12.5.09

Chorva

Dear Chorva,

Kamusta ka na? Kilala mo pa ba ang ate? Naaalala mo pa ba na sa akin nanggaling ang pangalan mo? Napakabilis nga naman ng panahon..kelan lang eh nagpapanic kame ng malaman namin na gusto mo nang lumabas galing sa black hole ni Mama. Naaalala ko pa--masayang masaya ko ng nalaman kong pareho tayong kaliwete. Naaalala ko pa kung paano mo ako gisingin sa pamamagitan ng paghalik mo sa aking pisngi. Haiii....namimiss na kita chorva. Ako ba eh miss mo na din jan?

Naaalala mo pa ba kung paano kita sigawan at konyatan pag kumakanta ka ng themesong ng Marimar? Sorry naman chorva- di ko lang kase matanggap na ang hunico hijo namin ay magtatayo lang ng parlor sa hinaharap.

Maraming salamat nga pala sa bonggang rendition mo ng "Hatatoteituyu" (happy birthday to you) nung birthday ko, yun yung pinakamagandang greeting na natanggap ko this year..Sobrang miss ka na talaga ng ate, sana pala isinama na kita dito (kung pwede lang sana) . Gusto na kitang makakwentuhan ng personal at muling yakapin at amuyin ang kili-kili mo (mabaho kasi kili-kili ng mga tao dito, nyahahah)..Kaya lang, kelangan munang mag-stay ng medyo matagal ni ate dito. Para makabili ka pa ng madaming laruang plato-platuhan, manika at kung anu-ano pang ka-chorvahan. Ibibili rin kita nung makintab na damit na kagaya kay Kuya Germs para mas maging epektib pag sinabi mong "walang tulugan!!!". Hanggang dito na lang bunso, sana pag marunong ka nang magbasa eh mabasa mo tong dramang sulat ko sayo....

Suportado ka sa iyong pagchorva,
Yate..(yan kase tawag nya sken..hehe)

9 comments:

2ngaw said...

Dapat mare, palagyan mo ng tattoo sa dibdib para astig!!!Hello Kitty lolzz

Deth said...

nakakaaliw naman ang chorvang sulat na'to...yesh uber suport si yate:D

EǝʞsuǝJ said...

@CM...
haha..asteeg yun parekoy..
pero si dora kase paborito nya ee
baka un ang patattoo nya kung sakali..haha

@deth...
chorvaness..
nanggigil ang nanay ko pag nalalaman niyang boto ko kung sakling magiging dyosa cielo ang kapatid ko..nyahaha...

Dhianz said...

ahhh sya palah si chorva... ate kah palah... ate jenskee!!!... ilan kayong magkakapatid?... ininterview kitah noh.... ilang taon na syah?.... devaleh magkakasama ren kayo laters...

wait ka lang chorva... mag-iipon muna nang milyones ang ate jenskee moh... =)

Godbless! -di

Anonymous said...

yaan mo bakla at ipapakilala ko sya kay "watever" one of these days kapag hindi na ako busy-busyhan sa kung anik-aik nakababalaghan sa buhay ko.. lam mo na ... :( ay mali.... tawa a nga lang tayo =))

sabihin mo naman kay naynay mo.. sana magkaron ng bonding ang bagets ko at bagets nyo before vacation ends... para madagdagan naman ng additional friendships ang mga junakis ko... nasisira na ung kinabukasan nila kay dora... hayssssss ng walang katapusang balitaktakan ng magkapatid kol ka dora lakwatsera...
gang dito na lng muna ...

-yanah-

Hari ng sablay said...

aawww sweeeet... punas muna luha,hehe

Ang buhay ay parang sine said...

Nakakatats naman yung sinulat mo para kay bunso.

Nararamdaman ko, base sa sinulat mo, na miss na miss mo na siya. :) Ang suwerte naman ni kapatid sa iyo.

gillboard said...

hangswit naman ng ate!!! hahaha

EǝʞsuǝJ said...

@yanah...
sa ngayon eh hindi pa mapagbibigyan ni mama ang hiling mong mag-eb ang dalawang chorva..dahil bisi si madeer sa munti niang bisness..hehe

sana nga eh magbago pa ang ihip ng hangin..sayang nmn ang kapatid ko pag naging sister deen..nyahaha

@Hns...
nilalanggam na ko dito pre..sobrang sweet..haha

@angbuhayayprangsine...
ang haba ng pangalan mo..
hehehe
oo miss ko na yan..
wala kasing bata dito sa tinutuluyan ko..nakakalungkot...
ehehe..ms swerte ako dahil sila ang kapatid ko..:D

@gillboard...
swit ba pare?..tsktsk..
kunyari lang yan..joke