23.2.09

Mga tanong

Handa ka bang isama ako sa mga pangarap mo para sa hinaharap?


Hindi ako nakakibo. At dahan dahan kong naramdaman na namumuo ang mga luha sa gilid ng aking mga mata. Nilingon ko siya upang sambitin ang matamis na "oo". Subalit huli na ang lahat, nakapili na ako at hindi na muli pang mababali ang aking desisyon. Dahan-dahan kong tinahak ang daan papalayo sa kanya. Nais kong lumingon pabalik ngunit alam kong pag nakita ko siyang malungkot, ang puso ko'y maeengganyong sa kanya ay bumalik. Hindi ko na sya nakita matapos ang araw na iyon.

Ilang taon ang lumipas at kami'y nagkausap na muli. Ang tadhanang kay lupit bakit nga ba pagkukrus ng landas ay pinahintulutan pang mangyari ulit?

M : Kamusta ka na?
J: Ayus lang. Ikaw?
M: MAsaya.
J: ......
M: Ikakasal na ko sa susunod na bwan.
J: ha?
....
M: Nais ko sanang makita ka doon.

Mga luha ay muling sumilip mula sa nagsusumigaw kong damdamin. Tila isang itak ang isinaksak sa aking puso ng marinig ko ang mga katagang iyon:



Masaya kami. Masayang-masaya. Nagawa niya kong ipaglaban sa mga magulang niya, at hindi ako ipinagpalit sa kahit na anupang pangarap na meron sya.

8 comments:

poging (ilo)CANO said...

hahaha..ang pagbabalik ng isang minamahal na matagal nawala at may masakit na balita na pwedeng sumaksak ng puso ng dating minahal...lupit...

itago mo na lang ung sim card na binigay niya. remembrance d b! sun pa naman un baka may free kol pa. pede mo gamitin para tawagan xa.lolz

Kosa said...

haaaaysss
ganun talaga ang buhay..
naguguluhan lang ako kung sinu yung mga karakter..

at tama si Pogi
o di nman kaya
"andyan" naman yung ibang mga Pogi..lols

madjik said...

aray.sakit.tagos.it's hurt.

hays....pag ibig.

2ngaw said...

Tutuo ba to Jen?...kung sakali man, ang sakit nga no?...lalo't di mo inaasahan na magkikita pa kayo...kaso kelangan mong tanggapin eh, mahirap pero sabi nga nila lilipas din un...makakahanap ka rin ng mas mamahalin mo at mamahalin ka...

EǝʞsuǝJ said...

-pogi-
kuLet.sinabi nang ndi nga xa un dahil nung naging kami, hindi pa uso ang celfone, latang may tali lang ang means of communication!Lolz

-kosa-
ako ung kabidahan ='(

asa pa xa na uuwi ako para lang manood ng kasal niya. hmf! (bitter?)

may tama lang talaga si pogi.kakalungkot lang...huhuhu

-madjik-
tama ka jan...huhuh hurts soooo muuccchhh...=(

-CM-
sana nga hindi na lang totoo eh..pero ok lang. ganun talaga ang buhay. mauna-una lang. hehehe. magpakasal ung ibig kong sabihin. =)

A-Z-3-L said...

nagaganap ang bawat "nakasulat"
ngunit parang balaraw na tatarak
kaligayahan ng iba'y di natin hawak
ngingiti sila ikaw ay iiyak.
ngunit tandaan mong may sarili kang landas
at huwag hayaang muli kang madulas
uulitin kong muli sana ikaw ay mamulat...
NAGAGANAP KUNG ANO ANG NAKASULAT!
______________________

masakit pero kailangan mong harapin ang mundo mo jen. ang mundo mo na binuo mo na walang M sa kahit saang sulok nito!

EǝʞsuǝJ said...

-azeL-
bottom line is: "Nasa huli ang pagsisisi." hehe..pero move on move on na lang. =). Hindi talaga natin mapipili kung sino yung dapat na mag-stay sa buhay buhay natin.

Jez said...

OOUUCCCHHH!!!
naalala ko tuloy: he invited me sa kasal nya, kaso the heck, hindi ako nagpunta noh. baka mahablot ko pa ang veil ng bride o kaya bigla kong maitaas ang kamay at paa ko sabay sambit "itigil ang kasal!" nyaahahah

tagay mo nga mare...para sa mga lalaking naging parte ng buhay natin at sa future mr. right guy!
and also para sa pagiging single blessedness natin..cheers!