3.5.09

Paunang Sulat

Naynay,

Nagbasa ko kahapon ng isang libro na pinahiram saken ng isa kong kapatid sa paniniwala dito sa lugar ng mababahong nilalang. Wala kasi kaming tv ngayon dahil hindi nabayaran ang bill dahil pinambili ng "slimming pills" ni Tita. Homework ko yun at kailangan kong matapos basahin hanggang byernes, pero dahil ako eh batung-bato kagabi (kahit na puyat na puyat na ko at antok) hindi pa din ako nakatulog ng maaga dahil maingay ang paligid kaya pinagpasyahan kong pagtuunan ng pansin ang librong yun.

Kasabay ng paglipat ko ng mga pahina ng aklat ay ang aking muling pagbalik sa ating mga alaala habang magkasama pa tayo, habang ako ay musmos pa lamang at wala pang nalalaman sa malupit na mundong ginagalawan natin ngayon. Habang ikaw lamang at si Taytay ang aking hinahangaan at tinitingala sa pagmamahal at pag-aaruga na inaalay nyo sa amin ng aking mga kapatid. Kung paano mo hinubog ang aking asal, kung paano mo ako pinatatag at pinalakas sa pamamagitan ng iyong mga salita at pangaral.

Naalala ko pa, sa maraming pagkakataon ay nagaaway tayo. Hindi ko nga lubos maisip na sa aking paglaki, magiging magkasundo tayo. Na sa bawat isang hibla lamang ng iyong mga pahayag, agad na nadudurog ang munti kong puso at sinisiwalat sa iyo ang maliliit na hinanakit na pilit kong itinatago sa inyo.

Nahihiya akong umamin ng nararamdaman kong paghanga at pagmamahal para sayo. Ang sabi nila, kung sino ako ngayon eh utang ko sa aking mga magulang. Sa twing may nagsasabi sken na "maswerte ang mga magulang mo, dahil isa kang mabait na bata", agad ko silang sinasagot ng: "mas maswerte po ako dahil sila ang naging mga magulang ko!"

Nalulungkot ako na kailangan nating mabuhay ng magkahiwalay. Na sa ym, tawag at text na lang kita nakakausap ngayon. Na hindi ko na nakikita ang mga ngiti mo sa twing bibiruin kita ng mga corny kong joke. Na hindi ko na natitikman ang luto mo. Na hindi ko na naririnig ang maingay mong sermon pag nagpapasaway ako sa araw araw. Na hindi ko na naririnig ang boses mong nag-aalala pag may sakit ako.

Hindi ko alam at hindi ko mahanapan ng paraan kung paano ko gagawin na makabuluhan at espesyal ang araw ng mga nanay na kagaya mo. Kaya sana, sa maliit na paraan na naisip ko eh mapadama ko sayo na mahal na mahal na mahal kita!..:)..Advance Happy Mother's Day sayo! :)

Laging handang mangulit sayo,
EǝʞsuǝJ

15 comments:

Dhianz said...

pa-based?

Dhianz said...

yahoo! nakabased akoh! =)

Dhianz said...

kanina pa akoh daan nang daan d2 nde koh man lang napansin na may bagong post kah... alam moh bah pano koh nalaman... kc napadaan akoh kay marco paolo... ayonz... nakitah koh don... nde koh napansin sa page koh.. tsk!.. eniweiz.. hmmm... 'la akong life eh noh?... kanina pa akoh pagala gala lang... pero nag-break naman akoh kanina.. at kumain... nde nga akoh nakanood nang laban ni pacman... 'lah eh excited akoh masyado sa laban ni pacman nde akoh nakanood... opposite... sori not into him tlgah.. but i'm happy kc he's representing all of us... representing pinoy... and kakatuwa cuz nanalo syang muli... nabalitaan koh lang kay google... =)

teka pabasah...

EǝʞsuǝJ said...

