Paboritong inumin ng eks way sey ko ang C2. Hindi,hindi sya mataba --katamtaman lang ang pangangatawan niya. Pag magkasama kami, para kaming magkuya. Pag magka-hh kami, para niya kong kinakaladkad. Wahaha. Kasalanan ko bang tulog ako ng magsabog si Papa God ng height???!!!???. Pero walang kwenta kausap tong taong toh. Toksyit. (Sige mura pa..habang libre pa, bukas may bayad na yan). Magpapakasal na sya ngayong bwan na toh. At base sa pagkakalkula ko - isang eks ko na lang ang hindi pa ready sa married life..."Tol, wag mo na ko antayin, nyahaha..dahil hahanap na ko ng fafa dito!"--joke
Sabi nila, matalino ako. Sabi nila mabait ako. Sabi nila seksi ako..gwaarkk.., kyut din naman kahit papano. Pero sabi lang nila yun. At hindi ako naniniwala dun. Hehe.. San na nga ba papunta tong wentong toh? Hmf. Ayun, kaninang umaga may stalker na naman ako. Putek na yun. Nakangisi sa may kanto sabay sumunud-sunod na sa paglakad ko. Mabuti na lang d'best ang killer eye ko. No match si manong --sabay banat ko ng linyang: "Follow me, and I'll take you to the police"....agang-aga nosebleed.
EQUATION...
Balance = Credit + Debit * kupit...yung kupit part natutuhan ko yan kay B1...Mahilig kasi manabotahe ng mga equation ang amo ko. Kaya tuloy ngayon, hanggang sa pagtulog ko, parang kasa-kasama ko na din ang trabaho ko. Isa pang useful equation...
c2=a2 - b2 (tama ba?)
pero may bumulong..Dont spill the jelly beans daw. Ok fine.. Kaya nga ganito ang dating ng post na toh dahil sa dont spill the jelly beans....
BATANG ISIP...
Naalala ko pa yung palabas na Marco. Hindi yun tungkol kay Marco na blogger ahh. Yung Marco, yung batang nagpapalabas sa mga kalye. Yung malupet yung blush on sa pisnge. Sa channel 7 ata palabas yun. Pero hindi ako hooked sa wento nun, masyado kasing madrama, tragic, wala man lang comedy. Ang inaabangan ko dun eh yung Theme Song. "Chao Marco chao, (chao marco!)"
At syempre, wala na nga atang patutunguhan tong post na toh. Ipa-plug ko lang pala na medyo abala ko. Hmm..konti lang naman. Pero ok lang dahil ito naman ang hiniling ko kay Papa God. Napakalupit ng panahon at ako eh napadpad sa pagiging asst. wedding coordinator. Nakakawindang. Hehe. Mas mahirap pa sya sa trabaho ko dahil unti-unti niyang kinakalkal ang mga alaala ko na tinatago ng wanport kong utak tungkol sa lab na yan. At syempre, gagawa pa nga pala ko ng entry para sa slogan contest. Hmm..Dami-daming gagawin. Kaya mabuti pa siguro wakasan ko na to. I mean tong post na to..Hihih..See yah!
6 comments:
based..haha..una ko mother earth...:P...nararamdaman kita..may third eye ako...:)
naku naman! hindi kinaya ni mother earth ito! dapat si mother earth ang una dito!!!
may pagkamalabo ang equation. kahit sinong henyo ay hindi masasagutan ng ayos ang equation na binigay mo. magulo sa magulo ang inilahad mo.
i-revise! yan ang sigaw ni mother earth! i-revise!!!
at ang mga koneksyon. may kaunting kaguluhan. hindi maintindihan ng napakatalino kong utak. ang suggestion ni mother earth??? i-revise ang buong entry! now na! hahahahaha
yours truly,
-mother earth-
ang gulo...xenxa na di ako math olympiad e... lolz
akala ko rin ako yong nabanggit mo... tsk dami rin palang marco na pangalan sa mundo. tsk tsk tsk...
nosebleed!
d ako makarelate! pero binasa ko lahat!(lol!)
have a nice day!
ayus yang may pinagkakaabalahan ka.. para mas mabilis makalimot.. hehe
@mother earth...
tinatamad ako magrevise
kung gusto mo po eh ikaw ang gumawa
ibibgay ko sayo ang password ko at eadd..:P
adik ka mother earth..
@marco...
honga eh..
akala ko din ikaw yun..
hehehe...
pero hindi pala..nyahaha
@ate bhing...
mahirap unawain..
kahit ako ndi ko naintindihan ehh..
hehehe..
@gillboard...
hindi kaya madali yung ganun..
takte..
sige nga maya't maya labsong naririnig mo, tingin mo magiging ok ka?
Post a Comment