18.5.09

Handa ka na ba?

Ang isang piraso ng walis tingting, pag pinagsama-sama at naging isang bungkos, madaming mawawalis. Kagaya nating mga blogero / blogera, kung tayo'y magsasama-sama at magtutulungan sa isang adhikain, madami tayong mawawalis - este magagawang pagbabago...TUKMOL

Minsan ko na ding pinangarap na makagawa ng paraan para makapagbigay ng pagbabago. Nilisan ko ang dati kong pamumuhay at ako'y napadpad dito sa lupa ng mababahong nilalang. Hinanap ang magagandang bagay na hindi kailanman kayang higitan ng mga materyal na bagay na nakamit o makakamit ko pa lamang. Sa paraang yun, mas naramdaman ko ang kahalagahan ko --hindi bilang ako lamang, kundi ang kahalagahan ko sa ibang tao, at ang kahalagahan ng ibang tao sa akin.

Isa ang pagsulat at pagbabasa sa mga bagay na kahit kailan ay hindi ko pinagsawaang gawin. Malaki rin ang aking pagmamahal sa musika ngunit kung titimbangin, alam ko na mas mananaig ang aking passion sa pagsulat. Ewan ko, pero mas nakakaramdam ako ng kalayaan at kapayapaan pag ako'y sumusulat at nagbabahagi ng wanport kong mga nalalaman at natututuhan sa araw araw.

Kailan lamang ay isang kaibigan ko ang nagsabi sa akin na : "Hindi ka bibigyan ng isang bagay, kung hindi mo ito magagamit sa hinaharap..". Ngayon ko napagtanto na tama sya. Tama lamang na kung ano ang mga blessings na natatanggap ko sa araw araw at maging ang mga pagsubok na nadaraanan ko, eh makakatulong di lamang saken, at maging sa ibang tao na rin, kung kaya't kailangan at marapat na ibahagi natin iyon sa iba...

Kaya ngayon ay make myself busy ang drama ko sa buhay. Hindi sa kadahilanang may mga bagay akong nais takasan-kalimutan-iisantabi sa ngayon. Sabi kasi nila...

If you know your purpose in your life, you will not have trouble living your life...

19 comments:

2ngaw said...

GAME NA!!!Based lang!!!

Basa muna lolzz

2ngaw said...

"Hindi ka bibigyan ng isang bagay, kung hindi mo ito magagamit sa hinaharap.."

Aba!!!Paano nman ako? wala akong hinaharap, meron man ga-pasas lang lolzz

A-Z-3-L said...

naaliw naman ako sa comment ni CM...

lahat ng meron ka ngayon (dunong, talento, materyal) may dahilan kung bakit nasa'yo. gamitin mo lng sana sa tam ang mga yan!

gaya ng computer. wag mong gagamitin upang makapagluto ka ng kanin! mali yun! toinkz!

keep yourself busy.. isang araw makikita mo rin ang fruit of labor mo... pakwan! oo, pakwan nga! lolz!

Marlon said...

Paano naman malalaman iyong purpose? eto ang problema ko eh..hehehe

eMPi said...

hmmm...

ano nga ba ang purpose natin sa buhay?

itagay mo na lang yan... hehehehe!

Anonymous said...

kaya mo yan..
kaw pa!

-yanah-

Ken said...

maganda ang tema ng post mo ngayon Jen ah, mukhang busy ka nga. mas maganda seguro kapag busy ka, nakakalimutan mo...wag lang yung judging criteria ha, hehehe

Hari ng sablay said...

minsan baligtad, kaya nagkakagulo buhay mo dahil hinahanap mo purpose mo...

hirap...

EǝʞsuǝJ said...

@cm...
haha..
naunahan mo ko ngayon ahh..
hehe

well pare..
may binigay sayong hinaharap?heheeh
joke..

@azel...
gagamitin na nga daw sa tama..hehe
eto na eto na..hehe

bsta mare..pagdasal natin ang pagbagsak ng mga kumpanyan nten..heheh

@marlon...
hindi ko din alam..
basta ang ginagawa ko lang ngayon..
one day at a time lang..
hindi ko minamadali yung sarili ko sa paggawa ng mga bagay bagay..
ineenjoy ko kung ano yung meron ngayon,..kase baka bukas mawala yun lahat..syang naman diba?hehe

EǝʞsuǝJ said...

@marc0...
ub0s na yung alak pare..
kaya realidad muna ulet..hehehe

@yanah...
oo "ako pa!"..
"ako pa!"
"ako pa!"...

kaya ko toh..:(

EǝʞsuǝJ said...

