30.5.09

Retreat..

Isang special retreat ang idinaos kahapon. Isang retreat na ayuko sanang puntahan nung mga panahon na inaanounce pa lamang ito sa amin. Duwag kasi ako, takot akong maisampal nila sa muka ko ang katotohanan, takot akong malaman na talaga nga namang nagmamaang-maangan lang ako sa tunay kong sitwasyon at nararamdaman....

At napagtanto kong..."IN DENIAL" nga ako, sa ilang aspeto ng buhay ko.....


Late kaming dumating sa venue. Ang usapan ay 8am pero nakarating kami ng 10am dahil na rin kamag-anak ni Pong pagong yung drayber ng aming busella. Hindi naman ako umangal, dahil sa haba ng binyahe namin, natulog talaga ko dahil gumawa pa ko ng kalokohan nung hwebes ng gabi. Pagdating doon ay nagsisimula na ang retreat. Masaya pa ko nung una (although masaya naman ako all throughout the event,) dahil nakasama ko ulit ang mga matagal ko nang hindi nakikitang mga kaibigan...

--------------------->
Marami akong agam-agam na namamahay sa aking puso at isipan. Mga bagay na ako at ako lamang ang sadyang nakakaalam pero pilit kong itinatanggi. Ang dahilan---"pagiging makasarili". May mga pangyayari sa nakaraan at kasalukuyan na pilit kong hindi pinapansin dahil ayoko ng "kumplikasyon". Ayokong masaktan at makasakit. Ayokong magkagusto at magustuhan. Dumating na rin sa punto na ayokong magmahal at mahalin. Dahil masyado na kong nasanay na mamuhay mag-isa, at takot na akong masaktan....


Hindi ako fanatic ng aking kulto. Nananalig at nirerespeto ko si Papa God sa sarili kong paraan. Hindi OA, hindi rin naman kulang. Sapat lang na natutugunan ko ang mga obligasyon ko sa kanya at sa aking kulto. Nawawala at lumiliban ako kung kelan ko gustuhin. Umiiwas at nagpapalusot ako gamit ang aking husay sa paggawa ng kwento (na nakakakumbinsi naman sa aking lider). Ilang mga bagay na sadyang sumampal sa muka ko kahapon...

Napagtanto ko din na iniisantabi ko lamang lahat ng hapdi at sakit na nararamdaman ko dahil hindi ako gusto ng isang nagustuhan ko sa kulto. Inakap ako ng mahigpit ng kanyang kasalukuyang napupusuan at ibinulong sa akin ang mga salitang "Babe, im sorry..", na syang nagpakawala sa mga emosyon na pilit kong pinipigilan simula pa nung araw na aminin niya sa akin ang lahat.....

------------------------>
Ngayon, alam ko na ang purpose kung bakit napilit ko ang sarili kong magpunta dun. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Ngayon ay alam ko na kung saan ako magpo-focus sa aking munting plano sa buhay....:)

If you will learn to forgive yourself, you will learn to MOVE FORWARD,only then you will learn to fully appreciate the miracle of LOVE..."

28.5.09

bEeseeee...



Pansamantagal muna akong mawawala sa inyong attendance sheet dahil nagpatong-patong ang mga kalokohang sinalihan ko. Magbabalik ako matapos ang kaunting panahon at sinisiguro ko na hindi ako naghahanap ng "gandam speys" sa pagkakataong ito--dahil close boooooookkkkk na po yun :D. Kinakailangan ko lang muling maging hands-on alalay sa aking mga kamiyembro dahil ako eh matagal-tagal din naman nilang hindi nakapiling at nakaututang dila.

Sa mga mahal kong kaberkz.. See you soon. Babalitaan ko kayo ng aking mga kalokohan sa aking pagbabalik mula sa bakasyones dito sa totoong mundo. At tatapusin ko nga din pala yung entry ko sa PEBA. yeay! hehe..:D

Ang pag-alis ng isang tao ay parang bola ng pingpong. Pag hinagis mo sa pader, babalik at babalik din. Para din akong ganun, pero hindi ako mukang pingpong ball..--corny

25.5.09

Boss busaboss

Iba ang walang ginagawa, sa gumagawa ng wala..--Bob Ong


Yan ang munting mensahe ko sa pinaka the-best na amo sa mundo!

Ang amo kong:

- Sobrang bango ng hininga at ng kili-kili, lalu na sa panahong ito!
- Ubod ng sipag---sipag mag-utos ng mga bagay na sya "na" dapat ang gumagawa.
- Ubod ng bait! dahil kahit sigawan ko sya at murahin, keri lang sya, steady lang at composed. Anyways, tagalog ang pagmumura ko kaya hindi sya umaalma.
- Hindi marunong gumamit ng excel! Tatawagin niya pa ko para lang maglagay ng BASIC formula sa kanyang spreadsheet!
- Hindi marunong magsave ng document as PDF, (minsan iniisip ko kung pano sya napunta sa opisina ehh..grrrrr..muntikan na xa kainin ni Pareng Adobe sa pinagagagawa niyang kalokohan sa laptop niya.)
- Hindi marunong magdesisyon ng mga bagay-bagay sa sarili niya! Kelangan tanungin pa saken, at ang pinakamahalaga sa lahat....
- Pag pumapalpak sya, (na madalas ay nangyayari, damay ako! damay ako sa parusa!..dahil hindi daw ako sumusuporta sa kanya!)...

O diba? the best amo ito! Nyahahaha.....

23.5.09

Kwentong Kamote

Sa isang maliit na paaralan sa Pasay......


Dahan-dahan niya kong nilapitan, sabay hinawakan niya ko sa aking batok. Hinuli niya akong parang kuting....Kahit si Lupin hindi na makakaigting....

Nadoble pa ang kasalanan ko ng marinig niya kong sinasabi ng marahan ang mga salitang ito..."Pitumpu't puting tupa, pitumpu't puting tupa...blah blah.."..Inakusahan niya kong nagmumura. Kinuha niya ang papel na hawak ko at tinignan kung nagsusulat nga ba ako ng pinapagawa niya sa pisara. Nakita niya akong nagsusulat pa lamang ng pangalan ko--Nagalit sya....Sapagkat ibinigay niya ang seatwork, humigit-kumulang isang kalahating oras na ang lumipas. (Eh ako naman ehh naghihintay lang ng recess, kaya ganun)

Sumigaw siya sa harapan ng klase at nagmamaganda niyang isinigaw ang nagmamaganda kong apelyido. Yumuko ako, nagdasal sa lahat ng kilala kong santo, at unang-una kong binanggit ang pangalan ng nanay ko---"Mama.."

"Jen------, anung mama ang sinasabi mo jan, magpunta ka dito sa harap ng klase!"
"Eh kung ipapatawag nyo po ang Mama ko, magagalit yun sa'yo!"

Nagbagong anyo si titser at naging kalmado, sinundo niya ako sa aking upuan. Maya-maya pa ay nakita ko na lamang ang aking sarili na nasa harapan na ng klase..Dala-dala ang plakard na may nakasulat na : "Wag nyo kong tularan....hindi na ko mag-iingay sa klase.." Pinalibot nya lang naman ako sa buong campus ng eskwelahan na yun. Hindi ko na babanggitin kung sang eskwelahan yun sa Pasay at malalaman nyo pa kung ilang mga batang uhugin at madaming kuto sa ulo ang nagpyesta sa pagngalngal ko habang rumarampa ako sa kanilang mga klase...