-DHi-
hehe..
kahit ako, nung tinanong ako kahapon ng mga kasama ko sa haus kung sino gusto kong manalo..si hatton yung sagot ko..buti na lang di ako pumusta..kundi talo ko..nyahahah

aww ganun ba?
akala ko kasi tlgang hindi nalitaw yung updeyt ng bago kong posts kaya hindi mo napansin..hehe..happy reading..handa ka ng tissue.hehe

Dhianz said...

alam moh bah... nabasa koh na at nagkokoment na akoh kanina d2... tapos biglang nag-freeze ang computer koh... waahhhh.. lolz.. so ayonz.. 'la.. nawala lahat...kinukuwentuhan pa naman kitah... tsk!... teka.. kukuha lang muna akoh nang energy... para magkoment muli nang ayos... haha.. buti na lang nde kah pumustah.. tsk!.. talong talo kah sana ms. jenskee... teka masyadong pormal atah... tawagin na lang kitang sis jenskee... ayos lang bah sau 'un?... sige... babalik... =) post koh nah bago akoh mag-freeze uletz... lolz.. ingatz.. Godbless! -di

EǝʞsuǝJ said...

-Dhi-
no probz..
"sis" hehe..slamat sa comment..
mejo nabisi lang, dumating ang mga papeles na ayuko pa sanang gawin ehh...
hehe..
ayun..GB din..TC:)

=supergulaman= said...

weeepeee...advance happy mother's day sayo...este...sa nanay mo pala... aheks...

uu nga monther's day na naman pla...isa na naman ibig sabihin nun...kailangan ko na nmn siya i-treat...aheks...ayuz na ayuz...mabuhay ang mga nanay... ^_^

gillboard said...

next week na ba mother's day?! la na ako pambili ng regalo!!! waaaah!!!

EǝʞsuǝJ said...

-supergulaman-
hehe
tenk yu pare...

yes..mabuti ka pa maiti-treat mo sya..ako matatagalan pa..

-Gillboard-
yeah...
heheh..
mabuti na lang ako nasa malayo..nyahaha..joke

2ngaw said...

Happy mothers day sayo Jentot, ay!!!sa naynay mo pala...kala ko magulang ka na rin eh :D

Word Verification : marie

poging (ilo)CANO said...

isang makabagbag damdamin na sulat ang iyong obra ms. adikta..hahaha

moders day na ba? di ko lm un ah...d kasi ako moder eh.....lolz..

EǝʞsuǝJ said...

-CM-
slamat pare!...
sayo din..
este sa nanay mo chaka sa misis mo..

-B1-
adik..
maglaba ka na lang gamit yung bgo mong washing machine..:)

Hari ng sablay said...

hapi mothers day sa mommy mo tska sa mommy ko...

@>---

flower 4 ur mom, snsya na mdyo pangit,hehe

Dhianz said...

uy! nde na atah akoh nakabalik agad... so etoh akoh muli... i really luv ur entry...a very touching post about 'ur mom. yeah kakamiss nga yan kc magkalayo kayoh. and yeah not easy pero okz lang. darating den ang panahon na masisilayan moh muli ang mga ngiti nyah sa mga korni mong joke, matitikman moh muli ang sarap nang mga luto nyah at mararanasan moh muli ang masermunan dahil sa katigasan nang ulo moh. lolz. pero para ren naman sa kanilah at sa mga mahal moh sa buhay ang ginagawa moh. so okz lang yan. magiging worth it lahat nang sacrifices moh. kaya naman advance happy mother's day den sa mom moh.... ingatz lagi sis jenskee. Godbless! -di

EǝʞsuǝJ said...

-Hari ng Sablay-
tenk yu tenk yu ng marami sa rose!
heheh..rose nga ba yan?
HAPPY MOTHER'S DAY din sa mama mo!

-Sis Dhi-
lamt..honga ehh..ilang yrs na lang and all sacrifices will evntually be worth it...slamat..advance happy mother's day din sa mom mo..