14.5.09

Sayang

Kapag ang isang bagay, hindi ko na kailangan...tinatapon ko na, o kaya naman ay pinamimigay ko sa iba, tska lang ako nagsisi pag nakita kong hawak na ng iba...

Bitbit ang kanyang gamit ay iniwan niya ako sa ilalim ng puno ng acacia. Tahimik akong tumangis at tinanong kung "Bakit ganun kalupit ang binitawan niyang mga salita". May ilang minuto din akong tahimik na nag-isip. Tila wala sa aking sarili ay tinungo ko ang aming tahanan.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng aking ina, sabay tanong: "Anung nangyari at nagmumugto yang iyong mga mata?". Isang mapait na ngiti lamang ang aking itinugon at kaagad kong tinungo ang aking silid. Sa aking silid ay kinuha ko ang aming mga alaala....sulat na ginawa niyang eroplano para maparating saken, candy wrapper na may nakasulat na "ily" sa loob, tuyong bulaklak na aking inipit sa aming paboritong aklat, mga larawan na nagpapakita ng aming matamis na pagmamahalan, at....muli kong sinipat ang makintab na butil na hanggang ngayon ay suot ko pa din..ang singsing, na simbolo sana ng aming walang hanggang pagmamahalan. Subalit...eto ang nangyari...

Maya-maya pa ay nakatulog ako. Sa pagtunog ng aking telepono ay nagising ako. Pinipilit kong dumilat subalit ang aking mga mata ay tila nagdikit ang mga talukap dahil na rin sa natuyong mga luha na hindi ko pinagdamot na umagos mula sa aking mga mata. Nang sa wakas ay naimulat ko ang aking mga mata, agad kong kinuha ang aking telepono : "1 MISSED CALL", nang tignan ko kung kanino nagmula--nagsimula na naman akong masaktan, at nagsimula na namang tumulo ang mga luha......

Maya-maya pa ay narinig ko si Inay na kumakatok sa aking pintuan. Subalit nagpanggap akong walang naririnig, at nanatiling nakatanaw sa bughaw na ulap. Habang naririnig ko si Inay na sumisigaw sa labas ng aking silid :

"Roberto, lumabas ka jan at sabihin mo saken ang problema mo!!!!"

20 comments:

A-Z-3-L said...

kow.. si Roberto.. iyakin ata...
kamag-anak ba yan ni RobertA? lolz!

broken-hearted pala sya... sana mabuo muli ang puso nya. dahil masarap magmahal kasing sarap un ng mabuhay!

2ngaw said...

Roberto real name mo mare?!!!

EǝʞsuǝJ said...

@azeL...
wahahaha...
adik ka..paberger ka muna bago ko sabihin..nyaahaha

sana nga sana nga..
tsktsk..
alam nia naman siguro yun,..pinipili nya lang na masaktan..:(

@cm..
haha..
hindi pare..Roberta..nyahaha...
kakambal ko yan si Roberto..joke

2ngaw said...

Hehehe :D Kala ko nagbago ka lang ng anyo eh...

Visyel said...

Sino si roberto?

Anonymous said...

ang duda ko si Roberto eh may malaking koneksyon kay RobertA...
si azel akse eh.. pinadalhan ako ng berger dito kaya ahehehehehe

basta ang masasabi ko lang, mag-ingat sa mga binibitawang salita DAHIL, hindi mo man pansin, nakikita kugn ano ang tunay na laman ng iyong damdamin sa iyong mga sinasabi... and the saddest truth about it is that u dont have the slightest idea about it..
wag gumitna si roberto... hindi pwedeng laging nasa gitna...
subkan nyang kumanan o kaya kumaliwa...
hindi masama sumubok kuyng minsan..
adios!

-yanah-

EǝʞsuǝJ said...

@cm...
hinde..hehe..

@visyel...
si roberto eh isang kathang isip na nilalang lamang..oki?hehe

@yanah...
okei..
madami ka na nmng alam jan?
heheh...

hmm...
ang sabi niya..
mag iisip daw muna sya..
hehehe

JOSHMARIE said...