Grade two ako ng nangyari yan. Humigit kumulang labinlimang taon na ang nakalipas, pero hindi ko makalimutan yang pangyayaring yan--siguro eh jan nag-ugat ang aking mga "embarassing moments list"...

---------------------------->
Irecite mo ng pabaligtad ang "Lupang hinirang!"..
Huh? ayuko nga...

Ako ang titser, hindi ikaw, "you're wrong"
Yeah right..bawal babuyin ang Lupang Hinirang sir!, Gusto mo yung paboritong kanta mo na lang, kakantahin ko--kahit baligtarin pa naten patiwarik...(nagtawanan ang buong klase)..

Ano, anong nakakatawa sa sinabi netong si Ms...*insert my surname here*(kibit balikat sabay harap saken---dahil sa ginawa mo..70 ka sa recitation...
Huwaaattttt????? Sir, bading ka ba? parang mainit kasi ang dugo mo saken ehh..

Anak ng *&%^$, 70 ka na nga malakas pa din ang loob mo?
Oo naman poh!..60 ang bagsak diba?..Tenk yu po sa grade...:D

Dahil sa ginawa kong yan, nakaranas ako ng 75 na grade sa PE. Akalain mo yun,75--ang hindi matanggap ng nanay ko, mag la-line of 7 lang daw, PE pa..hehe..Dinamay niya pa yung grades ko sa Music chaka Arts. walangyang panot!..Hehe...

---Wala po akong matinong maisip. Wala rin kasi akong isip ngayon. Medyo naaaning po kasi ako sa mga pangyayari sa tabi-tabi.. Pls bear with me..Haha...

22.5.09

For one more day...

Just wanna share with you these memorable quotes na tumama ng bongga saken while I was reading "For one more day" by Mitch Albom...


Have you ever lost someone you love and wanted one more conversation, one more chance to make up for the time when you thought they would be here forever?

When you're rotten about yourself, you become rotten to everyone else, even for those you love...

Children forget that sometimes, they think of themselves as a burden instead of a wish granrted..

When someone is in your heart, they're never truly gone. They can come back to you, even at unlikely times....

20.5.09

Wag kang atat!!!!!

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit sinasabi ng nanay ko na "masama ang maging atat"...


...Pag nagmamadali ka kasi, hindi mo mapapansin ang tunay na kagandahan na meron sa paligid mo.

...Pag nagmamadali ka kasi, hindi mo mapapahalagahan ang mga bagay na mahalaga pala kesa sa inaakala mo.

...Pag nagmamadali ka kasi, marami ang pagkakataon, na nadadapa at natatapilok ka sa maling tao.

...Pag nagmamadali ka kasi, hindi mo malalaman ang bawat isang aral na nakapaloob sa isang sitwasyon o problema na dumarating sa buhay mo.

...Pag nagmamadali ka kasi, maiiwanan mo ang mga bagay na dapat sana ay binaon mo para naging malakas at matatag ka sa pagharap ng buhay mo.

...Pag nagmamadali ka kasi, mas malaki ang tendency na magkamali ka at bibihira ang pagkakataon na pwede mong baguhin ang mga pagkakamaling ito. Kadalasan, nauuwi na lang sa PAGSISISI ang lahat.

19.5.09

Win

I'll never give up
Never give in

Never let a ray of doubt sweep in
And if i fall
I'll never fail
There's much tooo much at stake
Upon myself I must defend
Im not looking for place ashore
I'm gonna WIN....

Paborito akong isali ng aking mga magulang sa mga kung anu-anong contest sa baranggay. Tulaan, declamation (parang pareho lang ata yun?), kantahan,quiz bee, spelling bee,reading echoz at kung anu-ano pang kalokohan...Dumating sa punto na nakakasawa na manalo (ang yabang..hehe), kung kaya't iniwan ko ang showbiz, este ang pagsali sa mga ganung bagay.

Bandang hi-skul ay muling nagbalik ang passion o hilig ko sa pagsali sa mga ganyang kalokohan. Sumali ako sa slogan/poster making, essay writing, singing contest (wag nyo na pangarapin marinig ang boses ko dahil hindi maganda, nagkakataon lang na mas maganda ng wanport ang boses ko kaya ako nananalo dun!)--tama na ang kayabangan at nagiging mahangin na yung tema ng post na toh....

Nanalo ko sa iba, pero mas madaming beses akong natalo. Pero at dahil makapal ang muka ko, nagpursige akong sumali ng sumali...Sabi nga ng nanay ko..motto ko daw sa buhay eh...

Try and try until you succeed...

Hindi ako namuhay sa motto na yan kundi, namuhay ako sa munting paniniwala ko....

Na kapag inilagay mo ang puso mo at dedikasyon sa paggawa ng isang bagay,
siguradong magagawa at makakamit mo yun kahit na anong pagsubok pa ang dumaan
sayo.....

18.5.09

Handa ka na ba?

Ang isang piraso ng walis tingting, pag pinagsama-sama at naging isang bungkos, madaming mawawalis. Kagaya nating mga blogero / blogera, kung tayo'y magsasama-sama at magtutulungan sa isang adhikain, madami tayong mawawalis - este magagawang pagbabago...TUKMOL

Minsan ko na ding pinangarap na makagawa ng paraan para makapagbigay ng pagbabago. Nilisan ko ang dati kong pamumuhay at ako'y napadpad dito sa lupa ng mababahong nilalang. Hinanap ang magagandang bagay na hindi kailanman kayang higitan ng mga materyal na bagay na nakamit o makakamit ko pa lamang. Sa paraang yun, mas naramdaman ko ang kahalagahan ko --hindi bilang ako lamang, kundi ang kahalagahan ko sa ibang tao, at ang kahalagahan ng ibang tao sa akin.

Isa ang pagsulat at pagbabasa sa mga bagay na kahit kailan ay hindi ko pinagsawaang gawin. Malaki rin ang aking pagmamahal sa musika ngunit kung titimbangin, alam ko na mas mananaig ang aking passion sa pagsulat. Ewan ko, pero mas nakakaramdam ako ng kalayaan at kapayapaan pag ako'y sumusulat at nagbabahagi ng wanport kong mga nalalaman at natututuhan sa araw araw.

Kailan lamang ay isang kaibigan ko ang nagsabi sa akin na : "Hindi ka bibigyan ng isang bagay, kung hindi mo ito magagamit sa hinaharap..". Ngayon ko napagtanto na tama sya. Tama lamang na kung ano ang mga blessings na natatanggap ko sa araw araw at maging ang mga pagsubok na nadaraanan ko, eh makakatulong di lamang saken, at maging sa ibang tao na rin, kung kaya't kailangan at marapat na ibahagi natin iyon sa iba...

Kaya ngayon ay make myself busy ang drama ko sa buhay. Hindi sa kadahilanang may mga bagay akong nais takasan-kalimutan-iisantabi sa ngayon. Sabi kasi nila...

If you know your purpose in your life, you will not have trouble living your life...

17.5.09

Tagay

Walang tanggero, ang nalalasing...Eh pano kung mag-isa ka lang na nainom kagaya ni manong? :)

16.5.09

Self-pity class

Success is NOT the key to happiness, HAPPINESS is the key to success. If you love what you are doing, you will be successful
Minsan, sinubukan kong mag-enroll sa isang eksklusibong klase. Ang tinatawag nilang "self-pity class". Iilan lamang ang estudyante, pero lahat ay interesado sa paksang tinatalakay araw-araw. Sa klaseng ito, hindi mo kailangang bumili ng alinmang textbook, walang hassle dahil wala kang gagawing projects, thesis, quizzes at kung anik anik pang nagpapahirap sa mga estudyante.

