7.2.09

I hate goodbyes...



People do come and go...and if they were taken away from you, more probably, someone much better is in store for you.


Sabi nga nila, ang mga taong nakakasalamuha natin, hindi yan panghabambuhay na nasa paligid lang. Iba-iba rin kasi ang takbo ng utak ng tao, iba iba ang mga ugali, mga topak at trip sa buhay, mga weaknesses, mga strengths, weigh ng problema, pagmumuka, pag-aasal at kung ano-ano pang mga pagkakaiba.

Lalung-lalo ako - aminado ako. Oo, abnormal akong nilalang. Bibihirang tao ang nakakasundo ko sa lahat ng bagay. Mahirap kasi hulihin ang mga ninanais at inaayawan kong bagay sa mundo. Kaya nung nalaman ko yung balita kahapon, hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko...

Rewind...

Nakilala ko sya nung baptism proper sa Singles for Christ. Iyak kasi sya ng iyak, este kami pala. Tapos kung gaano kadalas yung pagtulo ng mga luha sa muka niya, ganun din kadalas yung pag-eexcuse niya para magpunta sa "toilet". Isa, dalawa, tatlong beses ata ang pinalipas ko bago ko sya nilingon para pansinin. Pakiramdam ko kasi sa mga panahon na yun, walang gugustuhing makinig sa mga jologs na banat ko sa buhay. Nginitian ko lang sya nung una, tapos sya na mismo ang nag-initiate ng usapan..usapan na napunta sa kung anu-ano. Akala ko kasi sya yung isa sa mga participants dun na kapangalan ko. Eh ayun, mali pala kaya agad agad, itinuro niya ang neymplate na suot-suot niya. (Nagtataka pa nga ako kung bakit bagong-bago ung sa kanya samantalang pang-ilang session na yun, pag tagal ng panahon saka ko nalaman na pinapapalitan niya pala at dinadahilan na nawala, pra lang gawing memorabilia sa kwarto niya..haha..peace).

Pagtapos nun, nagkasama na kami sa mga lakaran, kulitan,kainan, kantahan, iyakan, pikunan. At kung anu-ano pa. Ambilis nga lang panahon. Parang kulang pa yung mga lakaran, kulitan, kantahan, iyakan, pikunan, at kung anu-ano pang ginawa namin ng magkasama at heto't kelangan niya nang umalis. Kaya nung tinatanong ako ng iba naming kaibigan kung anong nararamdaman ko (bilang pinaka-close sa kanya), wala akong maisagot kundi isang pilit na ngiti. Alam ko naman kasi , na eto yung nararapat para sa kanya.

Salamat sa lahat. Para sa pagiging inspirasyon at pagiging mabuting kaibigan. Sa mga sermon at pakikinig. Sa walang kamatayang kowts tungkol sa "moving forward" na yan. Sa mga ngiti na hindi ko malaman kung minsan ang dahilan. Sa mga kwentong minsan nakakainggit na (nyahaha). Sa pagiging "ikaw" sa lahat ng bagay at pananaw. Maghihiwalay man tayo ngayon, alam kong magkikita pa tayo sa hinaharap.

9 comments:

Anonymous said...

ayus lang yan Jen lahat tayo may kanya kanyang landas nadadaanan malay mo mag cross uli ang iyong landas maliit lang ang PInas... teka! teka!.. binanggit mo sa pinas siya uuwi? hehe lol's

gulo pa rin... ta kits na lang..


present nga pala ako..

hehehe

Ken said...

Bakit Jhen, di ko alam news about Yanahbezki?

Uuwi na ba sia or lilipat lang ng work?

Anonymous said...

ganon talaga... mahaba pa ang journey mo jen, madami ka pang makakasalubong at makakasabay. pagdating sa huli... nakakalungkot na mag-isa ka na lang gaya nung time na nag-start kang maglakbay!
pero wag kalimutan lahat ng memories... un ang magpapalakas sayo! cheer up!

Kosa said...

Una sa lahat..
binabati kita kase sa isang bahagi ng paglalakad mo sa mundong ito, nakilala mo sya...

ganun talaga ang buhay.. hindi mo mapipigilan ang mga pagdating..pagdaan at pag-alis ng mga tao.. ang masakit pa dun, kung kelan ka naging close at panatag na sa kanya eh tsaka naman sya aalis..

maging masaya ka nalang kase dumating sya.. nagbigay ng magandang alala..aral.. ligaya at saya sa buhay mo...

may sarili din siguro syang buhay... may pananagutan at misyon na kailangang gampanan.. ipagdasal mo nalang sya kase yun ang pinakamalaking pwede mong ibigay sa kanya...

oo naman.. magkikita pa rin kayo.. malay mo..MILAGRO

yAnaH said...

sobra 24 hours na na binabalik-balikan ko tong post mo.. wanting to say something... been trying to think of something applicable to say to you... ewan ko, lugaw na yata utak ko. nahawa na ko sa amo mo ahihihihi..and each time i go back in this page reading that entry of yours, i cant help but cry.. really..there's so muchh for us to do.. so much to tlak about... so much to share to each other and yet so little time left, in fact, wala na nga yatang time...

