Umuwi ka na bang duguan ang tuhod mo dahil tanga yung kalsada at di nya sinabi sayong sesemplang ang dala-dala mong bike na may taling kulay pink na ribbon at may mini-basket sa may harapan? Natalo ka naba sa paglalaro ng jolen at ngumawa ng ubod lakas dahil nagkaron ng "barag" ang mga kanto ng pinakamamahal mong makikintab na Jolen? Naubos ba sa isang iglap ang inipon mo ng bonggang-bonngang mga teks? Na ang ending eh pinagppupunit-punit ng nanay mo dahil halos dun na lang umiikot ang munti mong mundo at ni hindi mo na mabasa yung salitang o-n-e-? Naranasan mo din bang itapon ng nanay mo ang isang plastic bag mong "pog" (yun nga ba tawag dun)--na muntikan niya pang isahog sa paborito mong sinigang dahil imbis na kumain ay bising-bisi ka pa sa paglalaro sa kanto?
Naglaro ka ba ng tumbang preso at nabato ng chinelas sa muka?
Naglaro ka bang ten-twenti at umiyak pag abot kili-kili na ng kalaban yung taas dahil hindi mo na maabot? Chinese garter na naging dahilan ng bonggang pagkabali ng kamay mo at nasemento-ng-di-oras?
Nakipaglaban sa paggawa ng may pinakamaganda at pinakamalayong lyrics ng themesong ng batibot? Nagemo mode ng nag-aklas lahat ng kalaro mo sa kalye dahil dineclare na ng mga nanay nila ang martial law?
Nag-adik sa pacman, mario, circus charlie at kung anik anik pang computer games dahil grounded ka na din sa hindi mo maipaliwanag na dahilan?
Nang nawala ng biglaan isa isa ang mga kalaro mo dahil ang iba nakakasalubong mo na lang eh mga lalaking naka-saya na at ang mga babae eh hindi na daw pwedeng magtatalon at magpakalat-kalat sa kalsada dahil may "bisita" na daw sila???
Nang naiwan kang nakatunganga at tinatanong pa din ang nanay mo ng mahiwagang tanong na: "mama, bakit ganun? bakit lahat sila parang ayaw na saken ngayon?"
Ang sarap sana maging bata ulit. Wala kang alam sa nangyayari sa paligid mo. Dahil hindi pa yun maintindihan ng mura at bubut mong utak. Kung minsan gusto kong bumalik sa pagkabata--para lahat ng malulupit na katotohanan na nalalaman ko ngayon eh maintanggi / maitatwa ng mura kong isipan na nakatutok lamang sa iisang paniniwala : "Na ang paglalaro ay masaya, walang kasing saya"
19 comments:
Tawa muna ako sa unang pangungusap ( lalim nun ah!!!) mo nyahaha, naka fenk pa lolzzz
asteeg nho...hhaha...
barbie barbie pa yun pa yun pare..kakatawa tlga pag naaalala ko ehh..hehehe
Wag ka magulo!!!nagbabasa ako!!!lapit na uwian eh, 4:50PM na!!!
una nde koh makitah pano akoh magkokoment.... andon palah sa gilid... 'ung parang dot dot dot.... medyo hilo na atah kc mejo kanina pa akoh naglalakbay sa mundong blogsphere... teka... feeling close tayoh eh noh eh first time koh kaya sa page moh... nakarating d2 mulah sa page ni kuya [lord] CM... kaaliw naman ang post moh... naaliw akoh... first sentence pa lang nakakatuwa nah... dahil tanga 'ung kalsada... wehe.. ayos... ang galing sa post... yeah kakamiss nga ang mga panahon na bata ka pah at mangmang at inosente pa sa mga bagay bagay... mangmang?.. word bah 'un.. word 'un devah... wehe... sige.. naaliw lang akoh sa post moh... ingatz... Godbless! -di
Nagtataka lang ako sayo Mare, gusto mo pang bumalik sa pagkabata eh mukha ka namang bata gang ngayon...oh yeah?!!!Kinilig ang jentot, maihi ka jan ah lolzz
-CM-
mmya na uwi..blog muna..nyahaha
-Dhi-
tenks sa pagkocomment!
hehe..
nakatgo pla sya?
madami ngang nagsasabi pero eventually nakikita namn nila yung comment form..di bale papalitan ko template ko pag nagka-excess time ako..salamat ulet! see you around..