Unang araw na pinagawa sa amin ay ang paglilista ng mga regrets mo sa buhay. Marami ang umangal, marami ang nainis -- kung kaya't iniwan nila ang klase matapos nilang makita ang lesson for the day...Samantalang ako, pinili kong manatili at sinubukan kong isulat ang mga bagay na matagal-tagal ko na ding nire-regret. Maya-maya pa ay "pass the paper" na. Pagtingin ko sa aking papel, isa lamang ang naisulat ko dun, pero mamaya ko na sasabihin sa inyo...

Nagpatuloy ang klase, este nagpatuloy ako sa pagpasok sa klase, nga pala- wala ding tuition fee itong eksklusibong klaseng ito. Ang tanging kailangan mong armas ay mga galit, awa, at angal na nagtatago sa puso mo. "Oo, marami ako nun!" sabi sa akin ng isa kong kaklase. Nilingon ko sya sabay sabing: "Oo, alam ko, chaka di ko naman tinatanong.." Tahimik lang ako at hindi nagpaparticipate. Dumating pa nga sa punto na naramdaman kong hindi ako napapabilang sa klaseng iyon. Pero pinagpatuloy ko pa din ang pagpasok- ang dahilan...hindi ko alam.

Lumipas ang mga araw at dumating kami sa punto na tatlo na lang kaming mga estudyante doon. Ang isa, madaming regrets sa buhay, yung isa hindi kuntento sa buhay niya, at ako---hindi ko pa din alam kung bakit ako nandoon...

Nagkaroon ng oral recitation, pero may kakaibang twist... Ang aming titser ay naghanda ng isang munting palaro---may palabunutan na naganap. At sa loob ng baso, na kinalalagyan ng papel-- ay ang mga bagay na sinulat mo na may konek sa "lesson for the day"ang twist? kailangan mong sabihin kung may nabago o pinagsisihan ka na sa mga sinulat mo dun. Nagmasid lang ako. Tinignan ko ang aking mga kaklase, este ang dalawa kong kaklase habang binabasa nila ang mga bagay na sinulat nila, pareho sila ng mga isinagot: "wala pa ring pagbabago, kung anung una kong isinulat jan, yun pa din ang andito (sabay turo sa kanilang kanang dibdib)...", ngumiti lamang ang aming guro. Sabay tawag sa akin...

"Ms.........Ano nga bang pangalan mo?"
"Maam, Jen poh.."
"Hmm...teka, ganu ka na katagal dito? Bakit wala ka ata sa master list ko?"
"Simula pa po nung nagsimula ang klase..."
"Ay, ganun? wala ka kase dito sa master list..pero nagpapasa ka ng mga essay para sa "lesson for the day?"
"Opo..."
"Hindi na bale, sige, kunin mo ang iyong mga sinulat at basahin..."

Kabado akong nilapitan ang baso. Isang papel na lamang ang laman nun. Yun lamang ang papel na ipinasa ko simula ng pumasok ako sa self-pity class.... Nakangiti ang titser sa akin., yumuko ako at tinuon ang aking pansin sa papel na ngayon ay hawak hawak ko na. Malakas kong binasa ang nakasulat dun....

Pinagsisisihan ko, na hindi ko pinahalagahan ang mga bagay na meron ako, materyal man o bagay na nararamdaman...
Lumapit si titser sa akin, ngumiti siya at kinuha ang papel...

"Maari mo nang lisanin ang lugar na ito..."
"po? Bakit naman?"
"Hindi ka nararapat dito, dahil alam ko, punung-puno ng pagpapahalaga at pagmamahal ang puso mo...."


Lumuluha akong umalis sa lugar na iyon....

15.5.09

Matalino

Ano nga bang kulay ng ribbon ko noong kinder ako? Blue? Red? Yellow? Sabi kasi ni Titser, kapag madami kang ribbon, at iba't iba ang kulay nito,ibig sabihin matalino ka. Pero yun nga ba talaga ang basehan ng pagiging matalino ng isang tao?. Hmm.."oo anak, kaya dapat madami kang medal..para lagi ka itreat sa jollibee..."

"Di ko po kayang basahin yan...o-n-e-...ONE!"...
"Di ko po kayang magsulat sa kanan Ma!!!,bakit mahirap po magsulat? parang sa inyo napakabilis lang?"

Nagtapos ako ng may karangalan sa elementarya at hiskul. Di rin naman ako pahuhuli pagdating sa college. Pero, sa tingin ko, kung anuman ang nakuha kong karangalan sa paaralan ay hindi sapat upang sabihing matalino nga ako. Ayokong matawag na matalino.....

Dahil ang matalino, hindi nagkakamali.
Ang matalino, ay malapit sa salitang perpekto.
Ang matalino ay hindi nasasaktan- dahil naiisip niya ang mga dapat niyang gawin bago niya pagdesisyunan ang isang bagay.
Ang tunay na matalino.....




hindi kagaya ko........

14.5.09

Sayang

Kapag ang isang bagay, hindi ko na kailangan...tinatapon ko na, o kaya naman ay pinamimigay ko sa iba, tska lang ako nagsisi pag nakita kong hawak na ng iba...

Bitbit ang kanyang gamit ay iniwan niya ako sa ilalim ng puno ng acacia. Tahimik akong tumangis at tinanong kung "Bakit ganun kalupit ang binitawan niyang mga salita". May ilang minuto din akong tahimik na nag-isip. Tila wala sa aking sarili ay tinungo ko ang aming tahanan.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng aking ina, sabay tanong: "Anung nangyari at nagmumugto yang iyong mga mata?". Isang mapait na ngiti lamang ang aking itinugon at kaagad kong tinungo ang aking silid. Sa aking silid ay kinuha ko ang aming mga alaala....sulat na ginawa niyang eroplano para maparating saken, candy wrapper na may nakasulat na "ily" sa loob, tuyong bulaklak na aking inipit sa aming paboritong aklat, mga larawan na nagpapakita ng aming matamis na pagmamahalan, at....muli kong sinipat ang makintab na butil na hanggang ngayon ay suot ko pa din..ang singsing, na simbolo sana ng aming walang hanggang pagmamahalan. Subalit...eto ang nangyari...

Maya-maya pa ay nakatulog ako. Sa pagtunog ng aking telepono ay nagising ako. Pinipilit kong dumilat subalit ang aking mga mata ay tila nagdikit ang mga talukap dahil na rin sa natuyong mga luha na hindi ko pinagdamot na umagos mula sa aking mga mata. Nang sa wakas ay naimulat ko ang aking mga mata, agad kong kinuha ang aking telepono : "1 MISSED CALL", nang tignan ko kung kanino nagmula--nagsimula na naman akong masaktan, at nagsimula na namang tumulo ang mga luha......

Maya-maya pa ay narinig ko si Inay na kumakatok sa aking pintuan. Subalit nagpanggap akong walang naririnig, at nanatiling nakatanaw sa bughaw na ulap. Habang naririnig ko si Inay na sumisigaw sa labas ng aking silid :

"Roberto, lumabas ka jan at sabihin mo saken ang problema mo!!!!"

