa ulo thinking a lot on what if's in the future...

kung di ka man niya gusto at least, alam mo..kesa, araw araw kang magmumuni muni kung me gusto siya o wala..

mas mahirap basahin ang kilos ng mga lalake kesa sa kahit alin mang libro sa library..

***napadaan

madjik said...

hello..tamang tama valentines na..may reason magpakalasing hehehe

sabay amin...

nakiki epal po.

:D