25.2.09

Ewan

Ang paksang ito ay walang kinalaman sa pangkasalukuyang kalakaran ng buhay. sadyang ang mga katanungan ay nahalungkat ng di oras sapagkat lutang ang utak ng may-akda.

Hindi lahat ng taong sweet at concern ay may gusto sayo. Sadyang may mga tao lang na mahilig magpaasa--Bob Ong



Hindi ko maalala kung yaan nga ba mismo yung kowt na yun. Pero, madalas sa minsan- - - madalas talaga! nagkakamali or namimisinterpret naten yung amount ng attention na binibigay sa atin ng isang tao. I'm talking in general. Napapansin ko lang yan sa paligid-ligid. Napapabilang kasi ako ngayon sa alta-sociedad y' singgoles kung saan pwedeng mag-interact, magspend ng "too much" time with each other ang boylets at gerlalus. Eh, ako naman yung tipo ng taong talagang bibihira ang nakakasundo. ITo eh sa kadahilanan na rin siguro na may angkin akong kaangasan, kakupalan, kaintrimitidahan, kaplastikan, at lahat na ng mga bagay ng may "ka-" sa simula at "-an" sa dulo. Nyahaha. MAhilig din akong manghusga, at higit sa lahat, sinungaling ako. WAhihihi. Hindi ako madaling i-please at higit sa lahat, nuknukan ako ng walang kwentang tao. Wala, wala talaga as in, wala ako nung tinatawag na "soft side" at lahat ng mga bagay bagay na meron ang isang matinong nilalang.

Actually nasasaktan pa din ako dahil hindi ako gusto nung taong gusto ko. Aray aray naman kasi.. (sino ba naman ang hindi tatamaan sa angking talento, kabaitan, kakulitan, at kung anu-ano pang "ka" at "-an"), nung batang iyun. Pero ganun talaga, kung hindi para sayo, baka para sa iba. hahaha. M ove on na lang ako, marami pa dyan sa tabi-tabi, iba't iba pa ang amoy at hitsura. (oryt!)

Sobrang mentally ill and emotionally stressed na ko dahil sa trabaho ko. Kahit ba nagpapameeting (conference) ako kapag nasa office ako, ramdam ko pa din ang hirap ng math. (Takteng math yan! bakit ba napag-aralan pa ng lumikha niyan?pero ok na yang kalkaleyter evryday kesa naman abacus pangkuha ng percent discount ekek dba?). Naiinis din ako ng bongga sa dakila kong opismate dahil masyado niya nang nagagamay ang paggamit sa ym at parang napapagod na siya sa paga-upload ng mga picture niyang puro sa corniche lang naman kinuhaan! Pag inutusan mo ngingitian kang parang tukmol. Sabay lalapit para "paki-repeat the utos". Naiinis ako ng todo pramis. Baket? Kasi yung work niya ang inaaplyan ko nung simula dahil dakilang magbobote lang ako nun sa pinas. Gumawa sya ng kabalbalan kaya napasa saken ang bigat ng mundo. Ngayon ako na si "Super Jenny" ng kumpanya namen. Konting bawas, konting dagdag at ayun, bonggang bongga na at solve na solve na si boss / sir / amo sa perwisyo este serbisyo na naibibigay ko para sa kanila.

At dahil napansin kong nalihis na ko sa usapin, tatahakin ko ulit ang daan pabalik sa napili kong paksa. Ayun nga, sabi nga nila: "It takes two to tanggo". Walang relationship na magwo-work kapag mag-isa ka lang na nagpo-provide ng too much of everything. Teka, erase erase erase. Hindi yan yung paksa...nalibang na naman ako at kung anu-ano ang nasabi.:D

“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para
mahalin ka nya..”