for the past 4 months, ive found a real sister in you. hindi lahat ng tao nakakasabay sa pag-iisip ko, not everyone catches my drift and not evryone sees the transparencies in me.. ikaw lang. mapa good or bad side tinanggap mo saken, thanks a lot... there are really no words that can describe exactly what im feelin right now...aalis akong mabigat ang pakiramdam ...the truth is, kahit nahihirapan ako dito..i dont wanna leave.. ive found a place where i fit it tapos kakailanganin ko pang umalis..pero, thats life..ung nga sinabi mo walang permanente sa mundo.. people come and go...im sure youll find someone to spend your time with like the way we did.. youll find another sister to share your secrets, frustrations, dreams with. as for me, ill wait for you... hintayin kong umuwi ka sa pinas. i know surely we'll still see each other hindi nga ba at nasa iisang lalawigan lang tayo..

thank you for everything sis. for the friendship.the stories. for always bein there. for listening. for lending a hand to help. for being you. thank you so much. i couldnt thank you enough. life wouldnt be the same without you but i must go on.. continue living...
mag-iingat ka ha.. dont let them get to you, they will always try to bring you down pero, wag mo silang intindihin..hayaan mo sila.. hindi ka magkakapera sa kanila. ahihihihi continue serving the Lord...

God bless...

ill see you kapag umuwi ka sa Pinas.

love yah sis!

EǝʞsuǝJ said...

bomzz..

--yup2..surely magkikita kami dahil sa iisang lugar lang kami nakatira. Pero mukang matatagalan pa yun dahil mejo mag-iipon pa ang beauty ko dito. :D

Mr. Thoughtskoto..

--uuwi po xa sa pinas..no assurance kung kelan babalik or kung babalik pa ba?(nyahaha). Nagulat lang ako nung nagpaalam xa nung isng araw..ambilis kasi eh.


azeL..

--Nasa dubai ka dba? gusto mo ko maging sister?nyahaha...juk2..wanted "real friend" ang hiring sken ngaun..hihih.

seriously,salamat sa words of wisdom. I know I can make it. Isipin ko lang yung mga kalokohan ni biiba ok na nga ako eh.salamat po!

Kosa..

--Ayun lang, kakalungkot lang talaga. sya lang kasi yung nahahatak ko sa matinding foodtrip, yung tipong hindi talaga sumusuko kahit na maramihan yung yaya ko ng kain (yung parang wala ng bukas). Alam ko din naman na may sarili xang career na dapat asikasuhin, hindi kami habang buhay package deal, malay natin sa pinas, mas maging sikat sya. nyahaha. pero seryoso, mamimiss ko tong taong to. Pero tanggap ko naman na minsan pag mahal natin yung isang tao, kelangan nating palayain sila para sa ikabubuti nila (syet Biiba, para talaga kong nakipaghiwalay sa boypren ah). Sana nga...mas maging mabuti at maginhawa ang buhay nya dun.

Biiba...

--Amf ka! Alam mo bang naiwan ako ng bus ngayong umaga tapos naglakad ako ng two blocks papunta sa opis tapos pagkabasa ko ng comment mo naiyak ako?

Hai..

Parang bilang na bilang mo ah. 4 months lang pala yung nakalipas? Akala ko 4 years na. Kaya pala.. Akalain mo yan. ganito na mga dialog ko sa susunod na mga araw:

-Paano na ang praktis kung wala ka?
-Paano na ang "moments" scoring kung wala ka?
-Paano na ang shabu-shabu kung wala ka?
-Paano na ang snack box ng kfc kung wla ka?
-Paano na ang cheese bread ng bakery kung wala ka?
-Paano ako mag-eemote kung wlang makikinig?

Pero alam ko, things really do happen for a purpose. Alam ko na kapag nawalan ako ng mabuting kaibigan sa tabi ko, boypren na ang kapalit nun! nyahaha...Seriously, nobody can ever replace you in my heart,ull always remain special and nobody can ever take your place (kita mo mga linya ko, parang ex kita diba?haha). it was like living another day without internet connection. Nakakamiss, dahil wala ng magba-buzz para magreply sa pm nya. Nakakamiss dahil wala ng tatawag sken para dun ako pababain sa bahay nila. Nakakamiss...nakakamiss lahat... mamimiss kita biiba...

I luv yah too..I'll continue praying for you. Andito pa rin ako for you. Madami namang means of communication. Grrr..(naiiyak na naman ako). -JENTOT

Anonymous said...

Teka teka uli!! nalilito na ako naguguluhan na ako lol's si Yanah ba ang uuwi?

kakalungkot nga naman ganun din yung naramdaman ko nong umuwi ang ka tropang trompo ko "time to go na post"

liit lang ang pinas at iisa lang pala lalawigan niyo..

poging (ilo)CANO said...

talagang totoo pala ung sinabi niya sa akin..kala ko nagbibiro lng xa nung sinabi niya sa YM about her biglaang desisyon....nakakalungkot tlga! mapapalayo na naman ang isang kaibigan..

paano ang part 2?

paano ang sharjah?

paano ang gala?

at higit sa lahat wala nang ma uulanan sa daan...

EǝʞsuǝJ said...

Bomzz...

--wla eh..parte ng paglaki yan. May magandang purpose naman cguro kung sakaling matutuloy xa ng alis.

Pogi...

--aun na nga..hmf..wla ng kukuha ng pekchurs naten. HEhe. Para na rng wlang buhay ang sharjah pag umuwi xa. Bahala na..Kaya natin to..huhuhuh