2.3.09

Antayteld...

Masaya ako sa araw-araw....
Nalilibang ako sa blog.
Nagagampanan ko ng maayos ang mga responsibilidad ko sa buhay buhay.
Nagagampanan ko din ang aking tungkulin sa simbahan.
Nakakatulog ako ng at least 6 hours a day (liban na nga lang kapag may taping o kung anu pang mga gig)..:P
Nakakamusta ko ang mga dapat kamustahin sa araw araw.
Nakakain ako ng 6 na beses sa isang araw (wag na magtaka, totoo yan!)
Nakakapag-ym ako kahit gaano ko kaabala sa isang bagay.
Nagmamahal ako kahit na hindi ako mahal.
Nagmumura ako pero lahat ito ay unintentional.(joke lang kumbaga)
Nagmamalasakit ako sa kapwa tao kahit na hindi ko ipinapahalata.
Masamang tao ako pero may kunsensya rin naman.
At higit sa lahat- may puso ako...naaawa, nalulungkot, at umiiyak din kung minsan.

Naisip ko yan ng umattend ako kagabi ng recollection.

Tanungin ka ba naman ng:
How's your heart Lately?


Tahimik akong lumingon at ngumiti sa mga "minamahal" kong brothers and sisters. Agad na hinanap ng mga mata ko ang reaksyon ni (sya na yun). At ako'y agad na yumuko at nag-isip. Inisip ko maigi kung kamusta na nga ba si pusu-pusuan ngayon. Wala akong maramdaman at maisip na posibleng estado niya. Kagaya ng nabanggit ko sa itaas, nasa ayos ang takbo ng buhay ko nitong mga nakaraang araw. May pabugsu-bugsong ihip ng masamang hangin ng problema, pero agad agad naman syang nawawala. Kaya muli kong tinanong ang nalilito kong sarili. Ano nga ba? Kamusta na nga ba ako?

Kagaya ng sinasabi ng marami, ang lugar na nilapagan ng aking spaceship ay isang rehabilitation area. Dito, magagawa at gagawin mo ang mga bagay na hindi mo pa ginagawa dati. Kung masamang tao ka dati, malamang sa malamang, mabago ang mga pamantayan mo pag napunta ka dito sa "LAND OF THE RISING SMELL". Malaya akong nakakakilos at nakakapag-isip sa ngayon, kesa dati. Na parang isang opisina ang takbo ng pamumuhay ko:
  • Ipapasa sa gabi ang mga listahan ng mga bagay-bagay na gagawin ko sa araw na iyon.
  • Matapos maaprubahan, magaallot ang budget ministry ng pera na gagastusin para sa mga activities.
  • Kapag handa na ang budget, ilalatag mo naman ang oras (kung maari ay bawat minuto) ng mga gagawin mong aktibiti.
  • Pag umuwi ka ng dis oras ng gabi, bubula ka at matutulog ng hindi nakakapagbanlaw.
Namimiss ko ang ganyang pamumuhay ngayon. Kung paano mabuhay ng may nagmamanipula sayo. Steady ka lang palagi dahil may taong gagabay at hahawak sayo bago ka pa madapa at masubsob sa putikan.

Ang pusu-pusuan ko ay gawa sa isang kahoy. Wooden heart kumbaga. Marupok. Madaling mabali. Madaling maapektuhan ng anay, ulan at kung anu-ano pang negative vibes sa paligid-ligid. Sa loob nito nagtatago at sumisigaw ang tunay na ako. Ang taong naghahangad ng malaking pagbabago ngunit takot gumawa ng hakbang papunta sa hinaharap. Ang tunay na "ako" na duwag tanggapin ang pagkatalo. Ang ako na nasasaktan sa twing may nakikitang nasasaktan. Ako, na nakakaramdam pa din ng luha at pighati sa bawat oras ng kalungkutan. At higit sa lahat, ang tunay na ako- na naghahanap ng maliit na porsyento ng pag-aalaga, atensyon at pagmamahal ng isang taong alam kong hindi kailanman ay magiging akin.






13 comments:

2ngaw said...

