Oo nga at madaming beses ko na na-encounter ang katanungan at sitwasyon na yan. Medyo mahirap kasi. Lalo pa at mahina ako sa subject na yan (LOVE). Kalimitan, tumatahimik lang ako pag natatanong saken yan ng mga taong hindi mapakali at parang sinisilihan ang pwet pag nakikita itong si "apple of my blacked-eyed eye". Akala ko sa pamamagitan ng deadmatic approach ko, titigilan nila ko. Pero nitong ngayong umaga lang, habang nag-aabang kami ng masasakyang pedicab papasok sa trabaho, bumanat ng nakakairitang hirit itong isang kabayan na kasabayan ko sa serbis.
GB: Jen, ano gagawin mo pag pakiramdam mo mahal mo na yung kaibigan mo?
JEN: Ano po yun?
GB: Sauce, narinig mo naman ako nagmamaang-maangan ka pa.
JEN: Ah..ewan o, di ko alam
GB: (di makuntento sa pa-showbiz kong sagot).
: HIndi nga?
JEN: (tumingin ng pamatay-tingin na "killer-eye",sabay banat ng:)Alam mo, matanda ka
na, alam mo na dapat ang gingawa sa mga sitwasyon na ganyan.
GB: Eh hindi ko nga alam ang gagawin.
JEN: Hmf. Ano ka ba hi-skul student para hindi malaman ang gagawin jan sa nararamdaman mo?
GB: .....
JEN: Pero kung alam mong masasaktan ka lang pag sinabi mo sakanya ung feelings mo, better keep it yourself. Mas mahihirapan ka pa kapag pati friendship niyo ni-reject niya.
GB: ....
Pero actually medyo nire-regret ko yung sinabi ko sa kanya kasi nakita ko sa muka niya (na ubod ng kapal) na nalungkot sya. Syempre hindi yun yung tunay na saloobin ko, niligaw ko sya dahil nararamdaman kong ako yung "kaibigan" na tinutukoy niya (pero pwede rin naman na feeling ko lang yun, nyahaha). At ayun, dahil nga sa nakunsensya ko. Habang binabagtas ng aming pedicab ang hi-way papunta sa opisina (trapik na naman!). Iniisip ko yung totoong gusto kong isagot sa kanya. Bagay na nagiging "pulutan" sa bonding moments namin
niBiiba. Mahirap naman kasi yung sitwasyon na yun at kung ayaw mong saktan ang sarili mo, mabuti pang hayaan mo na lang yung sarili mo "to love him/her in silence" lalu pa at alam mo din naman na hindi niya kaya ireciprocate yung feelings na yun. In the end, "prevention is better than to cure" pa din ang drama.
Mas mabuti na manahimik ka na lang at pangarapin sya, at magpatuloy na lang na maging mabuting kaibigan sa kanya,kesa parehong bagay pa ang mawala. Dahil ang pagkakaibigan, panghabambuhay ang itinatagal, ang relasyon- hindi mo alam baka bukas o sa makalawa, mawala na lang ng biglaan. :(
4 comments:
aba, eto ang topic ko next post actually, may intro na nga ako dito eh...lols!
Mahirap talaga sa sitwasyon na ganyan, Isa iyan sa aking mga tendencies, ang dalawang babaeng totoo kong minahal ay aking mga kaibigan. Hindi ako magaling sa ganyang sitwasyon pero sa huli dalawang ulit na nangyari, i told them both times...I can't lie to myself, lalo na sa kanila...Even if i was very sure it wouldn't be reciprocated, i still did. If you really are true friends, you'll get over that. It will be strange at first, but it pays off in the end. Because after that, nothing else can go between you and your friend. Ayun eh, opinyon lang naman ng isang nagpapacute na tulad ko. lols!
jen,
happy valentines!
hehehe I like the post kasi kahit matanda na tayo...ay ako lang pala, kinikilig pa rin tayo everytime we hear or read something about this...LOVE
emot na emot k ngayong buwan na to ah! puro love ang topic....nakikilig tuloy ako..amf...
@mr. thoughtskoto,
hehehe..natawa ako sa banat mo...
MarLon...
--mahirap kasi mag-risk for frienship. Ang hirap din iadmit yung feelings mo lalu na kung alam mo naman na the feelings are'nt mutual. Parang mas masakit pa yun. And I'm still undecided between confessing my feeling for him or just keep silent about it..grr..
Mr. Thoughtskoto...
--hepi belenteyns din p0h sa inyo.
mamatz po sa comment...pati daw c pogi kinikilig na oh..nyahahah..
Batman...
--gnun tlaga..In-lab ako eh..nyahaha..ikw ba? apir! nikikilig din kasi ako nung ginawa ko tong post na to kaya cguro gnun..hehe
Post a Comment