12.2.09

Random Lang....

Ilang araw din akong naging abala. Hindi ko namalayan, isang linggo na naman pala yung lumipas. Ilang mga buwan, araw, oras, at minuto na lang, makakapiling ko na ang aking mga kapamilya,at kapuso sa Pinas. Naging abala kasi ako sa trabaho ko. Kung ilang beses akong umiyak at nakipagsigawan sa amo kong panadol'z, hindi ko na mabilang. Sa araw-araw na ginawa ni Papa God, ganun ang routine: Si alarm clock tutunog ng 6:10 am, babangon si Jen, maghahanda ng mga kagamitan,maliligo,magkakape,magsusuklay,magdadamit,susulyap saglit sa salamin at presto! Ready na ulit sa sangkaterbang conversion, quotation,invitation,automation,graduation at kung anu-ano pang kalokohan sa buhay. Eight hours akong tutunganga sa konchuter,hahawak ng kalkaleyter,kakausapin ang sarili habang nagcoconvert ng dirhams to dollars,metres to inches,cm to mm,and the other way around (nahulaan nyo na ba ang trabaho ko?nyahaha). Kasama na dun sa walong oras ng pighati ang okeysyonal na sigawan namin ng amo ko,okrayan,joketime,at kung anu-ano pang kabalbalan namin para hindi antukin sa opisina. At kahit ano pang mangyari, bumaha man ng mga paperworks dito sa opisina, online pa din ako at patuloy sa pakikipag-chat. Wag nga lang tataon na si big boss ang andito dahil batas talaga yun. Pag sya ang nagalit sayo, mapapa-aga ang uwi mo sa lupang tinubuan. Syempre sweet and innocent ang dating ko pag sya ang andito. At pagdating ng 4pm...tentenenenen..UWIAN NA!!!!!!!Mabilis pa ko sa alas kwatro lalung-lalo na pag uwian ang usapan. Libre alikabok face powder nga lang habang nag-aabang kami ng pedicab pauwi.

-------------------------------------------------------------------------------------
Dinalangan ko na din ang pakikipagkita kay Biiba. Para kasi akong naghahanap ng ikasasakit ng mga kamatahan ko, maga na sya kakaiyak dahil nga ilang araw na lang buh-bye na kami sa isa't isa. Naalala ko pa nung isang araw, pinanood ko pa sya mag-impake ng kagamitan sa kanyang maleta. Para kong bata, nipipigilan ko pa kasi sya umalis. Hmf. Puro iyakan ang araw na yun. Yun lang ata yung araw na nagkita kami na hindi kami nagpudtrip, dahil depress. Pero, mamimiss ko talaga si Biiba, wala na kong kasama sa mga trip. Biiba,pwede ba kong sumama sayo? sa may hand-carry na lang ako, kasya ko dun pramis!

-------------------------------------------------------------------------------------
Hindi pa ulit napapapadpad ang aking kapaahan sa simbahan, inip na inip ako sa oras nitong mga nakaraang araw. Pero kagabi, muntikan na kami magkita ni F dahil sinamahan ko ang pinsan ko maglamyerda sa palengke.Hahaha! Pero, hindi natuloy, nagbago kasi ang isip ng pinsan ko at hindi na siya isinama sa mga pangarap namin. Huhuhu!, sayang ang moment ko!

-------------------------------------------------------------------------------------

Nitong mga nakaraang araw, lapitin ako ng mga lumang alaala ng nakalipas (uuber sa lumaa! luma na nga, nakalipas pa!). nung Isang araw,ka-chat ko si M, at nagpapatulong sya na magpunta dito sa Dubey. Syempre, kunwari ayaw ko, pero tumagal-tagal ang usapan, nakita ko na lang sa screen na pumayag na pala kong ibenta, este ihanap sya ng trabaho dito. Ok lang, magkaibigan naman kami kahit papano. Past is past sabi nga nila. At hanggang sa kasalukuyang mga panahon, nagkukulitan pa din kami sa paghahanap ng pagbebentahan at paglalagakan sa kanya dito sa Dubai. Kung makakasunod sya sa teritoryo ng mga Panadolz, yun ay hindi ko pa nakikita hanggang ngayon.

4 comments:

A-Z-3-L said...

ang aga naman ng uwian nyo... 4pm :( ako 6 pa...

pano kung dumating si M? mawindang kaya ang mundo mo sa pagsadsad nya sa mundo ngmga pana at arabo?

teka sino ba si M???

kudos!

EǝʞsuǝJ said...

yup..dahil yan sa serbis..buti na lang..tenk yu sa ventolin..hehe..

Pag dumating si M....ndi ko pa alam ang gagawin ko. Hehehe! Si M ay ang aking pers lab. ahihihi..keetakeets..:)

yAnaH said...

anubeh! so, kailangan talaga na kasama ako sa lahat ng entry.. anubeh naman.. nakakapagod na ngumalngal.. amfutek na yan konting mention lang ng name ko nay may word na gudbye eh najijiyak na ako.. ayheytdis! hahaysssssss....

wag syado makipagsigawan sa Panadolz.. ang puso mo...ang wrinkles dadami.. sayang ang peysyal mo...

EǝʞsuǝJ said...

hmf..ang wrinkles at ang puso ko..magkakapalit na sila ng pwesto sa araw araw na pressure at stress ko jan sa amo kong panadolz..

Weyt a minute ka lang..may naisip pa kong isang bagong post..:D