Sabi kasi hablutin na eh para wala na kawala lolz

Di pa siguro ngayon ang panahon pero darating din yan,magtiwala ka lang :)

Unknown said...

we don't exactly need someone in the opposite sex to to love life..
there's more to it than that..

pero bonus na rin iyan syempre..

naging dialogue ko na ito sa post ni elyong...tskk.tssk..

ang ganda ng new layout..bakit hindi ako marunong ng ganito...help!!!

yAnaH said...

wala akong ibang masabi kundi:

"and i just cant pull myself away"

ahihihihihi
nyahahahaha

EǝʞsuǝJ said...

-CM-
"Hindi ko pwedeng hablutin ang nahablot na ng iba."

Ganun lang ka-simple...Hehe..pero sa ngayon nakukuntento naman ako sa munting atensyon na binibigay nya saken.

-Vanvan-
Maganda ba..tenk yu! heheh..madali lang yan.linaw lang mata ang puhunan.:P

wala aqng masabi sa comment mo....:D

EǝʞsuǝJ said...

-Yanah-
Can't pull yourself away? From who?..hahahah...kay kay kay kay...anubeh?:))

yAnaH said...

wahahahahaha

that was for you not for me bleh! hahaha

A-Z-3-L said...

nagbasa lang ako.. nagpahinga ng konte dahil dumaan ang end-of-month na sya yatang pinakamalupit na numero sa kalendaryo... masyado akong naging abala.

huwag kang matakot gumawa ng anumang hakbang tungo sa iyong pagbabago. kailangan mong humakbang dahan-dahan. kumapit ka kung may kakapitan. mahirap mag-aral maglakad ng mag-isa lang. kakailanganin mo ang tulong ng iba.

mabuti naman aktibo ang iyong buhay pananampalataya. harinawang magpatuloy ang pananahan ng Lumikha sa iyong puso.

nga pala, eto ang ventolin... kailangan mo na!

poging (ilo)CANO said...

sus ganun!

puso mo mztaza? wow! masakit...ung fafa mo may mahal namang iba...aray ko po!

hoy ferda kelan ka ba magpapa canton...beerday mo na!!! mula ngayon hindi na ako kakain para marami ako makain sa bonggang bonggang pacanton mo..lolz..

EǝʞsuǝJ said...

-Yanah-
anu kaya yun?hahaha

-azeL-
same same tayo azel..hehe..
malupit nga sa ating mga simpleng manggagawa ang month end.:(.

salamat, di bale, natututo na ko na lumaban at humakbang paharap sa hinaharap ng unti-unti.

tenk yu din sa ventolin! madalas ang sand storm ee..hehe...

-pakner-
ok naman xa..natibok pa ng ayus..hehehe...ayus lang yan pogi, minsan tlga ganyan ang buhay.

may usapan n tyo diba?nyahaha..un na un..wak kang atat..:)

gillboard said...

ang puso, sasaya yan regardless kung may laman o wala, basta ang mahalaga sabi ng utak na masaya siya... susunod yan.

Kosa said...

aha...
sabi ko na nga ba isa kang ET..

teka, pwede bang hiramin ang spaceship mo? hehehe..

seryoso, ang buahy eh punong punong ng sugal na dapat tayaan.. dapat handa kang matalo at isiping makakabawi ka rin bukas..

Kosa said...

ayun... hindi na moderated ang comments... mas-ayus at masmalaya..
nuong huli akong nagpunta dito dumadaan pa sa salaan ang mga komento...hehehe

peace

EǝʞsuǝJ said...

-Gillboard-
yan ba yung tinatawag nilang "mind over matter"?. tama..masaya naman sila pareho..:)

-Kosa-
anung petsa naaa???joke

Hehe..cge papahiram ko sau ung susi ng spaceship ko para makapagtravel ka din ng bongga...

tma.pra nga syang sugal, pero ikaw ang magmamanipula ng mga taya na gagawin mo. Pag natalo ka, isipin mo na lang may bukas pa naman...:D

bad ka bogart..

feeling ko kasi fs..na papasukan any moment ng kung anu-anong weird na comment na makaksira sa account ko..eh ayun..napag-alaman kong minsan hindi dapat ipagdamot ang kalayaan sa pagcocomment..:)