16.5.09

Self-pity class

Success is NOT the key to happiness, HAPPINESS is the key to success. If you love what you are doing, you will be successful
Minsan, sinubukan kong mag-enroll sa isang eksklusibong klase. Ang tinatawag nilang "self-pity class". Iilan lamang ang estudyante, pero lahat ay interesado sa paksang tinatalakay araw-araw. Sa klaseng ito, hindi mo kailangang bumili ng alinmang textbook, walang hassle dahil wala kang gagawing projects, thesis, quizzes at kung anik anik pang nagpapahirap sa mga estudyante.

Unang araw na pinagawa sa amin ay ang paglilista ng mga regrets mo sa buhay. Marami ang umangal, marami ang nainis -- kung kaya't iniwan nila ang klase matapos nilang makita ang lesson for the day...Samantalang ako, pinili kong manatili at sinubukan kong isulat ang mga bagay na matagal-tagal ko na ding nire-regret. Maya-maya pa ay "pass the paper" na. Pagtingin ko sa aking papel, isa lamang ang naisulat ko dun, pero mamaya ko na sasabihin sa inyo...

Nagpatuloy ang klase, este nagpatuloy ako sa pagpasok sa klase, nga pala- wala ding tuition fee itong eksklusibong klaseng ito. Ang tanging kailangan mong armas ay mga galit, awa, at angal na nagtatago sa puso mo. "Oo, marami ako nun!" sabi sa akin ng isa kong kaklase. Nilingon ko sya sabay sabing: "Oo, alam ko, chaka di ko naman tinatanong.." Tahimik lang ako at hindi nagpaparticipate. Dumating pa nga sa punto na naramdaman kong hindi ako napapabilang sa klaseng iyon. Pero pinagpatuloy ko pa din ang pagpasok- ang dahilan...hindi ko alam.

Lumipas ang mga araw at dumating kami sa punto na tatlo na lang kaming mga estudyante doon. Ang isa, madaming regrets sa buhay, yung isa hindi kuntento sa buhay niya, at ako---hindi ko pa din alam kung bakit ako nandoon...

Nagkaroon ng oral recitation, pero may kakaibang twist... Ang aming titser ay naghanda ng isang munting palaro---may palabunutan na naganap. At sa loob ng baso, na kinalalagyan ng papel-- ay ang mga bagay na sinulat mo na may konek sa "lesson for the day"ang twist? kailangan mong sabihin kung may nabago o pinagsisihan ka na sa mga sinulat mo dun. Nagmasid lang ako. Tinignan ko ang aking mga kaklase, este ang dalawa kong kaklase habang binabasa nila ang mga bagay na sinulat nila, pareho sila ng mga isinagot: "wala pa ring pagbabago, kung anung una kong isinulat jan, yun pa din ang andito (sabay turo sa kanilang kanang dibdib)...", ngumiti lamang ang aming guro. Sabay tawag sa akin...

"Ms.........Ano nga bang pangalan mo?"
"Maam, Jen poh.."
"Hmm...teka, ganu ka na katagal dito? Bakit wala ka ata sa master list ko?"
"Simula pa po nung nagsimula ang klase..."
"Ay, ganun? wala ka kase dito sa master list..pero nagpapasa ka ng mga essay para sa "lesson for the day?"
"Opo..."
"Hindi na bale, sige, kunin mo ang iyong mga sinulat at basahin..."

Kabado akong nilapitan ang baso. Isang papel na lamang ang laman nun. Yun lamang ang papel na ipinasa ko simula ng pumasok ako sa self-pity class.... Nakangiti ang titser sa akin., yumuko ako at tinuon ang aking pansin sa papel na ngayon ay hawak hawak ko na. Malakas kong binasa ang nakasulat dun....

Pinagsisisihan ko, na hindi ko pinahalagahan ang mga bagay na meron ako, materyal man o bagay na nararamdaman...
Lumapit si titser sa akin, ngumiti siya at kinuha ang papel...

"Maari mo nang lisanin ang lugar na ito..."
"po? Bakit naman?"
"Hindi ka nararapat dito, dahil alam ko, punung-puno ng pagpapahalaga at pagmamahal ang puso mo...."


Lumuluha akong umalis sa lugar na iyon....

14 comments:

2ngaw said...