-CM-
nyakss..
honga eh. salamat sa papuri pare...(teka papuri nga ba yan?)..haha..
may mga bagay kasi pare na mas ok at masaya nung bata pa ko..di kagaya ngayon....daming epal sa pligid eh..haha
parang kakakumento ko lang dun sa isang post mo ah... sinisipag ka ata ngayon?
uu nga noh..sarap nga maging bata..
skinned knees are better than broken hearts daw..
at di hamak na mas masarap pakinggan ang sermon ni inay kesa sa lintanya ni boss..
ay naku!!!
-Gillboard-
pakiramdam ko kasi dahil sa amats eh dadalwin na ko ng antok ngayong araw na to kaya prodaktib si utak..hehe..pati sa work din ayus ako ngayon..pero ngayon lng..ewan ko bukas kung ganto pa din..hehe
-Vanvan-
yeah..tama ka jan...
kahit masugatan at mapeklatan ka pa ng isandaang beses..mas ok yun...
mas ayus ang sermon ni inay..
at di hamak na mabango si inay kesa sa boss ko..nyahaha
ayaw ko nang maging bata...sakit kaya mapalo sa pwet...
Wow! batang 80s! Ilan diyan ay naranasan ko na yata pero sa huli, masaya!
1991 ng maging grade one ako..inabot ko lahat ng yan..lalo na yung pogs na pinauso ng isang brand ng soft drink
pinakamasaya yung mario three sa family computer, pati yung street fighter
sana nabanggit mo yung usapang tatanka-yokuzuna na kinahiligan ng mga lalaki nuong uso pa ang world wrestling federation..
in fairness, napataw mo na naman ako
hahahahaa
LOLZ...naalala ko ulit kabataan ko.
isa lang ang masasabi ko...
matanda ka na rin tulad ko!....hahahahaha..
sali ako...anu laro?.. gusto ko "langit lupa" tapos ikaw taya... ahahaha...
pero ang tanda nyo na no?..inde ko na naabutan ang mga yan...counter strike, dota, PSP, at mga online games na yata naabutan ko... ahahaha... juks...
pero sa totoo lang wala na tlaga akong makitang mga bata ngayon na naglalaro ng tumbang preso, taguan, ang famous na "langit lupa"... haysss kaya kadalasan ng mga kids ngayon mga itsurang patabaing baboy na...ahehehe...
pahabol: anu ba yung teks na naabutan mo..yan ba yung maliliit na parang komik strip sa pelikula o yung mga power rangers na?... try mo din ang POGs na pina-uso ng Coca-Cola noon..da best..aahehehe..
naka kamiss talaga..yung wla kang pino problema sa buhay kundi maglaro..
-b1-
hahaha
ayus lang yun,
mas ok naman yun nho...
-Klet Makulet-
batang 90's ako..!!!!
hahah (todo deny)
nyhahaha...
slamat sa pagdaan!
-Lola Eric-
hmm...halos magka age range pala tayo...
kakarelate ako sa mario three..
hehe..lalu na kung pano ko nahirapan na matapos yung world 8 dun!hehe
naku hindi ko kasi hilig yung WWF kaya hindi ko na nabanggit..
salamat Lola..hehe..see you around!:)
-PaJay-
haha..
hindi proF..
ikaw lang yung matanda..
preho lang tayung isip bata kaya ganun..nyahahah
pagaling ka ProF! :)
-super G-
hehe
teka wag ganun..
maiba taya..sali pa naten yung iba para masaya..
hindi na kase safe maglaro sa may kanto ngayon eh kaya rin siguro nasa bahay na lang sila at pinapataba ng mga magulang nila sa harap ng tv..:(
preho kong inabutan yung teks na nabanggit mo:)
natalo ako ng isang plastik bag ng POGs nung dati..kakapanlumo eh..nyahaha
-krisleR-
yeah..
pero ayus lang yun...
at least once in a while eh magreflect ka sa kabataan mo para maging masaya ka in the present..:)
namiss ko ang kabataan ko...
tandang tanda ko pa. ang paglalaro ng teks, isang dangkal ang taya. haha
naglalaro ng tanghaling tapat, ayaw matulog, matigas ang ulo. kung san san nakakaabot.
kakamiss talaga. :)
Post a Comment