KAYA NGA SABI NI BOB ONG HUWAG MONG BIBITAWAN ANG ISANG BAGAY NA HINDI MO KAYANG MAKITANG HINAHAWAKAN NG IBA.

GANUN TALAGA. YOU'LL NEVER KNOW WHAT YOU'VE GOT UNTIL YOU LOSE IT.

poging (ilo)CANO said...

hahaha..sabi ko na nga eh!

BAKLA ka!..lolz...jok

Roberto para na rin BERTA...hahha

teka, lagi ata sa post mo ang puno ng acasia...d kaya isa kang aswang...yun nga! berta pag umaga roberto pag gabi...hahaha....

krisler said...

ooohhhhhh..roberto, mama's boy b siya?..hehe..

The Pope said...

natawa ako, pang MMK pa naman ang takbo ng istorya, si Roberto naman pala ang nasa kwarto hahahaha,

"Lumabas ka dyan at magsaing" sigaw ni Nanag.

Life is beautiful, keep on blogging.

Kosa said...

bakit, kinakain ba ang ngiti at nalasahan ng nanay mong mapait ito?
ahhh... napanisan ng laway..lols

nahihiwagaan ako sa mga huling post mo! nagdadalaga ka na nga talaga..

at malamang sa malamang eh lumalandi ka na..hehehe peace

Deth said...

andrama ni Roberto...pero naguluhan ako, parang ang arte ni roberto ay mala-roberta...

Ang buhay ay parang sine said...

Juding ba si Roberto? Hehe. Lols.

Ala lang. Napakadrama naman niya na para bang isang eksena sa isang pelikula. Awww, nakabuo ako ng rhyme! Hehe.

EǝʞsuǝJ said...

@joshmarie...
oo nga..tsktsk..
eh ang tao nmn kase ganun..
di nila pinapahalagahan ang isang bagay pag nasa kanila pa...:(

@b1...
adik ka..
ppakalmot kita kay wolverine..:P

isa akong engkantao..nyahaha
wag kang makielam..
magsumbong ka na lng kay ate charo..

@krisler...
oo mama's boy xa..
pareho kasi silang gusto eh boy..nyahaha

Hari ng sablay said...

roberto?sinasabi ko na nga ba lalaki ka! haha

kaya pala...wala. biro lang po.lols
gusto ko ung unang quoted line,mgaling ka tlaga pare.

EǝʞsuǝJ said...

@the pope...
balak ko po kase sanang gumawa ng entry para sa MMK, kaya lang parang sa komiks lang pupwede ung nagawa ko..nyahaha

"Di ako marunong magsaing Nay!"

salamat po!:)

@bogart...
oo..
mga 2days kase syang di nagtutbras..kaya mapait na.,..:P

mahiwaga ba?
dahil ba yung setting eh laging nasa puno ng acacia?
tsktsk hindi ako late bloomer pare..

haha..adik..
kitakits..:D

@Deth...
babae sa puso at isipan si roberto..
nyahaha..
kaya to the highest level xa magemote..hehehe

EǝʞsuǝJ said...

@chazel..
oo bading xa..
heheh..at maxado xang nagdadrama..
heheh..sinubukan ko lang maging madrama...tsktksl..balik comedy tayo bukas..:)

@HNS...
hahaha
pwede rin pare..
salamat salamat...pusong lalake ako minsan pare..pero babae po ako..hehehe

jastine said...

roberto daw oh......hahaha

ate..ksi alam mo....hahaha..ahemmm..
un nga..mare-realize mo ang worth ng isang tao o bagay kpg nwala n sau....(ang dming alam oh)..

wla p nmng nwwla skin..umm..ang pogeh nga eh...
ndi mo inaasahan ang nangyyri....chikret n ung iba!
hahaha....

batang narS said...

ahahahahaha..
another bob ong's kowt:)

akala ko kung sino..si roberta lng pla:)