Dyan naman tayo mag-focus at talakayin ang nasa itaas sa ibang araw. Simple lang naman ang laro ng buhay, makipaglaban ng patas at wag mangduduga, kung ayaw mong maduga din sa darating na mga panahon. (tama ba?). Parang sa pagpapacute at pag-appreciate ng karakter lang ng isang tao. Eto lang yung napansin kong pinagkaiba:

PAGPAPACUTE: hindi ka concern sa kung anuman yung pwedeng maramdaman para sayo nung pinagpapacute-an mo. Ang mahalaga lang, nakakapagpapampam ka (pahiram bogart ng term). Isa kang batang walang malay dahil ang main concern mo eh nagawa mo ang bagay bagay at your best. Wapakels ka kung nakakasakit ka, nakakapagpahanga, nakakatuwa, nakakainis at kung anu-ano pang mga ekek.

APPRECIATION: wala lang, its like saying na may magagandang attributes din ang nilalang na ito kahit na...Syempre nobody's perpekto kaya may-i -insert the tag line "-kaya lng".



“Iba ang tinititigan sa tinitingnan.
Ang tinititigan, sa isang bahagi lang nakatingin.
Ang tinitingnan buong bahagi ang sinusuri.
Iba rin ang iniintindi sa inuunawa.
Ang iniintindi, pinipilit sa isipan.
Ang inuunawa alam kung bakit dapat ipilit sa isipan.
Kung kaya dapat:
Tinitingnan ang mga bagay para maunawaan
at hindi titigan lang at intindihin..
-Bob Ong

11 comments:

yAnaH said...

TATLONG BESES KONG BINASA PERO WALA PA RION AKO MAINTINDIHAN..
BAKET? DAHIL SIGURO SA ICE CREAM..SYETTTTT KA MANGO ICECREAM NG IGLOO! AY HEYT YU! HEYT YU SO MUCH ICE CREAM! MY FEVER IS SO TAAS-TAAS NA.

NWAYS, UN NGA BABALIK NA LANG AKO BUKAS PARA MAGBIGAY NG MATINONG KOMENTO ABOUT THIS POST OF YOURS, SHOKAY KOKEY?

TARA NA SA CONFERENCE..
NAGHIHINTAY ANG MGA IMPORTANTENG TAO LIKE ME..
NYAHAHAHAHA

poging (ilo)CANO said...

kaya pala busy ka kanina kasi may ginagawa ka na bago...sabagay lagi ka naman busy sa opisina eh...busy sa konchuter at pa eedit ng mga chuva ek..ek...samantalang ung isa eh..ym expert..nayaya


hindi lang ikaw ang nagiisang singlehood dito...marami tayoooooo...lolz..

nakakatawa naman ung verification code ko "puwet"..hahaha

gillboard said...

bumibisita po... di ko pa siya nababasa, pero kinumentohan ko na... medyo mahaba kasi... hehehe

nagpapakilala lang po... ako yung kasama sa chat niyo kanina...

Kosa said...

haaayssss...

@BIIBA**
lols magmeditate ka minasan..
yung tipong lahat ng masasamang DAMO este kakosa na nasa katawan mo eh mawala para..hhehehe

conference talaga eh!:))

sayo BERTAAAAA!
taena Bograt ka dyan
mahilig ka talaga sa mga kasabihan ahhhh.. yung kay pareng Bob, lols kulang ka ng sinabi..
ito yung karugtong;
"hindi por que magkasama kayo sa lahat ng lakad, kachat at katext ng wantusawa eh ******(?)
may mga tao lang talaga na tulad Ni Berta na malandi, pa-fall at paasa.." parang ganun..hehehe

ndami mo kayang tanung dito di ko alam kung saan ako magpo-focus..hehehe

EǝʞsuǝJ said...

-Yanah-
salamat sa comment huh!?! saka sa pagpapakilala saken ng isang bagong key sa keyboard ang CAPSLOCK. hahaha. sige bumalik ka dahil kung hindi.. naku naku..ibubulong ko ang mga nalalaman ko!:)

-p0gi-
busy talaga ko sa work. magaling lang ako magdala. haha (akalain mo yun!?!). di na nga ako maka-edit kahapon dahil sa credit, debit, discount, at kung anu-ano pang ekek eh.

alam ko alam ko madaming single..hindi naman kasama sa tanong ko yun ah?wahahah...