13.5.09

Pedigree

"So when can you join our company?"..tanong ng interviewer sa kanya. "As soon as possible sir!, am I qualified for the job?"..Saglit na tumahimik ang lalaki at ngumiti.."Yeah, congratulations! welcome to the company..blah blah blah"...
Isa o dalawang linggo bago kami nagkita ng kumpanyang pinagsisilbihan ko ngayon. Mainit at mahirap maghanap ng trabaho --lalu pa at baguhan ka sa lugar na kinalalagyan mo. Tawag dito, tawag dun. Bargain ng presyo ng sahod, tawad ng presyo dun. Pag-uwi sa bahay, pasa ng CV sa net at tutok naman sa classified ads ang magiging highlight ng araw ko nung mga panahong yun.

-----------------------
Buong maghapon ako ngayong nag-iisip kung iiwan ko na ang kumpanyang matagal tagal ko na ding pinagsisilbihan. Liban sa trabahong inaplayan ko, marami pa kong extra curricular activities na kailangang gawin para sa kumpanya. Minsan eh inaabot pa ko ng dis-oras ng gabi para lang matapos ang lintek na mga report na pinapagawa saken. Pero pag may isang bagay na pumalpak---asahan mo na. Sa pinoy nila isisisi ang lahat. Kahit pa ang isyu ay panahon pa ni Magellan naganap, saken at saken isisisi ang lahat. Nakakasawa na din kung minsan.

Lalu pa at ganito ang amo mo..sasampolan ko kayo ng mga nakakawindang na utos niya saken...kayo na lang ang humusga..

Give me an clear explanation why is that you people Need such a days to clear & maintain such a small inventory , are you not ready & understood to maintain an inventory?

Seryoso ko ng mga panahong natanggap ko yang e-mail na yan galing sa boss namen. Pero nung nabasa ko, kitang-kita ata ng amo ko yung ngala-ngala ko nung tumawa ko ng ubod lakas kiber kung malaman pa nilang yung kaengotan ng big boss namin yung winawalangya ko. May mga araw din naman na abot-langit na yung pagmumura ko sa kanila (syempre sa tagalog) pero ayaw pa din nila kong tantanan sa paulit-ulit at kaliwa't-kanan na mga utos nila. Tipong iikot yung ulo mo at masusuka ka (dahil mabaho sila), at mawiwindang ka ng tuluyan dahil hindi na halos maisip ng kakarampot na utak mo kung anong dapat mong unahin na gagawin...

At kaninang umaga nga, may naganap na anumalya. Walang sinuman ang nagsumbong (sa tingin ko), wala rin akong malay,lalung wala akong kinalaman, lahat ay pakulo ng engot kong manager, at masaya pa ko ng kinausap ako sa telepono ng big boss namin (akala ko kasi promoted ako, o kaya naman eh may increment nang naghihintay para saken). Kaya lang another nosebleed moment na naman pala! As in, hindi kami magkaintindihan dahil hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng mga binibitawan kong simpleng salita..(hindi ko na iisa-isahin dahil nakalimutan ko na din naman), nakakatawa pa, bumanat pa ng ganitong tirada si boss: "Are you able to understand english well?", sumagot ako ng pabuntung-hiningang "I think so?", pero gusto ko na syang batukan at yugyugin para magising sya sa katotohanan na para syang kinder kung mag-english..pucha...boss lang kasi sya kaya ako ang laging mali..hahaha...At hayun nga, maya maya pa ay nagbigay pa ng hatol ang magaling na matanda at sinabing pipiliin niya sa aming tatlo (manager, salesman, at ang dakilang julalay na si ako), sa kung sino yung kakaltasan niya sa sahod. Umalma na ko ng banggitin niya yun, nagpasweet ng wanport sabay sabing: "Oh, c'mon sir, is it really like that?"..Tumawa ang walangyang nasa kabilang linya sabay sabing.."Yeah, its like that,bye Jenni" beep beep...

Tahimik kong tinungo yung upuan ko. Ngiti ng plastik sa manager ko sabay kwento ng magandang balita...Nawindang ang amo ko, nangilid ang luha, sabay sabing "This was my fault only...tell him it was my fault..".. Natawa ko, tapos naisip kong "kita mo tong kupz na toh, aamin na lang at lahat iuutos pa din, sarap pirmahan sa muka.."

Kahit bali-baligtarin ko ang utak ko, di ko mahanapan ng sagot ang kasalukuyang kalakaran dito sa opisina namin. Masyadong masakit (sa ilong) sa utak ang mga kaganapan nung kelan....Hindi ko alam kung matatagalan ko pa to, o aakapin ko na lang ang iba pang oportunidad sa dako pa roon. Oo, baka---pwede, pero, pag-iisipan ko muna ng mabuti....

12.5.09

Chorva

Dear Chorva,

Kamusta ka na? Kilala mo pa ba ang ate? Naaalala mo pa ba na sa akin nanggaling ang pangalan mo? Napakabilis nga naman ng panahon..kelan lang eh nagpapanic kame ng malaman namin na gusto mo nang lumabas galing sa black hole ni Mama. Naaalala ko pa--masayang masaya ko ng nalaman kong pareho tayong kaliwete. Naaalala ko pa kung paano mo ako gisingin sa pamamagitan ng paghalik mo sa aking pisngi. Haiii....namimiss na kita chorva. Ako ba eh miss mo na din jan?

Naaalala mo pa ba kung paano kita sigawan at konyatan pag kumakanta ka ng themesong ng Marimar? Sorry naman chorva- di ko lang kase matanggap na ang hunico hijo namin ay magtatayo lang ng parlor sa hinaharap.

Maraming salamat nga pala sa bonggang rendition mo ng "Hatatoteituyu" (happy birthday to you) nung birthday ko, yun yung pinakamagandang greeting na natanggap ko this year..Sobrang miss ka na talaga ng ate, sana pala isinama na kita dito (kung pwede lang sana) . Gusto na kitang makakwentuhan ng personal at muling yakapin at amuyin ang kili-kili mo (mabaho kasi kili-kili ng mga tao dito, nyahahah)..Kaya lang, kelangan munang mag-stay ng medyo matagal ni ate dito. Para makabili ka pa ng madaming laruang plato-platuhan, manika at kung anu-ano pang ka-chorvahan. Ibibili rin kita nung makintab na damit na kagaya kay Kuya Germs para mas maging epektib pag sinabi mong "walang tulugan!!!". Hanggang dito na lang bunso, sana pag marunong ka nang magbasa eh mabasa mo tong dramang sulat ko sayo....

Suportado ka sa iyong pagchorva,
Yate..(yan kase tawag nya sken..hehe)

11.5.09

Tukmol III


"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."--Bob Ong

9.5.09

Ugoy ng Duyan


Sanay di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang akoy nasa duyan

Refrain:
Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay koy tala, ang tanod koy bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Sanay di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang akoy nasa duyan

Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay koy tala, ang tanod koy bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Nais kong matulog sa dating duyan ko, inay
Oh! inay



OPM - Sa Ugoy Ng Duyan - Aiza Seguerra

--Wala akong mahanap na mga salita na maari ko pang idagdag sa nauna kong liham para sa aking Mahal na Naynay na si Bebang. Kung kaya't ibinahagi ko na lamang sa inyo ang paboritong pampatulog ng aking naynay sa aking mga nakababatang kapatid...:) Muli,
"Happy mother's day sa mga ilaw ng tahanan!"