@kuya kenji...
busy nga poh kuya..
may mga negative things na nangyari..
pero..
its ok..
ill still focus on the positive side of these things..

heheh..no problem kuya..
:)

@HNS...
hmm..
pwedeng oo, pwdeng hindi..
ako hindi ko pa alam yung tunay kong purpose..
pero sa ngayon,
may wanport na kong idea dun..:)

SuperGulaman said...

purpose sa buhay? mhhhhh... may nagtanong na sa akin nyan noon medyo napahiya nga ako eh, kasi sinagot ko sya na "hindi ko alam eh, hinahanap ko pa..."tpos nagtanong sya ulit:
"e bakit sabi mo na ang buhay ay isang journey, saan ba ang destinasyon mo?"sagot ko, "yun nga ang hahanapin ko eh, hindi ko talaga alam.."sumagot sya ulit... "diba ang ideya sa buhay ay dapat alam mo ang goal mo at purpose mo para alam mo kung saan ang gamit mo..."yumuko na lang ako sa kanya, nagpaalam at sinabing..."magsisimba ako parekoy, sasama ka ba?"

The Pope said...

Wow nakaka-inspire naman ang post mo, life is beautiful, let us share our talents to others, it's God's gift to us, let us inspire others through our blogs, one way of healing and bringing joys into their hearts.

A blessed day to you.

poging (ilo)CANO said...

handa ka na ba?

malamang handang handa ka na sa pagbabalik mang-aawit mo...at dun magiging busy ka sa pagtingin kay piano.....toinkz...

ang purpose ko sa lyf... hindi pa malinaw..baka mangugulo na lang cgro ng mga tao...lolz..

Dhianz said...

ang purpose mo siguro sa buhay eh magsama kayo ni b1 at tumira sa west...hehehe... lolz... hayz... nde akoh nakakahirit nagn ayos lately sa mga post... like sabi koh nga takas lagn kc lagi sa computer... usually kina-career koh ang mga post... pero nde koh magawa lately...pero akoh yeah passion koh ren yang pagbabasa at pagsusulat kahit ano ano lang.... maliit pa lang akoh mahilig na akoh magsulat na usually mga la-kwentz lang... at ang pagbabasa... noon pocket-pocket books lang akoh... pero ngaun... ehem... nakakabasa na akoh nang mga english novels... naks... wehe... i love to read...really... yeah dapat may idea kah kung anong purpose moh sa buhay... so parah itoh mag-lea-lead sau sa tamang path na dapat tahakin moh... tahakin? ang lalim... lolz... basta dapat 'ung purpose moh eh dapat correlated sa purpose ni God para sau sa mundong itoh... oh devah correlated pang nalalaman... lolz... like sabi nga ni Pope.. life is beautiful... yes indeed! life is beautiful jenskee-chan... =) ingatz lagi sistah... Godbless! -dhianzkee-chan =)

gillboard said...

ang ganda nung huling linya... gusto ko yun..

mukha namang marami ka nang natutunan.. handa ka na...

Hermogenes said...

ngayon... wala yata akong silbe!!!

EǝʞsuǝJ said...

@Super G...
tama..
pag nakipagreunite ka ulit kay Papa God, at nagdesisyon ka na isangguni (hang lalim) sa kanya lahat ng mga bagay na nagbibigay alinlangan sayo upang makita mo ang purpose mo dito sa mundong ibabaw,,...
magiging malinaw ang laht..
:)
Godbless pare...

@the pope...
yeah..
yun yung nakakatuwa sa buhay natin
puno man ng mga nakakainis at nakakawindang na mga pangyayari..
magfocus lang tayo sa mga bagay / mga blessings na matagal na palang nasa atin..
and everything will slowly
go to its right path..
hehe...
salmat po kuya..:)

@b1...
haizzt..
oo make or break ika nga nila..
may iba na kong pagtutuunan ng pansin hijo..hehe

ang purpose mo sa buhay ay ang maglaba..nyahaha..gamit ang BAGO mong washing machine..wahahah

EǝʞsuǝJ said...

@dhianzkee-chan...
napagod yung kamay ko sa pagtatype..pangalan pa lang..hehe

tama..ang purpose mo yung magiging tour guide mo papunta sa lugar na dapat mong kalagyan...

hehe life is beautiful and so are we...joke..

Godbless sis..salamat sa mga advices..:)

@gillboard..
yeah..
nagandahan din ako jan sa msg nian...

kulang pa yung mga nalalaman ko pare..
pero willing akong matutuhan lahat para makamove forward ako..:)

@tonio...
lahat tayo may purpose sa buhay..
just think positive and act on it...:)