2.5.09

Amats

Tinamaan na ba kayo ng sobra? Yung sobra sobra na hindi ka na halos makalakad pauwi? Yung sobra sobra na hindi ka na halos makausap ng matino ng mga taong nakapaligid sayo? Sobra sobrang iyak-tawa na ang ginagawa mo? Hmm..Ako? Change topic..Joke.

Matagal na kong naglalaway sa alak. Simula ng dumating ako dito sa lugar ng mababahong nilalang, dalawang beses ko pa lang napupunan ang pangangailangan ng bahay-alak ko. Una eh nung beerday ni ate liezel, (roomie ni biiba), next eh yung christmas celeb kanila renee. Kita nyo, anung petsa na ngayon. Matapos nun, patikim-tikim na lang ako ng shot ng beer kapag may videoke marathon sa may kanto. Nyahah. Sa bahay kasi namin, bawal uminom ng alak. Bawal ang makasalanang gawain. In short, parang semi-kumbento. Pero sabi nga nila, the more na binabawal ang isang bagay, the more na naghahanap yung mga pinagbabawalan ng paraan para labagin yung nabuong batas. Ang usapan sa kulto - 100% pure. Hindi ka pwedeng mag-inom, magmura, manlait, at kung anu-ano pang chever na aminadong -aminado ako eh gawain ko. Napakahirap naman. Sobra. Kaya nga madalas akong hindi nakikita sa mga pagpupulong dahil pakiramdam ko palagi eh hindi ako "worthy" na mapahanay sa listahan ng mga sisterette na nagbibigay payo sa mga nangangailangan. Utak ko kasi minsan eh palyado din. Lalu pa't panahon ni insomnia ngayon. Teka, lumalayo na sa putukan yung wento ko..Nalasing na ata ako..

Hik
Hik
Hik
Gwaaaarkk.. hanggang sa tawagin mo na yung uwak pag sobrang hilo ka na at hinding-hindi mo na kaya yung alkohol sa katawan mo. Magiging tisay ka na ng di-oras. Magiging maningning na din ang iyong mga mata. Lahat ng kainuman mo boypren mo na at lahat ay sinabihan mo na ng "aylabyu". Pag pumalag sisigawan mo. Pag tumanggi sa tagay, babatukan mo. Pag nakita mong humahapay-hapay na ober hir and there, sisigawan mo at tatanungin kung "lasheng ka na ba pre?, yun pa lang, lasheng ka na? hina mo nman pala ehh". Kukunin mo ang mikropono at babanatan mong kantahin ang Someday ni Nina at gagawin mong disco version dahil naiinip ka sa takbo ng kanta, "dang bagal naman neto.." yun yung angal mo hanggang sa makita mo tinulugan ka na pala ng mga kainuman mo dahil boring yung kinanta mo. Nyahaha.

Paggising mo kinabukasan, bibisitahin ka ng kakaibang sakit ng ulo. Mas kilala sa tawag na hang-over. Hmm..Pag tinanong ka kung bakit masakit ulo mo, todo deny ka at sasabihing migraine na naman, pag wala kang gana sa pagkain, same reason ka pa din, pero yung tinatakasan mong problema....buhay na buhay pa din sa utak mo.....tumatakbo at masayang-masaya habang ikaw, nanghihina at masakit ang ulo...nabawasan pa allowance mo pang-share sa toma nyo...grrrr...

7 comments:

EǝʞsuǝJ said...

adik ka kase..
ayan tuloy napapala mo..
hahaha...

2ngaw said...

Tigil na kasi ang bisyo mare, masama sa katawan yan....bukas na lang uli :D

EǝʞsuǝJ said...

Pare minsanan lang naman, sa sunod na dekada na ulit ang ulit nun panigurado! hehe..

lenz said...

gosto ko yan trip mo inuman namiss ko na rin ...

gillboard said...

the best cure sa hang-over... isa pang bote ng beer... totoo yun!!!

EǝʞsuǝJ said...

-lenz-
hehe..
minsanan nga lang eh..nakakamiss

-Gillboard-
sabi nga nila..
pero juice yung ininom ko kanina bago umuwi..wala ng mabiling beer eh..hehe

poging (ilo)CANO said...

kunwari ka pa jan......nung nakaraang araw tumagay ka lang...lolz...

alak pa...hik....

miss ko na rin alak...kung bakit kasi bawal dito...