Amats II

At dahil ako ay haggardness kahapon dahil ako ay chumever...Hehe, at afterwards eh medyo napa-shot at napadrama drama na naman. Hindi na naman maayos ang takbo ng utak ko. Wahihih. Kaya papatol muna ako ulit sa mga tag. :). Pasensya na po sa kinauukulan kung hindi ko natupad ang pramis ko na ang entry para sa slogan making contest ang ipopost ko after nung maliit na pagbubunyi ko para sa pagiging adik ko.

Tag galing kay Dhianz

Rules:
1. Post these rules on your blog.

2. Share 5 facts about yourself.
3. Tag 5 people at the end of your post by leaving their name as well as links to their blogs.
4. Link the person who tagged you.
5. Leave a comment for each blogger.

5 facts (nga ba?) about me...hehehe...

1. Malalim akong tao. There's more than meets the eye ika nga nila: "You have to dig deep / deeper para makilala mo ko ng bonggang bongga. :D
2. Hindi lahat ng taong pinapahalagahan ko or pinapakitaan ko ng motibo eh gusto ko...Mahilig lang ako magpaasa. Wahaha, joke. Sweet lang ako sa mga taong naeenjoy ko yung company.
3. Sobra sobra ang pagiging moody ko. Minsan matawag lang ng mali yung pangalan ko umaalma na ko kagad. Haha.
4. Iyakin ako, lalo na pag usaping family tree at emotions ang involved.
5. Kaya kong matulog ng 24 hours straight (hindi pala straight, kasi bumabangon ako pag oras na ng kainan..:D)

Ipapasa ko ang agimat na toh kanila: b1,yanah (walang absent absent saken..bwahaha), Kuya Bomzz choknat at kay Batang nars. Opps..bawal tanggihan dahil agimat yan- for long life..nyahaha...joke lang.

Tapos meron pang isa na galing naman kay Batang Nars:

Eto yung mga panuto (ahahah. tangalog talaga? PANUTO..hehe. wala lang natawa lang ako.)

a.)magsulat ng kung ano - ano sa labinlimang tao
b.)hindi mo dapat sabihin kung sino ang labinlimang tao
c.)kung mayroon magtanong tungkol sa kanila, di mo dapat sasabihin
d.)mag-tag ng labinlimang tao rin na sa palagay mo ay gagawa nito(pero hindi mo i-tag ung taong nasambit mo sa laro)


1. Ikaw - oo, ikaw nga. Bakit ka kaya ganyan? Naiinis na ko talaga sayo. Mabuti na lang mawawala ka na sa landas ko. Inis na inis ako sa yo dahil isang kang authistic na oportunista. (hindi ako galit dito pramis!haha).

2.
Ikaw- na kasama ko namasyal kahapon. Napagod yung bibig ko kakadaldal. Namamaga yung "gums" ko dahil sapilitan akong napakwento. Pero tenk yu sa time. Hehe. Kamusta na yung mga kanta sa bago mong fonella? Memorays mo na ba? Hehe.

3. Ikaw- na kras ko sa simbahan. Hmm. Wala akong masabi. Basta malaki ka na, alam mo na ang mga gusto at ayaw mo. Sana hindi mo yan pagsisihan sa bandang huli.

4. Ikaw- na akala ko maghihintay sa ken sa aking pagbabalik Pinas. Isa kang malaking LIAR! haha, joke lang. Best wishes Tol! :D

5. Ikaw- na naging karamay ko sa matagal na panahon. Na kasama kong uminom ng slurpee kada gabi at nabagyo, na kasama kong kumakain ng goto habang kasikatan ng haring araw. Oo, ikaw na kumumbinsi saken na maganda ang ibang bansa--ayan tuloy, ayuko na halos bumalik sa Pinas.haha

6. Ikaw- na nagpapahirap sa utak ko araw araw. Hang tamad moooooo!!!!!!!!!Magtrabaho ka naman! Sayang ang binabayad sayoooooooooooooo!!!!

7. Ikaw- na kakulitan ko sa plurk. Maraming salamat sa iyong words of wisdom. Nakatulong sya ng malaki saken nung mga panahon na sobrang pinanghihinaan na ko ng loob. Salamat sa friendship!

8. Ikaw- na nakabungguan ko ng siko kahapon sa simbahan. Tanga kaba? o di mo lang ako nakita talaga dahil maliit ako? Infairness, hehe. ang kyut mo ah..hehehe. (ang landi)

9. Ikaw- na kaibigan ko sa matagal tagal na panahon na din. Gaya ng sabi ko dati...Back to regular programming tayo.:)

10. Ikaw- Na muntik muntikan ko nang mahalin ng bongga. (mabuti na lang careful ako sa paghakbang at hindi nahulog..hehe). Hmm...Sikret ko na lang yung ibang mensahe. nyahaha.

11. Ikaw- na nagpalaki, nagmahal, at nag-alaga saken sa matagal-tagal ding panahon. Maraming salamat po! Happy mother's day!..:)

12. Ikaw- na kasama ko namamasyal at nagbabayk. I miss yah, sana magkita pa tayo ulit pagbalik ko sa Pinas.

13. Ikaw- na hinihingian ko ng payo pag wala akong masabihan ng "iba" kong problema. Salamat sa pakikinig!

14. Ikaw- na pinagsisilbihan ko ng bongga. Asan na increment ko? Haha.

15. Ikaw- na nakakabasa neto. Oo, ikaw nga. Magcomment ka kahit walang wenta toh ahh? Hehe.

Ayun at nakaraos din sa labinlimang mensahe. Hehe. At baka maraming umangal pag pinasa ko toh ng specific sa bawat isa, kunin nyo na lang pag gusto nyo tong tag na tho!:)



7.5.09

99

Kahapon lang ay sa papel ako nagsusulat ng aking mga walang wentang naiisip. Naaalala ko pa, sa ilalim ng punong acacia, na madalas eh kinatatakutan nilang puntahan - naroon ako at nagkukubli, tanging ako lamang at ang aking bolpen at papel. Ang pagsulat ang tanging bagay na nagpapalaya sakin mula sa mundong punung-puno ng panghuhusga at pang-aalipusta, isang mundong tanging ang pisikal na anyo lamang ang unang napapansin - at iniisantabi ang damdamin at tunay na katauhan ng isang tao. Mundong punung-puno ng kasinungalingan, karuwagan at kalupitan.

Humakbang ako papunta sa hinaharap baon ang angking talino, talento, at tapang. Saglit na inisantabi ang emosyonal na paghihirap - pinahid ng maduduming kamay ang mga luha at pilit na bumangon mula sa pagkakalugmok. Minsan na kong nadapa, at muling bumangon, hindi para sa aking sarili, kundi para sa aking mga mahal sa buhay. Oo, kailangan mong mabuhay at ipagpatuloy ang pakikibaka sa mapaglarong ikot ng buhay--para sa kanila.

Pero hanggang kelan? Hanggang Saan?....

Hangga't kaya. Hangga't kakayanin at kaya mo pang bumangon sa bawat umagang gisingin ka ng magandang sinag ng araw. Hangga't alam mo na sa bawat pagbukas ng bawat isang araw ay kaagapay nito ang isang magandang simula. Magandang simula na magbibigay wakas sa isang mapait na nakaraan. Isang magandang oportunidad upang baguhin ang mga maling nagawa sa nakaraan at hangga't maari ay wag nang dalhin pa sa kasalukuyan at hinaharap.

