4.5.09

Hindi pala totoo

May mga bagay na pilit nating tinatanggi. Mga mahihinang hinaing na ating naririnig pero pinipili nating magbingi-bingihan. Minsan, plakard na lang ang kulang para mapabatid satin ang isang mensahe - hindi pa din natin maintindihan. Bakit kaya ganun? Bakit kaya hindi niya maramdaman? Alam niya kaya pero nagtatanga-tangahan lang sya? Naririnig nya kaya pero nagbibingi-bingihan lang sya? Naiintindihan niya kaya pero nagtatanga-tangahan pa din sya? Kakainis. Kakabwisit. Bakit ganun? Umabsent pa naman ako. Iniwan ko ang nakakaadik na trabaho ko para makasama ko sya, tapos ganito.

Unang plano namin eh panoodin ng magkasama si Wolverine.. Pero ayaw niya daw,dahil di nya kilala yun- kaya dinner date na lang ang pinlano ko kasama na din ang konting stroll sa mall. Maya-maya pa ay dumating ang kapitbahay namin at niyaya syang magpunta sa kung saang impyerno. Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila. Tahimik akong nagmasid. At medyo umubo ubo para maalala niyang "ako" ang date niya sa araw na to. Na naginvest ako ng wanport sa mahahalagang oras ko para makasama sya na lumabas.

Nang marinig ko syang umoo-- na "Sasama kami anak,sige at magpunta tayo dun!" nag-iba na ang mood ko. Nainis na ko. Tuluyan na kong nanahimik at kumubli sa kadiliman. Nang yakagin nya ko upang umalis, sinabi kong "kelangan pa ba ko dun?" ......

9 comments:

Klet Makulet said...

mahirap magplano. kaya dapat biglaan. yung biglaan kasi ang natutupad. di ka pa maiinis :P

poging (ilo)CANO said...

kung silay mahal mo, magplano....lolz..

taragis ako ngayon B2...lolz..

Anonymous said...

Eh why don't you say it out loud na ikaw ang ka-date nya at nag invest ka ng ras para sa kanya..

Kung minsan di mo kailangan ngkung anu anong plakard sa manhid na tao tulad nun, kung minsan kailangan i-head butt mo rin.. Para matauhan! Nyahahaha! Absurd.

Joke lang ha.. Minsan kasi intentionally dense ako.

Ken said...

akala ko kung ano ang hindi totoo. hehehe, i check out akala ko may entry ka din. salamat, salamat kapatid, sa suporta at tiwala, naks para akong kandidato?

hmmn, nakakainis talaga ang ganun, pero mas mabuti na yun nalaman mo na ganun na pala yun, yun na yun di ba.

kitakits jen!

gillboard said...

Ganyan talaga kaming mga lalake... tanga... nasa harap na, di pa rin nakikita... be patient.. matatauhan din yan.. hehehe

pero kung di mo na kaya hintayin.. sabihin mo na.. kung gusto mo naman talaga. Di na uso ang maria clara... baka maunahan ka pa ng iba!!!

EǝʞsuǝJ said...

-Klet Makulet-
oo nga, minsan tlga ganun lang ehh..

pero ok lang..naging masaya pa din namn kami kahit papano..:)

-b1-
jadeekk!!!

sino si GIRL?..

pakilala mu naman sken para mapintasan este matignan ko kung ok nga para sayu..nyahaha..joke

-Dylan-
ok lang..
discreet type kasi ako pagdating sa mga gusto at ayaw ko..
kaya siguro ganun lang ang ginawa ko...haha..

2ngaw said...

Tanggapin na natin un...minsan talaga hindi nila nakikita o naaappreciate ung ginagawa natin para sa kanila...ang mahalaga sinubukan mo gawin...okey na un Mare...

EǝʞsuǝJ said...

-Kuya Kenji-
heheh

let it be like that kuya..

pag di para sayo it can never be yours kahit na anong gawin mo...:)
just accept things as it is..it will help you alot..

-Gillboard-
pareng Gil..
nilalaglag mo ko...hahah
hindi obvious..joke..

hmm ehh..kelangan ko pa ba maglagay ng plakard?
tsktsk..
pagod na kasi ako...
ayaw ku nang mag-antay:(

EǝʞsuǝJ said...

-Cm-
kunsabagay..
at least ive tried...
kesa naman hindi di ba?
anyways nakalabas pa din nmn kami kahapon...
the original plan was messed up. pero i saw her much more happier with the place that we went instead..ayun..mas ok..hehe