Ano nga bang kulay ng ribbon ko noong kinder ako? Blue? Red? Yellow? Sabi kasi ni Titser, kapag madami kang ribbon, at iba't iba ang kulay nito,ibig sabihin matalino ka. Pero yun nga ba talaga ang basehan ng pagiging matalino ng isang tao?. Hmm.."oo anak, kaya dapat madami kang medal..para lagi ka itreat sa jollibee..."
"Di ko po kayang basahin yan...o-n-e-...ONE!"...
"Di ko po kayang magsulat sa kanan Ma!!!,bakit mahirap po magsulat? parang sa inyo napakabilis lang?"
Nagtapos ako ng may karangalan sa elementarya at hiskul. Di rin naman ako pahuhuli pagdating sa college. Pero, sa tingin ko, kung anuman ang nakuha kong karangalan sa paaralan ay hindi sapat upang sabihing matalino nga ako. Ayokong matawag na matalino.....
Dahil ang matalino, hindi nagkakamali.
Ang matalino, ay malapit sa salitang perpekto.
Ang matalino ay hindi nasasaktan- dahil naiisip niya ang mga dapat niyang gawin bago niya pagdesisyunan ang isang bagay.
Ang tunay na matalino.....
hindi kagaya ko........
5 comments:
oo dahil ang tunay na matalino ay kagaya ko,hahaha filingero.
wow andami mo plang karangalang ntanggap,matalino ka nga,ito naman npakahumble,ayeee...hehe
Naks!!!pero parang di ako sang ayon, kasi si Einstein sobrang talino pero ilang beses din nagkamali :-D
di dahil nagkakamali ka, eh hindi ka na matalino...
tao ka lang.
@hns...
heheh..
hindi yun ganun,,..i guess..heheh
<<--humble-ness..hehe
@CM..
sabagay..pero ewan..ewan lang..:D
@gillboard..
yeah..
pero hindi matalino..
(maipilit ko pa tlga..haha)
I admire your attitude, humility is the most beautiful word in English language. The is a saying "True merit, like a river, the deeper it is, the less noise it makes".
and a Chines proverb says: "The superior man does not think himself so. His humility is what sets him apart."
Life is beautiful, believe in your self.
Post a Comment