Minsan, gusto ko nang sumuko at iwan ang lahat ng meron ako. Tumakbo at magtago. Magpakalayu-layo at pilit limutin kung sino at ano ako sa kasalukuyan. Gusto ko nang takasan lahat ng sakit, pait, paghihirap at pagmamahal na nananahanan sa aking puso. Subalit lumapit ka at tinawag ako.

Tinawag mo kong papalapit sayo. Sa oras na hindi ko na alam kung paano ko pa ipagpapatuloy ang aking pagmamahal sa pagsulat. Sa oras kung saan wala akong masabihan ng aking mga suliranin sa buhay. Sa oras kung saan...wala na ang lahat sa akin. Ikaw ang nagbigay liwanag sa buhay kong nagtatago sa dilim at kalungkutan. Binigyan mo ko ng pagkakataon na muling maging masaya, muling magmahal, at higit sa lahat...patunayan sa lahat na ako ay may silbi pa pala.

Salamat sayo. Oo ikaw nga. Salamat sayo.

Salamat.
Salamat.


Salamat Blogspot! Dahil sa wakas nakarating ako sa 99th post ko. Yahoooo!!!!!!Tagay pa!!!wahihihi...

Ang sikreto

Paboritong inumin ng eks way sey ko ang C2. Hindi,hindi sya mataba --katamtaman lang ang pangangatawan niya. Pag magkasama kami, para kaming magkuya. Pag magka-hh kami, para niya kong kinakaladkad. Wahaha. Kasalanan ko bang tulog ako ng magsabog si Papa God ng height???!!!???. Pero walang kwenta kausap tong taong toh. Toksyit. (Sige mura pa..habang libre pa, bukas may bayad na yan). Magpapakasal na sya ngayong bwan na toh. At base sa pagkakalkula ko - isang eks ko na lang ang hindi pa ready sa married life..."Tol, wag mo na ko antayin, nyahaha..dahil hahanap na ko ng fafa dito!"--joke

Sabi nila, matalino ako. Sabi nila mabait ako. Sabi nila seksi ako..gwaarkk.., kyut din naman kahit papano. Pero sabi lang nila yun. At hindi ako naniniwala dun. Hehe.. San na nga ba papunta tong wentong toh? Hmf. Ayun, kaninang umaga may stalker na naman ako. Putek na yun. Nakangisi sa may kanto sabay sumunud-sunod na sa paglakad ko. Mabuti na lang d'best ang killer eye ko. No match si manong --sabay banat ko ng linyang: "Follow me, and I'll take you to the police"....agang-aga nosebleed.

EQUATION...
Balance = Credit + Debit * kupit...yung kupit part natutuhan ko yan kay B1...Mahilig kasi manabotahe ng mga equation ang amo ko. Kaya tuloy ngayon, hanggang sa pagtulog ko, parang kasa-kasama ko na din ang trabaho ko. Isa pang useful equation...

c2=a2 - b2 (tama ba?)

pero may bumulong..Dont spill the jelly beans daw. Ok fine.. Kaya nga ganito ang dating ng post na toh dahil sa dont spill the jelly beans....

BATANG ISIP...
Naalala ko pa yung palabas na Marco. Hindi yun tungkol kay Marco na blogger ahh. Yung Marco, yung batang nagpapalabas sa mga kalye. Yung malupet yung blush on sa pisnge. Sa channel 7 ata palabas yun. Pero hindi ako hooked sa wento nun, masyado kasing madrama, tragic, wala man lang comedy. Ang inaabangan ko dun eh yung Theme Song. "Chao Marco chao, (chao marco!)"

At syempre, wala na nga atang patutunguhan tong post na toh. Ipa-plug ko lang pala na medyo abala ko. Hmm..konti lang naman. Pero ok lang dahil ito naman ang hiniling ko kay Papa God. Napakalupit ng panahon at ako eh napadpad sa pagiging asst. wedding coordinator. Nakakawindang. Hehe. Mas mahirap pa sya sa trabaho ko dahil unti-unti niyang kinakalkal ang mga alaala ko na tinatago ng wanport kong utak tungkol sa lab na yan. At syempre, gagawa pa nga pala ko ng entry para sa slogan contest. Hmm..Dami-daming gagawin. Kaya mabuti pa siguro wakasan ko na to. I mean tong post na to..Hihih..See yah!

6.5.09

Tukmol III


Kung ang pagbubura ng alaala ng tao ay kagaya lamang sa pagpindot ng CTRL + ALT + DEL...sana, ginawa ko na, noon pa....

5.5.09

Tag oh tag....

At dahil napaaway ako sa telepono kanina at nagnosebleed ako sa pag-eenglish, pinili ko munang manahimik at gumawa ng mga nakapending na tag. Para naman hindi ako tuluyang mabaliw sa mundo ng trabaho ko....

awan, ah tu, ah wan tu tri por!!!!!!...geym!:)

Ang isang ito eh galing kay Choknat:
ten things you wish you could say to 10 different people right now

(don't tell us who it is)

1. " I miss you all"
2. "Gutom na kooo!"
3. "I wish you love, best wishes!!!!!"
4. "Bangin ka ba? tingin ko kasi nahulog na ko sayo ehh"..(corny..wahahah)
5. "Boses lata kayoooo"
6. "Ikaw, ikaw ang problema ko, wag ka nang magtanong"
7. "i i i....i have to go..."
8. "lagi na lang sya, pwedeng ako naman?"
9. "anak ng tipaklong, hindi komo't pinoy ako at pana ka, mas matalino ka na saken...nauna ka lang kaya ka boss."
10. "hindi ko na kaya, at ang sakit sakit na....."

nine things about yourself:
1. mabait.
2. tahimik.
3. PG.
4. may sariling mundo.
7. di mahilig matulog.
8. ulyanin.
9. mainipin..

eight ways to win your heart:
1. yung bibigyan ako ng maraming pagkain..joke
2. being real.(wrong gramming ata?)
3. kausapin ako maghapon at magdamag..pag nauna kong mapagod...panalo ka!!!!
4. kapag tinopak ako kaya niya pa din akong patawanin.
5. para syang goldilocks..thoughtful
6. maginoong ways pero hindi parang seminarista..wahahha
7. ipagluluto niya ko ng paborito kong pagkain.
8. kakantahin niya ng hindi nabubulol ang paborito kong kanta (stay)

seven things you want to happen to you before you die:
1. maging saksesfool..
2. maging responsible at sensible..alam nyo naman siguro kung bkit..haha
3. mapabalik sa putikan ang mga nang-apak saken..joke
5. makapunta sa.....Paris
6. mapagtapos ang mga bata..yung mga kapatid ko sa pag-aaral.
7. marinig ulit ang malulutong na mura ng nanay ko.

wer na is 6? :D

five turn offs:
1. maingay na lalaki. (oo, para sken pangit tignan yung ganun)
2. insensitive
3. playing safe.
4. pa-gentleman effect di naman totoo
5. yung yung yung..papansin..

four turn ons:
1. down to earth.
2. kalog. yung kahit batukan ako pag naguusap kami ayus pa din..mga ganung bagay.
3. maganda yung mata..sarap titigan ee..wahahah
4. yung yung yung..mahilig din kumain..weee

three smileys that describe your life:
1. :D all teeth smile
2. :(--wla ako sa mood
3. :-/ nagdadahilan lang

two things you wish you never did:
1. umabsent sa work kahapon.
2. pumasok ngayon, sna hindi ako napaaway..wahaha

one confession:
may sikreto ako..pero dahil sikret yun, di ko sasabihin!hahah

At dahil tag toh..ipapasa daw dapat...Papasa ko kay: Pogi, CM, Dhi at Jez

Next up! Ang Broom -broom echoz ni Biiba..Mga sasakyan daw na nasakyan sa buong lifestory mo. Hmm.. Try ko masagot kasi lagi lang ako naglalakad ee. Hehe.

