23.5.09

Kwentong Kamote

Sa isang maliit na paaralan sa Pasay......


Dahan-dahan niya kong nilapitan, sabay hinawakan niya ko sa aking batok. Hinuli niya akong parang kuting....Kahit si Lupin hindi na makakaigting....

Nadoble pa ang kasalanan ko ng marinig niya kong sinasabi ng marahan ang mga salitang ito..."Pitumpu't puting tupa, pitumpu't puting tupa...blah blah.."..Inakusahan niya kong nagmumura. Kinuha niya ang papel na hawak ko at tinignan kung nagsusulat nga ba ako ng pinapagawa niya sa pisara. Nakita niya akong nagsusulat pa lamang ng pangalan ko--Nagalit sya....Sapagkat ibinigay niya ang seatwork, humigit-kumulang isang kalahating oras na ang lumipas. (Eh ako naman ehh naghihintay lang ng recess, kaya ganun)

Sumigaw siya sa harapan ng klase at nagmamaganda niyang isinigaw ang nagmamaganda kong apelyido. Yumuko ako, nagdasal sa lahat ng kilala kong santo, at unang-una kong binanggit ang pangalan ng nanay ko---"Mama.."

"Jen------, anung mama ang sinasabi mo jan, magpunta ka dito sa harap ng klase!"
"Eh kung ipapatawag nyo po ang Mama ko, magagalit yun sa'yo!"

Nagbagong anyo si titser at naging kalmado, sinundo niya ako sa aking upuan. Maya-maya pa ay nakita ko na lamang ang aking sarili na nasa harapan na ng klase..Dala-dala ang plakard na may nakasulat na : "Wag nyo kong tularan....hindi na ko mag-iingay sa klase.." Pinalibot nya lang naman ako sa buong campus ng eskwelahan na yun. Hindi ko na babanggitin kung sang eskwelahan yun sa Pasay at malalaman nyo pa kung ilang mga batang uhugin at madaming kuto sa ulo ang nagpyesta sa pagngalngal ko habang rumarampa ako sa kanilang mga klase...

Grade two ako ng nangyari yan. Humigit kumulang labinlimang taon na ang nakalipas, pero hindi ko makalimutan yang pangyayaring yan--siguro eh jan nag-ugat ang aking mga "embarassing moments list"...

---------------------------->
Irecite mo ng pabaligtad ang "Lupang hinirang!"..
Huh? ayuko nga...

Ako ang titser, hindi ikaw, "you're wrong"
Yeah right..bawal babuyin ang Lupang Hinirang sir!, Gusto mo yung paboritong kanta mo na lang, kakantahin ko--kahit baligtarin pa naten patiwarik...(nagtawanan ang buong klase)..

Ano, anong nakakatawa sa sinabi netong si Ms...*insert my surname here*(kibit balikat sabay harap saken---dahil sa ginawa mo..70 ka sa recitation...
Huwaaattttt????? Sir, bading ka ba? parang mainit kasi ang dugo mo saken ehh..

Anak ng *&%^$, 70 ka na nga malakas pa din ang loob mo?
Oo naman poh!..60 ang bagsak diba?..Tenk yu po sa grade...:D

Dahil sa ginawa kong yan, nakaranas ako ng 75 na grade sa PE. Akalain mo yun,75--ang hindi matanggap ng nanay ko, mag la-line of 7 lang daw, PE pa..hehe..Dinamay niya pa yung grades ko sa Music chaka Arts. walangyang panot!..Hehe...

---Wala po akong matinong maisip. Wala rin kasi akong isip ngayon. Medyo naaaning po kasi ako sa mga pangyayari sa tabi-tabi.. Pls bear with me..Haha...