-giLLboaRd-
dahil bago ka dito..iaad kita! ok lang ba?hehe..bago lang din kasi ako dito..kanino bang page t0h?hahaha.

salamat sa pagdaan..see you ar0und!:D

-k0sa (bogaRt)-
kamustasa ang kampanya?ahah..madami ka bng nahikayat kagabi? o nilaro mo din yung online game?

yung sa kasabihan.,.talagang kinulangan ko yun para kumpletuhin mo. Haha!joke...pa-fall at paasa? ako?!?! NO COMMENT..hihi

2ngaw said...

Hehehe :D Wala ako masabi...

eto na lang...wag kang maghintay ng darating sayo dahil ang hinihintay mo eh HINIHINTAY ka rin lolzz....

A-Z-3-L said...

"Iba ang tinititigan sa tinitingnan.... Iba rin ang iniintindi sa inuunawa...."

Sabi mo minsan saken "wag na muna sana syang dumating..." ngayon emote ka! ano ba?!?!?!?!

anyways, madami lang taong "assuming" talaga. madaming super interpret sa actions ng iba. Kaya nga may bibig para magtanong, may utak para isipin ang itatanong at may puso para tanggapin ang sagot sa mga tanong gaano man kasakit!

Nahihiya tayong magtanong ng "real score" pero nabubwisit naman tayo kakaasa na meron (kahit wala!). Linawin mo... pwede naman un! At kung hindi mo kaya, sigurado akong lagi ka na lng nabubuhay na ngangarap!

Napasali na pala si Gillboard sa CONFE.... hehehehe!

EǝʞsuǝJ said...

-CM-
mas ok pag naghintayan kayo..exciting itei!!!pra mo na ring hinintay na pumuti ang uwak.hehehe. salamat sa pagdaan..

-AzeL-
haba ng kumento ah..hehe.

naaalala mo pa pala ung sinabi kong yun. Wala naman kuneksyon toh sa tunay na pamumuhay ko, tanung-tanung lang toh na lumulutang sa kaisipan kong lumulutang din dahil sa sobrang antok.

"Linawin para hindi habambuhay na umasa"...alam ko yan. Pero nag-eenjoy pa ko sa mumunting pangarap ko eh, yaan ko na muna, dito muna sya sa puso ng masamang tao mamamahay. Pag handa na ko...isang araw, bukas, makalawa; baka aminin ko na: sa kanya at sa sarili ko...

"NA HINDI KAMI PARA SA ISA'T ISA"..

yAnaH said...

i honestly dont know what to say..but i think u know why....
i ahve read everything and i thin i understand it perfectly naman... hindi lang talaga ako makapagkomento... dahil..... alam mo na yun...

pero, sa paghihintay, relaks ka lang.. take it easy with things.. it will all happen in due time... darating at daratin si mr right sayo sa tamang panahon... kung hindi man ngaun, baka bukas or sa makalawa.. enjoy whatever it is u have now... for when the right one comes along... wala ka ng time or chance i-enjoy ung pagiging single dahil iikot na sa kanya ung buhay mo... :D

PaJAY said...

Move on daw o....wooooo! stir!...lolz..


joke lang Jen...hahaha..

pagmahal mo sunggaban mo agad....lolz..

buti naman at medyo busy ka sa trabaho kaya parang na ddisregard mo ang pagiging totally inluv..naks!...tama yan Jen..pero wag maging Hipokrita..hahahaha...mahal mo yun alam ko...lolz...

Peace!...lolz..

EǝʞsuǝJ said...

-yanah-
WALA AKONG MACOMMENT..HAHAH..

SALAMAT SA BAGONG KAALAMAN..ANG PAGAMIT NG CAPSLOCK KEY..:d

-Pajay-
duh? wat? pardon me? sino inlab?ak0?....hindi ndi..ndi ko susunggaban...pag-aari na ng iba eh.awtz..

mas ok maging hipokrita..kesa mapahiya...nyahahaha