Putek!!!Nasan ung titser mo?!!!Pinalayas ka ba naman!!! lolzz

Sana nakuha mo kung bakit nya ginawa un sayo...Kasi alam mo sa sarili mo kung ano ang ibig sabihin ng pagpapahalaga, alam mong may mga bagay kang binalewala at yun ay pinagsisisihan mo...

Sana nga lang ang ibig sabihin ng pagsisisi sayo ay ang pagtatama sa mali mong nagawa...

Deth said...

jen open for enrollment na ang next class mo, prerequisite yun para maka-graduate ka...
Self-Appreciation Class...at ang unang assignment mo dun, list all the good things that your thankful in your life...

EǝʞsuǝJ said...

@CM...
hahaha..
ayus lang pre..hayaan mo na yun..
ayus lang sken na nakick out ako dun..
emo lahat ng tao dun ehh..
napancn nya na hindi ako pwede dun..

yessh..definitely pare..
alam nya na may gamot pa sa pagiging manhid ko..hehe

oo naman pare..alam ko yung "Pagsisisi"...

@Deth...
mukang exciting yan ahh..
pero di ko na kelangan magpa enroll jan..
dahil matapos kong mapasabak sa "Self-pity class"..nalaman ko na ang kahalagahan ng bagay bagay sa paligid..

iba naman sa susunod..hehe

Ang buhay ay parang sine said...

Tingin ko naman self-pity class ay mas natutunan ka pa sa pagpapahalaga. Isa itong virtue na pinakaimportante sa buhay ng isang tao. Nakakatuwa, parang Tuesdays with Morrie yung dating ng klaseng iyon, pero ang kaibahan nga lang, yung "Self-pity" class ay awa, galit samantala yung Tuesdays with Morrie... everything that concerns about living. Gusto ko din ata pumasok sa mga ganoong klase. :)

A-Z-3-L said...

cooking 101... coming upppppp!!!

enroll naaaaa!!! lolz!

EǝʞsuǝJ said...

@chazel...
actually ive just finished reading "Tuesdays with Morrie", and I was very much touched and inspired...
grabeh..

ive learned na hindi makakatulong pag habambuhay mo kinaawaan ang sarili mo...mas mabuti kung titignan mo yung mga bagay na nasa yo na..kesa sa mga bagay na hinihiling mo..:D

@azel...
san yan?
sa dubai ba?hehehe...
sige sige..pwedeng pwede ako jan!

poging (ilo)CANO said...

hibang klase ka rin noH!

wala bang blogging class na available dun?

adik!

Deth said...

good to her that jen:D

The Pope said...

Self-pity is our worse enemy, it chains us to our defeats, we feel sorry for ourselves and bemoan our situation that we can't get better.
Self-pity makes it easy to live in the past, wandering through the graveyard of a thousand "what-ifs".

We do not live in misery; we live lives that have beautiful futures.

Life is beautiful, please stop and smell the flowers.

EǝʞsuǝJ said...

@b1...
uu nman..hibang klase talaga ko pare...
kakaiba ko..
ibang iba sa kakilala nyo..hehe..

mas adik ka,..

@deth..
yebah...hehe,..salamat

@the pope..

yup kuya..
done that...
mabuti na lng nakita ko yung daan pabalik..:)...
salamat po..

Hermogenes said...

ayos...

Hari ng sablay said...

wow naman,maayos naman pala ang iyong emosyon at punong puno ng pagmamahal...

teka,san ba yung eskwelahan na yun?mukhang masarap dun.mkapgsoul searching...

Francesca said...

there's always joy in giving.
At least yun lng regrets mo sa buhay.
Pero haba na rin lista nun, kung isaisahin,
re: materyal at emosyon,

kaya I feel you should stay, lol!
buti na lang me blog, dito na vent out natin whatever we want to say

EǝʞsuǝJ said...

@tonio...
*wink*..aprub pare..hehe

@HNS...
oo naman pare..
kahit muka akong di gagwa ng mabuti eh..natuto naman ako magmahal kahit papano...

magandang mag-soul searching pare..mas maiimprove mo pa yung sarili mo..:)..
mas madami pang lalapit na chicks sayo..dahil mabait ang aura mo..hehe

@francesca...
matagal na panahon na po yun..
hehe..
its better this way..
alam ko yung mga pagkukulang ko and eventually nababago at napupunan ko nmn (ata) as each day goes by..hehe

yeah..
mabuti na lang po tlga nauso ang blogging...
salamat po sa pagdaan..:D