15 comments:

Dhianz said...

hahaha... salamat sa tawa... geez... ang tigas siguro nang mukha moh non sis jenskee noh... ayos ahh.... malufet humirit sa mga teacher... hehehe... naaalala koh ren lang... 2nd grade akoh... pinapalipat akoh nang seat nagn teacher koh... sabi koh "nde akoh puwedeng lumipat magagalit tatay koh"... hahaha... ewan koh kung anong connection nang tatay koh sa paglipat koh nang upuan... lolz... but hey... nag-work ang diskarte koh... nde akoh nilipat... naalala koh lang... ingatz lagi sis jenskee-chan.. salamat sa nakakatuwang kwento... btw ayos ka lang ba sa work?... wala lang... natanong lang... wehe... ingatz. Godbless.

poging (ilo)CANO said...

hahha....spiking of grade 2...ako naman pilit akong pinapatayo ng titser ko para mag recite..kahit alam k yung answer hindi ako tumayo dahil hindi ako makatayo....may ipot na kasi short ko...ung kulay blue na short pa noon,..hehehe

gillboard said...

magkakasundo kayo ng kaklase ko nung elementary. ang hilig niyang makipagdebate sa teacher namin tungkol sa religion... kahit math yung klase namen..

EǝʞsuǝJ said...

@dhianz...
hehehe
mabuti ka pa natawa...
hehehe...
ako kasi nainis nung nabasa ko yung sinulat ko..joke..

mabuhay ang mga pilosopo!
hehehe!

ok naman sa work sis!
kelangan mong paniwalaan na ok ang lahat, para maging ok ang lahat!..hehe..kipsafe..!:D

@b1...
wahahaha
adik..
sorry ah..
di ko na inabutan yung blue na short..
palda kase gamit ko ehh..
babae ako b1.., babae..nyahahah

@gillboard...
hehehe
dun lang naman sa teacher na yun ako nairita ng todo..adik ba nman eh..hehehe..
sana makilala ko yang kaklase mo..hehe..

A-Z-3-L said...

ayun, nangamote... lolz!

ganon talaga pag naging "apple of the eye" ka ng prof.... ikaw! ikaw! at ikaw! pa rin...

hehehehe....

galing mong mangatwiran.. sana nag-lawyer ka na lang! lolz!

The Pope said...

Well we all have a share of embarrassing moments sa Elementary school natin, like me madalas akong mapingot, mapalo ng kahoy na ruler sa mga palad, grabeh, kasi para nga raw akong kiti-kiti sa likot at talkative pa hahahaha.

Well it is all part of our growing up, and kids will always be kids.

Life is Beautiful, a blessed Sunday to you.

Dhianz said...

haha.. natawa naman akoh sa inyoh b1 at b2. yeah sanah you'll be fine at work... ingatz lagi sis jenskee-chan. Godbless! -di

Trainer Y said...

adik ka adik!
hyahahahaha
wala akong ibang masabi..
pakisagot naman ugn tanongssssss ko sa offline...
nakyuryus ako sa mga nakita kong larawan eh..
si gurly nga ba yun? or kamukha lang ni gurly?
my eyes are playign games na naman yata

poging (ilo)CANO said...

@dhie,
dhie wag ka masyado matawa baka matawa din kami...hehehe....hirap pumasok sa bahay mo...nag eeror...lolz..

2ngaw said...

Hehehe :D Sana naging magkaklase tayo, para napanuod ko kakulitan mo lolzz

EǝʞsuǝJ said...

@azel..
honga..
sarap konyatan..
madami namang ibang students...
ako pa napagtripan.,:D

hehehe..
lawyer?
hhahaha...
i doubt it..:D

@the pope...
yeah
"there will always be a child in you"...
gaya ng sabi sa isang kowt..

salamat po kuya!:D

@dhianz...
am fine sa work..
no probz..
asteeg ako ehh..
heheheh...
tenks! Godbless you too!:D

EǝʞsuǝJ said...

@yanah..
matagal na!
dahil kung matino ako, di mo sana ko naging kaibigan!!!hahahah

nasagot ko na..
sorry nman
"curiosity kills the pig!"
joke :)

@b1...
page mo toh?
hahahaha...
windang ka na nmn ehh...

@cm...
hahaha
oo nga pare..sayang
sana napanood mo kung paano ko napaparusahan ng chicher..:D

kaya lang pre..
mejo maaga ka pinanganak kesa saken ehh..hehehe

2ngaw said...

Aba!!at ano oras ka ba pinanganak? ako 2am eh, wag mo sabihing 1am ka?!!!

EǝʞsuǝJ said...

3pm ako pare...

PM..hehehe

period said...

in fair view quezon city, naaliw ako sa post mo ate..sarap balikan ng elementray, lalao na yung ginagawa pag field demonstration, malimit walang klase