24.2.09

Pera



Habang tinatapos ko ang pagtambay ko dito sa aming mapayapa-ng opis, naisipan kong mag-isip isip. Kahit alam kong wala akong isip, subok pa din. Matagal ko na din kasing naririnig ang bulung-bulungan na may economic crisis daw. (late ako sa news dahil sa kaadik-an ko sa chat). Ayun, at totoo pala. Kanina ko lang halos na-realize ng tanungin ako ng magaling kong amo ng tanong na ito:

What do you think are the factors which has influenced the global economic crisis, Jenny?


Nakangiti pa kong humarap sa kanya. Sabay isip, tingala sa kisame ng parang may makikita kong malapit na sagot. Eh sa kadahilanang nag-drama ako kagabi, pakiramdam ko hindi matino si ako ngayong araw na ito. At chka ko napagtanto na kaya ko palang utakan si boss. Eto ang bonggang sinagot ko:

Inflation rate, depreciation and some other stuffs that affects the dollar rate which leads the ofw into tears when the dollar exchange rate is lower..


..kung tama yung sagot ko, hindi ko alam..nyahahah.sabay tumingala ako ulit dahil pakiramdam ko nagdugo ang ilong ko sa inggles na yun!

ADVERTISEMENT:

May nagaganap na halalan sa bakuran ni Bino At dahil dyan, may-i-campaign ako para sa isang panyero namin dito sa bloggywood. Kung curious ka kung sino yun? click mo to, at kung nakumbinsi ka na nia sa potensyal nia sa panulat, bumoto ka na dine. Sige, pag nanalo daw sya, sagot niya ang alak at ang pulutan. Ayie! tagay paaaa!!!!!. Pero syempre, boto din natin ang ibang mga kalahok.

Balik tayo sa pag-iisip ko tungkol sa pera. At hayun, nakangiti lang ang boss, amo, sir ko ng sinabi ko yun. Ewan ko sa kanya! Nahirapan ako mag-isip tapos ngingiti lang pala sya? Grr. Naisip ko tuloy yung mga na-involve sa super in-demand na recession. Nakakalungkot. Paano na sila sa Pinas? Paano na ang mga pamilya nila and everything?

Naku naku, nananakit ang ulo ko sa mga problema sa pananalapi. Halos araw- araw ako nabibingi sa mga angal at kung anu-anung mga bagay na ang involved eh pera, at kung anu pang mga cheverlai na kemedu.

Mabuti pa ang pera may muka, pero ang tao may muka, pero wala namang pera
--PAROKYA NI EDGAR

6 comments:

PaJAY said...

hahaha...amo mo ata ang nag nosebleed sa sagot mo...alam nya ba 'big sabihin ng OFW?..lolz..hahaha..ayos yang amo mo a..baka pumoporma sayo yan?..lolz...peace jen..

malamang isang factor ay basic economics.ang walang kamatayang supply and demand..yun lang..lolz...

kala ko kanta ng the YOUTH ang last line..parokya pala yan...hahaha..lolz...

pahingi na nga lang ng Doritos..lolz..

Kosa said...

lols...
sabayganun pa eh..

ang sabi ko nga sayo, Hinding Hindi ka bibitawan ng kumpanya mo kase Hindi ka lang basta marunong kumembot..lols

at akalain mo yun..
salamat sa patalastas..hehehe
tatch na tatch naman lahat ng laman Loob ko..hehehe
**at sa libre libre na sinabi mo, sure kapag nahuli mo ako sa Pinas ililibre kita ng bonggang bonggan..hehehe.

kitakits

Bomzz said...

we have a crisis b/c of the economy that affect the global.. nyahahahaha..

Boto mo rin ako ha!.. pulamis??

salamat hhehe

EǝʞsuǝJ said...

-paJay-
wahihih..nahirapan nga ata umintindi dahil walang economics class nung hi-skul chka college sa knila...

p0rma ba kamo? ndi kami talo nun.. babae din hanap ko.nyahahah

ndi ko nga maalala kung the youth un o Pne. di bale, peyj ko naman toh kaya ako masusunod. haha

-k0sa-
wahihih..kembot to the left and to the right ang ginagawa ko para ndi ako mag-say "buh-bye" sa trabaho ko.

sige sige..sagot namin ang anunsyo, para sa eleksyon mo. yung bayad daan mo na lang sa atm ko. send ko sau sa ym ung account no. ko.:P

libre? naku, mukang malabo mangyari un eh, ayaw pa ko pagbakasyunin ni boss, amo , sir.

-bomz-
cge..iboboto ko kaung lahat dahil mahal ko kaung lahat.wahihihih..

binoboto ko naman kaung lahat ah? iba-ibang account pa ginagamit ko. :D, lamang nga lang ng konting paligo si bogart. lagi kc may reminder.haha....

just keep the faith bomzz jovi!:)aja!

poging (ilo)CANO said...

hindi ko naintindihan ung sinabi mo, english kasi eh!


kantahin ko na nga lang ung kanta ng parokya ni egdar baka sakaling magkapera ako para may pamasahe ako papunta sa birthday mo...hahaha..lolz...lapit na! inuman na..yahooooo..

EǝʞsuǝJ said...

-pogi-
bawal ang alak sa beerday ko. Holy week na eh, at ayun. bawal ako uminom ng alak..haizt...

15 pa sahod ko kaya late celebration tayo! hahaha