Dyipni - kelangan tagalog? Oo, bakit ba -- Pinoy ako ehh. Eh kasi peborit ko yung jeepney na kanta ng Spongebob este Spongecola pala. Hmm. May jeep kasi kami at sa bayan ng Kabite at Pasay - kung saan ako nanahanan ng humigit-kumulang ilang taon, jeep ang popular na sasakyan. Pero kung medyo sosi ka at nagiinarte pwede rin namang :

Bus- Sinasakyan ko pag may school fieldtrip, pag matagal ang dating ng jeep galing Salitran papuntang Bayan, pag nagiinarte ako at ayaw magitgit at masiksik sa loob ng jeep. Di ba? May libre pang vandal sa mga silya kung gugustuhin mong makivandal. :)

Tricycle- Pag galing ng palengke, para mamili ng uulamin. Eto ang pinakasikat sa may baryo namin. Lalung lalo na nung nasira ang tulay ng Salitran.

Trolley- sasakyan ba toh? Haha. Ewan ko, pero meron ako nito. Ginamit ko sya hanggang sa mag-edad 19 ako. Napagalitan lang ako ng bongga kaya ko hininto ang paggamit ng trolley sa kalsada. akala ko kasi ok lang --yun pala para sa lalaki lang yun.:)

Stroller- nung baby ako, dito ko nakatambay palagi. Wahaha

Bangka / Barko - nasakyan ko nung nagbakasyon ako sa Batangas kasama ang lola ko. Nasakyan ko din nung nagpunta kami sa Gallera, probinsya ng insaness ko.

Bike - asteeg ang BMX. Wahaha. Gamit ko pag nagtatago ako sa nanay ko para di nya ko utusan bumili ng suka sa kanto. Wala nga lang akong utak at sa may gilid lang ng bahay namin nagtatago kaya nahuhuli pa din ako. Madami rin akong peklat na nakuha sa bike kong toh. Dahilan kung bakit hindi ako nagamit ng mini-skirt. Weet weew.

Erpleyn - C/o Cathay Pacific. salamat sa napakasarap na Mutton Biryani. Mga twelve hours kong hinintay makalapag ng Dubai bago ko makakain ng pagkaing angkop sa panlasa ko. "Demn you Biryani!!!!":). Syempre, lulan nito eh narating ko ang eber labing UAE.

Taxi- Pana-dolz, Patan, o Arab. Mamili ka ng lahi pati amoy--sila ang mga driver dito. Asteeg. Dito ko naranasan ang magsalita ng sobrang babaw na ingles dahil hindi ako maintindihan ng mga drayber pag sinasabi kong "Stop the cub, im getting off here!".

Bus (ulet)- syempre iba toh. sa abroad na ehh.. Lalu pa't si Daddy ang driver. Ang dakilang serbis ko na apat na beses na kong naiiwan dahil sa kakupadan kong gumising sa umaga. Wahaha. Kasama din sa adventure sa bus si busmate na kanina lang eh pinalipat ko ng seat plan dahil masyado ng madumi ang mga adhikain saken. hehe

Si suZuka - ang kotse ni nasnip. Syempre, sya ang kasama namin sa mga kembot na ginagawa namin nila nasnip..Hehe.

Ayan, madami na yan. Pero di ko na iwewento yung iba. Tama na ang petiks. Hmm.. Sabi ni Yanah ipasa daw. hmm...Papasa ko toh kanila : Super G,
Azel at Jez

4.5.09

Hindi pala totoo

May mga bagay na pilit nating tinatanggi. Mga mahihinang hinaing na ating naririnig pero pinipili nating magbingi-bingihan. Minsan, plakard na lang ang kulang para mapabatid satin ang isang mensahe - hindi pa din natin maintindihan. Bakit kaya ganun? Bakit kaya hindi niya maramdaman? Alam niya kaya pero nagtatanga-tangahan lang sya? Naririnig nya kaya pero nagbibingi-bingihan lang sya? Naiintindihan niya kaya pero nagtatanga-tangahan pa din sya? Kakainis. Kakabwisit. Bakit ganun? Umabsent pa naman ako. Iniwan ko ang nakakaadik na trabaho ko para makasama ko sya, tapos ganito.

Unang plano namin eh panoodin ng magkasama si Wolverine.. Pero ayaw niya daw,dahil di nya kilala yun- kaya dinner date na lang ang pinlano ko kasama na din ang konting stroll sa mall. Maya-maya pa ay dumating ang kapitbahay namin at niyaya syang magpunta sa kung saang impyerno. Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila. Tahimik akong nagmasid. At medyo umubo ubo para maalala niyang "ako" ang date niya sa araw na to. Na naginvest ako ng wanport sa mahahalagang oras ko para makasama sya na lumabas.

Nang marinig ko syang umoo-- na "Sasama kami anak,sige at magpunta tayo dun!" nag-iba na ang mood ko. Nainis na ko. Tuluyan na kong nanahimik at kumubli sa kadiliman. Nang yakagin nya ko upang umalis, sinabi kong "kelangan pa ba ko dun?" ......

Alam nga ba nila ang mga bagay na alam ko?

Alam nga ba nila ang mga bagay na alam ko?

ALam mo ba ang mga bagay na alam nila?

alam ba nila na may alam ka, na hindi alam ng iba, na pwedeng alam ko, pero hindi alam ng iba?

Alam ko ba na may alam ang ibang tao na hindi ko alam?

Ikaw? Anung alam mo?....


3.5.09

Paunang Sulat

Naynay,

Nagbasa ko kahapon ng isang libro na pinahiram saken ng isa kong kapatid sa paniniwala dito sa lugar ng mababahong nilalang. Wala kasi kaming tv ngayon dahil hindi nabayaran ang bill dahil pinambili ng "slimming pills" ni Tita. Homework ko yun at kailangan kong matapos basahin hanggang byernes, pero dahil ako eh batung-bato kagabi (kahit na puyat na puyat na ko at antok) hindi pa din ako nakatulog ng maaga dahil maingay ang paligid kaya pinagpasyahan kong pagtuunan ng pansin ang librong yun.

Kasabay ng paglipat ko ng mga pahina ng aklat ay ang aking muling pagbalik sa ating mga alaala habang magkasama pa tayo, habang ako ay musmos pa lamang at wala pang nalalaman sa malupit na mundong ginagalawan natin ngayon. Habang ikaw lamang at si Taytay ang aking hinahangaan at tinitingala sa pagmamahal at pag-aaruga na inaalay nyo sa amin ng aking mga kapatid. Kung paano mo hinubog ang aking asal, kung paano mo ako pinatatag at pinalakas sa pamamagitan ng iyong mga salita at pangaral.

Naalala ko pa, sa maraming pagkakataon ay nagaaway tayo. Hindi ko nga lubos maisip na sa aking paglaki, magiging magkasundo tayo. Na sa bawat isang hibla lamang ng iyong mga pahayag, agad na nadudurog ang munti kong puso at sinisiwalat sa iyo ang maliliit na hinanakit na pilit kong itinatago sa inyo.

Nahihiya akong umamin ng nararamdaman kong paghanga at pagmamahal para sayo. Ang sabi nila, kung sino ako ngayon eh utang ko sa aking mga magulang. Sa twing may nagsasabi sken na "maswerte ang mga magulang mo, dahil isa kang mabait na bata", agad ko silang sinasagot ng: "mas maswerte po ako dahil sila ang naging mga magulang ko!"

Nalulungkot ako na kailangan nating mabuhay ng magkahiwalay. Na sa ym, tawag at text na lang kita nakakausap ngayon. Na hindi ko na nakikita ang mga ngiti mo sa twing bibiruin kita ng mga corny kong joke. Na hindi ko na natitikman ang luto mo. Na hindi ko na naririnig ang maingay mong sermon pag nagpapasaway ako sa araw araw. Na hindi ko na naririnig ang boses mong nag-aalala pag may sakit ako.

Hindi ko alam at hindi ko mahanapan ng paraan kung paano ko gagawin na makabuluhan at espesyal ang araw ng mga nanay na kagaya mo. Kaya sana, sa maliit na paraan na naisip ko eh mapadama ko sayo na mahal na mahal na mahal kita!..:)..Advance Happy Mother's Day sayo! :)

Laging handang mangulit sayo,
EǝʞsuǝJ

2.5.09

Kwentong Kalye

Umuwi ka na bang duguan ang tuhod mo dahil tanga yung kalsada at di nya sinabi sayong sesemplang ang dala-dala mong bike na may taling kulay pink na ribbon at may mini-basket sa may harapan? Natalo ka naba sa paglalaro ng jolen at ngumawa ng ubod lakas dahil nagkaron ng "barag" ang mga kanto ng pinakamamahal mong makikintab na Jolen? Naubos ba sa isang iglap ang inipon mo ng bonggang-bonngang mga teks? Na ang ending eh pinagppupunit-punit ng nanay mo dahil halos dun na lang umiikot ang munti mong mundo at ni hindi mo na mabasa yung salitang o-n-e-? Naranasan mo din bang itapon ng nanay mo ang isang plastic bag mong "pog" (yun nga ba tawag dun)--na muntikan niya pang isahog sa paborito mong sinigang dahil imbis na kumain ay bising-bisi ka pa sa paglalaro sa kanto?

Naglaro ka ba ng tumbang preso at nabato ng chinelas sa muka?
Naglaro ka bang ten-twenti at umiyak pag abot kili-kili na ng kalaban yung taas dahil hindi mo na maabot? Chinese garter na naging dahilan ng bonggang pagkabali ng kamay mo at nasemento-ng-di-oras?
Nakipaglaban sa paggawa ng may pinakamaganda at pinakamalayong lyrics ng themesong ng batibot? Nagemo mode ng nag-aklas lahat ng kalaro mo sa kalye dahil dineclare na ng mga nanay nila ang martial law?
Nag-adik sa pacman, mario, circus charlie at kung anik anik pang computer games dahil grounded ka na din sa hindi mo maipaliwanag na dahilan?
Nang nawala ng biglaan isa isa ang mga kalaro mo dahil ang iba nakakasalubong mo na lang eh mga lalaking naka-saya na at ang mga babae eh hindi na daw pwedeng magtatalon at magpakalat-kalat sa kalsada dahil may "bisita" na daw sila???

Nang naiwan kang nakatunganga at tinatanong pa din ang nanay mo ng mahiwagang tanong na: "mama, bakit ganun? bakit lahat sila parang ayaw na saken ngayon?"

Ang sarap sana maging bata ulit. Wala kang alam sa nangyayari sa paligid mo. Dahil hindi pa yun maintindihan ng mura at bubut mong utak. Kung minsan gusto kong bumalik sa pagkabata--para lahat ng malulupit na katotohanan na nalalaman ko ngayon eh maintanggi / maitatwa ng mura kong isipan na nakatutok lamang sa iisang paniniwala : "Na ang paglalaro ay masaya, walang kasing saya"

Amats

Tinamaan na ba kayo ng sobra? Yung sobra sobra na hindi ka na halos makalakad pauwi? Yung sobra sobra na hindi ka na halos makausap ng matino ng mga taong nakapaligid sayo? Sobra sobrang iyak-tawa na ang ginagawa mo? Hmm..Ako? Change topic..Joke.

Matagal na kong naglalaway sa alak. Simula ng dumating ako dito sa lugar ng mababahong nilalang, dalawang beses ko pa lang napupunan ang pangangailangan ng bahay-alak ko. Una eh nung beerday ni ate liezel, (roomie ni biiba), next eh yung christmas celeb kanila renee. Kita nyo, anung petsa na ngayon. Matapos nun, patikim-tikim na lang ako ng shot ng beer kapag may videoke marathon sa may kanto. Nyahah. Sa bahay kasi namin, bawal uminom ng alak. Bawal ang makasalanang gawain. In short, parang semi-kumbento. Pero sabi nga nila, the more na binabawal ang isang bagay, the more na naghahanap yung mga pinagbabawalan ng paraan para labagin yung nabuong batas. Ang usapan sa kulto - 100% pure. Hindi ka pwedeng mag-inom, magmura, manlait, at kung anu-ano pang chever na aminadong -aminado ako eh gawain ko. Napakahirap naman. Sobra. Kaya nga madalas akong hindi nakikita sa mga pagpupulong dahil pakiramdam ko palagi eh hindi ako "worthy" na mapahanay sa listahan ng mga sisterette na nagbibigay payo sa mga nangangailangan. Utak ko kasi minsan eh palyado din. Lalu pa't panahon ni insomnia ngayon. Teka, lumalayo na sa putukan yung wento ko..Nalasing na ata ako..

Hik
Hik
Hik
Gwaaaarkk.. hanggang sa tawagin mo na yung uwak pag sobrang hilo ka na at hinding-hindi mo na kaya yung alkohol sa katawan mo. Magiging tisay ka na ng di-oras. Magiging maningning na din ang iyong mga mata. Lahat ng kainuman mo boypren mo na at lahat ay sinabihan mo na ng "aylabyu". Pag pumalag sisigawan mo. Pag tumanggi sa tagay, babatukan mo. Pag nakita mong humahapay-hapay na ober hir and there, sisigawan mo at tatanungin kung "lasheng ka na ba pre?, yun pa lang, lasheng ka na? hina mo nman pala ehh". Kukunin mo ang mikropono at babanatan mong kantahin ang Someday ni Nina at gagawin mong disco version dahil naiinip ka sa takbo ng kanta, "dang bagal naman neto.." yun yung angal mo hanggang sa makita mo tinulugan ka na pala ng mga kainuman mo dahil boring yung kinanta mo. Nyahaha.

Paggising mo kinabukasan, bibisitahin ka ng kakaibang sakit ng ulo. Mas kilala sa tawag na hang-over. Hmm..Pag tinanong ka kung bakit masakit ulo mo, todo deny ka at sasabihing migraine na naman, pag wala kang gana sa pagkain, same reason ka pa din, pero yung tinatakasan mong problema....buhay na buhay pa din sa utak mo.....tumatakbo at masayang-masaya habang ikaw, nanghihina at masakit ang ulo...nabawasan pa allowance mo pang-share sa toma nyo...grrrr...